You are on page 1of 59

Migrasyon

Migrasyon
tumutukoy sa proseso
ng pag-alis o paglipat
mula sa isang lugar o
teritoryong politikal
patungo sa iba pa
maging ito man ay
pansamantala o
permanente
Mga Dahilan
• Hanapbuhay

• Kaligtasan

• Panghihikayat ng mga kapamilya o


kamag-anak na matagal nang
naninirahan sa ibang bansa

• Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal


na kaalaman partikular sa mga bansang
industriyalisado
Flow at Stockfigures
flow
tumutukoy sa dami o bilang ng
mga nandarayuhang
pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon na
kadalasan ay kada taon.
Madalas ditong gamitin ang
mga salitang inflow, entries or
immigration
flow
kasama din dito ang bilang ng
mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na
madalas tukuyin bilang
emigration, departures or
outflows
flow
kapag ibinawas ang bilang ng
umalis sa bilang ng pumasok
nakukuha ang tinatawag na
net migration
flow
mahalaga ang flow sa pag-
unawa sa trend o daloy ng
paglipat o mobility ng mga tao
stockfigures
ang stock ay ang bilang ng
nandayuhan na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan
stockfigures
ito ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang
epekto ng migrasyon sa isang
populasyon
Mga Datos at
Impormasyon mula sa
International Labor
Organization Facts
and Figures
Tinatayang 232 milyong
katao ang nandarayuhan
sa buong mundo sa
kabuuang 3.1 porsiyento
ng populasyon sa buong
mundo.
Ang 48 porsiyento ng
mga imigrante ay
kababaihan na halos
dumarami pa para
maghanapbuhay.
Karamihan ng mga
nandarayuhan ay
maghanap ng trabaho.
Mahigit pa sa 90
porsiyento ay mga
manggagawa kasama
ang kanilang mga
pamilya.
Noong taong 2013,
nagmula sa Asya ang
pinakamalaking bilang
ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang
bansa.
Tinatayang isa sa walong
imigrante ay nasa edad
15 - 24.
Pananaw at Perspektibo
Ang paggalaw o daloy ng
migrasyon ay makikita sa
iba’t ibang anyo.
Nandarayuhan ang mga tao
bilang manggagawang
manwal, highly qualified
specialists, entrepreneur,
refugees o bilang isang
miyembro ng pamilya.
Binigyang-diin sa pag-aaral
ni Stephen Castles at Mark
Miller sa kanilang akdang
The Age of Migration na sa
buong mundo, iba’t ibang
anyo at daloy ng migrasyon
ang nakapangyayari bilang
tugon sa pagbabagong
pangkabuhayan,
pampolitikal, kultural at
marahas na tunggalian sa
pagitan ng mga bansa.
Sa konteksto ng Pilipinas,
malaki ang ginampanan ng
dahilang pang-ekonomiya sa
pagpunta ng maraming mga
Pilipino sa ibang bansa.
Binanggit sa mga naunang
aralin sa kwarter na ito na
malaki ang naipadadalang
dolyar ng mga OFW sa kani-
kanilang kamag-anak sa
bansa na nag-aambag
naman sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.
Sa kabila ng masalimuot na
daloy ng migrasyon ay
nakapagtala sila ng mga
‘pangkalahatang
obserbasyon’ tungkol sa
usaping ito na mababasa sa
mga sumusunod na ideya:
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang
nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon.

Ang mga bansang madalas puntahan o


dayuhin tulad ng Australia, New Zealand,
Canada at United States ay patuloy pa ring
dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga
bansang pinagmumulan nito.
Globalisasyon ng
Migrasyon Migrasyon
Malaking bilang ng mga migrante
ay mula sa mga bansa sa:

• Asya,

• Latin America; at

• Aprika.

Globalisasyon ng
Migrasyon Migrasyon
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Ang kapal o dami ng mga
nandarayuhan ay patuloy ang
pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng
daigdig.

Malaki ang implikasiyon nito sa


mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga
destinasyong bansa.

Mabilisang Paglaki ng
Migrasyon Migrasyon
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Hindi lamang iisang uri ng
migrasyon ang nararanasan ng
halos lahat ng mga bansang
nakapaloob sa usaping ito.

May mga bansang nakararanas


ng labour migration, refugees
migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang
sabay- sabay.

Bukod sa nabanggit, mayroon


pang tinatawag na irregular,
temporary at permanent
Pagkakaiba-iba ng Uri ng migrants.
Migrasyon Migrasyon
Irregular Migrants

Ang irregular migrants ay ang


mga mamamayan na nagtungo
sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing
overstaying sa bansang
pinuntahan.

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Migrasyon Migrasyon
Temporary Migrants

Temporary migrants naman ang


tawag sa mga mamamayan na
nagtungo sa ibang bansa na
may kaukulang permiso at
papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang
panahon.

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Migrasyon Migrasyon
Permanent Migrants

Ang permanent migrants ay mga


overseas Filipinos na ang layunin
sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa
piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o
citizenship.

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Migrasyon Migrasyon
Talahanayan na Naglalahad ng
Bilang sa Tatlong Uri ng
Migrasyon ng mga Overseas
Filipinos ng taong 2012-2013

2012 2013
Irregular Migrants 1.07 M 1.16 M
Temporary Migrants 4.22 M 4.21 M
Permanent 4.93 M 4.87 M

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Migrasyon Migrasyon
Batay sa estadistika, dumarami
ang mga Koreans na pumupunta
sa Pilipinas upang mag- aral ng
kolehiyo.

Partikular sa mga lugar na


kanilang pinupuntahan ang mga
sumusunod na lungsod:

• Baguio
• Manila
• Cebu
Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Migrasyon Migrasyon
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Malaki ang naging implikasyong
politikal ng migrasyon sa mga
bansang nakararanas nito.

Ang usaping pambansa,


pakikipag-ugnayang bilateral at
rehiyunal at maging ang polisiya
tungkol sa pambansang
seguridad ay naaapektuhan ng
isyu ng migrasyon.

Kaya naman, higit kailanman


kinakailangan ang higit na
kooperasyon at ugnayan sa
pagitan ng mga bansang
Pagturing sa Migrasyon Bilang kasangkot sa usaping ito.
Isyung Politikal Migrasyon
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Ang migration transition ay
nagaganap kapag ang
nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula
sa iba’t ibang bansa.

Partikular dito ang nararanasan


ng South Korea, Poland, Spain,
Morocco, Mexico, Dominican
Republic at Turkey.
Paglaganap ng ‘Migration
Transition’ Migrasyon
Globalisasyon ng Pagturing sa Migrasyon Bilang
Migrasyon Migrasyon Isyung Politikal Migrasyon

Mabilisang Paglaki ng Paglaganap ng ‘Migration


Migrasyon Migrasyon Transition’ Migrasyon

Pagkakaiba-iba ng Uri ng
Peminisasyon ng Migrasyon
Migrasyon Migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng
kababaihan sa usaping
migrasyon sa kasalukuyan.

Sa nagdaang panahon, ang labour


migration at refugees ay binubuo
halos ng mga lalaki. Nang
sumapit ang 1960, naging kritikal
ang ginampanan ng kababaihan
sa labour migration.

Sa kasalukuyan ang mga


manggagawang kababaihan ng
Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa
Timog-Kanlurang Asya at Thais sa
Peminisasyon ng Migrasyon Japan ay nagpapatunay rito.
Number of Registered Filipino
Emigrants By Gender

Peminisasyon ng Migrasyon
Implikasyon ng Peminisasyon
ng Migrasyon
Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng
gampaning pangkasarian sa isang pamilya.

Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang


bansa ang asawang babae ang mas higit na
umaako ng lahat ng gawaing pantahanan.

Sa kalagayan sa Pilipinas kapag ang asawang


babae ang nangibang bansa pangkaraniwan na
na kumuha ng tagapag-alaga ang lalaki sa
kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang
pangtahanang gawain sa kapatid na babae, sa
magulang o di kaya ay sa mga kamag- anak.
Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon

Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang


nangibang bansa hindi ito masyadong nakakaapekto sa
pamilya kapag responsibilidad ang pag uusapan sa dahilan
na patuloy na ginagawa ng babae ang kanyang
responsibilidad bilang asawa at nananatiling “breadwinner”
ang lalaki.

Subalit sa kaso ng Pilipinas at Thailand, napag alaman at


lumabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag ang isa sa
magulang o pamilya ang nangibang bansa dahilan ito sa
tradisyunal na kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung
babae ang umalis upang magtrabaho malayo sa pamilya
dahil mas higit na nararamdaman ng mga anak ang
kawalan ng isang miyembro kahit pa ito ay nakakatulong
ng malaki sa pagpuno ng gastusin sa kanilang
pamumuhay.
Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng kaso ng
konseptong “house husband” kung saan inaako na ng
lalaki ang lahat nginaako na ng lalaki ang lahat ng
responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina
(kung ang ina ang nangibang bayan o bansa)
upangnangibang bayan o bansa) upang mapangalagaan
ang buong pamilya lalo na ang mga anak. Hindi ito
marahil nakakaapekto sa kalagayang panlipunan ng mga
lalaki at unti unti nang natanggap ng lipunan sa
kadahilanan na mas tinatanggap na dahilan ay upang
mapaunlad at maiangat ang katayuan ngmapaunlad at
maiangat ang katayuan ng kani-kanilang pamilya.
Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon
Mahalagang banggitin na maraming bansa ang
nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga
kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa
na nais nilang puntahan.

Halimbawa na lang ang bansang Bangladesh na


nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing
manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga
domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang mga
undocumented workers na laganap sa ibat ibang panig
ng mundo.

Sa bansang Nepal nagkaroon din ng panukala na ang


lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na
magkaroon ng approval permit mula sa kanilang
embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker
upang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan
at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang
bansa.
Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Forced Labor

Human Trafficking

Slavery
Forced Labor

Human Trafficking

Slavery
Ang forced labor ay isang anyo
ng human trafficking.

Ayon sa International Labour


Organization ang Forced Labor (o
Forced Labour) ay konektado sa
“mga sitwasyon kung saan ang
mga tao ay puwerasadong
pinagtratrabaho sa
pamamagitan ng dahas o
pananakot o kaya’y sa mas
tagong pamamaraan tulad ng
pagbabaon sa utang, pagtatago
ng ID at passport, or pagbabanta
ng pagsusuplong sa immigration.”
Forced Labor
Forced Labor

Human Trafficking

Slavery
Ayon sa United Nations Office of
Drugs and Crime, ang human
trafficking ay ang “pagrerecruit,
pagdadala, paglilipat, pagtatago,
o pagtanggap ng mga tao sa
pamamagitan ng di tamang
paraan (katulad ng dahas, pag-
kidnap, pangloloko, o
pamumuwersa) para sa hindi
magandang dahilan tulad ng
forced labor o sexual
exploitation.”

Human Trafficking
Forced Labor

Human Trafficking

Slavery
Ang slavery o pang-aalipin ay isang
uri ng sapilitang paggawa na kung
saan tinuturing o tintratro ang isang
tao bilang pagmamay-ari ng iba.

Inaari ang mga alipin na labag sa


kanilang kalooban mula nang sila'y
nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan
ng karapatan na magbakasyon,
tanggihang magtrabaho, o
tumanggap ng bayad (katulad ng
sahod). Maaaring bumilang sa
kamakailan lamang gamit ng mga
katawagang "pang- aalipin" o "alipin"
ang metaporikal at analogong mga
gamit na nailalapat sa mga mababang
anyo ng sapilitang trabaho. Slavery
Pag-angkop sa
Pamantayang
Internasyunal
BOLOGNA ACCORD (EUROPA)

WASHINGTON ACCORD (U.S.)

K to 12 (PILIPINAS)
BOLOGNA ACCORD (EUROPA)

Ito ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na University of


Bologna kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na
mga bansa sa Europe ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang
kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang
bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung
siya man ay nagnanais na lumipat dito.

Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum sa hinihinging


pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na paglipat ng mga
manggagawa at propesyunal na siyang kinakailangan ng iba't ibang
kompanya at negosyo.
WASHINGTON ACCORD (U.S.)

Ito ay nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan


ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang
kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping
bansa.

Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses sa bansang hindi


accredited ay hindi makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito tulad
ng Australia, Canada, Chinese Taipei, Hongkong, Ireland, Japan, Korea,
Malaysia, New Zealand, Singapore, South Africa, United Kingdom at USA.
K to 12 (PILIPINAS)

Bilang tugon ng pamahalaan sa kakulangan ng bilang ng taon sa basic


education ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum na naglalayong iakma ang
sistema ng edukasyon sa ibang bansa.

Inaasahang ang repormang ito ay maiaangat ang mababang kalidad ng


edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho sa
bansa.
Thankzz puuu!!!
#HappyNewYear
#Happy2022
#NamamaskoPo
#ArawArawAyPasko

You might also like