You are on page 1of 20

LAYUNIN

• Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya


ng Africa at Persia (F10PN-IIIa-76);
• Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan
(F10PB-IIIa-80);
• nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-
wika (F10WG-IIIa-71);
• napapangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78).
MITOLOHIYA NG AFRICA
Ang kontinente ng Africa ay pangalawa sa may
pinakamalawak na lupain at may pinakamalaking populasyon sa mundo.
Karamihan sa mga tao sa Africa ay itim. Gayunpama’y maraming
dayuhang nagmula sa Europa ang sumakop sa mga bansa rito kaya
dumami na rin ang mga puti. Pagdating ng mga mananakop nagkaroon
ng sistema ang pamahalaan kung saan inuri ang mga mamamayan base
sa kanilang kulay. Ang mga Itim ay hindi bastang pinapayagang
makisalamuha sa mga Puti. Maging sa panitikan ng maraming bansa sa
Africa na sumailalim sa mga mananakop ay damang-dama ang pait ng
sistemang ito. Madarama mo ito sa halimbawa ng araling iyong
mababasa.
MITOLOHIYA NG PERSIA
Ang mitolohiya ng Persia ay sinasabing nakapaloob sa
relihiyong tinatawag na Zoroastrianism. Ang relihiyong ito ay
sinimulan ng propetang si Zoroaster ilang libong taon na ang
nakaraan. Ang Zoroastrianism ang sinasabing nagging
batayan ng mitolohiya ng Persia kung saan pinaniniwalaan
ang paglalaban ng mabuti at masama sa kalawakan. Tulad ng
mitolohiya ng ibang bansa, ang mitolohiya ng Persia ay
umiikot rin sa kuwento ng mga diyos.
MITOLOHIYANG AFRICA AT PERSIA
(Pagkakatulad)

1. Itinataglay ng dalawa ang kultural na pagsasalamin sa kanilang


mga gawi.
2. Mga sinaunang tao at gawi ang pokus ng kanilang mga kuwento.
3. Ang mga mitolohiyang ito ay sumasalamin sa kaugalian ng mga
tao ng kanilang lipunan.
4. Ang mga mitolohiyang ito ay may bahid ng pambihirang
kapangyarihan mula sa mga diyos at diyosa na siyang
tumutulong upang maging balanse ang kalawakan.
MITOLOHIYANG AFRICA AT PERSIA
(Pagkakaiba)

AFRICA
1. Nakabase sa pang araw-araw na buhay ang mitolohiyang
Africa na siyang sumasalamin sa paraan ng kanilang
kultura.
2. Tumutukoy sa pangkalahatang tema ang sinasalamin ng
mitolohiyang Africa gaya ng pinagmulan ng mundo, ang
posibleng mangyari pagkatapos mamatay at ang kabilang
buhay.
MITOLOHIYANG AFRICA AT PERSIA
(Pagkakaiba)

PERSIA
1. Sa Persia naman ay mayroong mga kakaibang
nilalang ang kasali sa kanilang mitolohiya.
2. Matindi ang kanilang paniniwala sa mga diyos at
diyosa na siyang mga tagapangalaga ng kalikasan at
may-ari ng kalawakan.
Si Nyaminyami, And Diyos ng Ilog Zambezi (Isang Mitolohiya
mula sa Tribong Tonga ng Africa)

 Si Nyaminyami ay diyos ng Ilog Zambezi, isang


malawak na ilog na dumadaloy sa anim na bansa sa
Africa. Nang itayo ang dam ng Kariba sa ilog ay
napahiwalay raw si Nyaminyami sa kaniyang asawa at
lumubog pa ang kaniyang tirahan. Labis siyang nagalit
kaya’t sunod-sunod na sakuna at ilang hindi
maipaliwanag na pangyayari ang naganap na sinasabing
epekto ng labis na pagkagalit ng diyos ng ilog.
1. Anong suliranin ang kinaharap ng mga mamamayang Tonga sa
akda?
 A. Ang pagsira sa kanilang tahanan upang makapagpatayo
ng proyektong makapagdudulot ng pag-unlad sa kanilang
lugar.
 B. Ang paniniwala nilang ang pagkakaroon ng isang diyos
sa ilog ay magpoprotekta sa kanila.
 C. Ang pakikipaglaban sa mga dayuhan ay siyang naging
dahilan ng pagkamatay ng marami nilang kalahi.
2. Paano mo ilalarawan ang ikinilos ng pangunahing tauhan bilang
resulta ng suliraning kinaharap niya at ng iba pang tauhan?

 A. Naging mapagkumbaba siya at hinayaan na lang ang


mga ipinagpalagay na kamaliang nagawa sa kaniya.
 B. Hindi niya binibigyang halaga ang mga epektong
idinulot ng mga suliranin sa kanilang buhay.
 C. Siya’y naging marahas at gumanti sa mga taong
nagbigay at nagdulot ng suliraning kinakaharap niya.
3. Ano ang naging desisyon ng mga pinuno sa epektong idinulot ng
mga malalaking pagbaha sa lugar na hindi kayang maipaliwanag ng
sinoman?
 A. Sinuspinde na muna nila ang proyektong gagawin
sa lugar na ito.
 B. Kinausap nila ang inaakalang may pakana ng
ganitong mga kalamidad.
 C. Ipinagpatuloy nila ang proyekto kahit nagdulot ito
ng napakalaking pinsala sa kanila.
4. Paano naapektuhan ang mga mamamayan ng Tribong
Tonga dahil sa naging desisyon ng pamahalaan?
 A. Nagkahiwa-hiwalay ang mga magkakapamilya nang mangibang-
bansa ang iba.
 B. Naging maayos ang kanilang buhay dahil sa tulong ng mga
kinikita na nagmumula sa mga turistang nabibighani sa lugar nila.
 C. Lumipat na sila sa ibang tirahan at nilisan ang naging tahanan na
nila sa napakahabang panahon
5. Ano ang naging bunga ng desisyon ng pamahalaan para sa
mas nakararaming mamamayan at sa buong bansa?
 A. Mayroon ng mapagkukunan ng koryente ang mga tao at
makatutulong na sa bayan ang kinikita nito mula sa mga turistang
dumarayo sa lugar.
 B. Naging pabigat sa mamamayan ang pagbabaha sa mga lugar na
dinadaluyan ng Dam ng Kariba na nangyayari taon-taon mula nang
maitayo ito noong 1960.
 C. Dumami pa ang dam na itinayo at sumira sa mga kagubatang
protektado ng Nature Conservation Act
PAGSASALIN-WIKA
 Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o
paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na
mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o
diyalektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika
kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng
isinasalin kaya naman mahalagang isaisip ng isang
tagapagsalin
MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA

1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan


ito at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong
isasalin.

2. Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo


ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o
muling isalaysay kahit wala pa ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y
tandaang hindi ka basta magpaparaphrase kundi magsasalin kaya hindi mo
dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi
lang mga salita. Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang
tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi
kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang
teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang
kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay
na diwa ng isinasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng
mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos
mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng
mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang
orihinal sa salin.
5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong
nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang Malaki ang
pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng
wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi
kung ito ba’y naaangkop na sa konstekto ng isang taong likas na gumagamit ng
wika.
6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.
Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre
na kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang
tula ang isang walang gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga tayutay
na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa
magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma , kailangang
pagsikapan ng tagapagsaling mapanatili rin ito.
7. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at
ng pagsasalinan. May mga pagkakataon kasing ang paraan ng
pagsasaayos ng dokumento sa isang wika depende sa kanilang
nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din
itong bigyang-pansin ng magsasalin.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa
pagdaan ng panahon at napagbubuti ng karanasan. Kung
sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang
makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-
alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkakaroon nang
mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon
ng kahusayan sa gawaing ito.

You might also like