Professional Documents
Culture Documents
A ng wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa
ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan
2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit
ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-
ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay
uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa
katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek.
Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng
tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
Kalipay – tuwa, ligaya, saya
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang
madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang
araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina
6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s
native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may
dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa
mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng
diskawnt.)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong
grado.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at
Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
Buenas tardes – magandang hapon
Buenas noches – Magandang gabi
8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng
isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks