You are on page 1of 7

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO
BAITANG 9
TAONG PANURUAN 2020-2021

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Itiman ang bilog ng letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang akdang “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong ______________.


A. Pangtauhan C. Kababalaghan
B. Makabanghay D. Katutubong kulay
2. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha.
A. Natutuwa C. Nalulungkot
B. Nagsasaya D. Nagluluksa
3. Sa kasalukuyang panahon ng pamilyang Asyano,ang tungkuling
ginagampanan ng isang ama?
A. Ilaw ng tahanan
B. Haligi ng tahanan
C. Tagapag-asikaso ng pamilya
D. Nagbibigay-gabay sa buhay ng pamilya
4. Natatandaan ng mga mag-aaral ang okasyon na sinorpresa sila ng guro
ng kaluwagang-palad nito. Papaano ginamit ang salitang may salungguhit
sa pahayag?
A. Denotasyon C. Kontekstuwal na pagpapakahulugan
B. konotasyon D. Kontekstuwal na pagpapakahulugan
5. Anong damdamin ang mahihinuha sa sinabi ng may akda?Ibig na ibig
kong makakilala ng isang “babaeng moderno,”iyong babaeng Malaya,
nakapagmamalaki’t nakaaakit ng aking loob.
A. Pagtataksil C. kasiyahan
B. Kalungkutan D. pagkasabik
6. Ang “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng kasalukuyan, at Buhay ng
kinabukasan” ay isang halimbawa ng tulang __________.
A. nag-aaklas C. naglalarawan
B. nakikiusap D. nagbabago

Para sa aytem 7-8.

Suriin ang mga sumusunod na pahayag ukol sa telenobela. Isulat ang TAMA kung ang
pahayag ay nagaganap sa kasalukuyang panahon at MALI kung hindi tumutukoy.

7. Sumasalamin sa tunay na buhay ang mga napapanood sa mga telenobela.


8. Pantasya lamang ang mga pangyayari kaya’t di maaaring ihambing sa
kaganapan ng lipunang Asyano.

9. Mula sa maikling Kuwentong “Ang Ama”.Anong klaseng haligi ng tahanan


ang ama ni Adrian sa kwento?
A. mapanakit B. mapagmahal C. tuso D. walang pakialam
10. “Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata.” Ano ang naramdaman
ng pangunahing tauhan?
A.inis B. sisi C. galit D. tuwa
11.Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento, gumagamit tayo ng mga:
A. pantukoy C.pang-ugnay
B.pangatnig D.pang-abay

Para sa aytem 12-13

Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na katanungan

Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba pang
hayop na pinapatay. Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang
nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa ibat ibang uri ng sasakyang umiikot.
Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak Pagkatapos ng pista, masaya silang
naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan subalit
Napagsunod-sunod ang mga
makikita mo sa kanilang pangyayari
mga mukha sa akda.
ang labis na kaligayahan.
-mula sa Kayumanggi Pagbasa pp.163-164
12-APLIKASYON

12. Alin ang dapat mauna sa mga pangyayaring nabanggit?


A. sumama sa prusisyon C. masayang nagsisimba
B.naglilinis ng tauhan D. wala sa nabanggit
13.Alin sa mga sumusunod ang huling bahagi ng kuwento?
A.naglilinis ng tahanan C.nagkukuwentahan ng pinagkagastusan
B.masayang nagsisimba D. wala sa nabanggit
14.Sa mga pangungusap na, Naglalaba si Emman at Nagsasampay si Nadine, ano ang
angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A.kaya B.subalit C. habang D.datapwat
15.Nakibertdey si Rebo sa ikalawang Sabado ____________ nakipaglaro ito ng beyblade sa
kanyang mga pinsan.Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap.
A.subalit B. para C. kaya D. at
16. Ito’y tumutukoy sa babaeng kalahating sisne, kalahating tao ng Timog-
Silangang Asya.
A. Kinnaree B. Sirena C. Panarasi D. Engkanto
17. Lahat ay hinihikayat na makiisa sa pagtataguyod sa mga programa ng
pamahalaan _______ malalagpasan ang mga pagsubok.
A.upang B. nang C. ng D. ngunit

18. “ Umiibig ba ako sa kanya? Pakakasalan ko ba siya?


A.tao vs. sarili C. tao vs. kalikasan
B. tao vs. tao D. tao vs. lipunan
19.” Tutulungan sana namin si prinsesa Manorah ngunit natatakot kami”
A.tao vs. sarili C. tao vs. kalikasan
B. tao vs. tao D. tao vs. lipunan
20.Tutulungan ko ba si Pranbun upang mahuli si Prinsesa Manorah o hindi?”
A.tao vs. sarili C. tao vs. kalikasan
B. tao vs. tao D. tao vs. lipunan
21.Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang
salitang ginintuan ay_______.
A.nangangatuwiran C.nag-uugnay
B.naglalarawan D.nagsasalaysay

Para sa aytem 12-13

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka


tumayo.Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama.
Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa.
Hango sa maikling kuwentong “Ang Ama”

22. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay _______________


A.maawain C.matulungin
B. mapagmahal D. maalalahanin
23. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga suliraning panlipunan na tinalakay sa
teleseryeng “Ang Probinsyano” maliban sa ___________.
A. Droga at masasamang bisyo
B. Korapsyon at abuso sa kapangyarihan
C. Kapayapaan at kaayusan ng buong bansa
D. Karahasan at krimen laban sa bata at kababaihan
24. Uri ng tunggalian na ang sagabal o kasawian ng tauhan ay dulot ng kanyang kapwa.Ano
ito?
A.tao laban sa tao C.tao laban sa sarili
B.tao laban salipunan D.tao laban sa kalikasan

Para sa aytem 25-26

Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili at MALI
kung hindi.

25. Bibilhan ko ba ng kendi ang aking anak?


26.Gusto kong maging doktor ngunit ayaw ng aking mgha magulang.

27. _________, isinusulong ng senado na magkaroon ng karagdagang sahod.


ang mga guro sa mga susunod na panahon.
A. Sa totoo lang C. sa palagay ko
B. Nararapat lamang D. mapapansin

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo

28. Ano ang damdaming nais ipahayag ng may akda sa bahagi ng binasang
tula?
A. Naging mahina sa mga problemang dinaranas.
B. Pinatatag ka ng maraming pagsubok na nagdaan.
C. Naging masama dahil sa mga pagsubok na naranasan.
D. Madali kang naimpluwensiyahan ng kapwa upang gumawa ng masama.
29.Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “ Kultura: Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang
kultura ay _______.
A.nagbabago C.naaalis
B.di nagpapalit D.di itinuturo
30. Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakaahon ako sa kanilang nais.
Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayg ay _________.
A. Pagkatalo C.pagiging sunod-sunuran
B. Kawalan ng kapangyarihan D.kasiyahan
31. Ano ang isinasalaysay ng may-akda sa tulang “Ang Pagbabalik”
A. lungkot at sakit at biglaang pagpanaw ng kaniyang kabiyak na babae
B. saya at tagumpay sa nangyari sa buhay ng tauhan
C. pangungulila sa kanyang mahal sa buhay
D. wala sa nabanggit

Para sa aytem 32-33

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayo’y kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

32. Ang bilang ng pantig sa tula ay binubuo ng ____________.


A. 8 B. 9 C. 10 D. 12

33. Ang damdaming namayani sa tula ay__________.


A. kalungkutan B. kasiyahan C. Kapayapaan D. Kaguluha
34. Hindi masamang magkaroon ng _________ na pangarap katulad ng ginawa
ng ilan nating mga kababayang naghangad ng mabuti para sa kanilang
pamilya.
A. matarik B. Matangkad C. matayog D. Mataas
35. Kaytagal na hinangad ang emasipasyon, ang paghihintay sa
pagkakaalipin. Ibigay ang nais ipakahulugan ng pangungusap mula sa
akda.
A. Ang pagiging matagumpay sa buhay
B. Ang pagiging maunawain sa lahat ng mga kautusan.
C. Ang pagiging masaya mula sa mga dayuhang mananakop.
D. Ang pagiging malaya mula sa mga nakaraang batas, kultura,
tradisyon na nakatali sa kababaihan ng India.
36. Nahuli si Mario sa pagpasa ng kanyang mga requirement para sa Asignaturang
Filipino.Ano ang ibig sa bihin ng salitang nakasalungguhit?
A. Nakuha C.nakitang may ginagawang mali
B. Nakulangan sa oras D.wala sa nabanggit
37. Sa pangungusap na, Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga,
Aling salita ang may dalawa o higit pang kahulugan?
A. araw C.sisikat
B.umaga D.lahat ng nabanggit

Para sa mga bilang 38-39

President Rodrigo Duterte’s State Of The Nation Address (SONA)


Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa parusang kamatayan (death
penalty) at ipinaliwanag ang tindig niya ukol sa mga isyu sa West Philippine Sea sa kaniyang
State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes. Binanggit niya ang mga tanggapan ng
Land Transportation Office, Social Security System, Bureau of Internal Revenue, Land
Registration Authority, at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG sa pinakamaraming
reklamo sa Contact Center ng Bayan.Hinikayat ni Duterte ang publiko na magreklamo laban
sa mga opisyal na nananampal, at mag-eskandalo kapag nabiktima ng katiwalian.
Bagaman mananatili ang ating pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo, China ang
may hawak nito ngayon kaya kailangang idaan sa maayos na pag-uusap ang problema, ayon
kay Duterte. Nangako ang pangulo na dadating ang panahong ipagtatanggol niya ang
karapatan ng bansa sa sarili nitong katubigan.

Sinabi ni Duterte na malaki na ang nagawa ng kaniyang admnistrasyon pagdating


sa pag-ahon sa kahirapan ng maraming Pilipino. Ayon sa kaniya, 6 milyong Pilipino na ang
nakaahon sa kahirapan sa loob ng kaniyang administrasyon. Pero kailangan parin daw ipasa
ang ikalawang package ng comprehensive tax reform program o ang Trabaho bill, na layong
pababain ang corporate income tax at ayusin ang mga fiscal incentive, at makakatulong
umano sa mga micro, small at medium entrepreneur.
Hiniling din ni Duterte sa mga mambabatas na aprubahan ang umento sa sahod ng
mga manggagawa sa gobyerno, kasama ang mga guro at nars. Iginiit din ng pangulo ang
pagpasa ng mga batas na susulong sa pag-unlad ng mga lugar sa labas ng Maynila gaya ng
government rightsizing bill, at ang National Land Use Act, na tutulong umano na ikalat ang
mga economic activity sa mga lokalidad sa iba-ibang bahagi ng bansa. Ipinagmalaki ni
Duterte ang rehabilitasyon ng Boracay at sinabing simula pa lamang ito ng pagsasaayos sa
mga tourist spot ng bansa.
38. Batay sa binasang talata, ano ang nais ipabatid ng pangulo sa mga
mamamayan?
A. Pagharap sa virus na Covid-19 ng iba’t ibang bansa.
B. Pagbili ng palay sa mababang presyo mula sa mga magsasaka.
C. Pagdami ng bilang ng nabubuntis na mga kababaihang kabataan.
D. Ang administrasyong Duterte ay malaki na ang nagawa upang iahon sakahirapan ang
mga mamamayan at isaayos kalagayan ng buong bansa.
39. Ano ang mahihinuhang katangiang taglay ng nagsasalita sa talata?
A. Pabaya sa tungkulin
B. Umaasa sa mamamayan
C. Responsable at maaasahan
D. Marunong tumanaw ng utang na loob
40.Lumaki sa hirap si Nina ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay makapag-aral at
makatapos.Anong katangian ng isang batang Asyano ang inilalarawan sa pahayag?
A. maalalahanin B.masipag C. masinop D. matapang
41. Sa _______, sa panahon ng mga kampanya at eleksyon, mas malaman
Na magkaroon ng korupsyon kahit sa tinatawag na maunlad na bansa
A. mula B. hanggang C. bukas D. totoo lan
42. Nalaglag ang hawak na pera ng bata.Agad iyong pinulot ni Dan at
inabot sa may-ari. Anong katangian ng bata?
A. maalalahanin B. masipag C. matapat D. matulungin
43. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong
katatapos?
A. kumaripas B. Kakalusong C. katatayo D. pinagsabitan
44.__________ ni Rizal ang Noli at El Filibusterismo upang mapalaya ang
Pilipinas sa mga Espanyol, Anong anyo ng pandiwa ang angkop na
ipuno sa pahayag?
A. nagamit B. ginamit C. gagamitin D. kagagamit

Para sa aytem 45-46

Lagyan ng ( ∕ ) ang pahayag na nagpapakita ng pagiging makatotohanan mula sa akda at ( X)


kung hindi.

45. Kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.


46. Naging bugnutin, magagalitin si Tiyo simon kaya nawalan siya ng mga
Kaibigan.
47. Sa _______, sa panahon ng mga kampanya at eleksyon, mas malaman
Na magkaroon ng korupsyon kahit sa tinatawag na maunlad na bansa
A. mula B. hanggang C. bukas D. totoo lan
48._______________, sa panukala ng Department of Health na dapat na
manatili muna sa loob ng bahay. Ano ang angkop na ekspresyon upang
mabuo ang pahayag?
A. ayon B. dahil C. ukol D. Ayon kay

Para sa bilang 49-50. Piliin ang titik kung saan hango ang akda o babasahin ng Timog-
Silangang Asya ang labis mong nagustuhan batay sa sumusunod na mga pahayag.

A. Anim na Sabado ng Beyblade


B . Ang Ama
C. Minsang Naligaw si Adrian
D. Estella Zeehandelaar

49. “Alam kong nais mo akong iligaw sa loob


ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na
dito tayo dumaan, para sa pagbabalik mo ay
hindi ka maligaw.”
50. “Ibig na ibig kong makakilala ng isang
“babaeng moderno”, iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t nakakaakit ng loob!”
Takenote: Pagaralang mabuti ang mga tanong sa exam at hintayin ang google form na
ibibigay ng guro sa FILIPINO dahil ilalagay ang sagot (sagot lang ) sa google form
(answer only) sa darating na Disyembre 12, 2020

DEADLINE ng pasahan hanggang


DISYEMBRE 16,2020

SALAMAT 
@gacilo.com

You might also like