You are on page 1of 15

Ikalimang Linggo

ARALIN 5

Datu Matu
Dula mula sa Sulu at Lanao
Mga Pangungusap na Walang Paksa

Pamantayang Pangnilalaman

- Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan


ng Mindanao
Mga Pokus na Tanong
- Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang iba’t ibang paniniwala at
kaugalian ng mga taga-Mindanao?
Mahalagang Pag-unawa
- Nasasalamin sa dula ang isa sa mga ritwal ng mga muslim
- Naipakikita ang paggalang sa iba’t ibang gawi at kaugalian ng mga Pilipino

Inaasahang Pagganap
- Ang mga mag-aaral ay makabubuo ng isang palatastas gamit ang mga
pangungusap na walang tiyak na paksa

KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Pag-unawa sa napakinggan
- Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao batay
sa dulang napakinggan
Pag-unawa sa Binasa
- Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan
Paglinang ng Talasalitaan
-Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram
Panonood
- Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang
panlansangan

Pagsasalita
- Naipaliliwanag ang nabuong palatastas tungkol sa napanood na dulang
panlansangan
Pagsulat
- Nabubuo ang palatastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan
Wika at Gramatika
- Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng
palatastas
Hulyo , 2018

7 – BENEVOLENCE (2) 7 – COURAGE (5)

7 – EXCELLENCE (9) 7 – MERCY (23) 7 – MODESTY (24)

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Nasusuri ang pagkamatotohanan ng mgga pangyayari batay sa sariling karanasan.

B. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga paniniwala ng mga iba’t ibang


relihiyon

C. Nailalarawan ang mga paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao sa
pamamagitan ng dula.

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Pagpapakita ng siklo ng bat


Sagutin:

1. Sino- sino ang may gampanin sa paghubog ng pagkatao ng isang


bata?

2. Paano nakatutulong ang mga iba t ibang estado sa paghubog ng


pagkatao ng isang bata?

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1

Ilahad ang karanasan bawat yugto ng iyong buhay bilang bata, at bilang
kabataan

Buhay mo Ibahagi mo bilang bata at kabataan.

A. Pisikal

B. Emosyonal

C. Pakikisalamuha

D. Kakayahan

Pangkat II - Pagpapakita ng isang skit

Ipaliwanag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kultura, tradisyon at


paniniwala na isinasagawa ng mga Muslim at Katoliko sa kanilang ritwal sa
pananampalataya.

Venn Diagram

Katoliko Muslim

Pangkat III. Pagpapakita ng isang iskit sa pagsamba ng iba’t ibang relihiyon


Pangkat IV – Tagapagtaya

C. Sintesis

Tapusin ang pahayag upang mabuo ang konsepto ng aralin.

Naunawaan ko... Nalaman ko...

Nagbago ang pananaw ko


tungkol sa...

III. Takda

1. Magsaliksik tungkol sa akda ng Mindanao na Kalilang ( mula sa dulang


Datu Matu)
2. Ibigay ang ritwal na ginagawa ng mga muslim mula sa akdang binasa.
Isulat ito sa kuwaderno.
Hulyo , 2018

7 – BENEVOLENCE (2) 7 – COURAGE (5)

7 – EXCELLENCE (9) 7 – MERCY (23) 7 – MODESTY (24)

Linangin

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


A. Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram
B. Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao bagay sa
dulang nabasa.
C. Nasusuri ang pagka-makatotohanan ng mga pangyayari batay sa sa sariling
karanasan.

II Proseso ng pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Pagpapakita ng larawan

Sagutin:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Magbigay ng iba pang paraan ng pagbibinyag na ginagawa ng
ibang mga Pilipino?

B. Pagpapabasa sa Akda
Kalilang
( Bahagi ng dulang Datu Matu)

C. Paglinang ng Talasalitaan

Ayusin ang mga letra upang mabuo ang kahulugan ng salita at gamitin ito sa
pangungusap.

1. Kalilang IANHAAYSK
Pangungusap____________________
2. Pagislam
YBIGAN
Pangungusap____________________

3. Islam _________________________ ANNLTAYPAAMPAAA


Pangungusap____________________
4. Kris E D A P D S A
Pangungusap____________________

5. Ipatulod M I S U L M
Pangungusap____________________

D. Pagtalakay

1. Ilahad ang nangingibabaw na katangian ni Datu Matu.


2. Kanino mo maaaring ihambing si Datu Matu sa kasalukuyan bilang pinuno at
ama?
3. Ibigay ang ritwal na ginagawa ng mga muslim sa pagbibinyag.
4. Gaano ito kahalaga sa mga Muslin ang seremonyang nabanggit? Sapalagay
mo ganoon din ba sa ibang relihiyon ? Patunayan

E. Input ng Guro

Dula

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa


pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng mga tauhan.
Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto ng
maraming tagpo. Pinaka layunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan

F. Karagdagang Gawain
Paghahabing ng dula sa iba pang genre ng panitikan

Genre Paksa Istruktura Mensahe/Konsepto

Dula

Maikling Kwento
F. Sintesis

Sa pamamagitan ng 321 Tsart, ibigay ang hinihinging impormasyon.

3 -Tatlong bagay na natutuhan sa aralin


2 -Dalawang bagay na nakapukaw ng interes
1 - Isang tanong na nais pang bigyan ng linaw

III. Takda
1Magsaliksik tungkol sa Pangungusap na walang paksa
2. Magbigay ng mga halimbawa nito
Agosto , 2018

7 – BENEVOLENCE (2) 7 – COURAGE (5)

7 – EXCELLENCE (9) 7 – MERCY (23) 7 – MODESTY (24)

LINANGIN ( IKALAWANG SESYON)

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakikilala at nagagamit ang mga pangungusap na walang paksa sa ibat ibang
sitwasyon

II. Proseso ng Pampagkatuto


A. Panimulang Gawain

Pagpapakita ng larawan at bumuo ng isang maikling pahayag mula rito.

B. Pag-uugnay sa gramatika
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng usapan.

May mga puting paparating


Tayo na… Magkubli
Walang uurong… Lalaban tayo!
Naku! Nagdidilim na. Umulan pa.
Makikiraan mga kasama
Allah gabayan mo kami
Maraming salamat po!
Ibig naming ipagtanggol ang lupang pangako.
Hanggang sa huling patak ng aming dugo
Bilib ako sa inyo mga kasama
Laban!
Sugod!

1. Ano ano ang mga pangyayaring ipinakita sa usapan?


2. Ibigay ang katangiang masasalamin sa nag-uusap.
3. Bigyang pansin ang mga pangungusap. Nagpapahayag ba ito ng buong diwa?
4. Ano ang tawag nating dito?
5. Ilagay sa bawat hanay ang mga uri ng pangungusap na walang simuno
Pagkam Kalagaya
Modal na ayroon n ng
Kahuluga
Panahon
n
Pangyay
Pakisuyo ari sa
Kalikasa
n
Pangung
usap na
Pautos walang Pagtawa
simuno g

Maikling Pagbibiga
y galang
Sambitla Paghang
a

C. Pagbibigay ng input ng guro

Pangungusap na Walang Paksa

1. Eksistensyal – Nagpapahayag ng pagkakaroon o di-pagkakaroon ng isang bagay, tao, at iba pa.


Hal.
a. May bukas pa b. Walang tao
2. Temporal – Nagsasaad ng tungkol sa panahon na maaring bahagi ng araw, panahon o bahagi ng taon.
Hal.
a. Tag-araw na b. Pasukan na naman
3. Penomenal – Gumagamit ng pandiwang nagsasaad ng mga nagaganap sa kalikasan.
Hal.
a. Umaaraw na b. Lumilindol
4. Pakiusap – Ginagamitan ng panlaping pa-, paki-, maki-, sa unahan ng salitang ugat.
Hal.
a. Makikiraan po b. Pakibasa nga.
5. Pautos – Pagpapahayag ng mga salitang nag-uutos.
Hal.
a. Umalis ka! b. Bilisan mo.
6. Pormulasyong panlipunan – Nagsasaad ng pagbati , pagbibigay galang at iba pa na bahagi ng lipunang Pilipino.
Hal.
a. Tao po b. Magandang araw po.
7. Paghanga – Nagpapahayag na humahanga
Hal.
a. Kay galing mo! b. Ang husay mo talaga!
8. Pagyaya o pagtawag – Pagpapahayag ng pag-aanyaya
Hal.
a. Halika b. Tena
9. Maikling sambitla – Iisahin o dalawang na salita na nagsasaad ng masidhing damdamin.
Hal.
a. Naku! c. Ay!
10. Modal – Pinangungunahan ng nais , ibig at gusto.
Hal.
a. iibig kong mangibang bansa b. Gusto kong kumain.
D. Pagsasanay
Pagsasanay 1/Pangkatan

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga sumusunod:

1. Ibig kong maging isang pinuno ng pangkat 6. pakisulat nga.


2. Aray! 7. bumalik ka kaagad
3. kain na. 8. bumabaha
4. Ang husay mong sumayaw! 9. tag – ulan na
5. Magandang umaga. 10. Tara

Pagsasanay 2/Pangkatan

Pagbuo ng dayalogo na ginagamitan ng mga pangungusap na walang paksa


tungkol sa mga larawan.B. Ritwal sa pagbibinyag /pagsamba
E. Sintesis
Bumuo ng konsepto mula sa mga susing salita’

Komunikasyon Damdamin

Pangungusap Walang simuno

Sitwasyon Paggalang

Maganda

III. Takda

1. Magsaliksik sa kahulugan ng dulang panlansangan at ibigay ang mga uri nito.


2. Kumuha ng isang halimbawa ng dulang panlansangan at basahin.
Agosto , 2018

7 – BENEVOLENCE (2) 7 – COURAGE (5)

7 – EXCELLENCE (9) 7 – MERCY (23) 7 – MODESTY (24)

Pagnilayan at Unawain

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakapagsasadula ng ilang bahagi ng akdang binasa.
B. Naipaliliwanag ang mga dulang panlansangan at mga uri nito
C. Nasusuri ang mensaheng nais iparating ng mga dulang panlansangan

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagsusuri sa larawan

Mukha ng Entablado

Sagutin:
1. Saan karaniwang nakikita ang larawan? Ibigay ang nais pahiwatig nito.
2. Iugnay ito sa buhay ng tao.

B. Input ng Guro
Ang dulang panlangsangan ay isang uri ng dula na ginaganap sa lansangan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1.Panunuluyan
Ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay paghahanap ng bahay na
matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo
2. Salubong
Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng
Pagkabuhay.
3. Tibag
Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na pinagpakuan kay Kristo nina Reyna
Elena at Prinsipe Constantino. Ginaganap tuwing Mayo sa mga lalawigan ng
Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal.
4. Senakulo
Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas
ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
C. Pangkatang Gawain
Pangkat I
Pagsasadula ng isang bahagi ng napiling bahagi ngdulang Datu Matu.

Pangkat II
Pagbubuod ng isang dula sa Mindanao.
Salungguhitan ang mga ginamit na mga pangungusap na walang
simuno.

Pangkat III
Pagsaliksik ng iba’t ibang kultura sa mga bansa tungkol sa relihiyon
at paraan ng pagpapalaki ng mga anak.
Gamitin ang mga pangungusap na walang simuno sa pagpapaliwanag.

Pangkat IV
Obserber

III. Takda

1. Humanda sa pangkatang gawain sa pagbuo ng skit bilang patalastas sa mga kultura


ng mga Muslim /Pilipino na dapat pagyamanin

.
Agosto , 2018

7 – BENEVOLENCE (2) 7 – COURAGE (5)

7 – EXCELLENCE (9) 7 – MERCY (23) 7 – MODESTY (24)

Ilipat

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto

A. Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng


palatastas

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Game ( Tanong ko, Sagot Mo)

A. Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni


Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
b. Ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan ng
Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo
c. Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at
Prinsipe Constantino. Ginaganap tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija,
Bataan, Rizal.
d. Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng linggo ng pagkabuhay.

B. Pagbibigay ng Sitwasyon

Ang sikat na programang Buble Gang ay nagsagawa ng awdisyon sa pagsulat


ng skit tungkol sa tradisyon at kultura na dapat patuloy na paunlarin ng mga
taga-Mindanao.

Ito ay kailangan ginagamitan ng mga pangungusap na walang tiyak na paksa.

Pamantayan
A. Wasto at tama ang mga impormasyon……………………….40 puntos
B. Nagamit ang mga pangungusap na walang simuno …….20 puntos
C. Orihinalidad…………………………………………………………………20 puntos
D. Malikhain at malinis ang gawain………………………….………20 puntos
Kabuuan 100 puntos

C. Mungkahing Paksa
A. Magandang pagsasamahan ng pamilya
B. Pagiging mabuting pinuno
C. Pananampalataya
D.Pagtatanghal
E.Pagbibigay ng feedback / Pagmamarka

III. Takda

1. Paano isinasagawa ang proyektong panturismo?


2. Bakit mahalaga ang pagsasagawa nito?

You might also like