You are on page 1of 2

QUARTER 3. FILIPINO 9.

MODULE 1: ANG TALINGHAGA SA MAY-ARI NG UBASAN


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay
na papel.
1. “Tigilan mo nga ako Elias, puro ka na lang bola.” Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa
pangungusap ay _____.
A. pagbibiro B. paglalaro C. pangungutya D. bagay na ginagamit sa paglalaro
2. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa pangungusap ay ______.
A. bayarin b. pautang c. kaukulang bayad d. utang
3. Ito ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan.
A. kaginhawahan B. kaguluhan C. kalungkutan D. kasiyahan
4. Nagsakripisyo ang iyong magulang upang makapag-aral ka, pawis at dugo ang kanilang ipinuhunan. Ang
pagpapakahulugang ginamit sa pangungusap ng mga salitang pawis at dugo ay ______.
A. espirituwal B. metaporikal C. literal D. simboliko
5. Siya ay anghel sa aking paningin. Ang metaporikal na kahulugan ng salitang anghel ay ______.
A. alipin B. matulungin C. maganda D. mapagmahal
6. Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at ang mga pangyayari ay maaaring
maganap sa totoong buhay.
A. anekdota B. pabula C. parabula D. talambuhay
7. Ito ang higit na dapat malinang sa isang tao sa pagbabasa ng parabula.
A. dignidad B. espirituwal C. kabutihan D. personalidad
8. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Ang pahayag ay nagpapakita ng _______
A. kabutihang-asal B. walang kasiyahan C. pagiging matulungin D. pagiging mapanumbat
9. “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli”, ito ay isang pahayag sa parabula na
nangangahulugang ________.
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay-pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis
10. Ito ay patunay na nangyayari sa totoong buhay ang pahayag na, “Maitutulad sa isang taong lumabas nang
maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.”
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong handang tumulong nang buong-puso sa mga nangangailangan
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan
11. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong
na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay
na walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na bugtong na anak?
A. maalalahanin B. Mabuti C. mapagmahal D. nag-iisa
12. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang may
salungguhit?
A. maalalahanin B. Mabuti C. masayahin D. mayaman
13. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais ipakahulugan ng
pahayag?
A. kaguluhan B. kapighatian C. kasiyahan D. katapusan

14. Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor dahil siya ay masyadong mahangin. Ano ang kahulugan ng
salitang mahangin?
A. mabait B. malakas ang hangin C. mayabang D. sinungaling
15. Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa buhay. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. pananaw B. posisyon sa buhay C. sinusulatan D. sinusunod
16. Ano ang akdang pampanitikang nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring maganap sa totoong buhay?
A. anekdota B. pabula C. parabula D. talambuhay
17. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa
kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa
totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan
18. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang, “Gayondin naman, ayaw ng iyong Amang nasa Langit na
mawala isa man sa maliliit na ito” – Mateo 18:14?
A. maliit man, may bilang din sa Panginoon
B. mahalaga sa Panginoon ang kaniyang mga anak
C. lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon
D. lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng Panginoon
19. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang maihahalintulad sa pahayag na ito?
A. maganda ang performance sa opisina na nabibigyan ng pagkilala
B. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto pa rin ang kita
C. mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho
D. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo
20. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli?”
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay-pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.

21. Ang mga manggagawa sa parabula ay sumisimbolo sa:


a. kay Jesus b. tayong mga tao c. kaharian ng Panginoon d. mga kaibigan
22. Ang ubasan sa parabula ay sumisimbolo sa:
a. kay Jesus b . tayong mga tao c. kaharian ng Panginoon d. mga kaibigan
23. Ang may-ari ng ubasan sa parabula ay sumisimbolo sa:
a. kay Jesus b. tayong mga tao c. kaharian ng Panginoon d. mga kaibigan
24. Tama lamang ang ginawa ng may-ari ng ubasan na bigyan ng pare-parehong upa ang mga
manggagawa kahit na magkakaiba ang oras ng kanilang pagdating.
a. Tama b. Mali
25. Mayroon kang karapatang di sumang-ayon sa desisyon ng may-ari ng ubasan sa pagbibigay ng
upa.
a. Tama b. Mali

You might also like