Balangue, Sarmiento, Gamad, Fajardo, L. Domingo, Madamba, Pagsambugan
4.13.7 – Pagkilala Bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano-ano ang nakitang katiwalian ni Rizal sa kanyang sariling bayan? - Nasaksihan ni Rizal ang baluktot at hindi makatarungan na pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas, sa ating bayan. Dahil sa mahabang panahon na tayo ay sinakop ng mga dayuhan, malawak ang naging implywensiya nila sa mga Pilipino. Tulad ng Pananalita, Tradisyon, Relihiyon, at marami pang iba pa. Dito ay napansin ni Rizal ang hindi makataong gawain. Pilit silang pinagbabayad ng malaking halaga ng buwis at kung hindi makapagbabayad ay may kapalit na parusa. Nasaksihan ni Rizal ang pagtrato ng mga dayuhan sa mga Pilipino na para bang mga alipin at mangmang. Ito rin ang dahilan kung bakit niya sinulat ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. 2. Ano ang nagtulak sa kanya upang mangibang-bansa? - Ang nagtulak kay Rizal na mangibang-bansa ay ang paniniwala niya na sa pamamagitan ng kaniyang paglalakbay at pag-aral sa ibang bansa ay mas lalo pang makalalaya at mahahasa ang kaniyang isipan. Sa ibang bansa ay nag-aral siya at naging doktor ng mata. 3. Sa pamamagitan ng timeline, itala ang mahahalagang pangyayari na dinaanan ng buhay ni Rizal sa pagsusulat at paglalathala ng El Filibusterismo. - Oktubre 1887 Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobela ni Rizal, at ang sikwel ng nobelang Noli Me Tangere. Ito ay sinimulan niyang isulat noong Oktubre 1887 sa kaniyang tinubuang Calamba. - Pebrero 3, 1888 Sinasabi ng iba na sa London inumpisahan ni Rizal ang El Filibusterismo habang tinatapos pa niya ang Noli Me Tangere. Dahil sa patuloy na may nagbabanta sa kaniyang buhay ay bumalik siya sa ibang bansa, at Nilisan ang Pilipinas noong ika-3 ng Pebrero 1888. - Pagpatuloy sa pagsulat Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya at bahagdang natapos ito noong ika-29 ng Marso 1891. - Pagpapalimbag ng El Filibusterismo Dahil sa kahirapan sa pagpapalathala sa Noli Me Tangere nanirahan siya sa masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para lámang maipalimbag ang kaniyang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press, Ghent, Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-labis ang pagtitipid na ginawa nito para lamang maging matagumpay ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo. - Setyembre 18, 1891 Dahil sa kakulangan sa pera, napilitan si Rizal na magtipid sa pagkain. Kalaunan ay nasangla na niya lahat ng kaniyang mga alahas kaya wala na talaga siya makukunan ng pera. Kung kaya’t muli siyang humingi ng tulong ngunit natagalan bago dumating kaya noong ika-6 ng Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo'y nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni Rizal mula kay Valentin Ventura. Ang ikalawang nobela ni Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong ika-18 ng Setyembre 1891. - Ang El Filibusterismo ay inalay ni Rizal bilang pagpugay sa GOMBURZA o ang tatlong paring martir na binitay. 4. Bakit kaya masasabing nobelang politikal ang El Filibusterismo? - Masasabi na isang nobelang politikal ang “El Filibusterismo” sapagkat ito ay sumasalamin sa mga suliranin sa ating lipunan at sa mung anong klase ng pamamahala ang mayroon tayo noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Ang “El Filibusterismo” ang nagsilbing sandata ni Rizal laban sa baluktot at hindi makatarungan na pamamahala ng mga dayuhan. 5. Bakit kaya nataguriang "makamandag" ang nobelang Noli Me Tangere"? - Ang nobelang “Noli Me Tangere” ay itinaguriang “makamadag” dahil ipinakita dito ang lahat ng hindi magandang gawain ng mga namamahala noong panahon ng mga kastila. Ipinapakita sa nobela ang pang-aabuso sa kapangyarihan, ang mga kasakiman, at grabeng pangmamaliit sa mga Pilipino. Hindi natuwa ang mga Kastila sa ginawang ito ni Rizal, sa pagbunyag ni Rizal ng kanilang mga katiwaliaan at pang-aabuso sa mga Pilipino. Ang nobelang “Noli Me Tangere” ang nagpamulat sa mga Pilipino sa lahat ng baho ng mga Kastila. 6. Magsaliksik tungkol sa tinaguriang GOMBURZA. Sino-sino ang mga ito? Ano ang halaga nila sa kasaysayan ng Pilipinas kaya sa kanila inialay ni Rizal ang nobela? - Ang “GOMBURZA” ay ang pinagsama-samang mga apelyido ng tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Sila ay tumutol sa kawalang katarungan at lumaban sa mga mapanupil na prayle at ipinakita ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kalayaan at karapatan. Ngunit sila ay binitay pagtapos idawit ng pamahalaang kolonyal at mga prayle sa nabigong pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang pagbitay sa GOMBURZA ay nagdulot ng mas matinding galit sa mga Kastila, at nagbigay ng lakas sa mga Pilipino na magkaroon ng reporma sa pamamahala sa sariling bayan. Inalay rin ni Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na “El Filibusterismo” sa GOMBURZA upang sila ay hindi makalimutan, at alalahanin din ang iba pang mga biktima ng lahat ng kasamaan sa ilalim ng gobyernong kolonyal ng España.