You are on page 1of 25

Bata Bata Paano ka

ginawa?
Ni:Lualhati Bautista
Isang Pagsusuri
May akda
● Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na
Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda ay
Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.
● Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2
ng Disyembre 1945. Nakapagtapos siya ng elementarya
sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at
sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya ay
pumasok sa Lyceum University of the Philippines sa
kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man
matapos ang kanyang unang taon.
● Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para
sa nobelang Gapo, Dekada 70 at Bata, Bata Paano ka
Ginawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan ng mga
kababaihan noong panahon ni Marcos.
● Kabilang siya sa University of the Philippines Creative
Writing Center noong 1986, nagsilbing bise-presidente ng
Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng
Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular.
● Siya lang ang natatanging Filipino na kasama sa libro ng
International Women Writers na nilimbag sa Japan.
Buod
 
Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng
anak niyang si Maya mula sakindergarten. Nagkaroon ng
palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang
takbo ng buhay ni Lea, ang buhay niya ay may
kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at
sapakikipagtulungan niya sa isang samahan
na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga
anakniya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga
ito. 
Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si
Maya, isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa
pagtawid bilang isang ganap na lalaki.Di inaasahang bumalik
ang dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na
nagbabalaksanang kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos.
Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama itoang
kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring
gumugol ng panahon para sa trabaho atsamahan na kanyang
tinutulungan.
Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang
pagpapasyang hindi niya giniit sa mgaito. Isa pa ring pagtatapos
ng pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang
panauhingpandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang
paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kungpaano sadyang
kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-
unlad ng mga tao.Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang
pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula palamang ng
mga darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala
ang inosenteng tanong na.. “Bata,bata pa’no ka ginawa?”
PAGTALAKAY
A.Tauhan

● Lea- ang bida at bayani sa nobela 


● Maya-anak na babae ni Lea
● Ojie-anak na lalaki ni Lea
● Ding - lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
● Raffy -unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
● Johnny -kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea
B.Tagpuan
● Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.
● Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga
bata.
●  Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin
nagtapos ang nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.
●  Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea
na  kalaunan ay naging mabuting magkaibigan.
●   Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng
organisation kung paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.
●  Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa
pagkamatay, paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa
gobyerno.
C.     Panahon

● Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na


kung saan ipinahayag sa nobela ang patayang nagaganap
sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang
pagprotesta ng mamamayan.
D.     Tunggalian
●   Tao laban sa Tao. Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga
karakter, makikita pa rin ang tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa
dalawa niyang asawa at ng lipunan. Si Lea laban sa kaniyang dalawang asawa na
sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa nobela ang kaniyang katatagan na kahit
pilit na siyang pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang kaniyang
trabaho at kahit na iniwan na siya ng dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag
para sa kaniyang mga anak. Si Lea laban sa lipunan, sa ganitong panahon,
marami ang mga taong mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea, dalawa
ang kaniyang anak at magkaiba ang ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng
mga taong nagmamalinis katulad na lamang noong umatend siya ng miting sa
paaralan nina Ojie at ang mga tingin sa kaniya ng mga tao ay parang madaliang
babae na kung sino-sino lang nagpapaano.
●   Tao laban sa sarili sapagkat ipinakita ni Lea na kahit
iniwan na siya nina Raffy at Ding ay nanatili siyang matatag
para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa
kaniyang buhay kahit wala ang mga ito.
E.      Paksang-diwa
● Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal
ni Lea sa kaniyang mga anak, ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng
tao at pagiging pantay-pantay ng babae sa lalaki at ang mga
nangyayari sa lipunan katulad na lamang ng kaliwa’t kanang pagpatay,
pagprotesta ng mga mangagawa at ang pagpatay kay Ninoy Aquino.

● Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung


saan ipinakita rito ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa
dalawang lalaking naging parte ng kaniyang buhay.
Pagdulog
Feminismo
● Sapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela, ipinakita sa nobela kung
gaano katatag si Lea sa mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin
ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang dalawang anak na kung saan na kahit
na may posibilidad na sumama ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang ama
pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na sila mismo ang pumili at
magdesisyon kung kanino sila sasama. Pinakita rin sa nobela ang
pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas
pinili ni Lea na kaniyang trabaho kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela ang
mga palaban na kababaihan sa paglalaban nila sa kanilang karapatan.
Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta laban sa
nagaganap na Martial Law sa bansa.
Sosyolohikal
● Ang nobelang ito ay maaaring ihanay sa pagdulog na
sosyolohikal sapagkat mababakas dito ang suliraning
panlipunan mula noon hanggang sa kasalukuyan.Ang
pagtingin na mahina ang mga babae sa aspeto ng buhay
kung ano ang kayang gawin ng mga kalalakihan ay kaya
rin gawin ng mga kababaihan at ang suliraning ito ay
makikita parin sa kasalukuyan.
Sikolohikal
● Sa nobela ,mababakas kung paano kakaibang mag-isip si lea para sa
kaniyang mga anak. Kung ang karaniwang bata ay nakagawiang
walang kaalam-alam sa problemang kinakaharap ng pamilya dahil
naniniwala ang magulang na maapektohan ang mga bata. kabaliktaran
naman ito sa nobela sapagkat nais ni lea na habang ang kaniyang mga
anak ay bata pa ay mamulat na sila sa katotohan ng kanilang buhay at
kung paanong hinahayaan ni lea ang kaniyang mga anak na
magdesisyon para sa kanilang sarili.
Bisang Pampanitikan
Bisang Pangkaisipan
● Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ay maituturing kong isang
napakagandang nobela sa panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus ang
nobela sa karapatan ng mga kababaihan sa mundong ibabaw, ipinahayag din sa
nobela ang mga pangyayaring naganap ng Martial Law. Hindi man ganap na
isinaad sa nobela kung sino ang taong nasa likod ng Martial Law, malalaman
kaagad na tungkol ito sa Martial Law sapagkat nabanggit ang pagkamatay ni
Ninoy sa airport at ang protesta ng napakaraming tao. Para saakin, mas mainam
pa rin ang magbasa ng mga makalumang nobela sapagkat may malalaman kang
impormasyon tungkol sa nangyari sa lipunan noong panahon, kaysa sa mga
nobelang nababasa ngayon tulad ng sa wattpad, puro pag-ibig at nakatuon lamang
sa tauhan ang kuwento, pero ang nobela talaga ay naglalaman ng mga pangyayari
sa lipunan.  
Bisang Pandamdamin
● Nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso sapagkat pinatunayan ni lea kung
ano ang kababaihan sa modernong panahon dahil sa ipinaglalaban niya
ang kaniyang karapatan bilang babae sa lipunan. Maraming parte sa
nobela ang isinaad ang pakikipaglaban ni Lea sa karapatan ng bawat tao
sa lipunan, kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa isang pamilyang
iniwan ng ama, o di kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na babae ang
isang tao, makakaya niyang gawin ang isang bagay kung gugustuhin niya
at kaya na nitong makipagsabayan sa mga kalalakihan, hindi na lamang
ito pambahay. Mahirap din ang maging isang ina sapagkat lahat ay
kaniyang ginagawa para lamang sa kaniyang mga anak, si Lea ay isang
halimbawa ng babaeng matapang at mapagmahal. Lahat ng ina ay
gagawin ang ikakabuti sa kanilang anak.
Bisang Pangkaasalan
Ang nobelang bata bata paano ka ginawa ay nagbigay sa atin ng kahalagahan na
huwag tayong magpapadala sa bugso ng damdamin bagkus isipin natin kung ano ang
kalalabasan ng ating gagawing pagdesisyon. Sa kaso ni lea na dalawa ang naging anak
sa magkaibang lalaki, hindi na ito bago sa panahon ngayon.Malungkot man isipin pero
ganito na ang nangyayari sa lipunan ngayon, mas pinapairal ang puso kaysa utak.
Malikot na mag-isip ang mga kabataan ngayon, lahat gustong maranasan agad-agad,
hindi iniisip ang mga mangyayari. Pagkatapos, ano? Iiyak sa magulang at hihingi ng
tawad.  Hindi masama na gawin ang gustong gawin, pero kung maaari lamang ay isipin
ang mga posibleng mangyari bago gawin ang gusto. Ipairal muna ang utak bago puso
dahil sa huli tayo rin ang kaawa-awa at maaaring iba na ang pagtingin sa atin ng
lipunan.sa kabilang banda,huwag nating husgahan ang buhay ng iba dahil hindi natin
alam ang kanilang estorya at huwag tayong gagawa ng mga bagay na alam nating
ikasasakit ng kanilang damdamin
Mensahe
Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang  manunulat
na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na asawa lang dapat
ng kalalakihan. Napakagandang nobela na kung saan malalaman ang mga nangyari sa
lipunan ng panahong isinulat ito at ang katatagan ng isang ina na may dalawang anak sa
magkaibang lalaki. Noong panahon sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa
Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap
lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga
pag-alaga ng mga pangangailangan ng asawa o kaya ng mga bata, wala silang karapatan
at hindi nararapat na makielam ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping
panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan
ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang
lipunan. 
Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa,
nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing
hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig
sila sa loob at labas man ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni
Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang anak, -isang lalaki at isang
babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan
tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang
kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon. Sa pamamagitan ni Lea,
ipinakita ng manunulat na hindi sa lahat ng panahon magiging tahimik ang buhay
ng isang tao, kailangang magpasya at makibaka sa agos ng buhay. Patuloy tayong
naghahanap ng kalayaan, tulad ni Lea  na ayaw manatili sa kaniyang maliit na
papel na pagiging asawa lang ng kalalakihan mas mainam na sa kaniya ang
magkaroon ng silbi sa lipunang kaniyang ginagalawan. Ngayong modernong
panahon, ang mga kababaihan ay masasabi nang karamay ng kalalakihan sa lahat
ng bagay, kaya na nitong gawin ang kahit na anong trabaho ng isang lalaki.
Maraming Salamat sa pakikinig! 

You might also like