Professional Documents
Culture Documents
Upuan
ni: Gloc 9
Verse 1:
Chorus:
Verse 2:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...
Hunyo Bente
Nasa mga komunidad ang tunay na kapangyarihan, sadyang hindi lamang nila nararamdaman.
Sino ba ang nagluluklok? Sino ba ang pagse-serbisyuhan? Sino ba ang mamamayan?
Hindi ba’t nararapat lamang na pag-serbisyuhan tayo ng mga inilagay natin sa pwesto? Ang
pinuno ay naririyan upang magsilbi sa kanyang nasasakupan, maglaan ng talento, magbahagi ng
kaalaman at ibuhos ang oras niya sa paglilingkod.Hindi para maupo, magmando, magsalita at
magpalamig sa kanyang kwarto.
Lalaki sa Dilim
Buod:
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista
sa mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party
ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita, isang opera singer. Nagawa
niyang gahasain ang babaing kahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang
kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindinakilala ang kanyang boses ay
“ligtas” siya sa kanyang kasalanan.
Moses, Moses
Ni: Roberto R. Sikat
Buod:
Naramdaman ko na: gagawin ng ating mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para
sa kanila.Natutunan ko na: dapat nating alamin ang ating mga limitasyon para maiwasan ang
gulo.Napagtanto ko na: dapat nating panindigan ang katarungan kahit na kung merong mga
umaalok ng mga salapi.
TITSER
Ni: Liwayway A. Arceo
Buod:
Si Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang
apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng
kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang
pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman,
nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng
mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang
iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong
paaralan.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw
ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang
pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa
ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng
masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang
pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa
ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa
bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa
kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si
Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo
na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga
anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya.
Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang
matanda sa kanyang pagkakamali.
Buod:
Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag,
pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-
malilimutang panahon sa ating kasaysayan—ang dekadang 1970.
Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya
bilang babae.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung
papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila.
Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak
na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New
People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay
nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si
Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga
nangyayari.
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at
karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa
karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at
ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni
Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa
mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng
tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa
pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga
pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang
natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's
world."
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa
tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang
pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka
para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y
iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang
sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa
inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa
pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-
usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito.
Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka
bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang
walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong
palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa
salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin
silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga
diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng
isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas
at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng
kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang
konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang
nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante.
May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.
Sa mga panahong gaya ng dekada 70—na dekada ng pagkamulat at pakikibaka—natutunan natin
ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan
ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang
magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.Wika nga ng
isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat
sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.
Ikaw
By: Yeng Constantino
Hari ng tondo
Ni: Gloc 9
[Voices: "Sino ang may sabi sa inyo na pumasok kayo sa teritoryo ko? Amin ang lupang ito."
"Hindi, kay Asiong!"]
Pamana
Ni: Jose Corazon De Jesus
Ang Kalupi
Ni: Benjamin P. Pascual
Buod:
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong
upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na
papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga
ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa
loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya.
Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda
at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang
magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
"Bakit ho?" anito.
"E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka,"
"Ku, e magkano ho naman ang laman?"
"E, sandaan at sampung piso ho."
Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang
nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit.
Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang
lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka ko, ano? Huwag
kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos
sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.
"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.
"Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.
Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho
niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali."
Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na ka ipala ay
naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Ang bisig nito ay halos
napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
"Napahiyaw ang bata sa sakit."
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling
Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo
sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na
sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang
madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi
siya makapag- angat ng paningin.
Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa
maputlang muka ni Aling Marta.
"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan
ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"
Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan
itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng
kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi
na.
Tanghali na sya ay umuwi. Saan ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
E. . . e, Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa
"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha
ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?"
Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang
batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At
tuluyang nawalan ng malay."
Lumalabong salitang: Bakit Kaya? Bakit Kaya?
Pagpapaliwanag: Ipinakita sa tulang ito na kung gaano kamahal ni Jose Protacio Rizal ang ating
wika at bayan dahil dito sa akda nito naipakita po niya ang halaga at importansya ng isang wika
para sa bayan. Sa kasagsagan ng kanyang mga naranasan ng siya ay buhay at kanyang mga
ginawa ng may akda sa ating wika, ibubuhos ang kanyang buhay sa wika at sa ating bayan.
Teoryang Realismo
Chorus:
Mahal kita, pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita, maging sino kita
man
Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig
sa 'yo
At kahit ano pa man ang
nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka
man
(Repeat Chorus 2X)
Biag ni Lam-ang
Ni:: Pedro Bucaneg
Buod:
Panliligaw ni Lam-ang
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Pinatunog ang longganngan dumating ang lahat ng mamayan
doon.Ipinahayag niya ng lahat ay sasama sa kanya sa kalanutian upang saksihan ang kanyang
kasal.Naghanda sila ng mga baboy,kambing,gulay isda;gayundin.nagdala sila ng mga
katinganpalayok,palangana,at mga inumin.Inihanda din ni lam-ang ang kanyang dote kay Donya
Ines.
Pagdating sa kalanutian,magiliw na tinangap ang lahat ng mga panauhin.Sumaksi at pagkaraa'y
dumalo sa kainan,sayawan,at inuman.inanyayahan ni Lam-ang ang mga kababayan ni donya Ines
sa nalbuan at silang lahat ay sumakay sa dalawang barkong ginto.Pagdating sa
Nalbuan ,nagpatuloy ang padiriwang hanging sa mapagod ang mga tao at magsipag uwian.Si
Donya Ines naman ay iniwan na ng kanyang kapatid na babaing si Unnayan kay Lam-ang at
umuwi ito.
Ang Magmamani
Ni: Teofilo Sauco
Buod: