You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Ika- 15 ng Mayo 2018

Tema: Ibong Adarna

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa


Ibong Adarna bilang isang Obra Maestra sa Panitikang
Pilipino.

B. Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing


pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng
mga pagpapahalagang Pilipino.

C. Kasanayang Pagkatuto: Nailalahad sa pamamagitan ng mga larawang mula sa


diyaryo, magasin at iba pa ang gagawing pagtalakay sa
napanood na napapanahong isyu.

F7PD-IVc-d-21

I. LAYUNIN A.) Natutukoy ang mensahe ng napanood na balita na may


kaugnayan sa bahagi ng akdang Ibong Adarna.

B.) Nakapagbabahagi sa klase ng mga halimbawa ng


sariling damdamin tungkol sa napanood na balita na may
kaugnayan sa bahagi ng akda sa pamamagitan ng
pangkatang paggawa ng “Plakard”.

C.) Nasusuri at napahahalagahan ang mga mensaheng


ipinahihiwatig ng mga balitang napanood.

II. NILALAMAN

Paksa: Hindi Pag-awit ng Ibong Adarna, Paglalahad sa


Pamamagitan ng Larawan

II. KAGAMITANG PANTURO

 Libro

 Biswal Eyds
 Laptop/Flatscreen T.V. at Speaker

 Mga Kartolina

 Pentelpen

 Flashdrive

 Mga larawan ng dalawang ibon na endangered dito sa


Pilipinas

Sanggunian: Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan


Baitang 7

IV. PAMAMARAAN

i. Panalangin
ii. Pagbati sa Klase
iii. Pagtsek ng Atendans

A. Balik-Aral
Sapagkat ang nagdaang araw ay parang napakatagal na, sino sa
inyo ang maaaring magpaalala sa buong klase tungkol sa ating tinalakay?
Sino ang makapagsasalaysay sa ating nabasa noong nakaraan?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Pansinin ang mga larawang ito. (Ipapakita ang larawan ng
dalawang endangered na ibon). Sa tingin ninyo, ano ang pagkakapareho ng
dalawang ibon na ito?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Ang dalawang uri ng ibong ito ay endangered species o kakakunti
na lamang at may mataas na tsansa na maaaring maubos o mawala kung
hindi aalagaan at pararamihin.
Sa puntong ito, ay panonoorin natin ang ilan sa mga balita o ulat na
may kaugnayan sa pang-aabuso sa mga ibong ito.

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa isang isyung
napapanahon. Ang isyung ito ay napatutungkol sa mga ibon na malapit nang
maubos o tinatawag na endangared species. Katulad ng Ibong Adarna, ang
mga ibong ito ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating
kalikasan at maging sa ating buhay sa kabuuan.

E. Paglinang sa Kabihasaan
Upang lubos nating maunawaan ang ating paksa para sa araw na ito,
magpapangkat-pangkat kayo sa apat.
Mekaniks:
1. Batay sa napanood na mga balita ay gagawa ang bawat grupo ng isang
plakard na magiging instrumento nila sa pagpapahiwatig ng kanilang
sariling saloobin ukol sa napanood na mga balita.
2. Ang plakard ay maaaring makapagbigay ng naisip na solusyon o
mungkahi upang masolusyonan ang mga suliranin sa napanood na balita.
Ang Plakard ay dapat na magtaglay ng mga larawan na maaaring gupitin
mula sa mga artikulo sa balita na ipapamigay.
3. Gupitin ang mga larawan mula sa artikulong ibibigay at idikit ito sa
gagawing Plakard.
4. Pagkatapos makagawa ng plakard ay ibabahagi ng bawat pangkat ang
kanilang ginawa at ipaliliwanag ito sa klase sa isang masining na paraan.
5. Ang bawat grupo ay bibigyan lamang ng limang(5) minuto sa pagpupulong
at pagbabahaginan ng mga ideya at tatlong(3) minuto naman sa
paglalahad ng inyong ginawang plakards.
Bibigyan ng puntos ang bawat pangkat batay sa rubrik na nasa ibaba:

RUBRIC
Pamantayan 3 5 10
Masining na Hindi maayos at Maayos at masining ang Maayos na maayos at
Paglalahad hindi masyadong pagkakalahad ng napakamasining ang
masining ang kanilang nagawang pagkakalahad ng kanilang
pagkakalahad ng Plakard. nagawang Plakard.
kanilang nagawang
Plakard.
Kalinawan ng Hindi nabigyang- Malinaw na naihatid ang Malinaw na malinaw na
Nilalaman linaw ang gustong gustong ipahiwatig sa naihatid ang gustong
ipahiwatig sa manonood. ipahiwatig sa manonood.
manonood.

May Larawang Sadyang Malabo ang Kitang-kita ang Napakalinaw ang larawang
Diwa at larawang-diwa at larawang diwa at may diwa at mensahe.
Mensahe mensahe. malinaw na mensahe.
Wastong Maraming mali sa May ilang kamalian sa Nagamit ang wastong bantas
Bantas at paggamit ng bantas bantas at pagbabaybay at baybay ng mga salita.
Baybay ng at pagbabaybay ng ng mga salita .
mga salita mga salita.
Pagsunod sa Hindi nakatapos sa Nakatapos sa takdang Nagamit ng wasto ang oras at
itnakdang takdang oras. oras ngunit may mga nagpakita ng kahandaan ang
oras sandal na hindi nagamit pangkat.
ang inilaang oras.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-raw na buhay


Paano mo magagamit ang iyong natutunan batay sa paksang ito sa iyong
buhay? Ano ang iyong nahinuha (na-realize)?

G. Paglalahat ng Aralin

Batay sa ating tinalakay ngayong araw, bakit mahalaga ang


pangangalaga sa mga hayop lalo na ang mga endangered
species?

H. Pagtataya ng Aralin

Built-in Evaluation – Likumin ang mga nakuhang puntos ng


bawat grupo.
I. Takdang-Aralin/Kasunduan

Gumawa ng Sanaysay tungkol sa inyong saloobin, pananaw


at damdamin kaugnay sa pagkawala at pagkaubos ng ilang
mga hayop sa ating bansa. Ilagay sa isang buong papel.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng _________ puntos.


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remediation
C. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Pagninilay ng guro estratehiyang pagtuturo

Inihanda ni:

RHEA CLAIRE A. CHAN

You might also like