You are on page 1of 7

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery Modality Face to Face

Paaralan WNNHS Baitang Pito


Guro Rejoy O. Asignatura Filipino
Panganiban
LESSON Petsa May 8,2023 (M) Markahan Ikaapat na Markahan
EXEMPLAR May 9,2023 (T)
May 12,2023 (F)
(Baywalk)
Oras MON-TUESDAY Bilang ng Araw 3
10:15-11:15
FRIDAY
8:30-9:00
Wed- Thurs-ICL

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


a. matutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng akdang
binasa;
b. Naipapakita ang kaalaman gamit ang graphic organizers;
c. Naibabahagi ang kahalagahan ng napag-aralan.

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
Pangnilalaman maestra sa Panitikang Pilipino.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng


Pagganap koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

C. Pinakamahalagan Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido


g Kasanayan sa
Pagkatuto Nagagamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng pag-unawa sa
(MELC) mahahalagang kaisipang nasasalamin sa napanood na bahagi ng akda
D. Pagpapagana ng
Kasanayan
II. NILALAMAN Modyul 2: Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa CG FIL7
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Modyul ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig FIL7
Kagamitang Modyul 2 pahina 1-10
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa n/a
Teksbuk
d. Karagdagang Laptop, telebisyon, projector
Kagamitan mula sa
Patrol ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Mga larawan, PPT-Video Presentation, talahanayan, graphic organizer


Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pang araw-araw na Gawain

● Panalangin

Balik-Aral

Panuto: Magbigay ng impormasyon sa sumusunod na salita at ipakita ng


kaugnayan nito sa isa’t isa.

What I need to know? (Alamin)

Nakapaloob sa modyul na ito ang mga mahahalagang tauhan ng Ibong


Adarna, ang kanilang mga katangian at ginampanan sa kuwento. Dito ay
malalaman mo kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang pakikipagsapalaran
sa akda.

B. Pagpapaunlad
What I Know (Suriin/Subukin)
Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot
_____1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Valeriana.
A. Albanya C. Krotona B. Armenya D. Berbanya _____
2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
A. Piedras Platas C. Piedro de Oro B. Reyno Delos Cristales D. Piedras Blanca
_____3. Bunsong anak ni Haring Fernando na labis niyang minamahal.
A. Don Pedro C. Don Juan B. Don Diego D. Don Lucas
______4. Prinsesang may mahika blankang taglay.
A. Donya Maria C. Donya Leonora B. Donya Juana D. Donya Isabel
______5. Haring hinahangaan ng kanyang nasasakupan.
A. Matandang Ermitanyo C. Haring Fernando B. Haring Salermo D. Arsobispo
______6. Ang may bihag kay Donya Leonora sa palasyo nito sa ilalim ng
balon A. Lobo C. Agila B. Higante D. Serpyente

ARALIN

Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna


Makikita sa ibaba ang mga tauhang nagbigay-buhay sa makulay na mundo
ng koridong Ibong Adarna. Halina’t iyong isa-isang kilalanin ang mga tauhang
ito, gayundin ang kani-kanilang gagampanang papel upang dito pa lang ay
malaman mo na kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang
pakikipagsapalarang nagbigay rikit o kagandahan sa isang walang kamatayang
korido ng bayan.

Ibong Adarna – Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras


Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging
makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig
nito.

Haring Fernando – Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng


malubhang karamdaman.

Reyna Valeriana – Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan,
Don Pedro at Don Diego.

Don Pedro – Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok
Tabor.
Don Diego – Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong
makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.

Don Juan – Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

Donya Maria – Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na


kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.

Haring Salermo – Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na


nagbigay ng matinding pagsubok kay Don Juan.

Donya Leonora – Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na


nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.

Donya Juana – Isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni


Donya Leonora.

Donya Isabel – ang kapatid ni Donya Maria Blanca.

Donya Juana – kapatid ni Donya Maria Blanca.

Ang Ermitanyo – matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga


tumulong kay Don Juan.
Ermitanyong Uugod-ugod – ang tumulong kay Don Juan upang
mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don
Pedro at Don Diego.

Arsobispo – ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.

Lobo – ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa
Kaharian ng Armenya.

Ang Higante – ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana.

Ang Serpyente – malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay
Donya Leonora.

What’s in?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

A. Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang sa tulong ng mga


impormasyong naglalarawan sa kanila. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
____________ 1. May malambing na tinig, hatinggabi kung dumating sa
Piedras Platas na kanyang tirahan.
____________ 2. Panganay na anak na may tindig na pagkainam.
____________ 3. Reyna na walang kasingganda sa kaharian ng Berbanya.
____________ 4. May ugaling malumanay na pangalawang anak nina Haring
Fernando.

____________ 5. Ang hari ng Reyno de los Cristales.

B. Panuto: Gumawa ng Family Tree ng pamilyang ikinararangal sa Berbanya at


magtala ng mga impormasyon tungkol sa kanila.
What is it?

Nalaman ko o natutuhan ko sa araw na ito na _______________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. Pakikipagpalih Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:


an Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat tauhan sa akda. Gamitin ang
Flow Chart para sa sagot.

D. Paglalapat What I Have Learned?(Linangin)


Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na tauhan sa Hanay A. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.
What can I do? (Assessment) (Isaisip/Tayahin)

Pagtataya :
Gabay sa Pagkatuto Bílang 4:

Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.

_____1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Valeriana.

A. Albanya C. Krotona B. Armenya D. Berbanya

_____2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.

A. Piedras Platas C. Piedro de Oro B. Reyno Delos Cristales D. Piedras Blanca

_____3. Bunsong anak ni Haring Fernando na labis niyang minamahal.

A. Don Pedro C. Don Juan B. Don Diego D. Don Lucas

______4. Prinsesang may mahika blankang taglay.

A. Donya Maria C. Donya Leonora B. Donya Juana D. Donya Isabel

______5. Haring hinahangaan ng kanyang nasasakupan.

A. Matandang Ermitanyo C. Haring Fernando B. Haring Salermo D. Arsobispo

______6. Ang may bihag kay Donya Leonora sa palasyo nito sa ilalim ng balon

A. Lobo C. Agila B. Higante D. Serpyente

V. PAGNINILAY Magsusulat ang bata sa kanilang sagutang papel ng kanilang nararamdaman o


reyalisasyon gamit ang mgasumusunod na prompt

Naunawaan ko na ……Nabatid ko na ……….

Inihanda ni:
REJOY P. BACROYA
Guro sa Filipino
Binigyang Pansin ni:
LUISA D. VISPO
Punongguro

You might also like