You are on page 1of 5

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7

2019-2020

Pangalan________________________ Pangkat______________

I. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. (hango sa kwentong bayan ng Meranao “ Ang Munting Ibon”)

1. Sa salitang may salungguhit, alin sa mga sumusunod ang may pinakamalapit na kahulugan? Lumalabas
ang mag- asawa tuwing takipsilim upang mangaso.

A.Dumidilim B. Dapit Hapon C. Hatinggabi D. tanghaling tapat

2. Sa salitang may salungguhit, alin sa mga sumusunod ang may pinakamalapit na kahulugan? Kitang kita
sa kanya ang pagiging Tuso.

A. Taksil B. Madaya C. Mapagbigay D.Traydor

3. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop. Anong iba pang kagamitan ang maaring gamitin
ng mag-asawa sa pangangaso?

A. Lambat B. Pana C. Rebolber o baril D. Sibat

4. Kung ikaw ang asawang babae ni Lokes, paano mo siya itatama sa pandarayang kanyang ginagawa?

A. Huhulihin ko siya sa kanyang pandaraya


B. Ipaliliwanag ko sa kanya ang magiging masamang dulot ng kanyang pandaraya
C. Kukomprantahin ko sya kung bakit niya ito ginagawa
D. Kakausapin ko sya ng mahinahon ng hindi siya mapapahiya

5. Hindi naging maganda ang pagtrato ni Lokes sa kanyang asawang babae, kung silay hindi naghiwalay ano
sa iyong palagay ang nagging wakas ng kuwento?

A. Nandaya na rin si Lokes a Babay


B. Nagsama ng masaya ang mag-asawa
C. Nagpatuloy sa pandaraya si Lokes a Mama
D. Nagkasundo ang mag-asawang Lokes

6. Ang mag-asawa sa binasang kuwento ay kapwa nabubuhay sa pangangaso, mahihinuhang ang lugar ay?

A. Magubat at Mapuno C. Masukal


B. Madilim D. Nasa tabing dagat

7. Niluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at itoy kanyang kinaing mag-isa nang hindi man lang inaalok
ang kanyang tahimik na may bahay. Anong katangian ang taglay ni Lokes a Mama?

A. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kayat mas nagagawa niya ang nais kaysa sa
babae
B. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina
C. Ang Babae ay hindi hinahayaang kumain ayon sa paniniwala
D. Ang Babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago makakain.
Kuwentong Bayan- Punong Kawayan

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman
si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang
oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang
nakatayo at di nasalanta.

8. Batay sa akdang binasa, ano ang sinapit ng mayayabang na puno sa pag-ihip ng malakas na hangin?

A. Nangabuwal ang punong mayayabang


B. Nangalaglag ang mga bulaklak at bunga ng mga puno
C. Tuluyang na wasak ang mayayabang na puno
D. Nakalbo ang mga puno

9. Ang taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa akda ay….

A. Kabutihan B. Pagkamababang Loob C. Kabaitan D. Kayabangan

10. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paanong namatay ang baboy ramo dahil sa panlilinlang ni Pilandok,
ano kaya ang kanilang gagawin?

A. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok


B. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok
C. Pupurihin nila si Pilandok sa kanyang ginawa
D. Gagawin din nila kay Pilandok ang ginawa sa babaoy ramo

11. Naisahan na naman ni Pilandok ang Buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na magkrus uli ang
landas ng dalawa?

A. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok


B. Muli na namang maiisahan ni Piland0k ang Buwaya
C. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang Buwaya
D. Hindi na muling palilinlang kay Pilandok ang buwaya

12. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si pilandok. Ano kayang mensahe ang
ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?

A. Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo.
B. Tama lang na nangyari iyan sa sa’yo para malaman mo kung ano ang madarama ng kapwa mo
kapag ikaw naman ang nalinlang.
C. Ang galing mo talaga Pilandok! Ikaw ang idol naming mga hayop ditto.
D. Lagi mong tatandaan na ano man ang ginawa mo sa iyong kapwa ay sya ring gagawin sa iyo.
13. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian
ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?

A. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kalian siya magpapakumbaba.
B. Masipag din pala si Pilandok at gagawin ang makakaya para makatulong sa mga kapwa hayop.
C. Mahusay talagang makisama at maasahan ng maraming hayop ang mabait na si PIlandok.
D. Sa kabila ng kanyang kadayaan ay may nakatagong kabutihan sa kanyang puso.

14. Maari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nganganib nang maubos tulad ni Pilandok? Anong
ekspresyong nagsasaad ng posibilidad ang ginamit sa pahayag?

A. Tulad B. Maari C. Mga D. Maglaho

15. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.

A. Tila B. Maari C. Mas D. kaysa

16. Kung ikukumpara mo si Pilandok sa mga salot ng lipunan (criminal). Anong parehong katangian meron
sila?

A. Tuso B. Masama C. Mandaraya D. Mabuti

17. Karapat dapat nga bang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa pabula?

A. Oo, dahil nakapagbibigay aliw sa mga mambabasa


B. Oo, dahil mas makatotohanan ang pagnagap
C. Hindi, dahil hindi ito makatotohanan
D. Hindi, dahil hindi kailanman maikukumpara ang hayop sa mga tao.

18. Kung ikaw ay isang pabulista, maliban sa hayop ano pa ang maari mong gamitin bilang tauhan sa
pabula?

A. Tao B. Bagay C. Bulaklak D. Aklat

19. Sa epikong Indarapatra at Sulayman ay kakaibang katangian ang ipinamalas ng prinsipeng si sulayman.
Ano ito?

A. Matatag ang loob B. Mabait C. Matapang D. Mahiyain

20. Ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan, sila ay maari nating ihalintulad
saan?

A. Magician B. Albularyo C. Super Hero D. Agimat

21. Sa pagpapahayag ng sanhi at Bungay ay gumagamit ng mga pang-ugnay alin sa mga sumusunod ang
hindi pang-ugnay?

A. Naglaro B. Sapagkat C. bunga D. dahil

22. Alin sa mga sumusunod ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng pag-sang ayon?

A. totoo B. kaya C. Bagama’t D. Hindi

23. Ang epikong Indaraptra at Sulayman ay may ibat ibang simbolong ginamit tulad ng apat na halimaw ito
ay sumisimbolo sa malalaking problema sa buhay. Ano naman ang sumisimbolo sa Tubig.

A. Buhay B. Pag-asa C. Sakuna D. Kalinisan

24. Ang sinisimbolo ng Halaman, sa epiko ay….

A. Buhay B. Pag-asa C. kapalaran D. Kalinisan


25. Ang sinisimbolo ng Puso, sa epiko ay?

A. Buhay B. Pag-ibig C. kapalaran D. Kalinisan

26. Ang sinisimbolo ng Bathala, sa epiko ay?

A.Buhay B. Pag-ibig C. kapalaran D. Kalinisan

27. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat silay tunay na matulungin sa kapwa. Ang pag ugnay na
ginamit sa pangungusap ay?

B. Mga B. Sapagkat C. Tunay D. Ay

28. Bagama’t hindi taga- Mindanao ay nagpakita ng pagpapahalaga ang magkapatid sa nasabing lugar. Ang
pag ugnay na ginamit sa pangungusap ay?

B. Ang B. Magkapatid C. Bagama’t D. Hindi

29. Batay sa napanood ng doku film ang pag-islam ay isinasagaw sa anong bahagi sa buhay ng bata?

A. Ika-walong taon B. ika- anim na taon C. ika- limang taon D. ika- pitong taon

30. Anong Elemento ng maikling kuwento makikita ang pinakamataas na pangyayari at pinaka maaksyon?

A. Simula B. Tunggalian C. kakalasan D. Kasukdulan

31. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taong bayan. Anong ang pang-ugnay ag ginamit sa pahayag?

A. Na B. Ang C. Ng D. Ay

32. Ang pag- islam ay isinasagawa ayon sa pagkaka sunod sunod.

a. Isinasagawa ang paggupit ng buhok pagkaaraan ang ika pitong araw ng bata pagka panganak
b. Ang pagbulong sa kanang tainga ng sangol ay isinasagawa ng imam
c. Ditto rin maari ng bigyan ng pangalan ang sanggol
d. Magiging ganap na isang binyagang muslim ang sanggol sa kanyang ika pitong taon.

A. a,b,c,d B. c,d,a,b C.b,a,c,d D. d,a,c,b

33. Anong elemento ng maikling kuwento bumababa ang takbo ng storya?.

A. Simula B. Tunggalian C. kakalasan D. Kasukdulan

II. Punan ng wastong kasagutan ang loob ng kahon, ayos sa pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.

Ang seremonya ng pag-islam ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang unang seremonya ay ginagawa
(34)______________ oras pagkapangak sa sanggol. Ditto ay babasahan ng dasal ng isang
(35)_____________ o mataas na punong panrelihiyon ng mga muslim sa kanang tainga ng sanggol upang
maikintal sa isip ng sanggol ang pangalan ni (36)_________________ ang kanilang Diyos.
Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na (37)_____________ . ginagawa ito ika-pitong araw
pagkapanganak ng sanggol. Ditto binibigyan ng (38)______________ ang sanggol. Ang ikatlong seremonya
ay tinatawag na (39)____________ o seremonya ng pagtutuli.
III. Piliin sa hanay B. ang mga angkop na kasagutan sa bawat pahayag na nasa hanay A.

A B

______40. Panalangin Lalo na sa Oras ng a. Isdang pinatuyo


Pangangailangan.
b. As-salah
______41. tradisyonal na awitin ng mga
c. Pukpok alimpako
Meranao
d. Bagoamama
______42. Panalangin o Pagbebedisyon ng
Imam sa Bangkay Bago Mailibing. e. malapalasyong tahanan

______43. Pinangarap din nya na makatira f. Salat ul-Janazah


sa palasyo ng sultan.

______44. Tunay na kaysarap kainin ng


bulad sa agahan.

______45. Bilang isang mag-aaral ay


pangarap ko ring makatira sa torogan kaya
naman mag-aaral akong mabuti.

IV. Suriin kung ang pangungusap ay wasto o mali. Isulat ang salitang WASTO kung nagsasaad ng
katotohanan at MALI kung hindi.

______ 46. Si Lokus a Mama ang naghahanap ng makakain ng mag-anak habang nasa bahay na naglalaba at
nagluluto si Lokus a Babae.

______47. Ang gamut mula sa albularyo ay hindi makatutulong upang bumuti ang kalagayan ni Lokus a Mama.

______48. Pinangarap ni Lokus a Babae na balang araw ay makatira rin siya sa palasyo ng sultan.

______49. Nakahuli ng mahiwang isda na nagbibigay ng magarang damit at ginto si Bagoamama na nagpabago
sa kanilang buhay.

______50. Ang simpleng mamamayan na katulad ni Lokus a Babae ay mabilis na binigyan ng tulong ng sultan
nang pumunta ito sa kanyang palasyo.

Prepared by:

RECEL L. PILASPILAS
Guro sa Filipino
Checked and verified:
MARK ANTHONY MERCENE
NELSON V. EVANGELISTA Guro sa Filipino
Assistant School Principal II

Noted:

LEONIDES D. CHUMACERA, Ed.D


Public Schools District Supervisor
Officer – In- Charge

You might also like