You are on page 1of 7

7

Learning Activity Sheet sa


FILIPINO 7
Kuwarter 2 – Week 4- MELC 6
MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT
KATUTURAN NG PANG-URI

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 4 MELC 6: Mga Pahayag sa Paghahambing at
Katuturan ng Pang-uri
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 7

Mga Manunulat: Fahrene S. Lazaro, Ma. Dolores B. Dela Cruz


Jean Mary A. Barcibal, Phoebe G. Lumanog
Lujie Grace N. Abria
Editor: Geryl The A. Jaena
Schools Division Quality Assurance Team: Analie J. Lobaton
Geryl The A. Jaena
May P. Pascual
Division of CADIZ CITY Management Team: Ma. Lorlinie M. Ortillo, CESO VI
May P. Pascual
Analie J. Lobaton
Geryl The A. Jaena
Regional Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

i
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng
sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng Cadiz sa ng Kagawaran ng
Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na
inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatutokahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan
ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga
gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Kuwarter 2, Linggo 4
Ii Kuwarter 2, Linggo 3

Learning Activity Sheet 5


Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Taon at Pangkat: ____________
Petsa: ______________

FILIPINO 7
MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT KATUTURAN NG PANG-URI

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing. F7WG-IIc-d-8

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o
panghalip.

Narito ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri:

 LANTAY- anyo ng pang-uri na naglalarawan lamang sa isang pangngalan o


panghalip.

Halimbawa:
Masipag mag-aral si Daniel.
Mabait ang guro namin sa Filipino.

 PAHAMBING- anyo ng pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang


pangngalan o panghalip.

a. Pahambing na pasahol - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian


ng isa o dalawang pangngalan o panghalip. Ang mga panlaping ginagamit sa
hambingang di magkatulad ay di- gaano, higit, kaysa, mas,di hamak, labis,lalo, di-
gaano,di-masyado,di- totoo.

Halimbawa:
Higit na mabuti ang kagandahang panloob kaysa kagandahang panlabas.
Mas masaya ang buhay sa probinsiya kaysa siyudad .

b. Pahambing na Patulad- nagsasaad ng magkatulad nakatangian ng isa o


dalawang pangngalan o panghalip. Ginagamitan ito ng panlaping , magka-, sim-,
kapwa-,magsim/sin.

Halimbawa:
Magkasinggaling kumanta si Moira at si Sarah.
Kapwa mahal ko ang aking ama at ina.

1
 Pasukdol- nagpapakita ng pinakamatinding katangian ng paghahambing.
Ginagamitan ito ng mga katagang sobra, ubod, tunay, saksakan, hari ng.
Halimbawa:
Ubod ng ganda ang mga dalagang Pilipina.
Tunay na magagaling ang mga Pilipino sa larangan ng musika.

III. MGA SANGGUNIAN

Mula sa Internet:

https://www.slideshare.net/mars127/panguri-51199082
https://www.google.com/search?q=visayas+map+with+names&tbm=isch&ved

IV. MGA GAWAIN


PANUTO: Basahin at unawain ang mga gawain sa ibaba. Sagutin ito ng may pag –
unawa sa paksang binasa.

GAWAIN 1
Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay
suriin ang kaantasan nito at isulat sa patlang kung ito ay LANTAY, PAHAMBING o
PASUKDOL.

___________1. Ang batang masipag mag-aral ay siguradong matutupad ang


mga pangarap.
___________2. Mas makabubuti sa mga tao ngayon ang manatili sa loob ng
bahay kaysa lumabas.
___________3. Labis akong nalulungkot sa pagkawala ng aking alagang aso.
___________4. Mahilig mag-Tiktok ang kaibigan kong si Angel.
___________5. Pinakamahirap na problemang kinahaharap ng mga tao ngayon
ay ang pandemya dahil sa COVID 19.

GAWAIN 2

Pumili ng isang lugar na gustong-gusto mong puntahan o pasyalan sa Visayas.


Ilarawan at ihambing ito sa iba pang lugar gamit ang mga pang-uri sa iba’t ibang
kaantasan. Isulat ito sa sagutang papel.

GAWAIN 3
Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o


panghalip.
A. Pandiwa B.Pang-uri C. Panghalip D. Pang-abay

2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-uri?


A. Sumasayaw ang aking kapatid.
B. Umalis siya ng bahay kahapon.
C. Ang magkakaibigan ay naghahanda para sa kanilang outing.
D. Napakabango ng ibinigay niya sa aking bulaklak.

3. Tukuyin ang pangungusap na nasa anyong Pahambing.


A. Kulay itim ang iniregalo niya sa aking bag.
B. Matalino ang kaibigan kong si Lisa.
C. Magkasimputi ng balat si Dahyun at Suga.
D. Si Kai ang pinakamagaling maglaro ng basketbol sa kanilang Barangay.

Panuto: Tukuyin ang tamang pang-uri na pupuno sa diwa ng pangungusap. Isulat


ang titik ng tamang sagot.

4. Sa magkakaibigan si Regine ang (tahimik) sa lahat.


A. mas tahimik B. lalong tahimik C. pinakatahimik D. magkasintahimik

5. Ang pagiging (galang) na anak ay nagpapakita ng respeto at pagmamahal sa mga


magulang.
A. pinakamagalang B.magalang C.igagalang D.ginagalang

GAWAIN 4
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kaibahan ng pag- aaral mo noon
at ngayon sa panahon ng pandemya. Gamitin ang mga kaantasan ng pang- uri at mga
pahayag sa paghahambing. Isulat ito sa sagutang papel.

Rubrik:
Orihinalidad: 10
Daloy ng mga ideya: 10
Gamit ng mga pahayag sa paghahambing: 10
Kabuuan 30

PANGWAKAS/ REPLEKSIYON
Natutuhan ko sa araling ito na:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 1

1. Masipag-Lantay 2. Mas makabubuti- Pahambing

3. Labis na nalulungkot - Pahambing 4. Mahilig-Lantay

5. Pinakamahirap- Pasukdol
GAWAIN 2

Ang wastong sagot ay hindi tiyak dahil ito nakabatay sa sariling opinyon at
naaayon sa kung paano naintindihan ng mga mag-aaral ang mga teksto.

GAWAIN 3

1. B 2. D 3.C 4. C 5. B

GAWAIN 4
Tingnan ang rubrik sa pagwawasto

You might also like