You are on page 1of 3

PANIMULANG PAGTATAYA

PANUTO: PILIIN AT ISULAT SA SAGUTANG-PAPEL ANG TITIK NG TAMANG SAGOT.

1. Pinkamaliit na yunit ng salitang may kahulugan.


a. Morpema b. Ponema c. Salitang-ugat d. Pantig
2. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig.
a. Ambahan b. Haiku c. Tanaga d. Tanka
3. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
a. Maikling kuwento b. kuwentong bayan c. Parabula d. Pabula
4. Pamuno sa pandiwa o tinatawag din itong malapandiwa.
a. Aspekto b. Modal c. Panatnig d. Pawatas

Para sa mga bilang 5-7

Mula sa isang tuldok ng kaluwalhatian, anak, ikaw ay sumilang. Inruga ka ng iyong ama at ipinaghehele sa oyayi nang
walang pag-iimbot nap ag-ibig. Ni sa lamok ay ayaw kang padapuan. Ni sa lannggam ay ayam kang pagpangan.

Ngunit paminsan-minsan, anak, ikaw ay umaatungal ng iyak. Pagkat ayaw mo sa iyong yaya. Nisa iyong mga tiya. Ang gusto
mo’y sa akin magpaalaga, magpakuwento, magpatulog. Gusto mo’y magpaheleng katulad noong ika’y sanggol pa. Kung
kalian pa naman ako subsob sa pagmamakinilya. Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit minsan ay kailangang mas
harapin ko pa ang pagmamakinilya kaysa sa pagkarga sa iyo?

5. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?


a. padapuan-pagapangan c. wagas-dalisay
b. iyak nang iyak-umaatungal d. magpahele-magpa-alaga
6. Alin sa talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?
a. mo, iyo, ikaw c. ang, si, sina
b. ni, kung ngunit d. mas, kaysa
7. Ang pangatnig ay mga katag o salita na _______ ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
a. nagsasama b. nagtuturing c. nag-uukol d. nag-uugnay
8. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Direktor b. Iskrip c. Kariktan d. Tanghalan
9. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?
a. Aktor b. Direktor c. Iskrip d. Manonood
10. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang ______.
a. Aktor b. Direktor c. Manonood d. Tanghalan
11. Ano ang mga kohesiyong panggramatikal na pagpapatungkol?
a. Anapora at Katapora at Temporal c. Pangatnig na Pananhi
b. Nominal at Berbal at Panalungat d. Pangatnig na Pandagdag
12. Paano ginamit ang modal sa pangungusap: “Ibig ng mga tutubi na ipaghiganti ang kanilang prinsesa.”
a. malapandiwa b. panuring c. pandiwa d. pawatas
13. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa
pangungusap?
a. /tu.boh/ b./TU.bo/ c. /tu.bo?/ d. /tu.BO/
14. Ama ng maikling kuwento: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: _________.
a. Aesop b. Basho c. Nukada d. Ki no Tomonori

Para sa mga bilang 15-19

Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang
lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila
dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman
nagkagayon, si Derang ay walng pinag-uukulan ng Sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula
nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating maironn na pakikisama sa kaniyang mg kanayon. Hindi nila sinisisi si
Derang, sapagkat naniniwala ang ga taga-Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng
karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si
Tandang Tiyago.

15. Ang ibig-sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang ay __________.
a. naging mayabang c. nagbago ang pakikitungo sa kapuwa
b. mahirap itong pakisamahan d. nagbago ang magandang pag-uugali
16. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay _____________.
a. pareho ang minamahal c. iisa ang itinitibok ng puso
b. pareho ang iniibig d. iisa ang isinisigaw
17. Ang higit na binibigayang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang ____________.
a. tauhan b. lugar c. pangyayari d. aral
18. Ang kuwentong ito ay mauri sa _______________.
a. pangkatauhan b. pangkatutubong-kulay c. makabanghay d. pangkaisipan
19. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay _______________.
a. Pagbabago ng kpakikitungo ni Mang Tiyago c. pagbabago ng kanilang lugar
b. Pagdating ng mga taga-Maynila d. pangingibig ni Derang sa iba
20. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
a. Ito ay binibigkas nang maindayog. c. Ito ay masining na isinasalaysay.
b. Ito ay itinanghal. d. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.
21. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
a. kabayanihan ng mga tauhan c. nagaganap sa buhay ng tao
b. pinagmulan ng isang bagay d. kagandahan ng kapaligiran
22. “Siya ang Ina ng Demokrasya, hindi matatawaran ang kontribusiyon ni dating pangulong Cory Aquino sa
sambayanang Pilipino.” Sa pangungusap, anong kohesiyong gramatikal ang ginamit?
a. sa b. hindi c. siya d. ni
23. Batay sa sagot sa blg. 22, anong uri ng kohesiyong gramatikal na pagpapatunkol ang ginamit?
a. anapora b. berbal c. nominal d. katapora
24. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayag o diyalogo?
a. Binibigyang-turing nito ang mga pangngalan. c. Napaiikli nito ang mga pangungusap.
b. Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangngalan. d. Napalalawak nito ang mga pangungusap.
25. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
b. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
c. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
d. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.
26. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga tanka ng Japan.
a. Paglipas ng panahon c. mainit na ang panahon
b. Malapit na ang taglamig d. nalanta na ang Cherry Blossoms
27. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang _______.
a. Mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
b. Maging wasto ang baybay ang mga salitang ating isinusulat.
c. Maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid.
d. Maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin.
28. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at ng Japan?
a. May tugma sa tanaga, sa tanka ay wala. c. Malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y mababaw.
b. Mas mahaba ang tanka kaysa sa tanag. d. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sap ag-ibig, ang tanka ay sa panahon
29. Hindi ganap na pandiwa ang mga modal sapagkat ______________
a. hindi ito nagsasaad ng kilos. c. ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa.
b. ito ay anyong pawatas d. wala itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa.

Para sa mga bilang 30-32

Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang
iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag?

Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw sana’y maunawaan mon gang pagmamahal na iyan
ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo.

30. Ang tono ng nagsasalit sa sanaysay ay


a. nagdaramdam b. nagtatampo c. nagpapaunawa d. nanghihikayak
31. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang _________________.
a. isa-isahin ang pagkukulang ng ina. c. ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabo ang ina.
b. ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina. d. makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak.
32. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay:
a. pantahanan lamang c. aktibong bahagi ng lipunan
b. abala sa labas ng tahanan d. katuwang sa paghahanapbuhay
Para sa mga bilang 33-35

Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak ang unang
naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang
bahay ang tininti sa nayon upang ihabilin ditto ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa
bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig anginhinyero sa anak ng
tiniti, kay Derang na lalabing-anim taon lamang.

33. Ang sadya ng inhinyero sa bayan ng Tulikan ay upang _______.


a. makilala si Derang c. mamahala sa mg kagamitan
b. makilala ang bayan d. mamahala sa pagbubukas ng daan
34. Batay sa reaksiyon ng mga tag-Tulikan sa mga pangyayari sa kuwento, masasabing sila ay __________.
a. malapit sa isa’t isa c. hindi nagkakasundo
b. mainggitin sa kapuwa d. hindi nagkakaisa
35. Ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kaniyang kuwento ay
a. ipakilala ang mga tauhan c. isalaysay ang mga pangyayari
b. ilarawan ang lugar at mga kaugalian d. maghatid ng mga aral

Para sa mga bilang 36-38

Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa’y magkatotoo n asana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.

(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kula sang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis
sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)

36. Ano ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa Puti”?
a. pagsisisi sa huli c. panghihinayang sanhi ng pagkatalo
b. pagkahilig sa sugal d. pag-aaway
37. Alin sa sumusunod ang angkop na ayos ng tanghalan o tagpuan ng dulang nasa itaas.
a. sa bakuran ng mag-asawang Kulas at Celing
b. sa dampa ng mag-asawang Kulas at Celing
c. sa sala ng mag-asawang Kulas at Celing
d. sa tarangkahan ng mag-asawang Kulas at Celing
38. “Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!” Kung isasaayos mo ang pahayag na ito at
gagamitan ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol, anong kohesiyong gramatikal na pagpapatungl ang
angkop?
a. ito b. iyan c. sila d. siya
Para sa mga bilang 39-40

Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…


Inggo: Huwag na … anak ko … hindi na maaari … luray-luray na ang katawan ko … Tayo’y maghihiwalay nang walang
pagsala! Bunso ko, huwang mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Julia-Juana … kayo na lamang ang
inaasahan kong kakalinga sa kanila … Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala! Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos
mga kababayan! Ako’y iyong patawarin … Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.

39. “Anong kulturang Pilipino ang lantad sa bahaging ito ng dula?


a. Maluwag na pagtanggap sa kamatayan
b. Pag-iiwan ng habilin bago lumisan
c. Paghingi ng tawad sa naging pagkakasala
d. Pagmamahal at pagmamalasakit sa magulang
40. “Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala!” Kung durugtungan ang pahayag na ito at gagamitin ng kohesiyong
gramatikal, ano sa sumusunod na panghalip ang angkop?
a. nila b. niya c. sila d. siya

You might also like