You are on page 1of 7

14 (Short Love Story)

By: saphire300

Description :
Hindi dahil bata pa ako, wala na akong karapatang magmahal may damdamin rin ako nasaktan nga lang ..

---Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng isang tao masaktan masaktan sa pag-ibig masaktan ng pisikal .. ano bang mapapala natin kung masaktan tayo ?

EXPERIENCE ? for experience ?!

lintik na experience yan !! nang dahil dyan, marami ang nasasaktan .. marami ang nabibigo at nawawalan ng pag-asa ..Kagaya ko naranasan na ang hagupit ng tadhana .. ang masaklap na kabanata ng isang buhay ..

Ako nga pala si Sapphire isang hamak ng 14 years old na babaeng simple at tanging hangad ay kaligayahan .. naranasan na ang sakit at hapdi ng sugat sa puso . Marami na akong EXPERIENCE .Experience ng masasakit na ala-ala .. nakaranas na rin akong magmahal noon .. pero ewan ko ba sa puso ko ayaw na kasing tumibok at magmahal ulit pero ayos na yon dahil ayoko nang masaktan

Sabihin na nating bata pa nga ako dahil 14 palang ako pero may karapatan naman din akong magmahal at umibig dahil may damdamin rin ako ..May isang lalaking, lubos na nagbigay kulay ng mundo ko .. tawagin na lang natin syang . Mr. Smile .. yung mga matatamis na ngiti niya naaalala ko yon yung mga ngiti niyang nakakamatay at nakakabaliw .. na halos ang sarap titigan ..

Nang dahil sa ngiti niya napa-ibig ako ng husto hanggang sa sinagot ko siya sobrang saya naming dalawa noon walang kapantay na kasiyahan at galak ang bumabalot samin

Araw-araw salubong niya sakin ay ngiti .. palitan ng I love you and I miss yous . Hug dito holding hands dyan sobrang saya ko na !At kahit hanggang bahay text dito, tawag dyan .. yan ang ginagawa namin .. tila ayaw naming halos na magkahiwalay Siya ang unang pag-ibig ko .. siya yung lalaking, prinsipe kung tawagin ko noong halos bata pa ako gusto ko ng prinsipe na pagtatanggol ako ! labs ko kaya siya !!!, yan ang mga katagang lagi kong binibigkas tuwing nakikipaglaro ako sa mga batang tulad ko noon ..

Tuwing nasa school kami ng aking mr. Smile, lagi kaming magkasama saan man pumunta naaalala ko pa nga ..isinigaw niya ang pangalan ko kasabay ang katagang MAHAL KITA! na parang ganito Sapphire!MAHAL KITA !!

Sinigaw niya yon sa harap ng daan-daang studyante sa school namin .. habang nasa stage siya at kasalukuyang recess ..kinilig hindi lang ako kundi ang buong crowd yung mga kaklase natin .. inaasar tayo pero tayo naman dedma lang Di rin naman nawala ang selosan lalo nat pogi ka at habulin ng sandamakmak ng echoserang babae pero pinatunayan mo parin sakin na faithful ka at talagang mapagkakatiwalaan ..

Dahil 1st year pa lang tayo, at mga bata pa doon pumasok sakin na

Hindi dahil bata pa ako, wala na akong karapatang magmahal may damdamin rin ako nasaktan nga lang ..

Siya nga pala .. naaalala ko rin yung Valentines day, yon ang unang Pebrero na kasama ko ang mahal ko .. may program sa school at mga palaro hinanap nga kita pero di kita mahanap hanggang sa malapit ng dumilim biglang may kumanta sa stage boses pa lang ng kumakanta .. alam ko nang ikaw yon ..

Kinanta mo yung theme song natin (14-silent sanctuary) kasama ng mga kabanda mo at inialay mo sakin ang kanta matapos mong kumanta, nagtilian lahat ng babaeng nanonood sayo ..bumaba ka noon sa stage at inabutan mo ako ng red roses, chocolates and a gift ..Sinabi ko sa sarili ko noon, ang sarap pala ng feeling ng magmahal hindi lang magulang mo at ang Diyos ang nagmamahal sayo kundi isa ring mahalagang tao na naging parte na ng buhay ko ..Halos mag iisang taon na tayo .. 2nd year na tayo at hanggang ngayon, nasa puso parin natin ang isat-isa ..

Walang teacher noon buong magdamag kaya di natin inaksaya ang pagkakataong, mag usap .. sinabi mo sakin tandang-tanda ko pa

hindi kita iiwan kahit kailan , matamis mong sambit sakin napanatag ako ng mga oras nayon at kinikimkim ang sobrang saya niyakap mo ko non ng mahigpit .. binulong ko sayo na promise? pagtatanong ko

Sinabi mo namang oo at ngumiti simula ng araw nayon mas nagtiwala ako sa pagmamahal mo Ang sarap ang sarap-sarap magmahal sabi ko sa sarili ko ikaw na talaga hanggang sa dulo .. ikaw na yung una at huli kong pag-ibig sumang-ayon ka naman Nalungkot nga lang ako nung di ka sumipot sa birthday ko alibi mo, may sakit ang lola mo kaya pinaakinggan na lang kita ..

Bumawi ka naman sakin dahil di ka nakapunta sa birthday ko nagdate tayo sa isang exclusive restaurant na talagang pinaghandaan mo Araw-araw nga, lumalabas tayong dalawa at nagfu-food trip pa sabi mo sakin .. promise, till the end, gagawin natin toh .. sobrang sarap nga sa tenga ng mga binigkas mo ehh halos nakatanim na sa isip ko ..

Pero hanggang sa bihira na tayong magkita dahil bakasyon na wala na akong contact sayo dahil sabi ng mga kaklase natin, nag palit na daw ng number doon ako nagtaka pero pinalagpas ko muna ito ..Nang lumipas ang tatlong linggo, di ka na nagparamdam hinanap kita pero wala akong nakitang mr. Smile ..Umiyak ako buong magdamag hanggang sa sinabi ng maid ko , may bisita raw ako akala ko nga ikaw ehh .. pero di pala ..

Si Jane pala matalik kong kaibigan ... kinausap niya ako at may pinagtapat siya nang maisalaysay niya sakin ang lahat Doon lubos na nawarak at nasugatan ang puso ko nakakapangilabot at nakakarindi sa tenga ang mga nalaman ko puot at galit ang naramdaman ng damdamin ko luha naman ang ibinuhos ng mata ko .. at temptasyon at panginginig ang naramdaman ng mga kamao ko At ang una ko na lang nasambit

HAYOP KA *huhuhu* bakit mo ko s-sinaktan !!iYan ang isinigaw ng bibig ko habang nagwawala ako . Buti at nandyan si Jane sa tabi ko nang mga oras na yon lantang gulay na ako para bang sa mga

nalaman kong May iba ka na parang ayaw ko nang sikatan pa ako ng araw bukas pero doon ko nalamang, di lang ikaw ang nagpapatakbo at magpapatakbo ng buhay ko !!

Sinikap ko wag mawalan ng pag-asa pero .. nagrebelde ako ..Pinabayaan ko ang sarili ko at iniwan ang kinabukasan ko .. sa pag-asang, makakalimutan rin kita kung saan-saan ako nagpunta at gumala nalulong ako sa alak at nagwaldas ng maraming pera Ngunit ng magising ako isang araw, doon ko napagtanto na babangon ako bumalik ako sa bahay at nagpakapera inayos ko ang sarili ko at naging maluho

muli akong sinuportahan ng mga magulang ko sa pagbabago ko Nagpaputi ako lalo at nagpakinis ng balat nagparebond ako at inayos ang mukha nang dumating ang oras para pumasok ako sa school

Im back Mr. Smile but Im not Sapphire anymore iba na ako .. humanda ka sakin dahil gagantihan kita ipaparanas ko sayo kung paano ang MASAKTAN !

At sa pagpasok ko sa school lahat ng mga mata ay nakasunod sakin at nakita ko ang mukha mo non ! may kasama kang babae Siya ba ? siya ba ang pinagpalit mo sakin ?? isang hamak na pokpok at kaladkaring walang utak ? ha! Sinong niloko mo sarili mo ?Akala ko this time magaling ka pumili ng babae .. pero natawa lang ako sa babaeng kaholding hands mo noon .. palpak !

Makalipas ang 2 buwan .. tagumpay ang plano ko napaibig nga kita pero di mo na makukuha ang pag ibig ko kahit kailan !

sorry .. sorry kung iniwan kita .. please .. bumalik ka na sakin pagmamakaawa mo ..

sinong tangang Sapphire ang babalik sayo ?? matapos mo akong iwan BABALIK KA NGAYON !!! HAYOP KA !! buong buhay highschool ko ! inilaan ko sayo !!! buong 14 years old age ko kasama kita !! pero anong ginawa mo ? naghanap ka ng iba ?? bulyaw ko sayo pero niyakap mo lang ako ng mahigpit ..

Ramdam ko sa yakap mo ang pagmamakaawa . At di nagtagal bumalik ang naging tambalan nating dalawa ..Pinatunayan mo ulit sakin ang pagmamahal mo binigyan kita ng second chance para patunayan ulit saking, mahal mo ako

Nangako ka nga sakin ehh na di mo na ako iiwan pa ulit pero ano na namang ginawa mo !!!Kitang kita ng dalawa kong paningin ang pagtataksil mo !!!This time sobra na sobra na yung sakit dahil binale wala mo ang pangako mo sa PANGALAWANG PAGKAKATAON !!

Bakit ? *sniff* bakit kailangan akong masaktan !!!! nagmahal naman ako ng tapat at totoo ahh !!! binigay ko ulit sa kaniya ang sarili ko sa pangalawang chance !! pero binigo niya ako !!! pinagtaksilan niya ako ulit ..!!, sabi ko habang patuloy sa pag iyak dito sa may dalampasigan at hinihintay ang paglubog ng araw

Ayaw ko pang mamatay pero di na ako ulit magtatangkang balikan pa siya Wala na akong pusong maihaharap pa sa iba durog na ehh .. puro sugat na ganon na ba ako kasama para iwan ?14 pa lang ako noon .. nang maaga akong magmahal ganon din pala ako makakaranas na maagang masaktan masakit sa loob pero kailangang tanggapin .. babangon ako ulit pero di ko alam kung kaya ko pa bang muling umibig ..

Di ko na naman mababalik ang lahat ala-ala na lang tong mga ikinukwento ko bahagi ng ala-alang, mahirap kalimutan kahit isa itong masakit na karanasan ..Pero, kailangan ba talagang masaktan pag nagmamahal ?? hindi ba pwedeng sapat na yung walang hanggang kasiyahan

Sana di pinagkait sakin ng tadhana ang pagkakataon .. para di ko na sana naranasan ang mapait na karanasang nadanas ko ..Sa ngayon, walang kasiguraduhan pa kung iibig pa ba ako ulit .. pero hidi ito isang pangako .. dahil kung minsan .. di lahat ng pangako natutupad .. yung iba napapako ..Ngunit kahit halos 3 na taon na ang nakalipas ng maranasan ko iyon nangungulila parin ako sayo mahal parin kita at di nagbago sa tuwing makikita kita gusto kong lapitan ka at hawakan pero parang

Ayoko na Dahil may iba ka na at di na ako ang mahal mo sobrang sakit kasi kung dati ako yung kasama mo pero iba na ngayon di ko na nga lang alam kung ano pa ang gagawin ko para lang itago sa harap mo kung gaano ako nasasaktan

Pero .. Mr. Smile .. first love never dies .. kahit iba na ang sitwasyon ngayon nandito ka pa rin sa puso ko ... wala ka nga lang sa tabi ko ..

At dahil nasakin pa rin ang sakit ng pagmamahal ayaw ko ng masaktan ulit ..Kaya ..

Hindi na ako muling iibig ..

END ----

You might also like