You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 9
Panuruang Taon 2019-2020

Pangalan:__________________________ Markha :_______________


Pangkat : __________________________ Petsa:_________________
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at sundin ang lahat ng mga gabay na panuntunan sa pagsagot.
Ang Pagbubura ay nangangahulugang mali.
I. Pampanitikan : Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanongan . Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel .
1. Ito ay tula na binubuo ng limang taludtod na may tatlumpu’t isang pantig .
a. tanaga b. tanka c. haiku d. tersa rema
2. Ito ay isang sangay ng panitikan na nagbibigay ng matalinong kuro kuro sa isang paksa.
a. pabula b. dula c. tula d. sanaysay
3. Kwento na naghahatid ng aral at ang mga tauhan na gumaganap ay mga hayop.
a. pabula b. dula c. tula d. sanaysay
4. Ano ang Kadalasang ipinapakita sa isang dula ?
a. pinagmulan ng isang bagay
b. kwento ng hayop
c. kabayanihan ng tauhan
d. nagaganap sa buhay ng tao
5. Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.
a. Manonood b. actor c. director d. tanghalan
6. . Tawag sa pinagdadausan ng isang dula,
a.palengke b. tanghalan c. karagatan d. pasyalan
7. Tula na may tatlong taludtod na ma kabuuuang labingpitong bilang ng pantig ,
a. tanka b. haiku c. anaphora d. haiku
8. Ang tanaga ay tulang mula sa anong bansa .
a. Hapon b. Pilipinas c. Malaysia d. Singapore
9. Ano ang paksa na madalas na tinatalakay sa tula ng Haiku?
a. kalikisan b. tao c. pagbabago d. paghihiganti
10. Tinuturing na kaluluwa ng dula .
a. iskrip b. actor c. tanghalan d. director
II. Pag-unawa sa Binasa : Basahing mabuti at unawain ang teksto Piliin ang titik ng tamang sagot .

Nagsimula ang problema noong tulungan ng tao ang tigre upang makalabas ng hukay ,
paliwanag ng kuneho na tila may ibang kinakausap. Sa makatuwid, kung hindi nagpakita ng
kabutihan ang tao at iniwan ang tigre sa kinalalagyan nito noon, walang problema. Kaya naisip
ko na mananatili na lamang ang tigre sa hukay at magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalaakbay
.

11. .Ano ang katangian ang nangibabaw sa katauhan ng tao?


a. mapagmahal b. makasarili c. matapat d. matulungin

12. Ang Huling Hatol ng Kuneho ay halimbawa ng kwentong _____________.


a. dula b. parabola c. pabula d. alamat
13. Sa kwento ng Ang Huling Hatol ng kuneho, sino ang nagbigay ng unang hatol sa tao?
a. baka b. kuneho c. puno d. ibon
14. Anong aral ang makukuha sa teksto?
a. Huwag maging gamahan.at mapanghusga ,
b. Maging palakaibigan .
c. Huwag maging madamot.
d. Maging matapang sa lahat ng bagay,
15. “ Nagsimula ang problema noong tulungan ng tao ang tigre upang makalabas ng hukay.”, sino ang
nagwika nito sa tesktong binasa ?
a. tigre b. puno c. tao d. kunehon

Sa kasalukuyan , nabago na ang tungkulin ng mga kababihan at tila lalo itong nagging komplikado. Sa
buhay ng mga Taiwanese , sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing bahay . Ngunit sa
larangan ng trabaho , inaasahan na magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa
madaling salita , dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

16. Ano ang nais pahiwatag ng teksto ?


a. Ang mga kababaihan ay may pannagutan lamang sa mga gawaing bahay .
b. Ang mga kababaihan ay may pananagutan lamang sa pagtatrabaho .
c. Ang mga kababaihan ay may kakayahan lamang na gawin ang nagagawa ng kalalakihan .
d. Ang mga kakaihan ay may dalawang tungkuling mabibigat na nakaatang sa kanilang balikat.

17. Saang parte ng Asya ang nabanggit sa teksto ?


a. Japan b. Korea c. Thailand d. Taiwan
18. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa kasalukuyang tungkulin ng mga
kababaihan ng Taiwanese ?
a. Ang mga kababaihan ang may pananagutan pa din sa gawaing bahay .
b. Ang mga kababaihan ay inaasahan na nagagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalakihan.
c. Ang mga kababaihan ay wala ng pananagutan sa gawaing bahay.
d. Sa kasalukuyan ang mga kababaihan ay may karapatan ng magtrabaho .
III. Panlingguwistika : Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanongan . Piliin ang titik ng tamang
sagot .
19.. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring makapagpasigla, makapagpapahayag ng iba’t- ibang
damdamin, makapagbigay-kahulugan . at makapaghina ng usapan upang higit na maging mabisa ang
pakikipagtalastasan.
a. tono b. antala c. diin d. segmental
20. Batay sa sumusunod ,alin ang tama kung nais iparating ng pahyag ay ang kausap ay maaring
napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa.
a. Hindi/ako si Manuel. b. Hindi ako, si Manuel.
c. Hindi ako si Manuel. d. Hindi ako si, Manuel
21. Pamuno sa pandiwa o tintawag din itong malapandiwa.
a. pawatas b. paturol c. aspekto d. modal
22.Mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay .
a. pandiwa b. pangatnig c. pang-uri d. panghalip
23. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
a. anaphora b. katapora c. metapora d. antepora
24. Ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong
pangungusap o kasunod na pangungusap.
a. pandiwa b. pangatnig c. pang-uri d. panghalip
25. Ang lakas , bigat , o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig na salita .
a. antala b. tono c. intonasyon d. diin
26. Bahagyang pagpigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mesnahe na ibig ipabatid sa
kausap.
a. intonasyon b. diin c. tono d. antala
27. Sila ay umuwe ng maaga . Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng ______.
a. panghalip b. pang-abay c. pang-uri d. pangatnig
28. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
a. katapora b. anapora c. metapora d. sintapora
29. Panghalip na gingamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan .
a. katapora b. anapora c. metapora d. sintapora
30. Ang pangatnig na “ subalit “ay kabilang sa pangkat ng mga pangatnig na _______ .
a. magkatimbang b. di magkatimbang c. paturol d. pantukoy
B. Pangatnig : Guhitan ang pangatnig na ginamit sa bawat pangungusap at tukuyin kung ang pangatnig na
ginamit ay magkatimbang o di magkatimbang ,

31-32 Ang pagkakaroon ng mataas at magandang na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan ________________
33-34 - Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. .__________________
35-36 . Kailangan nating tulungan si kapitan upang maaayos ang barangay. _______________
37-38 Gusto kong pumunta at bumisita sa lugar niya subalit hindi na kaya ng katawan ko sa
sobrang.________
39-40 Sumisigaw ang kanyang puso at humihingi ng katarungan. __________________

C. Modal : Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot .
a. – Nagsasaad ng posibilidad
b. –Nagsasaad ng pagnanasa
c. –Hinihiling mangyari
d. - Sapilitang pagppatupad
41. Dapat tayong making sa ating mga magulang ._________

42. Ibig kong mahalin ang bansa ng buong puso._________

43. Puwede ka ba pumunta sa silid aralan ?________

44. Sana makadaan ka sa pamilihan ._____________

45. Kailangan na matapos natin ang takdang aralin.__________

D. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay nasa anyo ng panghalip na Anapora o Katapora .
a. Anapora b. Katapora
___________46. Si Bonifacio ay isang bayani . Siya ang bumuo sa samahan ng KKK.
___________47. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Zambales dahil ito’y madaming magandang
tanawin .
___________48. Siya ay mahusay na mangaawit sa Pilipinas. Si Leah Salonga ay hinahangaan sa
magandang boses.
___________49.Ito ay kinikilalang lugar ng mga turismo. .Ang Baguio City ay pinupuntahan ng mga turista
dahil sa kakaibang klima ditto.
___________50. Si Dony ay mahilig gumuhit. Siya ay may malawak na imahinasyon.

“ Ang totoong nagmamahal parang matinong estudyanteng nag- eexam hindi tumitingin sa iba kahit nahihirapan na .”

You might also like