You are on page 1of 7

Hi?

Goodevening Dj Blue, pasensya na't medyo mahaba haba ang mababasa mo ngayon😁 I feel great na
ma eeshare ko ang lovestory ko, thank you at sana'y magustuhan ng mga makikinig. Ako'y isang di
hamak lamang na binata na nagmahal ng lubos ngunit sa sinasabi pinagtagpo pero di tinadhana ay
sadyang labis kung dinamdam sapagkat she was my first love😍 charoot😂her name was ......
secreeet😂 itago nlng natin sa nickname na gian(jiyan), sa kanya ko naramdaman yung love at first sight,
nakita ko sya sa paglalaro ng volleyball in some athletic meet when she was in grade 6😁😁 pakunwari
kong hinagis yung bolang hinahawakan ko papunta sa kanya para yun ang paraan upang makausap ko
sya hehehe😅(galawan) "hi ding", pahiyang tanong ko sa kanya😂 at sumagot naman sya ng "hello kuya"

ako naman tong sira ulo nahihiya😂tinanong ko naman sya ulit kung may laro paba sila at sagot nya
sakin ay meron pa raw.

"goodluck ding" sabay ngiti kong sinabi.

"salamat kuya" sagot naman nya😁😁 sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita ko sya ulit liligawan ko sya
hahaha😂child abuse naba yun? di naman siguro😂

lumipas ang mga panahon at bigla akong nagulat ng nakita ko sya sa training ng volleball at saktong
training din namin😍😍

papansin ako ng papansin at sya sya naman tong iwas ng iwas😅kinapalan ko na muka ko eh😅hanggang
sa umabot ng dalawam buwang pang liligaw ko't pumunta ako sa kanilang upang ipagpaalam sya sa
kanyang magulang na liligawan ko sya😍😍don na nya ako sumagot😍naghahalong saya at kaba nong
araw nayun😅

tumagal kami ng hanggang pitong buwan at naghiwalay sa kadahilanang dipwede because of our
religion, sobrang mahal na mahal ko sya kaya kahit ganon eh sumugal ako para maging kami, kahit
ganon ay alam kong mahal ko pa sya at nararamdamannkong mahal nya pa ako🤗😍isang pagkakataon
ay nagusap kami hinggil sa aming dalawa at may napagkasunduan

at yun ay liligawan ko nlng sya at sasagutin nya na laman ako kapag pwede na😍pumayag ako syempre
mahal ko eh😅😍and it works, we're both happy sa aming napagkasunduan😁

ako yung tipong di mahilig sa sweetness pero sagad kung mag effort, every birthday nya, may surprise
lagi ako, pasimpleng cake lng at iilang regalo at di nawawala ang pinagmamalaki kong mga TULA na para
sa pagmamahal ko sa kanya😍😍

di kami nag aaway pagkat lahat iniintindi ko at ganun din naman sya, masaya lng kami lagi eh😁😍

tumagal at tumagal pa yung ganitong pagmamahalan namin at halos aabot na ng apat na taon😍isang
bagay ang pinagtalunan namin yung ay ang pagseselos nya sa mga kaibigan kong babae ako kasi yung
lalakeng mahilig makipag kaibigan sa mga babae sa kagustuhan kong magkaron ng kapatid na babae at
yun ay wala ako hahah😂😂kaya yun, pinagseselosan nya ang mga ito, kinausap nya ako at pinag
sabihan ako naman tong sobrang nagmamahal😍🤗 binago ko yun para sa kanya, na halos nagtatanong
na nga yung mga kaibigan ko bakit ba ang supla suplado ko na raw.

at di nasya galit😍at wala ng issue sa mga ganon. kaya masaya na kami ulit 😁 pero nong papalapit ng
papalapit yung provincial ng sarangani at yun ay pang huli na namin dito sa kiamba ay umiiba ang
pakikisama nya sakin. It was a perfect timing kasi kung san kami unang nagkita eh don rin yung huli eh😍
pero di nyako pinapansin hanggang sa nandon na kami sa mismong lugar ng athletic meet na iyon.

isang gabi ay bago kami uuwi ay pinuntahan ko yung mismong lugar kung saan una kaming nagkita 🤗at
napaiyak nlng😭😭😭😭😭😭wala akong ka alam alam na don din pala sya nanggaling😱😱

nahuli lng ako ng ilang minuto eh shiiittt😰😰sabi ko sa sarili ko "sayang naman, kung inabutan ko lng
sya non edi nakapag usap sana kami"

subalit diko na masyadong iniisip yun, hanggang sa kami na ay nakauwi ng di man lng padin nagkakausap
kahit sandli man lng.

kung ano ano ng iniisip ko, dina mapakali, bakit kaya? bakit ganon? bakit ganito? diko maintindihan
eh😣wala man lng pasabi kung bakit?

hanggang sa isang araw kami ang nagkasalubungan at nginitian nya ako😍sobrang saya ko kahit ngiti lng
nya ang nasilayan ko😍

at tinawag, "halika, may sasabihin ako" banggit nya sakin

3rd floor of senior high building, nasa hagdan lng kami nakaupo, don kami nag usap.

diko inaasahan ang unang binanggit nya sakin at tila nalugmok ako at natabunan ng kalungkutan😞

"ayaw ko na suko na ako" banggit nya sakin


bakit? anong dahilan? bat biglaan? halos lahat gusto kong itanong sa kanya ng sabay sabay eh🙃😞

"nagseselos na talaga ako, diko na kaya na nakikita kang may kasamang mga babae" sabi nya

"kaibigan ko lng naman sila diba? at alam mo naman kapag kasama ko sila, nagpapaalam naman ako
sayo at pumapayag ka naman, tapos ganyan nlng bigla?" naiiyak kong banggit sa kanya😔😢

at sumagot naman sya sakin. ayaw nadaw nyang ganon, nagseselos sya pero di nya magawang
pagsabihan yung mga pinagseselosan nya sa kadahilanang wala pang "KAMI" gusto na nya nag
magkaroon ng rights to tell them na sa kanya lng ako at sabihin nagseselos sya pero di nya magawa dahil
nga walang kami😭😭😭

"yung lng naman pala eh" sagot ko sa kanya

"edi bibigyan natin ng karapatan ang isat isa para wala ng mahirapan" umiiyak na sagot ko sa mga sinabi
nya😭😭

subalit ayaw na nya, suko na sya at bibitaw na😭😭😭

nong mga oras na iyon ay lumabas na talaga ang mga luha ko pati narin sa kanya😭😭at halos wala na
kaming pakialam sa lahat nga mga estudyanteng dumadaan sa aming harapan, na halos kami lng
tinitignan nilang lahat😭😭

"wag ka munang sumuko, laban pa tayo, kaya naman natin diba? pwede pa naman nating ipaglaban to
diba?" na uutal-utal kong bulong sa kanya pagkat inilibas ko na ang aking luha sa pag iyak😭😭

subalit ang sagot nya sa kin ay;

"kilala mo naman ako diba? malay mo ganito lng desisyon ko ngayon at ilang araw ay babalik nako
sayo" baka sakali, BAKA SAKALI, pagbigyan mo nlng muna at palayain ako ngayon"
alam ko namang di na sya babalik eh😭😭😭sinabi lng nya sakin yung BAKA SAKALI para bitawan ko sya
pagkat aasa pa ako

wala na akong kibo, at patuloy na ang pagbuhos ng aking mga luha.

may tugtug pang nakakainis na sumasabay sa hiwalayan ehh😂😭😭

habang sinasabi kong wag muna tayong sumuko, sabay kanta

"i wont give up on us, even if the sky's get rough" 😂😭😭ayon nagtitinginan nlng kami at ay umiiyak

niyakap ko sya at tinanong pang huli, "ayaw mo na ba talaga?' at di na sya sumagot

hinawakan nlng ang mga kamay ko, lumingo-lingo, dahan-dahang lumalayo at sabay binaggit binaggit
ang pinaka hulinat pinakamasakit na salitang narinig ko.

"PAALAM"

😭😭😭

mula non ay nag iba, nabawasan ang ngiti ko, di na gaya ng dati kung akoy tumatawa pero laban😁😁
sabi ko sa aking sarili, talagang matatagalan bago maghilom ang sakit ng nararamdaman, talagang
matatagalan bago maibabalik ang dating kong saya

, kaya nong akoy nag aral na sa kolehiyo, sabi ko, "dito na magsisimula, dito na ako makakapag move on
hahaha😂" pero di ko maintindihan eh, bawat araw na lilipas nasa isip ko parin sya, lahat ng pwede kong
tanungan eh kinakausap ko para lng kumustahin sya, ewan ko ba kung bakit ganon😅siguro dipa sapat
yung panahon na nagdaan para maka move on😅

isang gabi, may nag chat sakin, sabi nya "yang, may boyfriend na si gian", agad naman akong nag reply,
"totoo?"

sabi naman nyay oo,


ay wala na akong pakialam, susuportahan ko nlng sya, at masaya akoa sa kanya, banggit ng aking isipan.

baka siguro nakapag move on na ako kasi wala na eh, wala na akong pake😁masaya nako non

ng biglan tumulo nlng luha ko at napaiyak "t*ng *na, diko ko kaya ng wala sya" at patuloy sa pag iyak na
nakaupo sa labas ng bahay, diko na namalayang umuulan non, iyak lng ako ng iyak at basang basa na sa
ulan

na realize ko na naman, that time is dipa talaga ako nakakapag move on.

lumipas ang taon sa aking buhay ng di parin nakakapag move on, "jusskooooooooo looordddd😂😂
pano bato, may iba nasya oh, pero bat umaasa parin ako?"

after 6 months ay nakapag jowa na ako at nakapag move on nadin, masaya naman ako sa bago kong
girlfriend at ganon din sya sakin.

umabot na kami ng 3 buwan ng gf ko at di parin kami nagkikita ni gian, at wala narin sya sa aking isipan.
pero habang tumatagal kami ng girlfriend ko eh di na ako masaya, di kami nag kakaintindihan eh,
masyado syang nag ooverthink sa lahat ng bagay, to the point sumuko ako sa kanya and end up our
relationship.

Isang araw niyaya ako ng mga kaibigan kong mag gala, sama naman agad ako, ako pa eh hari ng galaan
to hahaha😂ng biglang sinabi ng isa kong kaibigan,

"dalawin kaya natin si gian"

sabay oo naman tong iba, at ako lng naman tong parang di sang ayon kaya sumama narin, kinakabahan
ako habang papalapit ng papalapit sa kanila, at nong halos tanaw ko na ang bahay nila, nagpasya akong
magpaiwan na lamang kasi nahihiya at natatakot ako.

Ayan na, tanaw kong isa isa na silang pumasok sa bahay, ng biglang may sumigaw sakin, "casper, pasok
ka daw sabi ni gian"

"naku, sya na mismo nag anyaya sakin na pumasok" sabi ko sa sarili ko, kaya pumasok naman ako at
bumati ng magandang gabi sabay sabing hello gian kumusta ka?

nginitian naman nya ako at sinabing, "hi, okay lng naman ako"
di ako kumikibo at nakayuko lamang, ng bigalang dumaan ang mama nya,

"he-he-hello p po ante" utal at hiyang hiya kong pagbati,

ngumiti lamang ang mama nya, at pag upo nya sa lamesa, ay mas lalo akong nahihiya at kinakabahan,
pagkat mula nong sya ay naupo, nakatitig lng yung mga mata nyang parang naiiyak na parang halos
gusto akong kainin, ilang besea kong sinulyapan at nakatitig padin sya, kaya nagpasya na akong
magpalaam at umuwi na,

"mauna napo kami" paalam ko sa mama nya, tumango lamang ito at tinititigan lng ako hanggang sa kami
ay makalabas.

kaya kay gian nlng ulit ako nagpaalam,

"gian, bye², uuwi na kami"

kumaway naman din sya sakin

tulala at nawala ako sa akong kasiyahan nong mga oras nayun hanggang sa nahatid ko na lahat ng
kaibigan ko at akoy nakauwi na, bigla kong naramdamang, di pa pala ako nakakapag move on.

magdadalawang taon na juskooo!!😔 bakit nandito padin? i hate this feeling na kahit di na dapat ay
umaasa parin ako sa kanya😔💔 sobrang labo at talagang di na pwede, pero ako padin ay may
pagmamahal na naiwan pa pala, at parang di kayang mawala.

umiyak ako nong gabing iyon, pagkat lahat, lahat ng alaala naming dalawa nong magkasama pa ay
bumalik sa aking isipan, kaya iniyak ko nlng hanggang sa akoy maging okay na, at isa lng ang
napatunayan ng pangyayaring ito sakin. At isa lng ang napatunayan ng pangyayaring ito sakin, sya lng
ang nawala, pero ang pagmamahal ko sa kanya ay narito parin, dala dala ko.

Kaya ang mensahile ko lng sayo gian, masaya na akong nakilala kita, na naging bahagi ka ng buhay ko sa
ilang taon, sobrang dami kong natutunan sating pagsasama.

hindi kita kayang kalimutan eh, cause your my first true love.
at di na ako aasa na magiging tayo pa pero nais ko lng malaman mo na minahal kita ng sobra at mahal
padin kita😁😅

- -your ex, GFcasper😔💔

You might also like