You are on page 1of 32

MAGANDAN

G UMAGA
G R A D E 1 0 - YA K A L
pagganyak
Panuto: Tatawag ng mag-aaral at
bubuo sila ng kaisipan mula sa mga
larawan at patunay sa mga pahayag
na sinabi. Gamitin ang salitang
“Ayon sa….” “Batay sa…”
“raw/daw”
gabay na tanong:
1. Sino ang may akda?

2. Tuwiran ba ang sinabi ng pahayag o hindi?

Gumamit ba ang may akda ng mga patunay sa


3. kanyang binitiwang pahayag?
gabay na tanong:
1. Sino ang may akda?

2. Tuwiran ba ang sinabi ng pahayag o hindi?

Gumamit ba ang may akda ng mga patunay sa


3. kanyang binitiwang pahayag?
tuwirang pahayag
Eksaktong sinabi ng nagbigay ng
pahayag, walang labis walang
kulang. Ginagamitan din ito ng
panipi.
tuwirang pahayag
Hal. “Huwag niyo kaming tanggalan ng kabuhayan,” ani
ng mga drayber ng dyip.

Ayon kay Mahatma Gandhi, “Ang pagbabagong nais mong


makita sa mundo, simulan mo muna sa sarili.”
tuwirang pahayag
Mga halimbawa
Sa katunayan, ...... bilang patunay, …. Sa totoo lang, ….
Ang totoo, ….. patunay nito, …. Talaga,… tunay, … atbp.
tuwirang pahayag
Hal. Nang mabasag ang salamin namin sa bahay,
walang kamalasang nangyari sa amin sa loob ng pitong
taon. Sa katunayan nga niyan, sinuwerte pa kami dahil
natanggap sa trabaho sa Germany ang aming ama at
nakapagtapos ng pagdudokter ang aking kapatid.
tuwirang pahayag
Hindi totong magiging matandang dalaga ang babaeng
pinagliligpitan sa mesa nang hindi pa natatapos kumain.
Sinubukan namin ito sa aming tiyahin noong Disyembre
at bilang patunay sa kawalan ng katotohanan ng mga
pamahiin, ikakasal na siya sa Mayo.
DI-TUWIRANG
PAHAYAG
Walang ginagamit na panipi. Isinasalaysay lamang
ang sinabi ng nagbigay nagpahayag. Bagama’t diwa
ang kinukuha, dapat pa ring mapanatili ang
kredibilidad o katapatan sa sinabi ng orihinal na
nagsabi o sumulat.
tatlong uri ng
di-tuwirang pahayag
MULING SABI
pag-uulit lamang ng impormasyon ngunit kaayon ng
pananaw ng tagapasa
Hal. Huwag daw ninyong tanggalan ng kabuhayan
ang mga drayber ng jeep.
tatlong uri ng
di-tuwirang pahayag
PAGGAMIT NG PANG-UKOL
Maaaring gamitin ang mga pang-ukol na ayon sa/ayon
kay, para sa/para kay, wika ni/wika ng, at sabi ni/sabi ng
Hal. Ayon kay Mahatma Gandhi, ang pagbabagong nais
mong makita sa mundo, simulan mo muna sa sarili mo.
tatlong uri ng
di-tuwirang pahayag
PAGGAMIT NG DAW/RAW
Ang mga ingklitik na ito ay nagpapakita lamang na hindi
galing sa tagapasa ng impormasyon.

Hal. Sabi ng ina ni Elsa, walang himala. Nasa puso raw ito
ng tao, nating lahat.
DI-TUWIRANG
PAHAYAG
Mga hal. marahil/siguro/baka, sa aking palagay, sabi
ni/ng… maaaring totoo, batay sa/kay.., ayon
sa/kay…, alinsunod sa/kay… daw, di umano…
DI-TUWIRANG
PAHAYAG
Hal. Marahil ay nakatutulong sa pag-aaral ang pag-
unan sa libong inaaral bago ang isang pagsusulit.
Ginawa raw iyon ng kaklase ko at ayon sa kaniya,
naalala naman niya ang mga inaral niya.
DI-TUWIRANG
PAHAYAG
Nakakita siya di umano ng isang itim na pus ana
naglakad sa dadaanan ng babae bago ito masagasaan
ng tricycle. Ang sabi kasi sa pamahiin, malas daw
ang mga itim na pusa.
Sa dalawang uri ng pagpapahayag na ito ay
maaaring gamitin ang Transitional devices tulad
ng sapagkat, habang, sa katunayan, ang totoo,
bilang patunay at iba pa na nag-uugnay ng
pahayag na ito, nabibigyang linaw ang
nilalaman ng sanaysay at natutukoy ang kung
ano ang totoo at opinyon lamang.
Halimbawa:
Sa katunayan, mas natututo ako
ngayong face-to-face classes.
paglalahat
Panuto: Tukuyin at suriin ang pangungusap kung ito
ay tuwiran o di-tuwirang pahayag.
1. Sinabi ni Nita na mahuhuli lang siya sa pagdating dito sa ating usapan.

2. “Nasaan na ba ang mga kagrupo natin? Kanina pa natin sila inaantay!”


wika ng naiinip na si Maria.
paglalahat
3. Ayon kay Juana, huwag na raw natin siyang hintayin dahil hindi raw siya
pinayagan ng kaniyang nanay.
4. Ayon sa utos ng guro, bawal daw tayong kumopya ng gawa ng iba mula sa
internet.

5. “Matapos manaig laban kay Jessie Vargas sa Las Vegas kahapon, tinawag
ng Palasyo na tunay na “national treasure” si Senator Manny Pacquiao.”
pagpapahalaga
Bakit mahalagang malaman natin ang
mga paraang ito sa pagpapahayag ng
mga mensahe?
PAGLALAPAT
Panuto: Mula sa sanaysay na Ako ay Ikaw ni Hans
Roemar T. Salum. Suriin ang mga ginamit na
transitional device (pang-ugnay) at tukuyin kung ito ay
tuwiran o di-tuwiran.
"Ako ay Ikaw"
ni Hans Roemar T. Salum

“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay
sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit
kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante. Damang-dama
ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.

Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong


Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong,
gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang
Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah,
tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon.
Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga
Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay
ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa
makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na
Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay
pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay
ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?
Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang
pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos
ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan
ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating
patuloy na pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti
at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika
kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na
ang ating patuloy na pag-unlad.
ebalwasyon

Panuto: Punan ang angkop na transitional device ang


mga pahayag upang mabuo ang diwa nito at uriin kung
ito ay Tuwiran at Di-tuwirang pahayag.
ebalwasyon
sa totoo lang dahil sa bagaman
bilang patunay habang hanggang
bagkus kaya para upang ngunit
1.Marami akong natutuhan sa pagbabasa _______tila kulang pa ito.
2.Abala ang iyong kasamahan _______ ikaw ay walang ginagawa.
3. __________ hindi natuto ang tao dahil sa kanyang katamaran.
4.Patuloy pa rin ang paglilingkod ng mga frontliners _____ pagmamahal sa
ating kababayan.
ebalwasyon
sa totoo lang dahil sa bagaman
bilang patunay habang hanggang
bagkus kaya para upang ngunit
5. __________, maraming magagandang lugar sa Isabela na dapat nating
pasyalan.
6.Si Allan ay nanalo bilang magaling na manunulat, ______ narito ang kanyang
sertipiko.
7.Ngayong panahon ng pandemya, dapatt walang nagbabangayan __________
tayo ay magtulungan.
ebalwasyon
sa totoo lang dahil sa bagaman
bilang patunay habang hanggang
bagkus kaya para upang ngunit
8.Nanatili pa rin siyang matapat sa kanyang pananampalataya ________sa
kanyang huling hininga.
9.Naging mahinahon pa rin siya ________ sinabihan siya ng masasakit na salita.
10.Sumunod tayo sa alituntunin ng komunida __________ maiwasan ang
paglaganap ng pandemya.
TAKDANG ARALIN
Basahin ang buod ng nobelang
Paglisan/Things fall apart ni Chinua
Achebe na isinalin sa Filipino ni
Julieta U. Rivera.

You might also like