You are on page 1of 6

Barayti Ng Wika

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan


ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal.
Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at
saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat,
pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na
ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edadat kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo
ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dit o nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon
sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

Kahulugan at mga Halimbawa

1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na


naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing
simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza


“I shall return” ni Douglas MacArthur

“P%@#!” ni Rodrigo Duterte


2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha
ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular
na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri
ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako

3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na


“Sosyalek” Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang
ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.
Mga sosyolek na wika:
1. wika ng beki o gay lingo- ito ay isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang
kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Churchill- sosyal
Nakakalurky- nakakaloka
Chaka- pangit
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
2. Conoc (Conoctic o conyospeak)- isang baryant ng taglish na may ilang salitang ingles na
inihalo sa tagalog kayat masasabing may code switching na nangyayari.
Halimbawa: let’s make kain na.
If I make something mali, would you make it right?
3. jologs o jejemon- ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng
“hehehe”. Ito ay isinusulat ng may pinaghalong numero, simbolo, Malaki at maliit na titik o
tinatawag na jejetyping.
Halimbawa: D2 na me- nandito na ako
MuZtaH- kumusta
aQcKuHh iT2h- ako ito
4. jargon- kano- amerikano, sikyo- guwardiya, erpat- ama, ermat- ina, yori- sigarilyo

4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na


nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng
maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang
naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
 Kalipay – tuwa, ligaya, saya

5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
 Palikuran – banyo o kubeta
 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina

6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang


pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay
ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila
ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o
mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita
ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang
iyong grado.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at
Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
 Mi nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi

8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong


ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at
nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.

Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay
sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling paggamit ng
mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Karagdagang Kaalaman:

 Gamit Ng Wika Sa Lipunan


 Heterogeneous Na Wika
 Homogeneous Na Wika
 Talumpati Tungkol Sa Wika
 Antas Ng Wika

1. Sino ang ama ng wikang Pambansa? - Manuel L. Quezon

2. Ano ang ating pambansang wika- Filipino


3. Ano ang wikang banyaga- English/Ingles

4. Sige ka jujumbagin kita! Nakakalurky! Chaka! - Wika ng Beki o Gay lingo


5. Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pananalita na naiiba sa bawat isa- idyolek
6. Sa pamamagitan nito, naipapahayag natin ang ating mga saloobin, damdamin at emosyon-
wika
7. Uri ng wika na ginagamit ng isang particular na grupo- sosyolek/sosyalek
8. Salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan- bulanim
9. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda, ito
ay tanyag na kasabihan ni ___________- Gat Jose Rizal
10. Salitang ginagamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o lalawigan na kanyang
kinabibilangan- dayalek
11. Barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistikong pangkat- etnolek
12. Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan- ekolek
13. Kapag pinaghalo ang salita sa Tagalog at Espanyol ito ay magiging_______- chavacano
14. Ang pidgin ay walang pormal na estruktura kung kaya ito ay binansagang- “nobody’s
native language”
15. Barayti ng wika na espesyalisadong ginagamit ng isang particular na domeyn- register
16. Ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap- tenor
17. Paraan kung paano isagawa ang uri ng komunikasyon- mode/modo
18-20. Magbigay ng tatlong salitang binabaliktad.
-werpa, narda, petmalu, lodi, igop, sakalam, nosi ba lasi

You might also like