You are on page 1of 2

PAGSUSULIT BLG.

2 ( ARALIN 2)
1. Tila tinik sa lalamunan ni Fak ang naiisip na paghihiganti. Ito ay nangangahulugang:
a. hadlang
b. may tinik sa lalamunan
c. barado
d. nakaharang
2. Dahil sa labis na pagkatakot at pag-aalala, halos naliligo sa pawis ang kaawa-awang si Fak. Ang
kahulugan nito ay:
a. butil-butil na pawis
b. basa sa pawis
c. pinagpapawisan
d. pawis na pawis
3. Nag-umpisang mahawi sa labi ng balana ang malagim na pangyayari
a. nawala sa bibig
b. natanggal sa labi
c. di na pinag-usapan
d. nakatuon sa usapan
4. “Nawalan na ng pag-asa ang biktima sa kawalan ng hustisya.” Ang biktima ay…
a. naapi
b. di nabigyan ng hustisya
c. natalo sa usapin
d. patas na batas
5. Ang buhay ni Fak at Mai Somsong ay nasa magkalayong daigdig.
a. magkaibang mundo
b. walang pakialamanan
c. hindi magkasama
d. magkaibang oras
6. Maraming tao ang nagtulong-tulong upang alisin ang lahar na bumalot sa nasalanta ng bagyong Rolly.
a. kagandahan
b. kabutihan
c. katotohanan
7. Maraming kabahayan at kabuhayan ang nasira nang dahil kay bagyong Rolly.
a. kagandahan
b. kabutihan
c. katotohanan
8. Natutong mag-impok ang mga tao na dati nilang hindi ginagawa dahil sa nalamang may paparating na
bagyo.
a. kagandahan
b. kabutihan
c. katotohanan
9. kahit mga taga - ibang bansa ay nanalangin na sana ay hindi masyadong masalanta ang mga Pilipino
sa paparating na bagyo.
a. kagandahan
b. kabutihan
c. katotohanan
10. Ang mga bumalot na putik sa mga taga-Bicol ay nagmula sa lahar na galing sa bulkang mayon.
a. kagandahan
b. kabutihan
c. katotohanan
11. Anong uri ng tunggalian ang nangibabaw sa pangungusap na: Hindi natuwa si Maria sa resulta ng
kanyang pagsusulit.
a. Tao vs tao
b. Tao vs lipunan
c. Tao vs sarili
d. Tao vs kalikasan
12. Natuklasan ni Danny nabsadyang mali ang direksyong ibinigay ni Pedro kaya siya naligaw.
a. Tao vs tao
b. Tao vs lipunan
c. Tao vs sarili
d. Tao vs kalikasan
13. Nagagalit si Vicky dahil naiwan niya ang damit na gagamitin niya sa paliligo sa beach.
a. Tao vs tao
b. Tao vs lipunan
c. Tao vs sarili
d. Tao vs kalikasan
14.Napakainit dahil walang kuryente kaya hindi mabuksan ang bentilador.
a. Tao vs tao
b. Tao vs lipunan
c. Tao vs sarili
d. Tao vs kalikasan
15. Pinagtatawanan si Berto ng mga tao dahil nadapa siya sa nakausling bato.
a. Tao vs tao
b. Tao vs lipunan
c. Tao vs sarili
d. Tao vs kalikasan
16. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
a. katotohanan
b.opinyon
17. Si pangulong Duterte ay mas magaling na pangulo kaysa kay dating panguling Aquino.
a. katotohanan
b.opinyon
18.Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
a. katotohanan
b.opinyon
19. Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
a. katotohanan
b.opinyon
20. Nakatatakot ang dulot ng bagyo.
a. katotohanan
b.opinyon

You might also like