You are on page 1of 6

Polo Integrated School

(Formerly Polo Elementary School)


Unang Markahang Pagsusulit
FILIPINO 8

Pangalan:________________________________ Iskor:_____________
Taon:__________________ Petsa:___________

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_______________1. Ito ay isang mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o
higit pang bayani o maalamat na mga nilalang.
_______________2. Ito ay uri ng palaisipan na nasa anyong patula.
_______________3. Ito ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na may karaniwang matulaing
katangian.
_______________4. Ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, hangarin at diwa ng mga tao.
_______________5. Ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong at taludtod.
_______________6. Sa epiko ng Nalandangan: Ano ang pangalan ng kapatid ni Matabagka?
_______________7. Sa epiko ng Nalandangan: Sino ang pinakasalan ni Matabagka?
_______________8. Siya ay isang bayani na lumikha ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
_______________9. Siya ang lumikha ng “Walang sugat” noong 1898.
______________10. Sila ang magkasintahan na pangunahing tauhan sa panitikan na “Walang sugat”

B. Panuto: Bilugan ang ginamit na Pang-abay na Pamaraan sa pangungusap.

1.Ang sanggol sa kuna ay natutulog nang mahimbing.


2. Mahusay tumugtog ng byolin si Angela.
3. Dahil sa galit, umakyat nang padabog ang bata.
4. Matiyagang hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
5. Pahiyaw na tinawag ang pangalan ng lalaki.
6. Dali-daling bumalik si Joy sa kanyang tahanan.
7. Nagulat kami dahil biglang bumukas ang pinto.
8. Malakas na humihilik sa Warren sa gabi.
9. Sinabi ni Gemma sa akin nang pabulong ang sikreto niya.
10. Ang hangin sa tabing-dagat ay umihip nang napakalakas.
11. Naglakad na nakayuko ang malungkot na binata.
12. Nagmamaneho nang maingat ang bagong drayber.
13. Lumabas sa silid na nakapila ang mga mag-aaral.
14. Madali nilang nahanap ang lumang simbahan sa mapa.
15. Isa-isa silang nag-alay ng bulaklak sa imahen.

C. Salungguhitan ang ginamit na Pang-abay na Pamanahon sa pangungusap.

1. Sina Sandy at Michael ay nag-eehersisyo araw-araw.


2. Madalas ko silang nasasalubong sa parke.
3. Sabay kaming kumakain ng almusal paminsan-minsan.
4. Taun-taon ay sumasali kami sa paligsahan sa pagtakbo.
5. Si Michael ay isa sa mga unang natapos sa paligsahan noong isang taon.
6. Magsisimula na bukas ang pagpapalista sa paligsahan.
7. Ang paligsahan ay mag-uumpisa nang alas-singko ng umaga.
8. Kaming lahat ay maagang natulog kagabi.
9. Nakita ko ang aking mga kaibigan sa paligsahan kanina.
10. Nakamit ni Sandy ang unang gantimpala ngayon.
11. Mamaya ay babatiin ko sila sa kanilang tahanan.
12. Dumating kami sa bahay nila nang alas-otso ng gabi.
13. Nagbibisikleta ang mag-asawa tuwing tag-init.
14. Sasama ako sa kanila sa Baguio sa Abril.
15. Tatawagan ko sila sa Biyernes kung matutuloy kami.

D. Ikahon ang ginamit na Pang-abay na Panlunan sa pangungusap,

1. Susunduin ko si Nanay sa istasyon ng bus.


2. Nagbakasyon kami sa Tagaytay noong Disyembre.
3. Si Christina ay pumunta sa Canada para bisitahin ang kanyang mga kamag-anak.
4. Sa silid-aklatan ko sila nakita na nagsasaliksik.
5. Ang Pista ng Pahiyas ay ipinagdiriwang tuwing Mayo sa bayan ng Lucban, Quezon.
6. Nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ang panganay na anak ni Dra. Reynaldo.
7. Bumili ng gamot sa botika si Ate Cheryl para sa kanyang anak.
8. Inihatid namin sa Philippine General Hospital si Lola Conchita kahapon.
9. Tuwing hapon ay nagtitipon ang mga kalaro namin sa palaruan.
10. Sabay-sabay kumakain ng tanghalian sa kantina ang tatlong magkakapatid.
Polo Integrated School
(Formerly Polo Elementary School)
Unang Markahang Pagsusulit
FILIPINO 7

Pangalan:________________________________ Iskor:_____________
Taon:__________________ Petsa:___________

I. Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali daling kinagat ito.Dinala niya ang butoupang
iuwi sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita siya ng ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at
doo’y nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang may iba pang aso na may hawak-hawak ring buto, tinahulan
niyaiyon nang tinahulan.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog. Hindi namulingnakuha
ng sakim na aso ang buto.
1.Ang binasang akda ay isang
a.pabula b. epiko c. bugtong d. tula
2. Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?
a.buto b. ilog c. tao d. basura
3.Ano ang katangian ng aso?
a.mapagmahal b. sakim c. mapagbigay d.mabait
4.. Bakit tumahol ang aso?
a.dahil may nakitang tao b. dahil sa buto c. dahil sa nakitang sariling anino d. dahil hinampas
5.Ano ang aral ng akdang binasa?
a.maging mapagbigay b. huwag maging mayabang c. matutong makuntento d. maging maaswain

A.Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa akdang “Ang Duwende”. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1.Ano ang itsura ng duwende?

a. Maitim ang buhok b. walang balbas c.Mapula ang mukha d. mataba at maitim

2.Bukod sa pagiging pilyo , ano raw ang isa pang katangian ng mga duwende?

a. Matulungin b mapagbiro c.Mapanira d. matapang

3.Ayon sa kwento , ano ang mga ugali at gawain ng duwende?

a.Naninira ng gamit b.namamalo ng mga bata c.Nangangagat ng mga bata d. nangunguhan ng mga bata
4.Ano ang maaaring mangyari sa mga taong may sinasabing masama sa mga dwende?

a.Nawawala b.binibiyayaan c.Pinaparusahan d.tinatakot

5. “ Ang Duwende” binasa ay isang akang pampanitikan na?

a.Pabula b.alamat c.Kwentong bayan d. epiko

II. Ibigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa gamit ng mga pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1.Mag iingat sa mga kakaibang nilalang para di ka mapahamak.

a. nilikha b. binuo c. kasama d. kasapi

2. Sa panahon ngayon dapat iwasan ang mga taong tuso.

a. palaaway b. mapaglamang c. mayabang d. mabait

3. Mukhang balisa ang aking ina dahil palakad lakad siya sa may labas.

a. di- mapakali b. di – makausap c. di – makating d. di-malaimik

4. Ang duwende ay kinatatakutan ng mga tao.

a. malaking nilalang b. maliit na nilalang c. unano d. hayop

5. Madaling maasar ang aking kaibigan sa tuwing tinutukso siya.

a. naiinis b. natutuwa c. nalulungkot d. natatawa

B. Kilalanin kung anong katangian ng mga tauhan batay sa mga pahayag o kanilang pananalita. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

A. Masayahin B. Nangangarap

C. Malungkutin D. Magagalitin

E. Maalalahanin F. Matampuhin

_________1. “ Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata”

_________2.”Wag kayong tatamad tamad , sigaw kanyang tatay.

_________3. “ Kay dami- dami palang batang kalye” naisip ni Nemo.

_________4. “ Bituin , bituin tuparin ngayon din. Lahat kami’y gawing batang masayahin

. _________5. Palipad lipad ang lahat ng mga batang naging papel na parang walang problema.
III. Tukuyin ang sumusunod na salitang nakasalungguhit . Isulat Tama o Mali ang ipinapahayag ayon sa
binasang akdang “ Impeng Negro”.

__________1. “ Baka makipag-away ka na naman , Impen!

__________2. “ Ang puti mo , Impen !” tukso ni Ogor.

__________3. “ Tingnan mo ang buhok , kulot na kulot ! ang ilong sarat na sarat!

__________4. “ Hoy , Negro , magpayong ka , baka ka pumuti !” sigaw ni Ogor.

__________5. “ Negro ! Napauwid siya sa pagkakupo nang marinig iyon . Si Ogor . “ Huwag ka nang
magbibilad. Doon ka sa lamig.

A. Punan ang kakulangan ng pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose.

A. Magkasinbilis B. Napabilis C. Magkasingbilis D. Magkasimbilis

_______2. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.

A. kung saan B. noong C. ng D. nang

________3. Nakaranas ang mga tao sa Maynila ng gutom _______ panahon ng Hapon.

A. noong B. ng C. nang D. dating

________4. __________ ka bang naimpok sa bangko?

A.Saan B. Ano C. Mayroon D. Merong

________5. __________ piraso ang dala niyang pasalubong

A. labingwalong B. labinwalong C. labimwalong D. labing-walong

________6. ________ talagang gusto mong magtagumpay, kailangan mong magsumikap.

A. Upang. B. Kung. C. Nang D. Kaya

________7. Nanawagan ang pamilyang naging biktima ng kalamidad ________ humingi ng tulong.

A. Upang B. bago C. subalit D. maski

________8. Wala _______ gagawin pa kundi ang maghintay.

A. ng B. pang C. nang D. ng mga


________9. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.

A. Nalagyan B. Nilagyan C. Inilagay D. Naglagay

________10. Kapag ang isang tao ay sinabing may kaya sa buhay, siya ay ___________.

A. marunong magtrabaho B. masipag mag-aral C. sakim sa pera D. mayaman

IV. Isulat ang K kung ang pangungusap ay katotohanan at O kung ito ay opinion.

1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.

2. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

3. ____ Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.

4. ____ Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.

5. ____ Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.

6. ____ Mabuting libangan ang maglaro ng online games.

7. ____ Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.

8. ____ Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.

9. ____ May pitong araw sa isang linggo.

10. ____ Mas maraming gusali sa pamayanang urban.

11. ____ Mura lang ang magbakasyon sa Boracay

12. ____ Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.

13. ____ Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.

14. ____ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.

15. ____ Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

You might also like