You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division of Koronadal City
BACONGCO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Isidro, City of Koronadal
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 9
Pangalan:___________________________________ Seksyon__________________ Iskor________
I Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan lamang ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
A. Tono B. Diin C. Antala D. Hinto
2. Ito ay tumutukoy sa hinto, diin, at tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tunog,
salita o pahayag.
A. Ponemang segmental C. Denotatibong kahulugan
B. Konotatibong kahulugan D. Ponemang suprasegmental.
3. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pag-alinlangan?
A. 231 B. 213 C. 123 D. 312
4. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng
kahulugan ng pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. Haba
5. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon
6. Ano sa tingin mong mangyayari, kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita ang isang tao?
A. Mas maganda ang pagsasalita
B. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
C. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
D. Walang ideya
7. Sa anong lebel ng intonasyon karaniwang nagsisimula ang pangungusap?
A. 1 B. 3 C. 2 D. 4
8. Anong damdamin ang namayani sa pangungusap na ito: Totoo! Ang laki ng ahas!
A. pagsasalaysay B. pag-aalinlangan C. pagtatanong D. matinding emosyon
9. Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na nagsasalaysay ?
A. tuldok B. patanong C. tuldok kuwit D. matinding emosyon
10. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.
A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO
11. Matamis kainin ang tubo . Paano binibigkas ang salitang may salungguhit?
A./tu.boh/ B. /tu.bo?/ C. /TU.bo/ D. /tu.BO/
12. Nabibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Ariel na
napagkamalan lamang na si Jason.
A. Hindi/ ako si Ariel. B. Hindi ako/ si Ariel.
C. Hindi ako si Ariel. D. Hindi ako, si Ariel.
Para sa bilang 13-14suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita
13. “Umulan ba kahapon?”
A. nagtatanong B. nag-aalinlangan C. nagpapahayag D. nagbubunyi
14. “Ikaw ba talaga iyan?”
A. nagtataka B. nagtatanong C. naninigurado D. nananabik
15. Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?
A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig
Para sa bilang 16-17. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita.

16. Haiku Lakbay ng hirap


Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain

A. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap


C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

17. Tanka Napakalayo pa nga


Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap


C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin
18. Ito ay isang maikling kuwento na mula noong unang panahon kung saan ang mga tauhan
ay mga hayop na nagsasalita.
A. alamat B. nobela C. pabula D. tula
19. Anong aral ang mahihinuha sa pabulang ang hatol ng Kuneho?
A. maging tapat sa pangakong binitawan B. magbigayan ng pagmamahal
C. maging mabuti sa kapwa D. magkaroon ng magandang asal
20. Siya ang tinaguriang Ama ng sinaunang pabula.
A. Aesop B. Babrius C. Phaedrus D. Plato
21. Itinuturo rin ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at makataong pag-uugali at
pakikitungo sa ______ .
A. kapwa B. kaaway C. pamilya D. sarili
22. Ang pabula ay nakapagbibigay aliw at aral sa mga mambabasa dahil sa mga hayop na
kumikilos at nagsasalitang parang ______.
A. diyos at diyosa B. guro C. mangagagawa D. tao
23. Ang paggamit ng mga hayop sa pabula ay tunay na nakakaaliw.
a. Tama b. Mali c. Nakakabagot d. Ewan
24. Ito ay isang buong kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid ss pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
A. Diyalogo B. Sanaysay C. Talumpati D. Tula
25. “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” ito ay tanyag na linya ng talumpati nino?
A. Gat. Jose P. Rizal B.Corazon Aquino C.Jose P. Laurel D. Emilio Aguinaldo
26. Ang paghahamok ng dalawang tauhan, kaisipan o paniniwala na pinagbabatayan ng
banghay ng isang akda na nalulutas lamang kung ang isang lakas -- karaniwan ang
pangunahing tauhan ay magtatagumpay o mabibigo sa paggapi sa lumalabang puwersa o
kaya’y susuko sa pagtatangka
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. wakas
27.Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa loob ng kuwento
A. banghay B. gitna C. kaisipan D. wakas
28. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon,
walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil
walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng
pagkakataon ay malas ka, hindi ba? Nag-iisip si Huiquan. Aling bahagi ng kuwento ang
isinasaad ng pangyayari sa itaas?
A. gitna B. simula C. tunggalian D. wakas
29. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok
ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba? Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag sa itaas?
A. Maghintay ng biyaya sa Diyos.
B. Hindi na nararapat hintayin ang opotunidad kasi masasayang ang panahon
C. Maging matatag sa buhay at hintayin ang oportunidad na darating
D. Mas mabuting gawin ang lahat ng posibilidad sa buhay.
30. Si Huiquan ay isang batang ulila na nagnanais magkaroon ng pagkakikitaan kaya nilibot
ang buong bayan upang makahanap at makatipid sa gagamitin niyang patungan sa kanyang
paninda.Alin sa mga katangian ni Huiquan ang ipinapakita sa pahayag?
A. pagiging masipag, matiyaga at C. pagiging determinado sa buhay
pursigidong makaahon sa buhay
B. pagiging masinop at matipid sa buhay D. pagiging kontento sa buhay
31. Unti- unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran.
Ang mga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa
kugon at kawayan, ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang sandali. Sa malayang
hangin ay nagsasanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik, unga ng mga
kalabaw, langitngit ng nagtatayugang kawayan at pagaspas ng dahon. Anong bahagi ng
kuwento ang ipinahihiwatig nito?
A. banghay B. lugar C. pangyayari D. tauhan
32. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter,
saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong Pagdating niya sa pook na
kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang ito’y umungol na ang
alingawngaw ay ano’t hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya makita na halos apoy
na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay
matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Anong bahagi ng kuwento ang
ipinahihiwatig nito?
A. banghay B. lugar C. pangyayari D. tauhan
33. Ang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pinangyarihan ng kuwento.
A. tagpuan B. tauhan C. tunggalian D. wakas
34. Elemento ng maikling kuwento kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang
pagsubok na may kaugnayan sa kanyang sarili
A. kasukdulan B. tauhan C. tunggalian D. suliranin
35. Tumutukoy ito sa resolusyon o kinahihinatnan ng kuwento
A. tunggalian B. wakas C. gitna D. simula
36.Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at dito rin ipinakikilala ang mga
pangunahing tauhan ng kuwento
A. tunggalian B. wakas C. gitna D. simula
37. Elemento ng kuwentong nagsasaad ng mensahe
A. kaisipan B. tagpuan C. banghay D. wakas
38. Ipaliwanag kung bakit Niyebeng Itim ang pamagat ng kuwento
A.sapagkat ang buhay ng bata ay puno ng kabiguan, pagdadalamhati at kalungkutan
B. sapagkat ang kuwento ay panahon na may niyebe na naging kulay itim
C. sapagkat ang kuwento ay nangyari sa bagong taon at umuulan ng nyebe
D.sapagkat may niyebe sa bagong taon subalit sa panahong ito ang bata ay
nakaranas ng kabiguan, pagdadalamhati at kalungkutan.
39.Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa________.
A. walang –buhay B. totoong-buhay C. kathang-isip D.iskrip
40. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan.
A.aktor B. iskrip C. manonood D. wakas
41. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang emosyon ng dulang pantanghalan.
A .dayalogo B. iskrip C. tauhan D. wakas
42. Pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
A. simula b. kasukdulan c. tunggalian d.wakas
43. Suriin kung ano ang nais ng pahayag, “Kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo.
Hayaan ninyong buhatin ko kayo.”
A. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang kasama.
B. Gusto niyang tulungan ang kanyang kasama.
C. Nais niyang pagsilbihan ang kanyang kasama sa abot ng kanyang makakaya.
D. Nais niyang pabayaan na lamang ang kanyang kasama
44. “Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa
kasayahang nalalasap mo.”, Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
A. nakakabawas ng sakit ng katawan
B. nakapag-aalis ng sama ng loob
C. nakapagpapaligaya ng kalooban
D. nakapagpapaluwag ng pakiramdam
45. Ang bahaging ito ng akda ay maituturing na di kapani-paniwala.
A. pagtawid sa kalye
B. pagpanhik sa mataas na gusali
C. pagtawid sa dagat
D. pag-inom ng sake
46. Bahagi ito ng akda na tumutukoy sa di pagtanggap sa katotohanan.
A. pagsali sa dula-dulaan
B. pagsisikap na gawing normal ang buhay
C. pagpapaakay sa pamamasyal
D. pagkain nang nag-iisa
47. Pillin sa pahayag ang gawaing pagkamaunawain.
A. “Mabuti at nakadalo ka sa pagtitipong ito.”
B. “Huwag kang mag-alala, nauunawaan ko ang lahat.”
C. “Bakit ngayon ka lang?”
D. “Dapat mong gawin ay magsikap ka!”
48. Suriin kung ano ang nais ng pahayag, “Kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo.
Hayaan ninyong buhatin ko kayo.”
A. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang kasama.
B. Gusto niyang tulungan ang kanyang kasama.
C. Nais niyang pagsilbihan ang kanyang kasama sa abot ng kanyang makakaya.
D. Nais niyang pabayaan na lamang ang kanyang kasama.
49. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod
pa sa kasayahang nalalasap mo.”, Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
A. nakakabawas ng sakit ng katawan
B. nakapag-aalis ng sama ng loob
C. nakapagpapaligaya ng kalooban
D. nakapagpapaluwag ng pakiramdam
50. Pillin sa pahayag ang gawaing pagkamaunawain.
A. “Mabuti at nakadalo ka sa pagtitipong ito.”
B. “Huwag kang mag-alala, nauunawaan ko ang lahat.”
C. “Bakit ngayon ka lang?”
D. “Dapat mong gawin ay magsikap ka!”

PAGPALAIN NAWA KAYO NG MAYKAPAL!


TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA FILIPINO 9

Layunin Bilang Posisyon ng mga Aytem


ng
Aytem Kaalaman Pag-unawa Aplikasy Pagsusuri Ebalwasyon
on

• Nabibigkas ang 1,2,3,


isinulat na tanka at haiku 4, 8
nang may wastong
antala/hinto, at damdamin

• Nasusuri ang 5
pagkakaiba at pagkakatulad
ng estilo ng pagbuo ng tanka
at haiku

6,7,
15,16

9,10,
11,12
13,
14

4 17,18,19,
20

4 21,22,23,
24

6 25,26,
27,28

29,30

4 31,32,33,
34

3 35,36,37
Naipaliliwanag ang 3 38,39,
kahalagahan ng pagtupad 40
sa tungkulin ng ina at ng
anak

KABUUAN 40 15 16 1 9

Inihanda ni:

ROSALIE N. ESPAŇOLA
T-III

Iwinasto at Pinatunayan ni:

CECILIA S. RETUYAN
Department Head-Filipino

Sinang-ayunan ni:

ARLENE C. BAGAYAS
OIC-Asst. Principal for Academics

Pinagtibay:

MARY ANNE D. PREJAS, MAED


Punongguro

You might also like