You are on page 1of 10

Pagkatapos mong basahin ang kabuuan ng modyul

na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakabubuo ng salita gamit ang mga panlapi;

2. Natutukoy ang panlapi na ginamit sa salita; at

3. Nabibigyang halaga ang posisyon ng panlapi.


Para higit mong
maunawaan ang
araling ito, alamin mo
muna ang mga
kayarian ng salita na
siyang makakatulong
sayo sa mas mabilis na
pag-unawa sa

Panimula
Ang mga salita ay may iba’t ibang anyo ayon sa pagkakabuo. Ito ay maaring payak, maylapi,
inuulit, o tambalan. Suriin ang mga halimbawa:

1. Payak- lingo, dalawa, taas


2. Maylapi- mataas, pagliit, masama
3. Inuulit- araw-araw, isa-isa, ano-ano
4. Tambalan- kapitbahay, bahay-kubo
Sa iyong pagpapatuloy,
hinihikayat kitang sagutin
ang inihanda kong gawain.
Ang mga tanong na ito ay
magssisilbing gabay mo sa
pag-unawa sa aralin.

Panuto:
Bilugan ang mga panlaping ginamit sa
bawat salita.

1.pasyalan 6. Digmaan
2.sumakay 7. sulatan
3.maganda 8. sabihin
4.dumalaw 9. mahilig
5.mayaman 10. maayos
Mukhang handa kana
sa pagbasa ng aralin.

Sana’y isaalang-alang mo
ang pag-unawa sa aralin.
Laging tandaan ang iyong
layunin sa pagbasa at pag-
unawa nito.

Aralin:
Alinmang salitang payak na walang panlapi, di inuulit at
walang itinambal na iba pang salita ay itinuturing na salitang-
ugat. Mula sa salitang-ugat ay maaring makabuo ng iba pang
salita sa tulong ng mga panlapi. Ang panlapi ay mga salita na
idinudugtong sa saltang-ugat. Isang paraan ng pagpapalawak
ng talasalitaan ay ang pagbuo ng salita sa pamamagitan ng
paglalapi sa salitang-ugat. Narito ang ilan sa mga panlapi:

i, in, um, an, ma, mag, pag, ipag, makapag, at taga


Halimbawa:

Salitang-ugat Panlapi Nabuong Salita


ligo ma maligo
kain um kumain
kanta hin kantahin

Ang mga panlapi ay may iba’t ibang posisyon.

Ang unlapi ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.


Halimbawa: umalis mataas

Ang panlapi ay tinatawag naming gitlapi kung ito ay


matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat.
Halimbawa: tumalon hiningi

Tinatawag naming hulapi kung ang panlapi ay matatagpuan sa


hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa: sulatan sayawin

At kabilaan naman ang tawag kung ang panlapi ay nasa unahan


at hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa: nagsayawan magpangkatan
Upang malaman kung naunawaan
mo ang aralin, ikaw ay inaatasang
sagutin ang mga sumusunod na
gawain.

Mga Gawain
Panuto: Ang mga salitang nasa ibaba ay payak.
Bumuo ng iba’t ibang salita sa tulong ng panlapi.

Salitang-Ugat Panlapi Nabuong Salita


1. sakay i
2. pasyal an
3. ganda um
4. ayos ma
5. lakip nag, an
Magaling! Natapos mo
ang unang gawain. Tila
naunawaan mo nga ang
iyong aralin. Ngayon,
ikaw ay handa na para sa
ikalawang gawain.

C. Panuto: Sipiin at suriin ang bawat salita. Salungguhitan ang mga panlapi at tukuyin ang posisyon
nito kung ito’y unlapi, gitlapi, hulapi, o kabilaan.

SALITA POSISYON
1. linisin
2. bumasa
3. gupitan
4. magbasa
5. unahan

Mahusay! Nagawa mong tukuyin


ang posisyon ng mga panlapi. Ikaw
ay handa na sa panghuling gawain.
Ipapaalala ko lamang na hindi mo
na maaring itala sa susunod na
Panuto: Magbigay ng tig-iisang salita na binubuo ng mga panlaping nasa ibaba.Ikahon ang palaping ginamit at tukuyin ang
posisyon nito.
Salitang-Ugat Panlapi Nabuong Salita Posisyon
i
in
Isang mahusay an
na pagsagot! um
Nasagutan mo ng ma
buong husay ang mga
gawain. Batay sa iyong
mga kasagutan sa mga
pagsasanay ikaw ay
malugod kong
inaanyayahan na
sagutin ang panghuling
pagsubok.
Binabati kita sa matalas mong pag-
iisip upang makatala ng mga salita na
binubuo ng mga panlapi.

Natapos mo na ang
isang kayarian ng
salita. Ikaw ay handa
na para sa susunod na
kayarian. Sabihin
lamang sa guro kung
nais mo ng simulan
ang susunod na aralin
tungkol sa iba pang
kayarian ng salita.
Susi ng Pagwawasto:

1. mayaman 6. pasyalan
2. sumakay 7. dumalaw
3. sulatan 8. digmaan
4. maayos 9. sabihin
5. maganda 10. mahilig

Batayan ng Iskor:

1-2 muling balikan ang aralin

3-4 pag-aralan ang maling sagot

5-7 mahusay

8-10 napakahusay

Sanggunian:

Hiyas sa Pagbasa
Batayng Aklat
Filipino- Ikalimang Baitang
Ni Lidia P. Lalunio,Ph.D.,
Francisca G. Ril, at
Patrocinio V. Villafuerte

You might also like