You are on page 1of 1

LALAKI SA DILIM

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa
mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga
kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang
babaing kahaghabag habag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang ninakawan ng
kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang
kasalanan.
Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng
konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan niya ito ng
P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sakanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang
ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang nagawang kasalanan kay Ligaya na
nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan.
Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.
Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang
kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang
napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa nobela.
Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroon lang sila
ng pagkakaintindihan ni Rafael at maging totoo sa isa’t isa.
Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang sa kanya ang isang
balitang napatay si Margarita at Nick sa isang motel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marina ang
asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan
at makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Sela ang ina ni Ligaya na siya
ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa katawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si
Ligaya.

You might also like