You are on page 1of 8

Ang Hirap Mainlove sa Tropa

Beverly Cumla

Ang hirap mainlove sa tropa


‘yung tipong ‘di mo inaasahan pero nahulog ka na pala
Kasing lalim ng bangin
Hindi na mahukay natabunan ng masayang alaala
Kung saan mahal na kita pero ayokong mapahiya,
Ayokong sabihin mong sinasamantala ko ang pagkakaibigan nating dalawa.

Ang hirap mainlove sa tropa


‘yung akala mong wala lang ang paghawak
‘yung mga tawang walang humpay pero
Isang araw, mapapahinto ka na lang
Tititig sa kanyang mga mata sabay tibok ng pusong nananabik sa bawat ngiti mo
Pero hindi,
Maiilang ka, iiwasan mo ang iyong mga mata sabay, awkward na.

Ang hirap naman mainlve sa tropa


‘yung gusto mo ng umamin pero di mo kaya
Natatakot na baka mawala ang matagal ng samahan na naging dahil ng unti-unting pagkahulog mo sa
kanya.

Ang hirap mainlove sa tropa


Sinubukan ko naman kasing pigilan
Tinanong ang sarili kung totoo ba ang nararamdaman kasi baka sakaling hindi naman
Baka sakaling namimiss ko lang ang asaran pero hindi
Bakit ako naiinis kapag may kasama kang iba?
Kapag hindi ako ang kasabay mong pumasok sa eskwela.
Kapag may bago kang kakilala at masaya ka pagnakikita mo siya
Bakit ako nagseselos?
Sabihin niyo nga? Normal pa ba?
O talagang mahal ko na siya?

Ang hirap mainlove sa tropa


Totoo, seryoso alam kong nararamdaman niyo
kasi hindi malabong mangyari sa iyo ‘to

Ang hirap mainlove sa tropa


Alam mo, sa tuwing kasama kita
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko kasi tropa kita?
O magiging malungkot ako dahil baka hanggang tropa na lang talaga
Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko
‘yung sabihin yung nararamdaman ko?
O mananatiling bibig ay sarado pero habang buhay palihim na iibig sayo
Hindi ko alam! Pano ba? Paano ko ba sisimulan ang mga salitang tinatago?
Ang mga ngiting sa likod ay pagkahumaling sayo?

Paano ko ba sisimulan? Dahil hindi ko naman alam kung parehas tayo ng nararamdaman sa isa’t isa
kasi baka sakaling hindi naman
Pero alam mo nanghihinayang din kasi ako
Baka sakaling gusto mo din ako?
Baka sakaling, hinihintay mo lang ako
Baka sakali lang naman
Baka sakaling kapag umamin ako
Sabihin mong matagal na din naman kitang gusto
Pero paano ko sisimulan? Paano ko ba sisimulan kung hindi ko alam kung paano tayo nagkakilala at
kung saan tayo natungo at kung nasaan na tayo ngayon?
Ang sweet mo naman kasi minsan
Miss moko tapos uulit-ulitin mo hanggang eto!
Wala na! hindi ko na kaya! Nahulog na! Gusto na kita! Higit pa sa tropa.

Pero sabi ko, sabi ko tama na, sabi ko tama na


Kasi nakita kitang may kayakap ng iba
Isang araw ulit, sabi ko tama na!
Dahil nakita ko kung gaano ka kasaya
Nakita ko yung mga ngiti mong doon ko lang nakita
Pero alam mo nung nakita ko kayong dalawa
Ang tanga ko kasi pwede naman pala
Pwede naman pala kasi ‘yung nakita kong kayakap mo yung isa nating tropa
Narinig ko yung sinabi mo sa kanya na mahal mo siya

Pero mas nasasaktan ako nung sinabi mo sa kanya na pwede bang higit sa tropa?
Alam mo sobrang nasaktan ako kasi yung mga katagang yun ang mga salitang dapat sasabihin ko
sayo,
Pero di ko inaasahan na sasabihin mo yun sa iba

Ang tanga ko kasi, naunahan ako ng kaba


Ang tanga ko kasi, pwede naman pala
Pero tama na, ayoko na

Ang hirap mainlove sa tropa


Pero mas mahirap pa lang mainlove sa tropa na gusto yung isa niyo pang tropa
Triple kill kana
Sana ako na lang siya
Sana ako na lang yung sinabihan mong mahal kita
Sana tayo na lang dalawa
Tayo na lang dalawa
‘yung higit pa sa tropa.

TAKOT AKO
Jan Celada

Hindi ako takot umibig pero takot ako sayo. Hindi’ dahil ayoko sayo, kundi’ sa tingin ko hindi
malabong mag kagusto ako sayo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang gabing ito at ang
magagandang kwento mo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang boses mo, ang mga titig mo. Baka
masanay ako.
Hindi ako takot umibig pero takot akong mahulog. Sapagkat paano mo iibigin ang taong estranghero?
Kung sa unang gabi palang ng iyong pagkikita ay nahulog ka na. Nahulog sa kwentuhang matagal, sa
kanyang boses na hindi pagal, sa mga ngiting nang-aakit, sa mga matang nakakahumaling, sa kanya na
hindi pa kilala pero pakiramdam ko matagal na kaming nagkita.

Takot ako sa dilim, pero mas takot ako sa liwanag. Takot akong makita ang sarili kong kasama ka.
Baka kasi pag nasanay na ako sa liwanag bigla nalang itong mamatay hanggang sa unti-unting dumilim
ang paligid ko at baka masanay ulit ako. Masanay ako na maglakad na para bang nakapikit. Maglakad
patungo sa palaisipang lugar na paikot-ikot lang ang daan. Baka bigla nalang akong yakapin ng dilim
sabay bulong sakin ng “tumigil ka na tanga!” Baka biglang lumabas ang mga kaibigan ko sa dilim at
masanay sila sa liwanag. Baka multuhin nila ako habang tirik ang araw at habulin ako sa kung saan.
Baka habang tumatakbo ako palayo ay mabulag ako sa liwanag na dulot mo at baka mabangga ako at
muling mabuhay ang mga alaga kong paru-paro.

Hindi ako takot ako sa patay, pero takot sa buhay. Takot akong mabuhay ang mga daga sa aking dibdib
na matagal ng nanginginig sa lamig. Takot akong matunaw ang mga yelo na matagal ng nakapulupot
sa puso ko. Takot akong matunaw ang mga ito at lunurin ako sa pag-aaklang tunay ang nararamdaman
ko. Takot ako sa majikang dulot ng pagibig na nag bibigay buhay sa mga patay na kandilang dala-dala
ko. Takot akong maging maliwanag ang paligid ko at makita ang katotohanan ng mundo. Takot akong
makita na ang mundo natin ay iisa pero mas takot akong malaman na iba ang gusto mong kasama.

Hindi ako takot mag-isa, pero takot akong kasama ka. Takot akong makasama ang mga dati mong
kasama, baka kasi kong anong sabihin nila.. O kaya pag kasama mo sila at kapag madami na sila
maramdaman ko ulit kung pano ang mag-isa.

Hindi ako takot sa luma, pero takot ako sa bago. Sana kahit may dumating na bago, walang magbago.
Sana kahit mag mukha na akong antigo, wag mo akong itago gaya ng mga nakalagay sa inyong
aparador. Hindi ako plato, kutsara o tinidor na gagamitin mo lang sa piling-piling okasyon dahil wala
ka ng ibang opsyon. Sa piling-piling araw na kung saan ipapagamit mo lang sa kung sino-sinong tao
dahil yun lang ang silbi ko. Takot ako.. Natatakot akong mapalitan ng bago. Dahil lang meron bisitang
darating kasabay nag pag tapon mo saakin. Kasabay ng mga bago pang darating wag mo sana akong
paglumain.

Hindi ako takot sa wakas pero takot ako sa simula. Lahat kasi ng sinimulan ko parang laging may
nakakapit na malas lagi nalang gustong kumalas sa pagkakapit hanggang sa mag wakas. Hindi kasi
lahat ng wakas ay may kasunod na simula.

Hindi ako takot sumagot pero takot ako sa tanong. Mahal mo na ba? Mahal ka ba niya? Takot akong
masagot ang mga tanong ko ng “Oo” tapos sasabayan mo ng “Pero”, ng “Oo” na may preno ang tono.
Kaya takot sa tanong pero mas takot ako sa sagot. Mahal na kita, mahal mo din ba ako?

Takot man akong tapusin ang tulang ito gusto kong simulang wakasan ang mga kwento ng iyong
nakaraan at gagawa ako ng panibagong kwento na walang simula at katapusan. Sisimulan ko ito
pagkatapos dumampi ng balahibo mo sa balat ko habang naglalakad ka palayo sa buhay ko. Habang
umaalingawngaw ang boses ko sa kada bigkas ng mga salita nitong tula para sayo. Gagawin ko ito
kapag hindi ko na maaninag ang anino mo. ‘Pag hindi na kayang lumipad ng mga alaga kong paru-
paro. ‘Pag hindi na kayang huminga ng mga daga sa aking dibdib. Habang minamasdan ko ang pag
lisan mo. Habang kausap mo siya at hinahalikan ka niya sa noo. Habang hawak mo siya sa kamay at
naglalakad kayo palayo.

Madami man akong kinakatakutan kung ano ano nalang gaya ng sayo, liwanag, buhay, simula, bago at
makasama ka lahat ng ito hindi mahalaga. Iibigin kita kahit ano man sabihin nila. Kahit hindi ako ang
iyong mahal, liwanag mo, kahit iba na ang buhay mo. Kahit simula palang ng tulang ito ay takot na
ako. Iibigin kita sa isip, sa panaginip, sa diwa, sa mata, sa tingin, sa lambing. Matulog ka ng himbing
hanggang maubos ang kandilang minsang ikaw ang nagsindi. Kahit lahat ng ito ay walang silbi.

Pagkatapos magigi kang Anekdota. Isang estorya sa buhay ko na minsan may nakilala akong tao..
namatay siya.. pinatay ko siya sa puso at isipan ko. Gagawan kita ng puntod na mag sisilbing paalala
na minsan akong nagpakatanga sayo. Gagawan kita ng puntod at doon ko ibabaon lahat ng sakit, pait,
inggit, sungit, inip, pagal, lihim na minsang niregalo sa sakin. Lahat ng ito ibabaon ko sa hukay na
ginawa ko para sayo. Iibigin kita habang nililibing ang ‘yong alaala. Ililibing kita habang iniibig ko ang
iyong alaala.

Pansamantala
Erica Del Rosario

Isang magandang hapon sating lahat


Teka mali yata, isang masakit na masakit nah apo sating lahat.

Sa totoo lang, ayokong saktan kayo sa mga linyang bibitawan ko


Kasi hindi naman yata pwede na ako lang yung masaktan sa lahat ng panyayaring ito.

Alam ko lahat tayo nasaktan,


Nasaktan sa nakaraan, sa magkakaibang rason nga lang
Na hindi pa rin maalis sa ating isipan
Kung paano ka niya iniwan at binitawan
Para lang sa tao na sa tingin ko mas nagbigay ng kaligayahan.

May mga ilan ilang akong naransan, na baka naranasan niyo rin
Naranasan niyo na bang maging unan na kayakap niya sa tuwing nalulungkot siya?
O magsilbing balikat na sandalan niya sa panahong nahihirapan na siya?
O magsilbing panyong pamunas ng mga luha niya sa tuwing nasasaktan na siya?
In short, naranasan niyo na bang maging pansamantala?

Kamusta ka na?
Balita ko sobrang saya mo na kasi kapiling mo na ulit siya
Sobrang saya mo na nga siguro no?
Kaya nga siguro hindi mo ‘ko naalala.

Okay yun, okay yung alam kong masaya ka na


Masaya ako para sa inyo pero, pero heto ako okay lang.
Naiisip ka pa rin minsin, minsan napapatanong pa rin ako,
Kung bakit ganon? Bakit ganon na lang? ang ating nakaraan ang bilis mo naming kinalimutan dahil
bas a bigla kayong nagkabalikan?
Nasan na yung pangako mo na walang iwanan na hanggang dulo tayo lang?
Tama ka, tayo lang, tayo lang ay magkaibigan.
Hanggang kelan ko kaya sasabihin sayo lahat ng ‘to no?

Kelan kaya mauubos lahat ng gusto kong sasabihin sayo


Ilang bese ko a kayang sasabihin na pagod nako pero nagpaptuloy pa rn ako?
Kelan kaya no?

Ikaw kaya, kelan mo kaya maiisip na maging mahalaga din ako sayo?
Na mahalin mo din ako?
Sobrang swerte niya no?
Ako yung laging nandito para sayo, pero siya pa rin yung pinili mo.

Naalala mo ba nung minsan, nung minsan tinanong kita kung ano ba talaga tayong dalawa?
Tawang-tawa ka nung mga oras na yun
Akala ko tawang-tawa ka dahil sa sobrang saya
Dahil sa wakas, naitanong ko na kung ano ba talaga tayong dalawa.
Sabay sumagot ka ng “Bes, okay ka lang ba? Diba alam mo naming kaibigan lang kita.”
Kaibigan? Pusong pagkakaibigan lang pala ‘to no?
Bes mo mukha mo!
Ako yung nandiyan nung iniwanan ka niya, pero bakit nung bumalik siya ako yung iniwan mo?
Ag dami kong iniwan para sayo, pero bakit ikaw ako yung iniwan mo?
Hindu ko alam kung bakit kailangan mo pa siya samantalang nandito naman ako
Yung babaeng pansanatala mo, pansamantalang mahal mo.

Totoo, totoo ginawa ko lahat, ginawa ko lahat para makita mo, na ako yung babaeng ito.
Ako yung babaen nagmamahal sayo ng totoo.
Ako yung babaeng di ka iiwan kahit gano ka pa kagago.
Ako yung babaeng walang ibang ginusto kundi ang kaligayahan mo.

Kaso pagod na ako, gasgas na gasgas natong puso ko


Pero hindi mo parin nakikita yung halaga ko.
Hindi mo pa rin nakikita na ako na ‘to,
Yung babaeng hinahanap mo sa lahat ng babaeng nahanap, sa lahat ng babaeng kasamo mo.
Pero bakit ganto? Bakit ganito na naman, ako nanaman yung nagmukhang tanga sa relasyong ‘to
Eh ano ngang magagawa ko, eto lang ako?
Pusong kaibigan mo lang ako.

Mas sexy ba siya? Mas sexy ba siya?


Ako ba yung laging nagkukulang o ikaw lagi yung hindi nakokontentp?
Hidni ko alam kung ano bang mero siya na wala sa akin, bakit mas pinili mo siya kesa sa akin?

Tanga ba ako dahil minahal kita? O mas tanga ka kasi mas pinili mo siya?
Siya, na walang ibang ginawa kundi iwan at paasahin ka, sino ba talaga sating dalawa?
Ang hirap ko bang mahali? Ang hirap ko bang piliin?
Ang daming tanong sa aking isipan, pero tila wala paring kasagutan
Dahil ba sa ating dalawa wala naman talagang namamagitan?
Mga tanong na paulit-ulit, pero ang dami paring bakit.
Habang pumapatak yung mga luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko,
Pumapatak yang mga luha mo dahil sa sobrang galak dahil kasamo mo siya.
Hindi ko alam eh, hindi ko maintindihan kung dapat bang minahal kita.
Binigyan kita ng maraming pagkakataon, pero anong ginawa mo? Ginagawa mo lang akong tanga!
Oo tanga, Oo pansamantala nga kung tawagin kasi ni minsan hindi ka naman naging sakin.

Oo, Oo alam ko! Siya muna bago ako


Sa kung paano yung mga hawak mo sa mga kamay ko, eksakto sa higpit ng paghawak mo sa mga
kamay niya.
Sa kung paano ung pagtawag mo sa pangalan ko, eksakto sa lambing ng pagtawag mo sa pangalan
niya.
Sa kung paano yug pagyakap ko naging kaumbas ng pagkayap niya.
Akala ko ako na eh, akala ko tayo na, akala ko pwede na.
Puso sa akala ko na naman.

Sana, sana mahalin ka din niya, mahalin ka din niya tulad ng pagmamahal ko sayo.
Sana alalahanin ka din niya, tulad ng pag-aalala ko sayo.
Sana sabihin din niya sa lahat ng tao kung gaano siya ka swerte kasi siya yung pinili mo.
Oo, tanga ngang pakinggan na handa na kitang mahalin, habang wala pa siya.
Masaya ako para sa inyo pero sa tingin ko, mas magiging masaya ka sana kung ako yung pinili mo.
BRO
-Erica Del Rosario
Alam kong panget kung sa'kin manggaling
Pero hindi 'to usapang lasing
Bro,
Pang ilan na mo na ba yan?
Balita ko bago nanaman yan ha?
Na'san na si maria, grace, hannah saka si joyce sa yung sexy na medyo blonde hair?
Bro,
Nakaka gwapo ba?
O nakakagago ka?
Ano bang pakiramdam?
Ano bang pakiramdam na kapag nakuha mo na sya
Iiwan mo lang siya?
Ano bang klaseng laro 'to?
Bakit sa dinarami rami ng laro
Bakit kami yung pinaglalaruan niyo
Bro,
Hindi kami dota na iififirst blood niyo lang tapos GG na!
Good game na,
Well played pa
Hindi rin kami basketball na kapag naka tres
Tatakbo kana ng mabilis
Hindi rin kami everwing
Na mamimiss mo lang kapag wala kang kapiling
Hindi kami palay nababayuhin mo lang
Di ako LOL para ololin mo lang
Mali ang mag mura pero mas mali kapag pinili kita
Sinabi mo sakin na lovestory ang bubuuin
Pero ang naging ending naging toy story nalang din
Kung gusto lang palang makipaglaro
Edi Tara sa court!
Ano, Sagot?
'Di mo na pala kailangang sagutin
Dahil manliligaw ka palang 'di na kita sasagutin.
Kesa yung tipo mo yung mukang di ko dapat tipuhin.
Sa totoo lang,
Hindi naman kase kami isang uri ng putahe
Na kapag natikman mo na ay hahanap na ng iba.
Na kapag nagsawa ka sa adobo hahanap ka ng menudo.
Hindi rin kami isang bukas na tindahan
na kapag wala ka ng kailangan bigla ka nalang mang iiwan
Hindi rin kami Milo na papapakin mo sa tuwing maiinip ka
Hindi rin kami isang uri ng kahoy na ipanggagatong mo lang sa tuwing manlalamig ang gabi mo
Kase ang gusto namin MAHALIN AT RESPETUHIN
Gusto namin ng tsokolate ng zagu
Hindi dalin dun sa red na sogo.
Gusto namin ng bulalak na rosas
Hindi lang basta mabulalak na salita
Na kung dati pinagsisibak ng kahoy ang nililigawan
Ngayon ang nililigawan na ang sinisibak
Hindi porket may kotse madali mo ng madadale
Tamaan na kung tamaan,
pero sayo di ako tatamaan
Di ka pa ba nagsasawang makakita ng babaeng umiiyak?
Dahil iniwan mo nanamang wasak
Ilan pa ba ang gusto mong ibiyak?
Gaano ba kalaki yang pag-aari mo?
Kulang ba sa tatlo?
Kasya ba sa walo?
Tarantado!
Yan ang hirap sainyo,
hindi nga gwapo nakukuha pang manloko
Kung pipili ka ng maloloko
"Wag ako"
Wag din sya, wag din sya, wag din sya
Wag kame!
Niloloko mo na nga yung sarili mo idadamay mo pa kami
Alam mo kung ano ang tawag sayo?
Hindi gwapo,
Hindi macho
Gago!
Bro,
Magpakalalaki ka naman
Naturingan ka pa namang si adan
Wala ka namang paninindigan
Alam mo kung ano ang sukatan ng pagiging lalake?
Hindi yan sa dami ng nadale
Alam mo kung ano ang sukatan ng pagiging gwapo?
Hindi yan sa laki braso
Alam mo kung ano ang lalaking gwapo?
Yan yung lalaking marunong rumespeto
Usapang lalaki pero parang ayaw na kita isali,
dahil simula nung nangloko ka ng babae hindi ka na tunay na lalake
Para sa lalaking ganto,
Isa lang ang masasabi ko
SALUDO ANG GITNANG DALIRI KO.

You might also like