You are on page 1of 5

FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

MODYUL 3 EPIKO: INDARAPATRA AT SULAYMAN


Learning Hand-outs
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda;


2. Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang pananalita;
3. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari;
4. Nagsasagawa ng panayam sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol sa ibinigay na paksa;
5. VI: Napapahalagahan na ang pagtulong at pagmamalasakit sa iba, hatid ay kapayapaan at magandang relasyon sa
kapwa.
Batayang Aklat:
1. Pinagyamang Pluma 7 Aklat 1 Alinsunod sa K to 12, Phoenix Publishing House (2014)
Kagamitan:
1. Hanay ng Talasalitaan, Diksyunaryo
2. Video Clips/Movie Clips (Youtube:
 https://www.youtube.com/watch?v=IYwb1qXJF8E

SUSI NG KAALAMAN (KEY CONCEPTS)

 Epiko - ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng kwentong karaniwang nagtatampok sa
mga hayop bilang mga tauhan.
 Sanhi - Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
 Bunga - Ito ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari
 Pangatnig - tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay
upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.

TALASALITAAN
A. Natutukoy ang mga Salita sa Tulong ng mga Pahiwatig
Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga pahiwatig na titik sa bawat kahon.

k____w ____ ____ a 1. iba pang tawag sa yungib

b ____ y ____ n 2. lantad na lugar; binubuo ng mga barangay

u ____ ____ l a 3. namatayan o nawalan ng mahal sa buhay

k ___ b ___ ___ ___ g 4. pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay

b ___ ___ g ___ ___ y 5. tawag sa patay na tao o hayop


SIMULAN NATIN!
OCGS FILIPINO Module
FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

Mayroon ka bang kilalang superhero? Sino siya? Subukin mo nga siyang iguhit o ipakilala sa loob ng kahon. Isulat
mo rin ang mga katangiang taglay niya kung bakit mo siya hinahangaan.
Mahalagang Tanong:

Kung ikaw ay magiging superhero, ano ang gusto mong maging


kapangyarihan? Bakit?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

TUKLASIN
Sa epikong mababasa ay iyong matutunghayan ang pangunahing tauhang sina Indarapatra at Sulayman na
nagtataglay rin ng mga katangiang katulad ng mga superherong nabanggit.

ALAM MO BA?
Ang epiko isa uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipaglaban ng isa o grupo ng tao
laban sa kanilang mga kaaway. Ito ay karaniwang nagtataglay ng mga mahiwaga o mga kapani-paniwalang mga
pangyayari o tauhan. Ito ay karaniwang kuwento ng paglalakbay at pakikidigma. Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin
sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga
kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Ito ang ilan sa mga
halimbawa ng mga epiko sa iba’t ibang rehiyon:
a. Bidasari - Meranao c. Ibalon - Bikolano
b. Dagoy at Sudsud - Tagbanua d. Tuwaang - Bagobo

Basahin ang kuwentong-bayan na pinamagatang “INDARAPATRA AT SULAYMAN” na nasa pahina 52-.56.


\\\\

PAGTATAYA
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na hindi lalampas sa 15 na salita.

1. Ano ang pangunahing suliranin ng mga mamamayan ng Mindanao noong panunungkulan ni Haring Indarapatra?
________________________________________________________________________________________________

2. Paano natugunan ang mga suliraning ito?


________________________________________________________________________________________________
3. Paano mo maiuugnay ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa pagpapalakas ng aspektong ekonomiya at
puwersang militar?
________________________________________________________________________________________________

OCGS FILIPINO Module


FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

Gawain 2: HALIMAW SA LIPUNAN


Suriin ang katangian ng bawat halimaw na nagambala sa kapuluan ng Mindanao sa epikong Indarapatra at
Sulayman. Tumukoy kung sino ang maaaring kinakatawan o sinasagisag ng mga halimaw na nagdudulot ng malaking
suliranin sa lipunan sa kasalukuyan. Ipaliwanag ang iyong ginawang paghahambing.

KURITA

May maraming paa at ganid na hayop,


kayang kumain kahit limang tao

HALIMAW NA MUKHANG TAO

Nakakatakot ang mukha at kumakain ng


mga lamang-loob ng mga tao

PAH

Napapadilim nito ang buong lugar gamit ang


pakpak, may kukong matalas

IBONG MAY PITONG ULO

Natatanaw ang lahat ng dako sa dami


ng kanyang mga mata

OCGS FILIPINO Module


FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANRETORIKA

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at


Bunga, Panghihikayat, at Pagpapayag ng Saloobin
Ang maaos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at
pangungusap ay mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal, at
mabisang paglalahad. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-
uugnay ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag. Ilan sa
mga ito ay ang sumusunod:

1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga


2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat
3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin

Gawain 1: Nakikilala ang mga Pang-ugnay na Ginamit sa Pangugnusap


Bilugan ang isang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap at tukuyin anong uri ng pang-ugnay ito. Isulat sa
patlang ang S kung ito ay Sanhi at P kung Panghihikayat at PS kung Pagpapahayag ng Saloobin.

_____1. Ang magkapatid ay minamahal ng mga tao sapagkat sila’y matulungin sa kapwa.
_____2. Bagama’t hindi taga-Mindanao ay nagpakita ng pagpapahaga ang magkapatid sa pamamagitan ng pagtulong sa
ibang bayan.
_____3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang mga mapaminsalang halimaw.
_____4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ng hari ang mapinsalang halimaw dahil sa kapangyarihang taglay nito.
_____5. Ang pagkamatay ng malaking ibon ay totoong nagbigay ng pag-asa sa mga mamamayan ng Mindanao.

Gawain 2: Nakapagpapaliwanag sa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Panoorin ang videong ito tungkol sa COVID-19: https://www.youtube.com/watch?v=IYwb1qXJF8E at ipaliwanag
ang posibleng sanhi at bugna nito.

SANHI BUNGA
1. 1.

2. 2.

OCGS FILIPINO Module


FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

UNAWAIN AT PAGNILAYAN
Tugunan ang sumusunod na tanong bilang paglalagom sa iyong pagtamo at pagkaunawa ukol epiko
at kabayanihan sa kasalukuyang panahon kung saan tayo ay nasa gitna ng pandemyang ito.

OCGS FILIPINO Module

You might also like