You are on page 1of 6

Cabonbon National High School

Sitio, Cabonbon, Malabog, Davao City


S.Y. 2018-2019

Mala-masusing Banghay Aralin


Sa Filipino 8

Grade :8
Core Subject Title : Panitikan
Paksa : Maikling Kwento
Time Allotment : 60 minutes
Date of Implementation : July 10, 2018

I. Learning Competencies

 Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang


pamantayang pansarili at pamantayang itinakda (F8PS-Id-f-21)

II. Mga Layunin

 Makapagbibigay ng pagpapasiyang moral mula sa desisyon ng tauhan


ng Maikling Kwentong “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia

 Makabubuo ng sariling wakas ng Sandaang Damit


III. Paksang Aralin

A. Paksa: Sandaang Damit ni Fanny Garcia


B. Sanggunian: EASE Filipino III. Modyul 8
C. Kagamitan: Mga Larawan, Kompyuter, Projector, Video Presentation
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa respeto sa kapwa anumang
katayuan niya sa buhay
Pagpapahalaga sa katapatan

E. Pamamaraan: Talakayan

IV. Estratehiya

A. Panimulang Gawain:

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtsek ng Attendance
d. Pagsasaayos ng silid-aralan
e. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak (Pagpapahula)

1. Bubunot ang mga mag-aaral ng mga paruparu. Itatanong ng guro


kung sino ang nakabunot ng paruparung mayroong kulay ng bandila
ng Pilipinas. Sasabihin ng guro na mayroong ipagagawa sa nakabunot
nito. Kapag may umamin na siya ang nakabunot, sasabihin ng guro na
ang tanging gagawin nito ay tanggapin ang gantimpala nito sa
pagiging matapat.

C. Paglalahad ng Paksa at Layunin


Sasabihin ng guro sa klase ang layunin at ang paksa.

D. Paghahawan ng Sagabal (Skimming at Scanning, Context Cluing)

Pagpapangkatin ang klase sa 3 pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng


printed materials ng isang anekdota o “ Anecdote”. Tutukuyin lamang nila sa
loob ng isang minuto sa pamamagitan ng skimming kung ito ba ay
katatawanan, katatakutan, o trahedya. Kapag tumpak ang kanilang kasagutan,
bibigyan sila ng pagkakataon o bentahe para gamitin ang diksyunaryo para
hanapin ang kahulugan ng mga mahihirap na salita. Ang mga hindi nakuha ay
hahanapin ang tumpak na sagot gamit ang “context cluing”.

Ipinagkit - mga bagay na sadyang may karapatan ka pero inalis ang


karapatan mo dito
Paanas- pagsasalita ng pabulong
Pupitre- desk
Palara - Foil

E. Pagtalakay

1. Babasahin ng mga mag-aaral ang bawat bahagi ng kwento na


nakasulat sa papel na ginupit sa mga damit tulad ng tradisyonal na
sombrero, baro ng lalaki, at saya ng babae.Itatanong sa mga
mag-aaral kung anong sagisag ng Pilipinas ang baro at saya.

Mga Gabay na mga Tanong:

1. Kailangan bang ikahiya ang pagiging mahirap? ang pagiging


walang baon?

2. Ano sa palagay mo ang mas epektibong panlaban sa mga lait,


paglaban o pagsawalang kibo?
3. Kung ikaw ang ama ng bata, ano ang mas uunahin mo, pagkain
para sa pamilya, o gamit ng anak?

4. Ano ang dapat gawin upang hindi maranasan ng magiging mga


anak mo sa darating na araw ang paghihirap na iyong tinatamasa
sa kasalukuyan?

5. Anong katangian ng bata ang para sa iyo’y mas nangingibabaw sa


pagtatapos ng kwento? Talino, pagkamalikhain, o pagiging hindi
matapat?

V.Paglalapat

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Gagawa ang bawat pangkat ng


sariling likhang wakas ng kwento batay sa genre na kanilang mabubunot:
katatawanan, katatakutan, melodrama, aksyon, at trahedya. Isasadula nila ito
sa klase.

Rubriks sa Paghahatol:
Batayan Deskripsyon Pinakamataas na Marka
Pinag-isipang mabuti at 10
hindi maiisip ng ibang
Pagkamalikhain/
pangkat
katangi-tangi

Pagka-orihinal Paggamit ng mga bagong 10


ideya
Kabuuang Puntos 20

VI. Paglalagom

Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng isang


pangungusap na maaaring magbuod sa paksang tinalakay.
VII. Pagtataya (Sanaysay)

Katapatan o Kaibigan?

Batayan Deskripsyon Pinakamataas na Marka


Pinag-isipang mabuti at 5
hindi maiisip ng ibang
Pagkamalikhain/
kaklase
katangi-tangi

Pagka-orihinal Paggamit ng mga bagong 5


ideya
Kabuuang Puntos 10
VIII. Takdang-Aralin

Bumuo ng isang awitin tungkol sa Kalayaan.

Inihanda ni:
Angel Glenn T. Albano

You might also like