You are on page 1of 6

ANG KWENTO

Ng
Aking
napakasyang
Buhay kasama ko
ang aking
pamilya!!!!
Ang Buhay Ko Puno Ng Pag-ibig

Sa bawat pag subok na darating sa buhay mo may taong tutulong at tutulong para sayo
para mag karoon ka ulit ng bagong pag- asa bagong buhay at mag karoon ng mga
bagong kaibigan tulad nalang ng kwento ng aking buhay.
Simula ng Makita ko ang mundo alam kong may nag mamahal na sakin simula ng
pinanganak ako nanjan sila par alagaan ako at gabayan sa mga pagsubok na aking
tatahakin ah… bago ang lahat ako nga pala si Gene Joshua Pantua ang pasaway ngunit
malambing na anak at mapagmahal ang aking mama ay nag tratrabaho sa iabang bansa
para sa aking pag-aaral at para saming dalawa hiwalay kasi ang mama at papa ko simula
ng pinanganak ako mama at mga tita kona ang mga nag alaga sakin hanggang ngayon
dko parin nakikita sa personal ang papa ko.
Ngunit kahit na hindi kopa sya nakikita alam kong nanjan si hesus para sakin para
gabayan ako at tulungan sa lahat ng aking problema kaya naman lahat ng nag mamahal
sakin kaibigan man o kapamilya ko lahat sila pinapahalagahan ko dahil lahat sila
importante sakin simple lang akong tao d naman ako maarte hindi rin naman masyadon
mayabang unti lang masaya naman ako kasi nanjan ang mga tita ko pinsan ko para
suportahan ako sa lahat ng gusto ko sa buhay ko at ganun din ako sakanila handa akong
sumoporta lagi sakanila kasi mahal nila ako at mahal ko rin sila.
Dati wala akong tinuturing na mga kaibigan pero nung na realize kona mahirap pala
kung wala kang kaibigan kasi wala kang kakampi wla kang kausap o kalaro pero simula
nun nag karoon nako ng mga kaibigan sina Christian si ramzen si ghain at si Dionne si
Christian mabait na kaibigan mapag biro at masayahin sya ang pinaka malusog kong
kaibigan at tunay ko syang kaibigan si ramzen naman sya siguro ang pinaka maliit na
kaibigan ko saming lahat sya ang pinaka maliit pero magaling mag basketball at mapag
biro rin sya may pag ka lokoloko pero maaasahan sa lahat ng bagay at ang susunod
naman ay si ghain ang pianak seryoso saming lahat pagdatin sa pag-ibig pero tulad din
naming syang magaling mag basketball sya rin ay mapag biro makulit at magulo pero
magandang kausap.
At ang susunod naman ay si Dionne ang pangalawang pinakamalaki saminng lahat sya
narin siguro ang pinaka nakakatawa saming lahat sapagkat napaka pagbiro nyang
kaibigan sya ay sobrang nakakatawa pero nilulugar nya pag sya ay nag papatawa sa
barkada namin.
Lahat sila pinapahalagahan kokasi ayaw ko silang mawala sa buhay ko kasi parte narin
sila ng aking buhay kay nga dapat nag papasalamat tayo sakung ano ang meron tayo
kung ano ang oinagkaloob ng diyos sa atin dahil hindi lahat ng tao sa mundo ay
kaparehas natin.Kaya naman mag pasalamat nalang tayo kay God.Ngayon mag
kwekweto nako tungkol sa aking buhay ako ay simple lamang bata na pinalaki ng aking
mam at aking mga tita pinalaki nila ako na may takot sa diyos at pinaliki nila ako namay
prinsipyo sa buhay kaya naman lahat sila hindi ko pwedeng pabayaan sapagkat malaki
ang utang na loob ko sakanila tinuruan nila ako kung pano makipagsalamuha sa mga tao
kung pano gumalang kung pano makipag kapwa tao nung mga pitong taong gulang
palang siguro ako sabi nila sakin pasaway daw akong bata lagging naglalaro
nasusugatan napapaaway daw ako lagi pero sabi ng mama ko sakin sbi nya “anak lahat
ng yan ay kasama sa paglaki at marami png pagsubok na daratin sa buahy mo kaya
dapat lagi lang dapat magdasal ka God”
Kaya naman lumaki ako na ganyan pero pinpilit ko paring mag bago kasi hanggang
ngayon pasaway parin ak ngunit kung dati sobrang pasaway ngayon medyo nalang
nakakatawa ngang isipin eh na dati sobra akong pasaway pero ngayon unti nalang kasi
nanjan sila lagi para pagsabihan at gabayan ako sa mga nagagawa kong pagkakamali sa
aking buahay kaya nag papasalamat ako kay god kasi nanjan sila para bantayan at
gabayan ako.
Nga pala ipapakilala ko sa inyo ang mama ko sya nga pala si Imelda V. Pantua siya ang
mama kong napakabait napaka alalahanin mapag mahal basta para sakin siya ang pinaka
the best na mama sa buong mundo siya ay laging nanjan para sakin kahit na nasa ibang
bansa sya para magtrabaho para sakin at para makutuklong sa pamilya namin pero
dalawa nalang kami at only child ako wala akong kapatid pero kapatid sa ama meron at
kung d ako nag kakamali ang pangalan nya ay Philip. At sa pagkakaalam ko mga nasa
edad na sya na sampo hanggang labing isdang taong gulang at pinag dadasal ko rink ay
jesus n asana makita ko rin sana ang kapatuid ko pati ang papa ko kasi gusto ko
magkaroon ng buo at masayang pamilya pero parang dna mangyayari yun kasi may
pamilya nang iba ang papa ko nasa ibang bansa rin sya tulad nang mama ko at ang alam
ko nasa Qatar sya ngayon ang mama ko nam nasa Canada.Sana magkabalikan sila yun
yung gusto ko na mangyari.
Pero baka hindi na mangyari yun pero sana oo ako nga pala ay grade 8 na ngayon sa
School Of Our Lay Of Atocha (sola) at ang aking guro ay si Ms. Jasmine or Mam
jasmine isa syang napaka bait na guro at maalalahanin sa kanyang sduyante kahit na
minsan pasawy kami sa klase nya pero mahal naming sya isa syang napakamaunawaing
guro at ang aking silid ay sa St.Agnes at isa akong president sa aming klase kaya naman
nag papakabait ako para maging isang mabuting president sa kanila at hind imaging
pasimuno sa mga kaguluhan o mga kalokohan sa loob at labas ng klase ngunit minsan
nagiging iresponsable ako dahil minsan hindi kona sila kayang suwayin lagi nalang kasi
silang maingay at magulo.
Pero ginagawa ko parin ang aking mga tungkuin sa loob ng klase kahit na minsa dko n
talaga kaya pero ako pumili nito kaya kakayanin ko para sa kanila para maging maayos
ang aming klase at hindi maging magulo para naman lagi kaming napapansin na maayos
at masisipag at mababait ang klase ng St.Agnes pero hindi naman ganun lagi nalang nila
napapansin na madumi ang aming silid.
Pero kahit na ganun heto parin kami laging nag lilinis kaya naman gagawin ko ang lahat
para maging responsible kaming lahat nga pala ako ay pianngnak ditto sa Isabela ang
binansagang REYNA ng Kanlurang Luzon masasabi kong isa itong malaparaisong lugar
na kung saan unti palng ang mga nakakakita ang Isabela ay isa sa mga may mga
malalaking nag susuplay ng bigas sa buong Luzon kaya naman hali na kayo punta na sa
Isabela dahuil ditto saraiwa ang lahat saria ang hangin at ditto malayo tayo sa gulo hindi
tulad sa syodad puyro pulyusyon nalang puro kaguluhan nalang wala nang katahimikan.
Kaya tulad na nga na sinabi ko simple lang ang aking buhay hindi malungkot hindi rin
masaya kundi pantay lang alam nyo ang masasabi ko lang dapat lahat ng nagmamahal
sa inyo pahalagahan nyo dahil lahat sila ay umaasa sainyo dahil simula ng mag
kamuwang ka dto sa mundo ay sila na ang gumabay at nag-alaga sainyo lagi silang
najan para alagaan kayo pag may skit kayo at pag may kailanagan kayo ibinibigay nila
agad yun kasi mahal ka nila tulad nalang ng lola ko kapag nag iisa ako lagi syang najan
para aliwin ako at para kausapin ako sya ang pinaka the best lola sa mundo kasi simula
pa nang bata ako lagi syang nanjan para sakin sa hirap man o sa ginhawa sya na kasi
tumayong pap at mama ko simula pa nang bata pa ako kahit kung papasok ako lagi
syang kasama ko pag mamamasyal kami sya parin lagi kong kasama. Kaya naman lagi
ko syang nilalambing tuwing magkasama kami sa tuwing matutulog nga ako nong bata
pa ako eh lagi nya kong kinakantahan ng kantang pambata tapos binabantayn nya ko
hanggang sa makatulog ako tapos pag nagisingh nako nanjan na agad sya nag yaya na
agaad ng meryenda sobra kasi syang maalaga kaya naman pinalitan ko yun lahat ng pag
mamahal ko para naman mapasaya ko sya na hindi nalang lagi sya ang nag papasaya
sakin kundi dapat patia ako mapasaya ko sya kasi mahal na mahal ko sya kaya naman
nasabi kong sya ang pinaka the na lola sa buong mundo.
Ngayon naman mag kwekwento ako tungkol sa mga pinsan ko marami kaming mag
pipinsan kasi ang mama ko ay pito silang magkakapatid at syempre anim ang may mga
asawa at isa naman ang walang asawa pero ang mama ko pala ang bunso sa mga
magkakapatid at ako naman ay nag iisang anak na mapagmahala at malambing at oo
iyakin din ako hindi lang halata sa muka ko kasi lahat ng sakit at lahat ng hirap na
nararanasan ko ay tinatago ko lang kaya hindi nila nalalaman na nahihirapan din ako
minsan hindi lang sila kundi pati ako at marami nakong mga pinsa na malapit nang
matapos yung isa sa march yung ateh ko na napaka lii too sya maliit talaga pero cute
naman daw sya kasi sa lahat nang magpipinsan siguro pangalawa ako sa pnakamalaki
hay nako! pinag usapan pa talaga ang height yung kurso na kinuha nang ateh ko ay
isang maging guro pero salamat sa diyos kasi magtatapos na sya si ateh kahit na naiinis
ako minsan sakanya okey lang kahit na madalas kaming hindi magkasundo kasi naman
pag may takdang aralin ako hindi nya ko tinuturuan pero pag sya naman may kailangan
sinusunod ko naman sya agad pero ako hindi nya ko tinutulungan peo naiintidihan ko
naman siya pero sana pag naka pag tapos na sya tutulungan nya nako sa mga takdang
aralin ko at sa mga gingawa ko at yung kua ko naman ay kumuha nang kursong
electronics magtatapos sya ngayong march din siguro sabay sila ni ateh ko na mag
tatapos kaya naman masaya nanaman tita ko kasi may mga napagtapos nanaman sya
kaya naman pag ako naman na ang matatapos tutulungan ko ang tita ko para naman
makabawi ako salahat ng hirap at pag tiya tiyaga ka nya sa akin at sa amin para
maalagaan kami at ngayon anim na taon nalang matatapos narin ako at kukuha ako ng
kursong Hotel Restaurant Tourism Management(HRTM) kasi baling araw makikita nya
pa akong isa nang ganap na kosenero or chef at ipaluluto ko ang mama ko ng
napakasarap na pagkain at hindi lang ang mama ko pati ang tita ko lahat sila lahat nang
buo kong pamilya ipagluluto ko silang lahat ipagluluto ko sila ng punong puno ng
pagmamahal para naman maging masaya sila kay namn gagawin ko lahat para
makapagtapos ako sa pag-aaral ko at para matupad lahat ng pangarap ko sabi nila dapat
daw hindi daw dapat pinapangunahan ang mga pangarap mo baka daw kasi hindi
mangyari pero gagawin ko ang lahat para matupad lahat ng yun.
At bago matapos ang kwento ng aking buhay teka! teka! parang ang pangit pakinggan
yung salitang bago matapos ang kwento ng aking buhay pag iisipan ko ano ba ang dapat
ang dapat eh bago matapos ang aking kwento susulit sulitin kona alahat nang gusto
kong sabihin ngayon gusto ko rin isali dito si trisha ang pinaka cute daw at pinaka
matangkad kong kaibigan hay nako! in the future daw tatangkad din daw sya sya ang
kaibigan ko na napaka tahimik pag kami ang magkasama pero pag mga kaibigan nya
napakaingay nya ano yun nag iipon lang sya ng lakas pag kami ang magksama para
magkapag ingay nanaman sya pag kasama nya mga kaibigan nya pero isa syang tunay
na kaibigan at naging parte na sya ng buahy ko sa bawat oras na magkasama kaming
masaya at yun importante narin sya sakin at uulitin ko ang mga sinabi ko na sa bawat
pagsubok na darating sa buhay mo may tutulong at tutulong para sayo para magkaroon
ka ulit ng bagong pag-asa at bagong buhay at magkaroon ng mga bagong kaibigan kaya
naman lahat ng taon nag mamahal sayo lahat sila protektahan mo at pahalagahan mo
dahil lahat sila laging najan para sayo sa hirap man o ginhawa. Kaya Ang Buhay
Ko ay Puno ng Pag-ibig..!!

PROYEKTO SA FILIPINO IPINASA NI: Gene Joshua Pantua IPINASA KAY:


Ms. Jeferlyn Agbayani

ALWAYS SMILE MAM<3!!!

You might also like