You are on page 1of 8

FILIPINO 7

UNANG ARALIN
November 7 – 11, 2017

Inihanda Ni: Bb. Jean Ethel Esgra

I. Mga layunin ng aralin


 Pagkatapos ng araling ito inaasahan na ang bawat mag-aaral ay:
o Maintindihan ang tatlong Komiks na ginawa ni Pol Medina Jr.
o Maunawaaan ng mabuti ang bawat salita sa talasalitaan at makaya
nilang gamitin ang mga salita sa sariling pangungusap.
o Maalala at maunawaan ang ibig sabihin ng mga salita at maari nang
ilipat sa mga pagsususlit, pagtatanong at kahit sa pangungusap gamit
ang tuloy-tuloy na pag bibigkas ng wikang Pilipino.
II. Mga kagamitan sa Pag-aaral.
 Ang sumusunod ay mga gagam,itin sa araling ito:
o Panitikang Filipino para sa grade 7
o Modyul para sa mag-aaral (Pagbasa ng malakas)
o Kwaderno (Pagsususlat ng talasalitaan)
o Manila paper (Para maisulat ng detalyado ang mga leksyon)
o Pisara at tisa
III. Ang Aralin
 Kinuha mula sa pahina 65-67
o Pimple Ni Pol Medina Jr. (p. 65)
o Braces Ni Pol Medina Jr. (p.66)
o The Gwapings Ni Pol Medina Jr. (p.67)
IV. Talasalitaan I.
1. Pimple – tigyawat sa mukha
2. Winalop – Tinira o sinaktan
3. Hawayano – Mukhang pinya dahil puno ng tigyawat
4. Nireseta – iminungkahi na gamot mula sa doktor
5. Aagnasin – masisira o mabubulok
6. Kurbata – ay isang bahagi ng damit na isinusuot ng mga lalaki.
7. Turo-turo – murang pagbibilihan ng ulam
8. Maghilamos – maghugas ng mukha
9. Pagkalipas - pagkatapos
10. Umusad – umunlad
V. 1.Pagsubok sa pagguhit ng mga salita sa kwaderno
2. Maikling pagsususlit (sampung puntos)
 Gamitin ang mga salita sa sartling pangungusap.
 Iguhit ang salita
PANGALAWANG ARALIN
Nobyembre 16-18 2017
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito ay inaasahan na ang bawat magaaral ay :
 Makaunawa ng talatang binasa mula sa isinulat ni Ginoong
Buenvenido Lumbera na “Taglish : Hangang Saan?” (pahina
70)
 Magkaroonh ng karagdagang kaalaman sa mga bagong
salitang nabanggit sa talataan.
 Mailapat ang mga naintindihan mula sa kwento o talata.
 Makita at maunawaan ang kahalagahan ng pagaaral ng talatang
ito.
II. Mga Kagamitan sa Pag-aaral, Gawain at Pagsususlit:
A. Pag-aaral - Kakailangani8n ang kanilang kwaderno at panulat.
- Gagamitin din ng guro ang pisara para sa pagsagot ng
Katanungan ng mga bata.
B. Gawain - Isang mahabang Bond Paper (8.5” x 13”)
- Pangkulay
- Lapis
- Panulat
- Ruler
C. Pagsusulit – ¼ Crosswise na papel
- Ballpen
- Modyul ng magaaral
III. Ang Aralin
Bawat mag-aaral ay babasahin ang isang talata, magsismula sa mga nakaupo
sa unang hanay, hanggang sa matapos ang buong artikulo.
“Taglish : Hanggang Saan”
Ni Buenvenidoo Lumbera
 “May magtatanong kung ang paggamit ng taglish sa kolum na ito ay recognition
on my part na tinatanggap kong maaaring gawing basis sa Filipino ang Taglish..”
(p 70-71)
 Matapos basahin, bibigyan ng Gawain ang mga magaaral at ipaunawa sa kanila
ang kaugnayan nioto sa kanilang aralin.
IV. Gawain
 Panuto: Isulat s alistahan ng talasalitaan ang mga banyagang salita na
nakuha mula sa artikulo. (Panimulang Gawain sa kwaderno)
 Sa mahabang Bond Paper, iguhit ang isa lamang sa tatlong disenyo:
A. Bukas na aklat
B. Bukas na liham
C. Kompyuter
 Ilipat ang mga salita mula sa kwaderno.
 Ang mga salita ay nasa sampu o higit pa.
 Kulayan ang iginuhit na disenyo.
V. Takdang Aralin
 Magdala ng English- Tagalog Dictionary. Ito ay gagamitin para sa
pangalawang karagdagang Gawain. ]
(Follow up Seatwork)
 Panuto: 1. Gamit ang talasalitaan ng mga Taglish o banyagang salita,
hanapin mula sa English- Tagalog Dictionary ang mga salitang ito at isulat
ang mga salitang kasingkahulugan nito.
PANGATLONG ARALIN
Nobyembre 18-21, 2017
Yunit III. Linggo 25 (pahina 76-77)
I. Mga Layunin
 Sa araling ito, inaasahan na maipamamalas ng mag-aaral ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayanan at pag unawa:
A. Makilala ang mga mahahabang bahagi ng artikulo at ang
kasaysayan ng “Pandesal”.
B. Maunawaan ang ibat ibang bahagi ng “Pandesal” at ang mga taong
nagbibigay halaga sa pagkaing ito.
C. Maipaliwanag ang pinanggalingan ng pamagat at ang epekto ng
kaalamang ito lalo na sa isang mag-aaral a Pilipino.
II. Mga Kagaitan sa Pag-aaral, Gawaain, Pagsusulit
 Kakailanganin ng bawat mag-aaral na maihanda ang mga sumusunod:
1. Kwaderno
2. Ballpen
3. English-Tagalog Dictionary
 Para sa pag diskusyon, kakailanganin lamang ang:
1. Modyul ng mag-aaral
2. Kwaderno
3. Pisara at Tisa
III. Ang Aralin
 Pagdidiskusyon mula sa pahina 76-77 “Pandesal”
 “Tinapay na may Asin” ay ang literal na ibig sabihin sa Espanyol ng
Pandesal. Ang sangkurot n asin (sal sa Espanyol) marahil ang ikinatanggi
nito upang maging paboritong panghalili sa almusal ng isang bansang higit
na nasanay kumain ng kanin.
 Bibigyan ng diwa ang kasanayan ng nasabing pagkain at ng panadero /
patron ng mga panadero na si San Nicolas de Tolentino.
IV. Ang Gawain
 Sabayang Pagbabasa
 Lahat ng mag-aaral sa isang pangkat ay tatayo at bibigkasin ng sabay-
sabay ang artikulong tungkol sa “Pandesal”
V. Pagsusulit (para sa 15 puntos)
(3 puntos)
1. Tinapay na may asin
2. Setyembre 10
3. San Nicolas de Tolentino
4. 1306
5. Pasko ng Pagkabuhay (Todos los Santos)
6. Dekada ‘70
7. Panecito
8. Tsino/ Intsik
9. ----10. Malolos, Bulacan
VI. Pagbabalik-aral
 Balikan ang Una, Pangalawa at Pangatlong Aralin.
 Magtanong ng mga “item” na nahihirapan ang mga mag-aaral sa
mga pagsususlit at unawain ang mga dahilan nito.
 Ilapat ang mga pagbabago sa mga sususnod na aralin sa Filipino.
 Pagpapaalala sa “Class Standing”, attendance at mga gabay sa loob
ng paaralan.
PANG-APAT NA ARALIN
Nobyembre 21-25, 2017
YUNIT III. Lingo 26 (pahina 77-84)
I. Mga Layunin
 Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay:
o Maintindihan at maunawaan ang Kwentong “Pork Empanada”
ni Tony Perez.
o Sa araling it kailangang maipamalas ng mag-aaral ang mga
nakhang magandang asal sa kwentong kanilang nabasa kagaya
ng:
 Pagiging masinop
 Pagiging matipid
 Pagiging mabait
 Pagiging mapagbigay
 At pagiging masipag at mabuti
II. Mga Kagamitan sa Pag-aaral
 Ang sumusunod ay mga kagmitan sa araling ito:
o Panitikang Pilipino para sa grade 7.
o Kwaderno (sa pagsusulat)
o Panulat at modyul ng mag-aaral.
o Pisara at tisa
III. Ang Aralin
 “Pork Empanada” Ni Tony Perez
o Madalas k aba sa katipunan? Siguro ay nakita mo na ang
Frankie’s Steaks and Burgers, sa tabi ng bagong cravings,
malapit sa Lily of The Valley Beauty and Grooming Salon.
Kung nakita mo iyon, nakita mo rin siguro si Bototoy.
o Bibigyang diwa ang buhay ni Bototoy bilang isang bata, kuya at
isang “Watch your car” boy sa katipunan at kung anong asal ang
kanyang naipakita na maaari nating maisabuhay.
IV. Gawain
 Sabayang pagbasa
 Lahat ng mag-aaral sa isang buong pangkat ay tatayo at bibigkasin ang
unang atikulo sa kuwento ng “Pork Empanada”
V. Pagsusulit
(Para sa 20 Puntos)
1. Magbigay ng magagandang asal ni Bototoy sa kuwento (5 pts.)
2. Ano ang reaksyon mo sa asal ng weytres sa kwento? (5 pts.)
3. Ibigay ang buod ng “Pork Empanada” (10 pts.)
VI. Pagbalik Aral
 Balikan ang kwento ng “Pork Empanada”
 Ibahagi sa klase ang mga aral na nakuha sa kuwento.
 Magmungkahi ng mga bagong asal na maaaring ugali ni Bototoy sa
kuwento.
 Pagtatala ng “class standing” sa klase, attendance at mga gabay sa loob ng
paaralan.
PANGLIMANG ARALIN
Nobyembre 28, -
Desyembre 2, 2017
Lingo 27 (pahina 85- 88)
I. Mga Layunin
 Maintindihan ng mga magaaral ng mabuti ang “Sipi ng Ibong Adarna”
Lumang Ortograpiya , Unang bahagi at Modernong Ortograpiya,
Unang Bahagi.
 Makuha ng mga mag-aaral ang mga salita sa Talasalitaan at mailapat
ito sa mga sariling pangungusap at magamit ito sa mga pagsusulit sa
susunod na araw.
II. Mga kagamitan sa Pag-aaral
 Panitikang Pilipino para sa Grade 7
 Modyul ng mag-aaral
 Panulat at Kwaderno
 Pisara at Tisa
 Manila Paper para sa Talasalitaan
III. Ang Aralin
 Sipi Mula sa Ibong Adarna (Unang Bahagi) (Lumang Ortograpiya)
o Virgenng inang marikuit
Emperadora sa langit
Tulungan po yaring isip
Matutong macapagsulit
o Mabasa at maintindihan ng mga mag-aaral ang unang sipi
ng ibong adarna at makuha ang mga mahahalagang aral sa
araling ito.
IV. Gawain
 Basahin ang tula sa harap ng klase.
 Isadula ito sa harap ng klase.
 Ilista ang mga bagong salita sa talsalitaan
 Pag-aralan ang kaibahan ng lumang ortograpiya sa modern
 Ilapat ang mga bagong natutunang salita sa sariling pangungusap
V. Pagsusulit
(5 puntos) 1. Sino ang tinutukoy sa tula sa tawag na “Emperadora sa langit”
2. Tungkol sa ano ang kwento ng tula.
3. Sino ang tinutukoy sa tula na Haring Tinuruan?
4. Sino ang pangalan ng marikit na reyna.
VI. Takdang aralin
 Isulat sa kwaderno ang buod ng unang Sipi ng ibong Adarna.
 Ipaliwanag ang mga mahihirap na salita sa talasalitaan:
o Marikit
o Tabor
o Balon
o Kalaliman
o Lisanin
o Dakila
PANGANIM NA ARALIN
Desyembre 12-16, 2017
Lingo 28 (Pahina 89-91)
I.Mga Layunin
 Dapat na maunawan ng mga mag-aaral ang Kwento sa loob ng
tulang Sipi mula sa Ibong Adarna : Ikalawang Bahagi.
 Dapat na maisadula nila ang kwento ng tulang ito.
 Dapat na maintindihan ng mag-aaral ang kahulugan ng mga
salitang mahihirap mula sa tula.
 Dapat nilang maintindihan ang kahalagahan ng panitikang
Pilipino.
II. Mga kagamitan sa pag-aaral
 Kakailanganin ng mag-aaral ang kwaderno at panulat.
 Kailangan ng modyul ng mag-aaral at panitikang Filipino para
sa grade 7.
 Pisara at tisa
III. Ang Aralin
 Sipi Mula sa Ibong Adarna (Ikalawang Bahagi)
o Yao na nga’t lumakad na
Kabundukan ang pinunta
At hahanaping talaga
Mahal na ibong adarna
o Babasahin at iintindihin ng mag-aaral ang mga
bagong salita na natutunan at gagamitin sa sariling
pangungusap.
o Ipagpaptuloy ang pagsasafula ng kuwento ng Ibong
Adarna.
IV. Gawain
 Sabayang pagbigkas ng tula sa harap ng Klase.
 Ipagpatuloy ang pagsasadula nito.
 Ilista ang mga bagong salita sa talasalitaan.
 Pag-aralan ang kaibahan nga luma at modernong ortograpiya.
 Ilapat ang mga salita sa sariling pangungusap.
V.Pagsusulit.
(3 puntos) 1. Sa unang talata ano ang kanilang hahanapin?
2. Ilang buwan ang kanilang paglalakad?
3. Ano ang nagyari sa kabayo ng prinsipe?
4. Anong klaseng hayop ang adarna?
5. Ano ang pangalan ng kahoy na dinapuan nito?
VI. Takdang Aralin:
 Maglista ng limang bagong salitang natutunan sa tula.
 Ipaliwanag ang mga kahulugan nito sa harap ng klase.
 Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
 Ibuod na rin ang kuwento.

You might also like