You are on page 1of 12

7

FILIPINO
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

ANG IBONG ADARNA: Isang Obra Maestra

Aralin
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG IBONG
1 ADARNA / Uri at Gamit Ng Bisa
Unang Linggo

Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at interes. Ito
ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo o
damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng mga
sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang
mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa isang linggo ng
Ikaapat na Markahan . Ito ay ang mga:

● Aralin 1-Unang Linggo: Kahalagahan Sa Pag-aaral Ng Ibong Adarna/ Uri at gamit ng

Bisa

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:

1. Natutukoy at naipaliliwanag ang Bisa na tinataglay sa bahagi ng akdang binasa. (F7PB-IVa-b-20);

2. Natutukoy kung anong uri ng Bisa ang ginamit ng may-akda batay sa konsepto. (F7S-IV-a-b-20)
3. Naisusulat ang mga pangyayaring naganap sa nakitang larawan.( F7PS-IV-a-b-18)
4. Naibibigay ang sariling ideya sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna na may kaugnayan sa
Pamilya. .( F7PS-IV-a-b-18 )
Subukin
Panahon na upang tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa modyul na ito
sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos
masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor. Pagkatapos masagutan at
maiwasto ang mga ito, isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot sa mga ito
habang pinag-aralan ang modyul.
Kung handa ka na upang sagutin ang panimulang pagtataya ng modyul na ito, umpisahan na natin.

1. Ang pinakapopular at tanyag na Korido sa ating bansa :

a. Ibong Mandaragit b. Ibong Adarna c. Ang Kalupi d. Ang Saranggola
2. Sino ang Propesor na Poklorista nagsabi na maraming pumintas sa Awit at Korido?:
a. Damian L. Eugenio b.Lope K Santos c. Julian Felipe d. Crisostomo Ibarra
3. Uri ng Bisa na tumutukoy sa nagiging epekto o pagbabago ng damdamin matapos Mabasa ang akda
a.Bisa sa Asal b.Bisa sa Kaisipan c. Bisa sa Damdamin d.Bisa sa Kaugalian
4. Si haring Fernando ay nabagabag sa pag-alis ni Don Juan. Ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit ay :
b. napagod b. naawa c. nainis d. nag-alala
5. Sinilo ng magkapatid ang kanilang bunsong kapatid na si Don Juan . Ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit ay:
b. pinagtaksilan b. minahal c.nilait d.pinuri
6. Sinubukan ni Donya Maria mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis
niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na . . . . .
a. mabiglain siya at madaling sumuko sa mga pagsubok.
b. matalino siya at laging umiisip ng paraan.
c. mapagmataas siya at hindi basta nakikinig sa magulang.
d. matibay ang kanyang loob at hindi siya basta-bastang sumuko.
7. Mula noon, biniyayaan si Don Juan at Donya Maria ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong
kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang
panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan. Mahihinuhang ang kanilang kaharian ay . . .
..
a. maging mahirap at magugutom ang taumbayan.
b. maging maunlad, mapayapa at wala nang katatakutan ang taumbayan.
c. malulusob ng mga kaaway.
d. malugmok sa kahirapan.
8. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang totoong nangyari sa akdang Ibong Adarna?
a. Mabait na kapatid sina Don Diego at Don Pedro
b. Ang Agila ang gamot sa sakit ni Haring Fernando.
c. Nahuliog sa balon si Don Juan.
d. Naging bato sina Don Diego at Don Pedro.
9. Si ___________ ay isang Prinsipe na sobrang mabait na anak at kapatid.
a. Don Diego b. Don Juan c.Don Pedro d Don.Pablo
10. Ano ang masamang nangyari kay Don Juan.?
a. namatay b. naligaw c. binugbug d. nahimatay
Ikaapat na KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG IBONG
Markahan
UnangLinggo ADARNA / Uri at Gamit Ng Bisa

Ang Ibong Adarna ay itinuring na pinakapopular na Korido sa ating bansa.Taglay nito hindi lamang
ang estetika o kagandahan ng isang akdang pampanitikan kundi gayundin ng maraming pagpapahalagang
pangkatauhang magagamit sa mabuting pakikipagkapwa tao.Ayon sa pokloristang -propesor na si Damian L.
Eugenio, ilang kritiko ang pumintas sa mga Awit at Korido dahil sa pagiging di makatutuhanang eksaheradoat
punong-puno ng kababalaghan ang mga ito.Gayon paman ayon pa rin sa kanya ay maituturing na ang piling
akda sa mga anyong ito ay kabilang sa “ kabang-yaman ng kawili-wiling kwentong bahagi ng popular na
literature ng mundo “

Balikan
Sa kalaunan nandito na tayo sa Ikaapat na Markahan sa ating pag-aaral.Sa loob ng markahang ito, ating
tatalakayin ang Ibong Adarna na isa sa mga bantog na halimbawa ng isang Korido.Pero bago natin ito
umpisahan ang pagbasa at pagtatalakay alamin muna natin kung ano ang iyong nalaman tungkol sa Ibong
Adarna.

Gawain 1:
Panuto: Gamit ang iyong sagutang papel ,sumulat ng isang talata na naglalaman ng lahat ng iyong nalalaman
tungkol sa Ibong Adarna.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------.
Tuklasin

Ang mababasa mo ay ang kasaykasayan at kahalagahan sa pag-naaral ng Ibong Adarna.

Ang akdang “ibong Adarna” ay isang halimbawa ng Korido na ayon sa pokloristang si Damian L.
Eugenio,ilang kritiko ang pumpintas sa awit at Kurido,gayunpaman ang Ibong Adarna ay bahagi pa rin sa piling
akda na kabilang na sa “kabang-yaman” ng mga kawili-wiling kwentong bahagi ng popular na literature ng
mundo.

Ang Ibong Adarna ay lumaganap sa panahon pa ng mga Espanyol subalit hanggang ngayon ay patuloy na pinag-

aaralan ng kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay at sa mga pagpapahalagang maaaring kapulutan ng mga aral sa
buhay maging ng kabataan sa mga makabagong henerasyon.
Baon ang kaisipang ito, umiisip ng mga pangyayari sa kasalukuyan ( sa iyong pamilya , sa mga kakilala at kaibigan na
maaari mong iugnay sa mga nakalahad na pangyayari sa akda.
Si Haring Fernando ang hari ng kaharian ng Bernaya. Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana na ubod ng ganda. Mga
mababait ang kanilang mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Isang gabi nanaginip nang masama ang
hari. Dahil dito nagkasakit ang hari ngunit walang nakabatid sa lunas nito. Hanggang isang araw nalaman mula sa isang
pantas na ang gamot ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa bundok Tabor. Unang naglakbay si Don
Pedro ngunit nagkulang siya sa tiyaga kaya hindi niya nakuha ang gamut ng ama. Sumunod na naglakbay si Don
Diego.Kagaya ng nakatatandang kapatid, bigo rin siya sa kanyang pakay na makuha ang gamot ng ama dahil kapwa
silang naging bato nang mataan ng dumi ng Ibong Adarna. Tatlong taon nang di nakabalik sina Don Pedro at Don Diego
kaya nabahala ang buong kaharian.
Nagpaalam sa ama si Don Juan upang hanapin ang lunas ng kanyang karamdaman. Hindi sana papayag ang ama na
ang kanyang bunsong mahal ay aalis subalit pumayag na rin siya dahil sinabi ni Don Juan na siya ay aalis nang palihim
kung hindi siya papayagan.
Binindisyunan si Don Juan ng hari at umalis siyang puno ng pag-asa. Hindi siya nagdala ng kabayo dahil alam niya ang
hirap na dadanasin nito. Nagbaon siya ng limang tinapay. Sa landas ay nakatagpo si Don Juan ng isang matandang
leproso o matandang sugatan. Humingi ng pagkain ang matanda kay Don Juan at agad naman niya itong binigyan ng

isang tinapay na natira sa kanyang baon.

Buong pasalamat ng matanda sa handog na bigay ng prinsipe. Ipinagtapat ni Don Juan ang kanyang pakay sa
matanda at tinulungan nito si Don Juan kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna. Sinabi rin ng matanda kay Don Juan na
huwag siyang mahumaling sa kagandahan ng punong Piedras Platas na tirahan ng Ibong Adarna. Dahil sa awa ng
matanda kay Don Juan, ninais nitong ibalik ang bigay nitong tinapay ngunit hindina ito tinanggap muli ni Don Juan. Dahil
sa pagpupumilit ng matanda, iniwan na ito ni Don Juan

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:Piliin ang tamang sagot at titik lamang ang isulat sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang ibinigay ni Don Juan sa matandang leproso?
a.baon b.tinapay c.gamot d. damit

2. Paano mo ilalarawan Si Haring Fernando bilang ama?

a.mabait b.malupit c.sakim d.mapagmahal
3. Bakit kailangan umalis si Don Juan ?,
a.dahil mahal niya ang ama b.mabait siyang anak c.kukunin ang gamot d.hanapin ang kapatid
4. Ano ang nangyari sa makapatid na Don Diego at Don Pedro ?
a.naging bato b.namatay c.naligaw d.nahulog sa bangin
Pagyamanin

Uri ng Bisa
1.Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa nagiging epekto o pagbabagong naganap sa iyong
damdamin matapos basahin ang akda.
2.Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago ng kaisipan dahil sa natutunan sa mga
pangyayaring naganap sa akdang binasa.
3.Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa
mga kaisipang napapaloob sa akda pagkatapos mong mabasa.

GAWAIN 3:

A. Panuto: Tukuyin ang Bisa na ginagamit sa motibo ng may-akda.

1. Handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ang mga anak ang sariling buhay para sa
kanilang ama.
Bisa ng ______________________________.

2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari

Bisa ng ______________________________.

3. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa kinang ng mahiwagang puno
upang makaiwas siya sa kapahamakan.
Bisa ng ________________________________
B. Panuto : Sabihin kung ano ang mga pangyayaring naganap ng bawat larawan . Isulat sa kahon ang
sagot.

1.
2.

1. Isalaysay kung anong pangyayari o sitwasyong ang naganap sa unang larawan.

2. Ano ang sitwasyon o pangyayaring naganap sa ikalawang larawan ?

Isaisip

Ang Ibong Adarna ay lumaganap sa panahon pa ng mga Espanyol subalit hanggang ngayon ay patuloy na pinag-aaralan
ng kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay at sa mga pagpapahalagang maaaring kapulutan ng mga aral sa buhay
maging ng kabataan sa mga makabagonghenerasyon.

Si Haring Fernando ang hari ng kaharian ng Bernaya. Ang kanyang asawa ay si Donya apayangna ubod ng ganda.
Mga mababait ang kanilang mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Isang gabi nanaginip nang masama
ang hari. Dahil apay nagkasakit ang hari ngunit walang nakabatid sa lunas nito. Hanggang isang araw nalaman mula sa
isang pantas na ang gamot ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa bundok Tabor. Unang naglakbay si
Don Pedro ngunit nagkulang siya sa tiyaga kaya hindi niya nakuha ang gamut ng ama. Sumunod na naglakbay si Don
Diego.Kagaya ng nakatatandang kapatid, bigo rin siya sa kanyang pakay na makuha ang gamot ng ama dahil kapwa
silang apaya apayang mataan ng dumi ng Ibong Adarna. Tatlong taon nang di nakabalik sina Don Pedro at Don Diego
kaya nabahala ang buong kaharian.

Nagpaalam sa ama si Don Juan upang hanapin ang lunas ng kanyang karamdaman. Hindi sana apaya ang ama na
ang kanyang bunsong mahal ay aalis subalit pumayag na rin siya dahil sinabi ni Don Juan na siya ay aalis nang palihim
kung hindi siya papayagan.

Binindisyunan si Don Juan ng hari at umalis siyang puno ng pag-asa. Hindi siya nagdala ng kabayo dahil alam niya
ang hirap na dadanasin nito. Nagbaon siya ng limang tinapay. Sa landas ay nakatagpo si Don Juan ng isang matandang
leproso o matandang sugatan. Humingi ng pagkain ang matanda kay Don Juan at agad naman niya itong binigyan ng
isang tinapay na natira sa kanyang baon.

Buong pasalamat ng matanda sa handog na bigay ng prinsipe. Ipinagtapat ni Don Juan ang kanyang pakay sa
matanda at tinulungan nito si Don Juan kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna. Sinabi rin ng matanda kay Don Juan na
huwag siyang mahumaling sa kagandahan ng punong Piedras Platas na tirahan ng Ibong Adarna. Dahil sa awa ng
matanda kay Don Juan ,ninais nitong ibalik ang bigay na tinapay ngunit hindi ito tinanggap ni Don Juan.

Isagawa
Piedra Platas – Ang puno na tinitirahan ng Ibong Adarna. Ito ay Makita sa gitna ng kagubatan ng bundok
Tabor. Hindi ito karaniwang kahoy dahil ito ay kumikinang tuwing gabi kaya ito ay tinitirahan ng ibong Adarna

Gawain 4:

Panuto: Iguhit ang puno ng Piedras Platas na siyang tirahan ng Ibong Adarna.Iguhit ito sa loob ng kahon sa
ibaba.

RUBRIC SA PAGMAMARKA:

● Kalinisan ng guhit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

● Kagandahan ng Pagkagawa…………………… . . 15
KABUUAN ……………………………………… 25

Tayahin

1. Ang pinakapopular at tanyag na Korido sa ating bansa :

a .Ibong Mandaragit b. Ibong Adarna c. Ang Kalupi d. Ang Saranggola
2. Sino ang Propesor na Poklorista nagsabi na maraming pumintas sa Awit at Korido?:
a.Damian L. Eugenio b.Lope K Santos c. Julian Felipe d. Crisostomo Ibarra

3.,Uri ng Bisa na tumutukoy sa nagiging epekto o pagbabago ng damdamin matapos Mabasa

ang akda
a.Bisa sa Asal b.Bisa sa Kaisipan c. Bisa sa Damdamin d.Bisa sa
Kaugalian
4 .Si haring Fernando ay nabagabag sa pag-alis ni Don Juan. Ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit ay :

a. napagod b. naawa c. nainis d. nag-alala

5. Sinilo ng magkapatid ang kanilang bunsong kapatid na si Don Juan . Ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit ay:

a. pinagtaksilan b. minahal c.nilait d.pinuri

6. Sinubukan ni Donya Maria mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis
niyang iniibig. Mahihinuha na ang dalaga ay…

a. matalino siya at laging umiisip ng paraan.

b. mapagmataas siya at hindi basta nakikinig sa magulang
c. mabiglain siya at madaling sumuko.
d. .matibay ang kanyang loob at hindi siya basta-bastang sumuko

7. Mula noon, biniyayaan si Don Juan at Donya Maria ng pagmamahalan kasabay ng .

magandang pagtrato ng mga tao sa buong kaharian.Mahihinuha na ang kaharian ay..
a. maging mahirap at magugutom ang taumbayan.
b. malulusob ng mga kaaway.
c. walang kapayapaan
d. maging maunlad, mapayapa at wala nang katatakutan ang taumbayan.

8. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang totoong nangyari sa akdang Ibong Adarna?
a. Mabait na kapatid sina Don Diego at Don Pedro
b. Ang Agila ang gamot sa sakit ni Haring Fernando.
c. Nahuliog sa balon si Don Juan.
d. Naging bato sina Don Diego at Don Pedro.
9. Si ___________ ay isang Prinsipe na sobrang mabait na anak at kapatid.

a. Don Diego b. Don Juan c.Don Pedro d Don.Pablo

b.
10. Ano ang masamang nangyari kay Don Juan.?

a. namatay b. naligaw c. binugbug d. nahimatay

Susi Sa Pagwawasto

Subukin Tayahin
1. b
b
2. a a
3. c c
4. d d
5. a a
6. d d
7. b b
d
8. d b
9. b c
10. c

You might also like