You are on page 1of 4

Banghay –Aralin

Grade 8– Filipino

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang


pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano,Komonwelt at sa Kasalukuyan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa
pag-ibig sa tao,bayan o kalikasan.

l- Layunin

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a.nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang maikling kuwento;

b.naitatala ang mga katangiang ng isang mabuting pinuno sa kasalukuyang panahon na may

pagkakatulad sa paksang Reyna Matapat;

c.naisasabuhay ang isang sariling karanasan sa kasalukuyang panahon tungkol sa pagiging isang
mabuting pinuno.

II. Paksang – Aralin

a.Paksa “ Reyna Matapat” (Makling Kuwento)

b. Sanggunian: Kalinangan Workteks Sa Filipino ( Wika at Panitikan) Para Sa Hayskul Pp. 61 – 62

ni Aida M. Guimarie.

c. Kagamitan: Aklat, gunting, pandikit, marker,kartolina at tsart

III. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

1. Paghahanda

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Pampasiglang Gawain ( maikling sayaw)
 Pawawasto ng Takadang – aralin

2. Balik –Aral

1. Tungkol saan Ang Alamat Ng Pinya?

2. Magbigay ng mga halimbaw ng mga alamat?

3. Pangganyak

“Ilahad ang Larawan ko!”

 Ilahad ng guro ang larawan ng isang pinuno na may mga katangiang taglay.
 Magpaliwanag ng (2) dalawang minute ang guro ng mga katangian ng pinuno
B. Paglalahad ng Aralin

1. Presentasyon ng Layunin

2. Talasalitaan

lider maingat paminsan pumunta naabutan masipag

Panuto: Hanapin sa puso ang kasingkahulugan ng mga salita sa pangungusap na may

salungguhit,idikit ito sa mga patlang bago ang mga bilang.

_________________1. Mabuting pinuno si Reyna Sima sa lalawigan ng Kutang – Bato.

_________________2.Mahigpit na ipinatutupad ng Reyna ang pagiging masinop sa kaniyang mga


nasasakupan.

_________________3.Dumalang ang pagdating ng mga dayuhan sa Kutang – Bato dahil sa


pangangalakal.

_________________4. Nagtutungo sa palasyo ni Reyna Sima.

_________________5. Muling nadatnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot nag
into.

C. Talakayan

1. Gawain ( Aktibiti)

Panuto:” Halika, Gawin natin!”

 Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat bawat pangkat ay bumuo ng


maikling pagsusuri tungkol sa mga katangiang taglay ng tauhan sa maikling
kuwentong binasa.
 Pagkatapos ilahad ang mga napupulot na aral sa bawat katangiang taglay ng
pinuno sa akda.
 Bibigyan ng (3) tatlong minute sa paghahanda at (2) dalawang minute sa
presentasyon sa harap ng klase.

PAMANTAYAN

Nilalaman_______________15puntos
Pagkakaisa_______________10puntos
Presentasyon______________5puntos
Kabuuan__________________30puntos

2.Pagsusuri(Analisis)

1.Tungkol sa ginawang pangkatang gawain bilang isang individwal paano mo maisasabuhay ang
mga katangian ng isang mabuting pinuno?

2. Ano ang kahalagahan ng pagiging isang mabuting pinuno?

3. Paglalahat(Abstraksyon)

3. Paglalahat(Abstraksyon)

1.Ano-ano ang mahigpit na pinag-utos ni Reyna Sima sa kaniyang mga tauhan?

2.Paano pinamunuan ni Reyna Sima ang kaniyang nasasakupan?

3.Naging matagumpay bas i Reyna Sima sa kaniyang mga naging panukala sa lalawigan ng
Kutang Bato?

4.Bilang isang indibidwal na mamayang tao,paano mo maisasabuhay ang pagiging isang

mabuting pinuno sa kasalukuyang panahon?

D. Paglalapat(Aplikasyon)

Panuto: “ Halika,Itala mo Ako!”

 Bawat pangkat ay magtala ng mga katangiang gusto ninyo sa isang pinuno,gamit


ang tsart.
 Ipaliwanag bawat katangian na gusto mo at naitala na.
 Bibigyan ng (3)tatlong minuto sa paghahanda at (2) dalawang minuto sa
presentasyon sa harap ng klase.

PAMANTAYAN

Nilalaman__________________15puntos

Pagkakaisa_________________10puntos

Presentasyon_________________5puntos

Kabuuan____________________30puntos

IV. Pagtataya

Panuto: Tama O Mali: Isulat sa kalahating papel ang Tama O Mali ang sumusunod na mga
pahayag.Isulat ang mga sagot sa patlang bago ang bilang. Mga
Mga Katangian
______________1.Hindi tapat sa tungkulin
Katangian si Reyna Sima. ng isang
______________2. Bago paman ng isang ang mga Tsino, nakikipagkalakalan
dumating pinunona ang mga dayuhan sa
pinuno
bayan ng Kutang –Bato.

______________3.Isang supot na diyamante na pagmamay-ari ng Tsino ang naiwan sa palasyo ni Reyna


Sima.

______________4.Hindi nawawalan ng mga gamit ang mga mangangalakal sa nasabing lalawigan.

______________5.Pinatawan ng kaparusahan ang mga lumabag sa mga ipinag-uutos ni Reyna Sima.

V. Takdang- Aralin

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng pinuno na may mabuting nagawa sa inyong


lalawigan,ipaliwanag ang mga nagawang kabutihan ng pinuno na ito. Isulat at iguhit ito sa isang buong
papel.

PAMANTAYAN

Nilalaman--------------------15puntos
Kalinisan sa pagguhit----10puntos

Kabuuan------------------------25 puntos

Inihanda n i: Gephene Panugol

You might also like