You are on page 1of 16

2

MAPEH (Health)
Ikaapat Markahan – Modyul 2:
Kaligtasan sa Paggamit ng
mga Kemikal sa Tahanan at
Pag-iwas sa mga Sakuna sa
Paaralan
MAPEH (Health) – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
A. Naipapaliwanag ang mga tuntunin para sa ligtas na paggamit ng mga
kemikal sa tahanan
B. Nakasusunod sa mga tuntunin para sa kaligtasan sa tahanan
C. Natutukoy ang mga ligtas at hindi ligtas na gawain sa paaralan
D. Naisasagawa ang mga panuntunang pangkaligtasan tuwing may mga
gawaing pampaaralan

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Josephine P. Dorado
Shieryl L. Ragsag
Editor: Rosa B. Booc
Tagasuri: Eliezer B. Elman
Tagaguhit: Josephine P. Dorado
Tagalapat:
Tagapamahala: Dr. Carlito D. Rocafort- OIC Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Romelito G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon, CESO VI- Assist Schools Division Supt.
Gilbert Barrera- Chief, CLMD
Arturo Tingson, Jr.-REPS, LRMS
Peter Van Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag, Jr. – REPS, MAPEH
Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece – EPS In-Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado Jr. ADM Coordinator
Eliezer B. Elman – EPS MAPEH
Inilimbag sa Pilipinas ngKagawaran ng Edukasyon-Rehiyong SOCCSKARGEN
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
MAPEH – Health
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Kaligtasan sa Paggamit ng mga
Kemikal sa Tahanan at Pag-
iwas sa mga Sakuna sa
Tahanan at Paaralan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pangkalusugan 2 ng
SELF LEARNING MODULE(SLM) Kaligtasan sa Paggamit ng mga Kemikal sa
Tahanan at Pag-iwas sa mga Sakuna sa Paaralan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pangkatawan 2 ng Self Learning
Module (SLM) ukol sa Kaligtasan sa Paggamit ng mga Kemikal sa Tahanan at
Pag-iwas sa mga Sakuna sa Paaralan!

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan .

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
Pagyamanin at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang


gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga


gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang


pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos


nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Isang masiglang araw mag-aaral! Sa modyul na ito ay
matutunan mo ang kaligtasan sa paggamit ng mga kemikal sa
tahanan at pag-iwas sa mga sakuna sa paaralan. Ninanais nang
araling ito na matugunan mo ang layunin sa ibaba.
A. Naipapaliwanag ang mga tuntunin para sa ligtas na
paggamit ng mga kemikal sa tahanan
B. Nakasusunod sa mga tuntunin para sa kaligtasan sa
tahanan
C. Natutukoy ang mga ligtas at hindi ligtas na gawain sa
paaralan
D. Naisasagawa ang mga panuntunang pangkaligtasan
tuwing may mga gawaing pampaaralan

Subukin

Gumuhit ng (thumbs up) kapag ang nasa larawan ay ligtas


gamitin ng mga bata (thumbs down) kapag hindi .

________ ___________ ___________ __________ __________

Illustrated by: Josephine P. Dorado

1
Kaligtasan sa Paggamit ng mga Kemikal sa
Aralin 8 Tahanan at Pag-iwas sa mga Sakuna sa
Paaralan

Balikan
Lagyan ng ( √) kung ang pangngusap ay tama at ekis ( X ) kung
mali.
______1. Itago sa kabinet ang matutulis na gamit sa kusina tulad ng
kutsilyo.
______2. Huwag tikman o amuyin ang mga produktong hindi kilala.
______3. Patayin ang ilaw kapag hindi ginagamit.
______4. Uminom ng gamot nang hindi nagpapatingin sa doktor.
______5. Huwag paglaruan ang mga gamit na maaaring pagmulan
ng sunog.

Tuklasin
Basahin ang kuwento.

Ligtas ang Maingat


Isinulat ni: JOSEPHINE P. DORADO

Sabado ng hapon, galing sa paglalaro si Jouden at uhaw na


uhaw nang umuwi. Inabot nito ang bote ng tubig sa mesa at nang
aktong inumin, may biglang sumigaw “Huwag mong inumin yan!”
lumingon siya “Bakit po ate? Nauuhaw po ako”. “Alcohol yan na
isinalin ko galing sa galon”. Narinig sila ng kanilang ina, lumapit ito at
pinangaralan ang anak “Hindi kasi tama na isalin sa bote ng tubig
ang alcohol, kung mangyari man, dapat lagyan ito ng pangalan at
itabi sa ligtas na paglalagyan”. “Patawad po mama, mag-iingat na
po ako sa susunod upang walang mapapahamak”.

2
Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino ang galing sa paglalaro at uhaw na uhaw?______________


2. Bakit pinigilan siyang inumin ang likidong nasa bote ng tubig?
____________________________________________________________
3. Ano ang mangyayari sa kanya kung tuluyang niyang nainom
ang nasa bote ng tubig?____________________________________
4. Ano ang pangaral ng kanilang ina?_________________________
5. Kung ikaw ang ate ni Jouden, gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa? Bakit?____________________________________

Pagyamanin
Isulat ang K kung kaligtasan ang pinapahiwatig ng larawan at S
kung sakuna.

_______ 1.

_______ 2.

3
_______ 3.

________ 4.

Ligpitin ang mga laruan pagkatapos


gamitin

________ 5.

Pumila nang maayos na walang


magtulakan

Isaisip

Maraming gamit sa tahanan at lugar sa paaralan ang


nagdadala ng panganib sa mga bata. Kaya dapat palaging
tandaan at sundin ang mga gawaing pangkaligtasan sa tahanan
at paaralan dahil ang pagiging maingat sa lahat ng oras, sa mga
panganib at sakuna’y ligtas.

4
Isagawa
A. Hanapin sa kahon kung paano magiging ligtas gamitin ang
sumusunod na kemikal. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Ilagay sa kabinet na hindi abot ng mga bata.


B. Ilayo sa mga bagay na hindi nagliliyab.
C. Inumin ayon sa payo ng doktor.
D. Ihiwalay sa mga produktong gamit sa pagluluto.
E. Lagyan ng tamang babala at ilagay sa tamang lalagyan.

______1. pamatay ng insekto


______2. gamot sa ubo
______3. sabong panlaba
______4. pang-alis ng mantsa sa damit
______5. Petrolyo

B. Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod:


________1. Hindi nakikipagsiksikan sa pagpila sa kantina.
________2. Nakikipaglaro sa oras ng klase.
________3. Binabasa at sinusunod ang mga nakikitang simbolong
pangkaligtasan.
________4. Tumatakbo sa pag-akyat at pagbaba sa hagdanan.
________5. Ibinabalik ang mga kagamitan tulad ng aklat at walis sa
tamang lalagyan upang hindi makatisod sa daan.

5
Tayahin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang.
_______1. Nakita mo sa kabinet ang isang plastic na bote na may
nakasulat na “flammable.” Katabi nito ang larawan ng ningas ng
apoy. Ano ang ibig sabihin nito?
A. maaring magliyab ang apoy
B. may yelo sa loob
C. ilagay sa tabi ang apoy

_______2. Nakakita ka nang makulay na bote. Napakasarap sa tingin


mo ang laman nito. Subalit, may larawan ng bungo sa harap ng
bote. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Masarap inumin ang laman nito.
B. May bungo at buto ito sa loob.
C. Nakakalason ang laman nito.

_______3. Sinaway ng guro si Jayson habang tumatakbo pababa


ng hagdan. Ano kaya ang dahilan?
A. magigiba ang hagdan
B. baka siya ay mahulog sa hagdan
C. baka maiwanan ng kanyang kamag-aral

_______4. Si Carla ay huling dumating sa paaralan. Ano ang dapat


niyang gawin para makasali sa pila?
A. Itulak ang nasa hulihan ng pila
B. Pumunta sa unahan ng pila
C. Pumunta sa hulihan ng pila

_______5. Ang pagbibigay pansin sa mga simbolong pangkaligtasan


ay mahalaga upang _________________________________.
A. makaiwas sa sakuna
B. tumaas ang marka sa klase
C. masanay sa pagbasa

6
Karagdagang Gawain
Pumili ng isa sa mga ligtas na Gawain o sitwasyon na napag-aralan.
Ilarawan kung bakit ito ang iyong napili. Ilagay ang iyong sagot sa
isang malinis na papel.

7
8
Subuki Balika Pagyamani Isagawa Tayahin
n n n A B 1.
1. √ 1. X 2.
1. X 1. E 1. TAMA
2. √ 2. X 3.
2.√ 2. C 2. MALI
3. √ 3. X 4.
3. X 3. D 3. TAMA 5.
4. X
4.√ 5. √
4. √ 4. A 4. MALI
5. √ 5. B 5. TAMA
Susi sa Pagwawasto:
Sanggunian
n.d Most Essential Learning Competency (MELC) in MAPEH(Health)
Grade 2

Music, Art, PE and Health Kgamitan ng ag-aaral (Tagalog ) 2013


DEPARTMENT OF EDUCATION

n.d MAPEH Health 2 K to 12 Curriculum Guide Agosto 2016, pahina


21.

Mga Larawan – Iginuhit ni Josephine P. Dorado

9
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral
ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like