You are on page 1of 42

Aralin 3.

4
A.Panitikan:
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.Tabora
mula sa Salin sa Ingles ni Jack H.Driberg ng
A Song of a Mother To Her First Born
B.Gramatika at Retorika:
Wastong Gamit ng Simbolismo at
Matatalinhagang Pananalita
C.Uri ng Teksto:
Nagsasalaysay
Panimula:
Sa lumipas na dantaon,ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga
tula na kanilang inaawit.Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita
at oyaying inuulit –ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na
nagsisilbi ring pang-aliw at pagpapaamo sa anak.Ito’y isa sa nakaugalian
ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang
mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang.Kaya naman
ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina sa pangalan
ng anak,panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang
positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang mga magulang.
Sa Aralin 3.4,inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na
isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.tabora mula sa salin sa Ingles
ni Jack H.Driberg na A Song of a Mother to Her
Firstborn.Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng
simbolismo at matatalinhagang salita sa pagiging masining sa
pagbuo ng tula.Sa pagtatapos,ay kakatha ka ng sariling tula na
lalapatan mo ng himig.Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa
sumusunod na pamantayan: a) kahusayan ng pagkabuo ng tula, b)
himig/melodiya, at c) paraan ng presentasyon nito
Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may
pag-unawa ang mga tanong na: Paano naiiba ang tulang tradisyunal
sa tulang malaya?; Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang
tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito? At Paano
nakakatulong ang paggamit ng simbolismo at matatalinhagang
pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula?
Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya at paano
nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito ay
makakabuting isagawa mo ang mga gawain.

Gawain 1: Ibahagi Mo!


Awitin aang isang bahagi ng Obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak”.pagkatapos ay isagawa
ang Think-Pair-Share.Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaan ng ina.Ibahagi ito sa Klase

Ang aming ina’y,masinop na maybahay


Adhikain nya’y kagaya ni itay
Kami ay pag-arali,pakainin,bihisan at
Katulad ng inyong magagandang anak .

Sana,sana ang kawalan ay malunasan.


Sana,sana ang kapayapaa’y maranasan
Gawain 2: Isa-Isahin Mo!
Paramihan ng maibibigay na matatalinhagang pananalita at simbolismo sa salitang nasa
puso.Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamit ang
simbolismo at matatalinhagang salitang binigay.

Ina
Gawain 3: Pagbulayan Mo!
Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa
tanong.Isulat ang Pagsusuri sa sagutang papel.
Ako ang Daigdig Gabi
ni: Alejandro Abadilla ni: Ildefonso Santos

I Habang nagduruyan ang buwang


ako ninikat sa lundo ng kanyang sultang
ang daigdig liwanag,isakay mo ako.gabing
mapahimag,sa mga pakpak mong
ako humahalimuyak
ang tula
ako Ilipad mo ako sa masalimsim na
ang daigdig puntod ng iyong mga pangonorin;doon
ng tula ang luha ko ay padadaluyin
ang tula sakaiwiwisik sa simoy ng hangin!
ng daigdig
ako Iakyat mo ako sa pinagtipunanng mga bitui’t
ang walang maliw na ako mga bulalakaw,at sa sarong pilak na
ang walang kamatayang ako naguumapaw,palahusan mo ako ng
ang tula ng daigdig kaluwalhatian!

II Sa gayon,ang aking puso nagsalata’y


ako maktatanglaw din sa pisngi ng lupa; samantala
Ang daigdig ng tula naman ang hamog kong luha sa sang kalikasa’y
ako magpapasariwa!
ang tula ng daigdig
At ano kung bukas ang ating silahis ay
ako ang malayang ako papamusyawin ng araw ang langit? Hindi ba’t
matapat sa sarili bukas din tayo ay sisisid,Sa dagat ng iyong mga
sa aking daigdig panaginip
ng tula
Kaya ilipad mo,Gabing walang maliw,ang ilaw
Ako at hamog ng aking paggiliw;ilipad mo habang
Ang tula gising ang damdamin sa banal na tugtog ng
ng daigdig bawat bituin
ako
ang daigdig
ng tula
ako
III IV
ako ako
ang damdaming ang daigdig
malaya sa tula

ako ako
ang larawang buhay ang tula
ako sa daigdig
ang buhay ako
na walang hanggan ang daigdig
ako
ang damdamin ako
ang larawan ang tula
ang buhay daigdig
tula
damdamin ako…..
larawan
buhay
tula
ako
TANONG:

1.Ano ang sukat o tugma ng tula?


2. Paano naging marikit ang mga tulang binasa?
3. Ano ang talinhaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag.
4. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang
pinagmulan nito? Patunayan.
Alam mo ba na....
Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o
taludtod? Bawat saknong naman ay binubuong mga taludtod o
linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.Ang mga
pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag
ay piling pili,may mga tayutay o mayaman sa matatalinhagang
pananalita,at simbolismo at masining bukod sa pagiging
madamdamin,at maindayog kung bigkasin kaya't maari itong
lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang alang ang mga elemento nito.Ito
ay ang sumusunod:

1.Sukat-Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Hal.Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag Sa/lu/pa/--nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig

2.Tugma-Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.


Hal.Mula sa Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila't puso
Sinta'y umiilag,tuwa'y lumalayo
Tugmang-Ganap
.
3.Kariktan-ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at
ang kabuuan nito.
Hal.Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan-lalabindalawahing Pantig,Tugmang Ganap at Tayutay

4.Talinhaga-ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula


o ang ipinapahiwatig ng may-akda.
Hal.Mula sa tulang Tinapay ni Amado V.Hernandez
Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabuksang pinto'y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinhaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap
Ngayon nama'y humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong
pag-aaral nang sa gayo'y matuklasan mo ang sagot sa mga
tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya
at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang
kultura ng bansang pinagmulan nito
Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng
magandang kinabukasan sa kaniyang anak.Ito ang pinapaksa ng tula ng
isang taga Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang,Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay.Basahin at unawain mo ang akda upang iyong
matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibhan nito sa
tulang tradisyunal,maging ang kultura ng bansang pinagmulan
nito.Mapapatunayan mo rin na ang simbolismo at matatalinhagang
pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan
ng isang tula
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn
salin sa Ingles ni Jack H.Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.Tabora

Mangusap ka,aking sanggol na sinisinta Mangusap ka sa


iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng
mata ng bisirong-toro ni Lupeyo Mangusap ka,aking musmos
na supling. Ang iyong mga kamay na himahaplos sakin. Na
puno ng tibay at tatag bagaman yari'y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma,aking anak. Kamay na
magpapasaya sa iyong ama. Tingnan mo't nananabikna ako'y
sapulin: Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw,ngalan ng mandirigma sa'yo ilalaan, At mamumuno sa
kalalakihan At ika'y hahalikan sa yapag ng mga kaapo-apohan,Kahit pa
malaon nang naparam sa sanlibutan.Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit
mo sa akin,Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,At sa pagsulyap-
sulyap sa akin. Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,at ang pagsulyap-
sulyap sa akin.Kapag ika'y itinanghal na gererong marangal,Ako'y
malulunod sa luha ng paggunita.

Munting Mandirigma,Paano ka namin pangangalanan? Masdan ang


pagbubuskala sa pagkakakilanlan. Hindi hamak na ngalan na iyo'y
ibibigay.Hindi ka rin ipapangalan sa uyong amang si Nawal sapagkat ika'y
panganay. Higit kang pagpapalain ng poon at iyong kawan. Ikaw ba'y
tatawaging "Hibang" o "Kapusugan?" Ikaw ba'y tatawaging waring dumi ng
baka na "anak ng kamalasan?" Ang poo'y di mararapat na pagnakawan, Sa
iyo'y wala silang masamang pinapagimpan. Ika'y kanilang pinaliguan at
dinamitan ng kagandahan.
Ika'y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. At hindi ba palatandaan na
ika'y maingat nilang pinanday? Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo'y
kanilang inalay. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga
mata,Maging sa iyong mga halakhak.Paank ka pangangalanan,aking
inakay? Ikaw ba'y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang? Munting
mandirigma,sinong andito sa iyo'y nananahan? Kaninong mapagpalang
kamay ang sa aking dibdib dumadantay? Ikaw ba'y kanling ng kapayapaan?

Munting mandirigma,sinong andito sa iyo'y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Ikaw ba'y kanling ng kapayapaan?
Ngunit ika'y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan,sa araw na yao'y iyong ibubuyangyang.
Aking supling,ngayon ako'y nasa kaluwalhatian.Ngayon,ako'y ganap na
asawa.Hindi na isang nobya,kundi isang ina.Maging maringal aking supling
na ninanasa.Maging mapagmalaki kaparis ng pagmamalaki.
I​ ka'y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.Ika'y irugin
kaparis ng pagliyag na aking nadarama.Anak,na ibinunga ng
pag-ibig ng matipubong kabiyak. Sa wakas,ako'y kahati ng
kaniyang puso,ina ng kaniyang unang anak .
​Ang kaniyang kaluluwa'y ligtas sa iyong pag-iingat,Aking
supling,ako,ako na sadyang sa iyo'y humulma.​​

Samakatuwid,ako'y minaha​l.
Samakatuwid, ako'y lumiga​ya.
Samakatuwid,ako'y kapilas ng bu​hay.
Samakatuwid,ako'y nagtamasa ng da​​ngal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya'y
nahimlay.Tuwinang gugunitain yaring kaniyang
palayaw.Aking supling,mananatili siya sa iyong pana​
mbitan,
​Walang wakas sa kaniya'y daratal mula sa pagsibol ng yong
kabataan.Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat,pag-asa't
kaligtasan s​a hukay.​
Sa iyo,siya'y muling mabubuhay tulad ng suwi sa
kalupaan.At ako ang ina ng kaniyang panganay.Ika'y
mahimbing,supling ng leon,nyongeza'​t nyumba​.
​Ika'y mahimbing,Ako'y wala nang mahihiling.
Gawain 4: Paglinang sa Talasalitaan
Isaayos mula bilang1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag
ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas.Gamitin ang tsart at gawain ito sa
sagutang papel.

Batayang mga Salita Ayos ng mga salita Batay sa sidhi ng Damdamin

kagalakan 5.

katuwaan 4.
kaluwalhatian 3.
kaligayahan 2.
kasiyahan 1.
Paliwanag sa
Pag- aantas
Batayang mga Salita Ayos ng mga salita Batay sa sidhi ng Damdamin

lungkot 5.

lumbay 4.
dalamhati 3.
pighati 2.
pagdurusa 1.
Paliwanag sa
Pag- aantas
Gawain 5:
Tarukin Mo! Sagutan ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.
1.Sino ang persona sa tula?Ano ang kaniyang pangarap?
2.Masining ba ang tulang tinalakay?Patunayan ang sagot.
3.Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol?Bakit ito ang
mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4.Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang
lumulutang sa tula?Ibigay ang iyong pananaw ukol dito?
5.Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalia ng mga
Pilipino? Sang-ayon ka ba rito?Bakit?
6.Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian
ng isang anak sa kaniyang ama?Sa poon?
7.Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang
natutuhan pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag?
Gawain 6:Patynayan Mo!
Sa sagutang papel,bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na
grapikong representasyon sa kabilang pahina.

Suriin ang tulang binasa.Ito ba’y isang tulang


tradisyunal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng
bansang pinagmulan nito

Patunay Patunay

Kongklusyon
Ang akdang "Hele ng Ina sa kaniyang Panganay" ay isang tulang malaya na
nagsasalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak.Sa
pagkakataong ito,pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma."Ang
Matanda at ang Batang Paru-Paro." Basahin at alamin kung ito ba'y tulang malaya
o tulang tradisyunal

Ang Matanda at ang Batang Paru-Paro


​Rafael Palma​​
Isang paru-paro na may katanda​an
Sa lakad sa mundo ay sanay na san​ay;
Palibhasa'y di nasisilaw sab​ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong ​aral:
Ang ilaw na iyang maganda s​a mata
Na may liwanag na kahali-halina Dapat mong layuan,iyo'y palamara,Pinapatay bawat
malapit s​​a kaniya
"Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan kong sa kaniya'y lumapit,ang
aking napala'y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak ​na lumiit"
"At kung ako'y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya,disin ako
ngayo'y katulad nila,nawalan ng buahy at isang​​patay na." Ang pinangaralang a​nak
ay natakot
at pinangako ang kan​iyang pagsunod;
ngunit sandali lang.S​a sariling loob
ibinulong-bulong an​​g ganitong kutob;

"Bakit ngayon nalang kahigpit ang hilin ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa'y ibig niyang ikait sa akin ang sa buong mundo'y ​ilaw na pang-aliw."
"Anong pagkaganda ng kaliwanagan!isang bagay na hindi dapat layuan,itong
matanda ay totoo nga namang sukdulan ng lah​​at nitong karuwagan!“

"Akala'y isa ng elepanteng ganid ang alin mang langaw na lubhang maliit,at kung
ang paningin nila ang manaig magiging higan​​te ang unanong paslit."
Kung ako'y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapala ko?Kahit na nga
niya murahin pa ako sa hind​​i naman hangal na totoo.“

"Iyang mga iba'y bibigyan ng matwid sa kanilang gawa ang aking paglapit,sa
pananakali'y di masisigasig sa nagninin​​gningang ilaw na marikit.“

Nang unang sandali'y walang naramdaman kundi munting init na waring


pambuhay,ito'y siyang nagpapabuyo pang tunay upang​​magtiwala't lumapit sa
ilaw.

Natutuwa pa nga't habang naglalaro ay lapit ng lapit na di nahihinto sa isang pag-


iwas ay biglang nasulo tu​​loy-tuloy siyang ningas nalikmo.
Nang unang sandali'y walang naramdaman kundi munting init na waring
pambuhay,ito'y siyang nagpapabuyong tunay ​upang magtiwala't lumapit sa ilaw.

At siya'y hindi na muling makalipad hanggang sa mamatau ang kahabag-


habag,ang ganyang parus​a’y siyang nararapat sa hindi marunong sumunod sa
anak.
Gawain 7: Ipaliwanag Mo!
Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang
kasunod na grapikong representasyon.

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI


a. Sukat
b. Tugma
c. Kariktan
d. Talinhaga

PAGLALAHAT BATAY SA PAGSUSURI


Ito ba’y tulang tradisyunal o malaya? Patunayan.
Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa
paanong paraan? Patunayan
Sagutin ang tanong sa loob ng speech balloon sa iyong sagutang papel.

Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ng


Teksto ito?
______________________________

Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang


tula? Magkatulad ba ang pagiging masining ng
dalawang tula?Patunayan
____________________________________
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Alam mo ba na...
nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang
paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay
na nakakatulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda.Maliban sa
tayutay,nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga
simbolismo at matatalinhagang pananalita.
Ang matatalinhagang pahayag o pananalita ay malalim o hindi lantad
na kahulugab.Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa:
1.butas ang bulsa-walang pera
2. ilaw ng tahanan-ina
3. kalog na ang baba-gutom
4. alimuon-tsismis
. bahag ang buntot-duwag
​ akit kaya rito sa mundong ibabaw
B
​Marami sa tao'y sa salapi silaw?​
Kaya kung pag-asang umakyat sa lipunan​.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma.Lilia Realubit​​)

ANg mga may salungguhit sa tula ay matatalinhagang pananalita


sapagkat ang una'y nangangahulugang pagiging mukhang pera
ng tao samantalang ang ikalawa'y tumutuko'y sa mahi​​rap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan


sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at
metapisikal.Ito ay ordinaryong bagay,pangyayari,tao o hayop na
may nakakabit na natatanging kahu​​lugan.
​ a​limbawa:
H
​1.silid-aklatan-karunungan o​kaalaman​
2.gabi-kawalan ​ng pag-as​a
3.pusang​-itim-mal​as
4.tanikalang-bakal-kawalan​ng kalay​aan
5.bulaklak-pag-ibig
​Palay siyang matino
​Nang humangi'y yumuko,​
Nguni'y muling tumayo​:
Nagkabunga ng gint​o!
(Palay,Tanaga ni Ildefonso Santo​​s)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa


pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang
pagtatagumpay.​
​ agsasanay 1: Basahin ang mga pahayag sa mga piling
P
saknong o raludtod ng tula.Hanapin ang matalinhagang
pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan
nito sa sagutang papel.

1. Mata'y napapikit sa aking namasdan;Apat na kandila ang
nagbabantay​.
(Ang Pagbalik ni Jose Corazon De Jesu​​s)
2. Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod na walang paupa
sa hirap at pagod; minsan sa anyaya,minsan sa kusang -
loob,pag-ibig sa kapwa ang lagi mong di​yos
(Kabayanihan ni Lope K.Santos)
​3.May tanging laruan isang bolang-apoy Aywan ba kung sino rin
kaya ang tagapagsindi
​Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?​
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos​​)
4.Siya'y mabiyayang inilatag,Sa tubong matamis ay matingkad
Itong disyerto'y kaniyang buhok.Ginintuang paa'y namumukod,At
ang kaniyang dibdib ay bundok Na sa ilog ng Nile
nalulunod,Kaya't siya'y pinong itinakda,Na ginawarang itim tuwi​
na.
(Salin mula sa tulang Africa ni Maya Ange​​lou)
5.Sandaling lisanin ang nakasanayan Unatin yaring kaluluwa't
katawan Kawangis ng paghalik ng Maylalang Sa
burol,dalampasiga't kapar​angan.
(Salin sa tulang All The Hemisphere ni Daniel Ladinsky mula sa
tula ni Hafiz)
​ agsasanay 2: Itala ang matatalinhagang pananalita at
P
simbolismo mula sa napakinggan at napanood na tulang
liriko/sabayang pagbigkas mula sa link na ilalahad ng
guro.Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang
papel.
Pagsasanay 3:
A. Sa sagutang papel,kompletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa
tulang Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng
wastong salita sa patlang na makukuha sa katabing kahon.

tribo
Tinalunton,ang_____________ng kalikasan,
hangin
Ako’y_____________dumating,isang buhay.
bakas
Binuklod ng____________ng mga ninuno
leon
Kami’y___________dumating,isang________.
kamay
B. Sa sagutang papel,kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay
ng matatalinhagang pananalita at simbolismo.Bigyan din ito ng sari
ling pamagat.

____________________________
Sa ami’y….
Isa kang_______na may dalang ligaya
Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba.
Ang iyong gawi’y hindi_______________,
Kaya’t kami’y humahalik sa’yong paa.

Sa ami’y…
Isa kang___________na laging sandata
Di________________sa hampas ng pala
Dito’y nasisilip,maningning na_________,
Kaya’t kami’y humahalik sa’yong paa.
Pagsasanay 4:
Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinhagang salita at
simbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina,tiyaking hindi
bababa sa tatlong saknong ang tulang lilikhain.Mamarkahan
ito batay sa sumusunod na pamatayan:kayarian,kasiningan,at
kaangkupan.
Pagnilayin at Unawain
​ asusing pag-aralan an mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon at gamitin
M
ang mga ito sa pagbuo ng tatlong mahahalagang konsepto.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.​​

1. tradisyunal sukat malaya tugma tula

2. tula kultura bansa pinagmulan isinasalaysay

3. sapagkat simbolo kariktan pahayag matalinhaga


Ilipat

Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba ng tulang tradisyunal at


tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo at matatalinhagang
pananalita.Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong napagtibay.Kung mayroon
ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin,makabubuting magtanong ka sa iyong guro o
balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkat​​uto​​.

Magkakaroon ng Reunion ang inyong mag-anak sa mismong Araw ng mga Ina.Isang


presentasyon ang iniatang sa iyong balika,nahilingan kang maghanda ng isang rendisyon
ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang pag-aaruga ng isang ilaw ng
tahanan sa kaniyang mga anak upang sila'y alayan ng natatanging pagpapah​ala​ga.
​ Ang iyong pag-awit ay lubos na maiibigan ng iyong mga kamag-anak at lalong-lalo
na ng iyong ina kung titiyakin mong sumunod ito sa pamantayang:kahusayan ng
tula,harmoniya ng awit,aft kabuuang pagtatanghal.
Binabati kita.Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng
panahon ang pag-aaral sa araling ito.Handa ka na
ngayong pag-aralan ang susunod na aralin ng modyul!!!!
Aurelio Arago Memorial National High School

Sumbitted By:
Marianne R. Pacardo
Aira M. Ramos
Ronnie Marasigan
Erica Quinio

Date submitted:
Subject: FILIPINO 02/13/2017

You might also like