You are on page 1of 2

Grade 7 – Ampere – 7:00-8:00 MWThF

Grade 7 – Anderson 8:00-9:00 MTThF


Grade 7 – Abelard 9:00-10:00 MWThF
Grade 7 – Aquino - 2:00-3:00 TWThF
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
Ika-14 ng Nobyembre 2018
Tema: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
A. Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
B. Pamantayang Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang wika ng kabataan

I. LAYUNIN A. Naipanonood sa ang isang bidyo mula sa Youtube at natatalakay ang isang
halimbawang pestibal ng Kabisayaan (F7PB-IIe-f-9)
B. Naibibigay ang sariling intepretasyon sa mga tradisyunal na pagdiriwang (F7PB-IIef-9)
II. NILALAMAN Paksa: Antas ng Wika batay sa Pormalidad
II. KAGAMITANG PANTURO Libro, Biswal Eyds, Chalk
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Magtatanong ang guro kung ano ang natalakay sa nakaraang pagkikita.
2. Pagganyak
Magtatanong sa klase: Nakasaksi na ba kayo ng isang pestibal? Ano-anong mga pestibal ang alam ninyo?
B. Panlinang na Gawain (4AS)
1. Mga Gawain (Aktibiti)
a. Paglalahad ng Aralin
Pansin ba ninyo na sa bawat pestibal na inyong nabanggit ay hindi mawawala ang mga “streetdance” o
yaong pagsayaw sa kalye suot-suot ang kani-kanilang mga makukulay na mga damit? Napansin din ba
ninyo na ang mga streetdance na iyon ay may ikinikuwento? Ang paksa natin para sa araw na ito ay
tungkol sa mga pestibal ng Kabisayaan at kaugnayan nito sa panitikang Filipino.
b. Paghawan ng Sagabal
Paghahanay: Ihahanay ng mga mag-aaral ang mga pestibal na nasa hanay A sa kani-kanilang lugar kung
saan ito isinasagawa na nasa hanay B.
2. Pagsusuri (Analisis)
Magpanood ng mga bidyo ng Sinulog Festival, Ati-atihan Festival at Masskara Festival. Itanong:
1. Tungkol saan ang inyong napanood?
2. Anong mga pestibal ang tampok sa bidyo? Pamilyar ba kayo rito?
3. Ano ang kaibahan ng mga pestibal sa isa’t isa at sa iba pang mga pestibal sa bansa?
4. Aling pestibal ang nagustuhan ninyo at bakit?
5. Ano-ano ang mga bagay na napansin ninyo sa pestibal? Makukulay ba ang kanilang mga kasuotan?
C. Abstraksyon
1. Bakit kaya nagkakaroon ng mga pestibal ang bawat bayan? Ano kaya ang ipinagdiriwang dito?
2. Sa tingin ninyo, ano ang kahalagahan ng pagdiriwang ng mga pestibal na ito? Ano-ano ang mga
positibong naidudulot nito sa atin?
D. Aplikasyon
1. Halimbawa’y may isang pestibal na ipinagdiriwang sa inyong lugar, bilang kabataan, paano kayo
makatutulong upang mas maging maganda, malinis, at matiwasay ang pagdiriwang ng inyong pestibal?
2. Kung ikaw ang tatanungin, anong klaseng pestibal ang gusto mong likhain at bakit?
V. Ebalwasyon
Sa isang kalahating papel, ibigay ang inyong sariling intepretasyon kung bakit ipinagdiriwang ang mga
pestibal na inyong napanood. Magsimula sa pahayag na:
Ipinagdiriwang ang Sinulog/Ati-atihan/Masskara Festival, dahil
_______________________________________________________________.
VI. Kasunduan

Inihanda ni: Iniwasto ni:


VINCENT JAKE E. NAPUTO CECILIA B. RINGOR
Grade 7 – Filipino Teacher Master Teacher - Filipino

You might also like