You are on page 1of 9

ng wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar.

Ito rin ay isang simbolismo


tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas
o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot.
Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at
kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng
heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat
ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

Kahulugan at mga Halimbawa


1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na
naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza


“I shall return” ni Douglas MacArthur

“P%@#!” ni Rodrigo Duterte


2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang
gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay
may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng
Dayalek:

 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)


 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti
lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang
ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit
ng gelpren mo)
 Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
 May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na
ako kaibigan/kapatid)
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol
ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
 Kalipay – tuwa, ligaya, saya
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang
mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda,
malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
 Palikuran – banyo o kubeta
 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina
6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang
“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal
na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang
ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang
wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.
Bibigyan kita ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang
mataas ang iyong grado.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at
Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
 Mi nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi
8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit
ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.

a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at
nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.

Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang
bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa
maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Karagdagang Kaalaman:
 Gamit Ng Wika Sa Lipunan
 Heterogeneous Na Wika
 Homogeneous Na Wika
 Talumpati Tungkol Sa Wika
 Antas Ng Wika
Antas Ng Wika

A ng tao ay nilalang na may pinakamataas na antas


ng kaanyuang pisikal at intelektwal. Dahil dito tayo rin ay nabiyayaang ng kakayahan na
makapag-pahiwatig ng ating mga saloobin gamit ang sari-saring uri ng wika.
Wika na daan sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa lahat,
paglilinang ng katalinuhan ng buong sangkatauhan.
Ang bawat indibidwal ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa lipunang kanyang
ginagalawan. Tandaan na walang parehong indibidwal ang mayroong eksakto o
parehong uri o istilo ng pananalita. Nababatay ang pagkakaiba sa antas sa mga
sumusunod na aspeto:

1. Katayuan o estado sa buhay


2. Edad
3. Kasarian
4. Grupo o pangkat etniko na kanyang kinabibilangan
5. Antas ng natapos
6. Kasalukuyang propesyon
7. Pagiging dayuhan o lokal

Impormal na Wika
Mula sa pagsilang ng isang tao mayroon na tayong mga unang salita na natututunan.
Nauuri ang mga salitang ito bilang mga impormal na wika. Ang impormal na wika ay
kinabibilangan ng mga salita na karaniwang ginagamit na pang araw-araw.
Mga wika na kadalasan nating naririnig at ginagamit sa loob ng bawat tahanan.
Impormal ang tawag natin sa mga salitang ito dahil hindi kailangan na pumasok sa
isang paaralan para ito ay matutuhan.

Lalawiganin
Naayon ang wika na ginagamit ng isang indibidwal depende sa lugar na kanyang tinitirahan.
Ang bawat probinsiya o rehiyon ay may sariling wika o lenggwahe na kanilang gingamit.
Lalawiganin ang tawag sa mga salitang ito. Sa pamamagitan ng mga wikang lalawigan, ang
bawat indibidwal na gumagamit nito ay nagkakaroon ng sariling tatak o pagkakakilanlan saan
man dako sila mapadpad.
Gamit ng Lalawiganin na Wika
Kadalasang may ibang tono o punto ang istilo ng pananalita ng mga tao sa lalawigan o
probinsiya. Ang bawat wikang lalawiganin ay may magkakaibang punto bigkas. Ito ang
kanilang mga natatanging karakter na sadyang mahirap gayahin kung hindi ka taal sa
isang lugar.

Halimbawa dito ay ang pagsasalita ng mga Ilonggo.


Sadya silang malambing ang mga Ilonggo at halos hindi mo alam kung sila ay galit o
naglalambing pa rin.
Andiyan rin ang mga taga Pangasinan. Pang galatok ang kanilang lenggwahe. Aakalain
mo na para silang mga ibon kung magsalita dahil sa kanilang mabilis at madiin na
pamamaraan ng pananalita. Kapag sila ay nagkukwentuhan akala mo sila ay nag-
aaway lagi.

Halimbawa ng Lalawiganin na Wika


 Aahon ka ba? – Gamit ng mga Taga-Nueva Ecija tuwing magtatanong kung aakyat ba
ng isang mataas na lugar (Halimbawa: Baguio at Tagaytay)
 Buang! – Madalas itong marinig sa telebisyon at sa radio ngayon dahil sa madalas na
pagbanggit nito ng ating Presidente. Ang ibig sabihin ng buang at baliw. Ito ay ginagamit
madalas ng mga Bisaya.

Balbal at Kolokyal
Mula sa mga wikang panlalawigan na sariling gamit, ang mga indibidwal ay natuto at gumgamit
rin ng mga wilkang kolokyal at balbal. Ang mga wikang ito ay karaniwan na gingamit pang araw-
araw ng mga ordinaryong indibidwal.

Ito ay kadalasang naririnig lalo na sa mga makabagong milenyal ng ating panahon. Sa


mga matatanda sa lipunan, hindi masyadong tanggap ang ganitong uri ng mga salita
dahil brutal at mayroong mga magaspang na kahulugan ang mga wikang kolokyal at
balbal.

Gamit ng Balbal at Kolokyal

Sa mga kabataan lalo na yong mga tambay sa kanto,


mabenta sa kanila ang mga salitang balbal at kolokyal. Sila-sila na rin mismo ang mga
nag-iimbento ng bawat wika na kanilang mga ginagamit. Salitang kanto kung tawagin
ito ng ilan.
Hindi man ito makikita sa ating mga diksionaryo ay sikat ito at patuloy na ginagamit sa
sirkulasyon ng mga kabataan pati na rin mga iba pang mga tumatamambay sa kanto.
Ang kanilang prinsipiyo sa, buhay ay hindi sila “in” o kabilang sa grupo kapag hindi sila
marunong gumamit ng kanilang mga wika.

Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng


Milenyals
Noong mga naunang mga dekada, nauso ang pagbabaligtad nila ng mga salita tulad na
lamang ng erpats at ermats na ibig sabhin at tatay at nanay. Ngayon, nakikita ang
pagbabalik ng ganitong estilo ng mga pananalita tulad na lamang sa mga pauso sa
telebisyon na “Lodi” at “Werpa”.
Buhat ng pag-usbong na pagbabaliktad ng mga salita, naririning ulit ang mga
sumusunod:

 Erap o repapeps para sa salitang pare


 Tomguts kapag gutom naman
 Sugbo o “solve na” ang tawag naman nila pag busog na
Napakaarami pang mga ibang balbal na salita na minsan ay nakakainis at mahirap
intindihin pero sa kalaunan ay nagiging bahagi na rin ng ating mga pananalita
mapabata, matanda, babae man o lalaki.

Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng


Bakla
Ang gay lingo, at ang mga salitang konyo ay karaniwan rin nating naririrnig lalo na sa
mga grupo ng mga bakla. Nauuri ang pananalita ng gay lingo ayon sa antas ng buhay
na kanilang kinalakihan at kinabibilangan.

Mayroong mga gay lingo na talagang magaspang at brutal at mayroon namang mga
medyo sosyal. Maging sa istilo ng kanilang pagbigkas ng mga gay lingo, iba ang mga
pangmahirap at iba rin ang gamit ng mga mayroong kaya sa buhay.

Ang mga ibang gay lingo na wika ay may halo pang mga banyagang salita at mga
karakter para lamang maiba ang dating ng kanilang mga salita.

 “Chaka chaka ng junakis mo.” – ang ibig sabihin nito ay ang pangit naman ng anak mo.
 “Naku baka ma Miss Colombia ka,” – Naalala mo pa ba ang pangyayari noong Miss
Universe 2015, kung saan nagkamaling kinoronahan si Miss Colombia? Buhat noon ay
nauso ang kasabihan na ito. Ang ibig sabihin ay baka magaya ka kay Miss Colombia na
umuasa sa wala.
Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng
mga High School at Kolehiyala

At sino bang makakalimot sa mga salitang pinaghalong ingles at tagalog. Ang mga salitang ito
ay naimbento ng mga nag-uusbungang grupo sa ating lipunanan. Karamihan sa mga imbentong
salita ng mga grupong ito ay sumisikat ng matagal habang ang mga iba naman ay kusang
naglalaho mula sa kanilang pang araw-araw na sirkulasyon. Halimbawa ng mga salitang ito ay
girl, beshie, momshie, frennies at iba pa.

Mga Ibang Paraan ng Pagbuo ng Wikang Balbal at Kolokyal


Bukod sa pagbabaliktad ng mga salita, marami pang ibang paraan sa pagbuo ng mga
salitang pabalbal. Halimbawa ay ang paghiram ng mga salitang banyaga tulad ng epek
na galling sa salitang “effect” at na-futbol na ibig sabihin ay napaalis o napatalsik.

Isa pang popular na paraan ay ang pagbibigay bagong kahulugan sa mga ordinaryong
salita gamit ang konotasyon tulad ng salitang buwaya na ginagamit para sa mga taong
sakim.

Pormal na Wika

Sa ating paglipat ng lugar na ating ginagalawan at sa


pag-angat ng ating mga estado sa buhay tayo ay natuto ng mas mataas pa na antas ng
wika. Ito ay ang tinatawag na pormal na wika. Mga wikang ginagagamit at kinikilala sa
ating alta sosyiodad. Lehitimo kung ituring ang mga salitang pormal.
Ginagamit ito sa loob ng mga paaralan, sa opisina, at halos sa lahat ng bahagi at
ahensiya ng ating lipunan. Maging sa paglilimbag ng mga aklat, ito rin ang ating tanging
gamit.

Tumataas ang kalidad ng mga wika na ginagamit ng bawat indibidwal naayon na rin sa
antas ng katalinuhan at posisyon sa buhay. Nagiging mapanuri at mapili sila sa mga
wika o salita na kanilang ginagamit. Lalo na yong mga propesyonal at may mga
katungkulan sa lipunan.

Ang bawat organisadong grupo ng mga propesyonal ay may kanya-kanyang pormal sa


wika na ginagamit, naayon na rin sa antas ng edukasyon na natapos nila. Halimbawa
ay mga doctor mayroon silang mga pormal na wika na sila lamang ang nakakaintindi at
nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng mga ito.

Pambansang Wika/Lingua Franca


Ang bawat bansa ay mayroong sariling wikang pambansa. Ito ay tatak na sumisimbolo
at sumasalamin sa kung anong lahi at bansa nabibilang ang isang indibidwal. Ang
bansang Pilipinas ay may pambansang wika – ito ay ang wikang Pilipino.

Bagamat binubuo ang bansang ito ng maraming kapuluan, rehiyon, probinsiya, bayan,
siyudad at mga barangay, lahat ay nagkakaisa pa rin sa paggamit ng kanilang wikang
pambansa.

Sa paglipas ng panahon at pagdaan ng iba’t-ibang salin lahi naging mas produktibo ang
paggamit sa wikang pambansa. Andiyan ang pagkakaroon ng mga batas sa ating
lipunan, na Pilipino ang dapat gamitin sa paglimbag ng mga aklat sa halos lahat ng mga
asignatura sa paaralan, mapapubliko man o pribado. Layunin nito na maipreserba ang
wikang pambansa at patuloy itong tangkilikin lalo na ng mga makabagong henerasyon.

Halimbawa ng Pambansang Wika


 Anak
 Asawa
 Ina
 Ama
 Sambayanan
 Experto
 Baliw
 Eskwelahan
 Pagsusulit

Pampanitikan

Maging sa larangan ng medya, radio man o telebisyon, wikang pambansa pa rin ang karamihan
sa ginagamit.Sa larangan ng mga sining, sa pinilakang tabing lalo na sa paggawa ng mga kanta
hindi rin mapag-iiwanan ang wikang pambansa. Pilit na itinataguyod ng ating mga mang-aawit
ang pagtangkilik sa “original Pilipino music” o ang OPM.

Gumagamit rin ang mga manunulat ng mga mabubulaklak at mga matatalinhagang mga
salita. Ito ang kanilang mga panghikayat sa kanilang mga parokyanos. Ang
mga matalinhagang salita ay puno ng mga misteryo na lalaong nagbibigay ng interes sa
mga nakakabasa nito. Kaya sa mga panitikang Pilipino ito ang kadalasan na nakikita
mula sa mga may akda.
Tanyag dito ang mga gawa ni Francisco Baltazar na Florante at Laura. Hindi rin dito
pahuhuli ang limbag na aklat ni Jose Rizal na Noli mi Tangere at El Filibusterismo. Mga
aklat na tunay na klasikal at lalong sumisikat sa pagtagal at paglipas ng panahon. Sa
pagtangkilik at paggamit ng sariling pambansang wika ay napapahalagahan ito,
naprepreserba upang hindi ito tuluyang mawala sa sirkulasyon ng komunikasyon.

Halimbawa ng Pampantikang Wika


 Kabiyak ng aking puso – “Si Teresa ang kabiyak ng akin puso.” Ang ibig sabihin nito ay
kasintahan niya si Teresa.
 Ilaw ng tahanan – “Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-gagabay sa paglaki ng mga
anak.” Ang ilaw at ay tumutukoy sa ina
 Bunga ng aming pagmamahalan – “Si Brian ang bunga ng aming pagmamahalang mag-
asawa”. Ang ibig sabihin nito ay anak.
 Mababaw ang luha – “Sadyang mababaw ang luha ng akin Ina. Lagi siyang umiiyak
kapag nanonood ng soap opera.” Ang ibig sabihin nito ay madaling umiyak.
 Bukas palad – “Bukas palad kaming tinanggap sa bahay ng mag-asawang doctor noong
bumabagyo.” Ang ibig sabihin ng bukas palad ay maluwag sa pusong pagtulong.
Sa paghubog ng katalinuhan ng bawat tao, ang wika ang pinakamabisang sandata para
hasain ito. Maging ang mga salat sa paningin ay kayang ipaintindi at makapag-pahayag
ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng wika.

Kapos man sa salita ay wika pa rin ang gamit sa bawat kumpas gamit ang mga kamay.
Ang wika ay hindi lamang bahagi ng kultura ng isang bansa bagkus ito ay natatanging
biyaya sa atin hindi lamang para sa paglinang ng sangkatauhan ay para sa
pagkakaunawaan.

Kasabay ng pagbabago ng antas ng bawat indibidwal ay nagbabago rin ang antas ng


wika na mayroon at ginagamit natin. Malaki ang impluwensiya na ating kapaligiran.
Kung ano ang ating naririnig ay siya ring ating ginagaya. Pormal, inpormal, lalawiganin,
kolokyal, balbal, wikang pambansa o anu pa mang antas ng wika ang mahalaga ay
maging mapanuri tayo sa bawat salita na ating binibitawan.

You might also like