You are on page 1of 7

Department of Education

Region VII, Central Visayas


DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Centro Mandaue City
Mandaue City

PRETEST SA UNANG MARKAHANG FILIINO 8

Pangalan: __________________________ Seksyon: ________________ Petsa: _________Iskor:_________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pangungusap at pagkatapos
bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang panitikang pasulat na lumaganap sa Pilipinas na nagsasalaysay ng mga tradisyon ng mga Pilipino.
A. Kwentong-bayan
B. Kwentong pambata
C. Karunungang-bayan
D. Kwentong-pandayuhan

2. Ito ay kaalamang bayan na kung saan karaniwang nagmumula sa mga tagalog at hinango sa mahabang tula
A. Kwentong-bayan
B. Kwentong pambata
C. Karunungang-bayan
D. Kwentong-pandayuhan

3. Karaniwang bunubuo ito ng salita o parirala na nagbibigay ng malalim na kahulugan. Sa tulong nito ay
naiiwasan ang paggamit ng mararahas na salita upang hindi makapanakit ng damdamin makasakit ng
damdamin
A. Sawikain
B. Kasabihan
C. Salawikain
D. Kwentong-bayan

4. Hindi ito gumagamit ng mga talinghaga. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalaminan ng aral ng
buhay.
A. Sawikain
B. Kasabihan
C. Salawikain
D. Kwentong-bayan

5. kadalasan nagtataglay ito ng sukat at tugma. Ito ang butil ng karunungan nagsisilbing batas o tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno.
A. Sawikain
B. Kasabihan
C. Salawikain
D. Kwentong-bayan

6. Suriin ang uri ng paghahambing na ginamit sa pangungusap. Magkasingtanda ang kasaysayan ng dalawang
tribong matatagpuan sa Mindanao
A. Pasahol
B. Palamang
C. Magkatulad
D. Di-magkatulad

7. Di-lubhang maliwanag sa panig na iyon ng kagubatan kaysa sa nilalakaran naming kanina. Ito ay uri ng
paghahambing na _________.
A. Pasahol
B. Palamang
C. Magkatulad
D. Di-magkatulad
8. Ang sinalungguhitang salita ay halimbawa ng paghahambing na _________.
Labis ang kahanga-hanga ang kultura at tradisyon ng unang tribo kaysa ikalawang.
A. Pasahol
B. Palamang
C. Magkatulad
D. Di-magkatulad

9. Magkakasintayog ang karunungang bayanng taglay ng mga magkakalapit na bansang Asyano. Ito ay
paghahambing na _______.
A. Pasahol
B. Palamang
C. Magkatulad
D. Di-magkatulad

10. Kung ang iyong kausap ang namatayan ng isa sa mga mahal niya sa buhay. Sasabihin mo sa kanya na
“______________________.” Upang hindi siya mabibigla
A. “Iniwan na niya tayo.”
B. “Sumakabilang buhay na siya.”
C. “Tapos na ang kanyang paghihirap.”
D. “Maligaya na siya sa kabilang buhay.”

11. Ang salawikain, bulong, at kantahing bayan ay napapabilang sa panahon ng ___________.


A. Kastila
B. Hapon
C. Matandang panahon
D. Katutubo

12. Ang ibig sabihin ng “Anoman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”? ay __________.
A. Pagtitiis
B. Pagkakaisa
C. Pakikisama
D. Pakikipagkapwa

13. Ang pahayag na “Ang lahat ng palayok, may katapat na saklop”? ay napapabilang sa _______________.
A. Bugtong
B. Sawikain
C. Sabi-sabi
D. Salawikain

14. Masigasig na nagtatrabaho si Marco para sa kanyang pamilya, kung kaya tinagurian siya na makapal ang
palad ng kanyang mga kasamahan. Ang kahulugan ng sinalungguhitang idyoma ay __________.
A. Masipag
B. Mabait na tao
C. Mapagbigay
D. Matalino

15. Ito ang pag-ibig na iniuukol ng isang tao sa kanyang pamilya o kamag-anak
A. Eros
B. Philia
C. Storge
D. Agape

16. Sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, Ito ay tumutukoy sa pagmamahal sa kanyang _________.

A. Bayan
B. Anak
C. Kapatid
D. Magulang
17. Ang may-akda sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay si ___________.
A. Jose Rizal
B. Juan Luna
C. Andres Bonifacio
D. Marcelo H. del Pilar

18. Mula sa taludtud sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”,


Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop,
Buhay may abuting magkalagot-lagot
Ito ay nangangahulugan na____________.
A. Ang taong may wagas at dalisay na pagmamahal sa bayan ay handing mag-alay ng sarili para sa
tinubuang lupa.
B. Yaman, dugo, at talino ang kailangan upang ang bayan ay mahango sa pagkaalipin.
C. Matatalino at mayayamang tao lamang ang maaring maglingkod sa bayan.
D. walang kasindakila at kasinsarap ang mag-alay ng buhay para sa Inang Bayan

19. Sa alamat ng Batangas, ang pangliligaw ng mga kabinataan sa isang prinsensa ay matatagpuan sa
______________ bahagi
A. Gitna
B. Wakas
C. Simula
D. Kasukdulan

20.“Ikaw ang sulo ng aking buhay” Mula sa pahayag na “Alamat ng Batangas” ang salitang initiman ay
nangangahulugang ______________.
A. Iniibig
B. Liwanag
C. Iniidolo
D. Sinasamba

21. Tuwing bagong taon ay nagtitipon ang mag-anak. Ito ay bahagi ng pananalita na _________.
A. Pandiwa
B. Panghalip
C. Pang-abay
D. Pangngalan

22. Kina Maria kami gumagawa ng proyekto. Ang salitang may salungguhit ay pang-abay na __________.
A. Pandiwa
B. Panghalip
C. Pang-abay
D. Pangngalan

23. Manonood kami sa linggo ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ito ay uri ng pang-abay na
___________.

A. Pamaraan
B. Panlunan
C. Pamanahon
D. Panang-ayon

24. Maraming masasarap na ulam sa kantina ni Aling Nina. Ito ay halimbawa ng pang-abay na __________.
A. Pamaraan
B. Panlunan
C. Pamanahon
D. Panang-ayon

25. Ang alamat ay nakabilang sa mga katutubong panitikang nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig kung kaya ang mga kuwento dito ay ________________.
A. Makatotohanan
B. Kapani-paniwala
C. Di-kapani-paniwala
D. Posibleng maganap
26. Nagsimula ang paligsahan ng basketbol ng gabi, kaya naman maraming ang nagsidatingan. Ang salitang
binibigyang turing ng salitang initiman ay _____________
A. Paligsahan
B. Nagsimula
C. Basketbol
D. Nagsidatingan

27. Ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita _______________________________.

A. Katalinuhan Pagpupuring lubos ang palaging hangad


B. Pagkatao Sa bayan ng taong may dangal na ingat.
C. Damdamin Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
D. Reputasyon Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

28. Ito ay elemento ng tula na nag-uugnay ng mga pantig upang magkaroon ng pareparehong tunog sa
hulihang bahagi ng taludtod.

A. Sukat
B. Imahe
C. Tugma
D. Simbolo

29-31. Ibabatay ang mga sagot sa saknong na nakasulat sa kahon

Wa/lang/ ma/ha/la/gang /hin/ di/ini /han/dog


ng/ may/pu/song/ma/hal/ sa/ ba/yang/nag/kup/kop
du/go /ya /man/du/nong/ ka /ti/i/sa’t /pa/ god
bu/hay/ may/a/bu/ ting/ mag/ka/ la/ got/la/got.

halaw sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”


ni Andres Bonifacio

29. Ang sukat na ginamit ng may-akda ay ______.


A. Wawaluhin
B. Lalabing-animin
C. Lalabindalawahin
D. Lalabing-waluhin

30. Ang kayarian ng tula na ginamit na may-akda ay __________.


A. Malaya
B. Karaniwan
C. Tradisyunal
D. Blangko Berso

31. Uri ng taludturan na ginamit sa tula.


A. Kopla
B. Triplet
C. Quatrain
D. Limerick

32. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at
nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi. Ang nais ipahiwatig ng sitwasyon ay _____

A. Binabalikan ang mga pangyayari


B. Isang sanggol sa piling ng isang ina
C. Nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
D. May problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
33. Kung ikaw ang bata sa akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa”, Ang posibleng gagawin ko ay ______.
A. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako.
B. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam.
C. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako.
D. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari.

34. “Ang ngiti ng isang ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na
uhaw”,Ito ang nais ipahiwatig ng unang pahayag.
A. Malungkot ang paligid
B. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa
C. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina
D. May problemang dinadala kaya di siya napapansin

35. Masasabing natin na ang isang pamilya ay huwaran kapag ______.


A. May ina, ama at mga anak
B. Nakatira sa maayos na bahay
C. May masaganang pamumuhay
D. May pagmamahalan at respeto sa isa’t isa

36. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas ay ang pagkakaroon ng watak na
pamilya. Ito ay nagpapahiwatig na ___________.
A. Opinyon lamang ng iba
B. Nagpapakita ng katotohanan
C. Mabuting kinahinatnan ng pangyayari
D. Masama ang pagkakaroon ng buong pamilya

37. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) at sa darating na pagdiriwang ng Buwan
ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo na pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng
paligsahan
sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na
katulad mo sa kasalukuyan. Ang pangunahing layunin sa SAMAFIL sa pagdaraos na napagpulungan ay ____.
A. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop
B. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan
C. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula
D. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag-aaral sa paaralan

38. Ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pambihirang katangian ng


pangunahing tauhan.
A. Epiko
B. Alamat
C. Balagtasan
D. Maikling Kwento

39. Ayon sa mga mananaliksik, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito.
Ito ay ang kristyanong epiko, muslim at lumad. Dito maiuuri ang epikong Tuwaang.
A. Epikong Lumad
B. Epikong Muslim
C. Epikong Bagobo
D. Kristyanong Epiko

40-44. Suriin ang mga sumusunod na pahayag


40. Huwag ka nang mag-aalala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Ang
nagsasalita ay nagpapahiwatig ng _____________
A. Paggalang
B. Paniniwala
C. Pagyayabang
D. Pagmamalasakit

41. Isang araw, bilang nalanta ang bulaklak ng rosas. Ang pagkalanta ng rosas ay isang babala ng ___________
A. Digmaan
B. Kalupitan
C. Tagumpay
D. Kamatayan
42. Umalis ang dalaga ngunit sinadyang mag-iwan ng suklay. Nagiwan ng suklay ang dalaga upang ________
A. Magtago
B. Magmalaki
C. Sundan siya
C. Magpasalamat

43. Inilagay nila ang kapatid sa pinakailalim ng pitong patong na basket na nakabitin sa sild ni Tulalang.
Nagpapahiwatig ang pitong basket na nakabitin ng _______________
A. Himala
B. Hiwaga
C. Kasaganaan
D. Kaduwagan

44. Kung hindi kayo susuko, babasagin ko ang boteng ito upang mangamatay ang inyong kaluluwa. Ang
pahayag ay nagbadya ng __________
A. Pagkaawa
B. Pagkatalo
C. Pagwawagi
D. Pananakop

45. Ito ang maaring epekto ng pagputol ng kahoy sa mga kagubatan sa ating kalikasan.
A. Magkakaroon ng malaking taniman
B. Magkakaroon ng maraming panggatong
C. Magkakaroon ng mga matatayog na gusali
D. Magkakaroon ng pagbabago-bago ng klima

46. Ito ang sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko sa Cebu?


A. Dahil sa katamaran ng tao
B. Dahil sa pagtaas ng populasyon
C. Dahil sa pagdami ng mga sasakyang panlupa
D. Dahil sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan

47. “Ang magkakaibigan ay nag-uusap nang mahinahon.” Ito ang pahayag na nagsasad ng pang-abay na
Pamaraan.
A. Nag-uusap
B. Nang mahinahon
C. Ang magkakaibigan
D. Ang magkakaibigan ay nag-uusap

48. “____________ nag-iibigan ang dalawang magkasintahan sa parke.” Ang pang-abay na pamaraan na
gagamitin sa akmang pangungusap ay _________.
A. Malayang
B. Marahang
C. Dali-daling
D. Dahan-dahang

Inihanda ni/nina:

Venus S. Jamito Jagobiao National High School


Divina G. Rojas Don Generado LL. Ouano Memorial High School
Precy M. Villasin Don Generado LL. Ouano Memorial High School
Charito S. Alindajao Don Generado LL. Ouano Memorial High School
Lucyl P. Bulan Tipolo National High School
Jill B. Jo Tipolo National High School
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Centro Mandaue City
Mandaue City

FILIPINO 8
Unang Markahan
Susi ng Tamang Sagot

1. C 25. C
2. A 26. B
3. A 27. D
4. B 28. C
5. C 29. C
6. C 30. C
7. D 31. C
8. B 32. C
9. C 33. D
10. D 34. C
11. D 35. D
12. B 36. A
13. D 37. B
14. A 38. A
15. C 39. A
16. A 40. D
17. C 41. D
18. A 42. C
19. C 43. D
20. B 44. B
21. C 45. D
22. A 46. C
23. C 47. B
24. B 48. A

Inihanda ni/nina:

Venus S. Jamito Jagobiao National High School


Divina G. Rojas Don Generado LL. Ouano Memorial High School
Precy M. Villasin Don Generado LL. Ouano Memorial High School
Charito S. Alindajao Don Generado LL. Ouano Memorial High School
Lucyl P. Bulan Tipolo National High School
Jill B. Jo Tipolo National High School

You might also like