You are on page 1of 3

Pagsusuri sa "Bata,Bata.. Pa'no ka Ginawa?

"
Direksyon
Ang Bata, Bata Pano Ka Ginawa? ay isang nobela na isinulat ng batikang babaeng
manunulat na si Lualhati Bautista. Hinggil ito sa ginaganapang papel ng babae, katulad ng
may-akdang si L. Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng mga
kalalakihan.
Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa
Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga kalalakihan. Gumaganap lamang
ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga
ng mga bata, at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga esposo. Wala
silang kinalaman, at hindi nararapat na makialam ayon sa nakalipas na kaugalian hinggil
sa mga paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nagbago ang
gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan, sapagkat
nagbabago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng
manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing
hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na may tinig sila sa loob at
labas man ng tahanan.
Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may 32 kabanata.
Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina, may dalawang anak
isang batang babae at isang batang lalaki kung kayat makikita rito ang paglalarawan ng
pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung paano ganapin ng ina
ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon.
Naging pelikula rin ang mahabang salaysaying ito, na ginanapan ni Vilma Santos, bilang Lea,
noong 1998. Pinangasiwaan ng direktor na si Chito S. Roo ang pagsasapelikula ng nobela.

Istoryang Pampelikula
Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya mula
sakindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo
ng buhay niLea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang
lalaki at sapakikipagtulungan niya sa isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit

lumalaki na ang mga anakniya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroroon
ang mga pagbabago ng mga ugali ng mgaito: si Maya, isang paslit na may kuryosidad at si
Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na lalaki.Di inaasahang bumalik ang dating asawa
ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalaksanang kunin ito at dadalhin sa Estados
Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama itoang kanyang mga anak ng
mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho atsamahan na
kanyang tinutulungan.Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang
pagpapasyang hindi niya giniit sa mgaito. Isa pa ring pagtatapos ng pag-aaral ang laman ng
huling kabanata kungsaan kinuhang panauhingpandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati
na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kungpaano sadyang kaybilis ng panahon
na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao.Nagiwan siya ng mensahe na
hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula palamang ng mga
darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. Bata,bata
pano ka ginawa?

II. A. Mga Tauhan


Lea ang bida at bayani sa nobela.
Maya anak na babae ni Lea.
Ojie anak na lalaki ni Lea.
Ding lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya.
Raffy unang asawa ni Lea, ama ni Ojie.
Johnny Ka opisina at matalik na kaibigan ni Lea

III.Pagganap
Mga pangunahing tauhan
Vilma Santos - Lea Bustamanante (Angbida at bayanisanobela)
Ariel Rivera- Raffy (Unangasawani Lea, amaniOjie)
Albert Martinez- Ding (lalakingkinakasamani Lea, amani Maya)
Raymond Bagatsing- Johnny (kaopisina at mataliknakaibiganni Lea)
Carlo Aquino-Ojie (anaknalalakini Lea)

Serena Dalrymple- Maya (anaknababaeni Lea)

Sinematograpiya
Bawat galaw ng kamera ay siguradong tiyak at masining. Ang bawat ang gulo ay tama
lamang ang bawat galaw ,ang layo at lapit ng kinukuhanan na nais nating makita .
Naisasaayos din ang timbang ng liwanag at dilim sa pag-iilaw. Dahil sa malinaw at mayos na
pagkuha nakukuha, nababasa at naiintindihan ng mga manonood ang ipinapahiwatig ng
pelikula.

DisenyongPamproduksyon
Bumagay ang mga kagamitang ginamit sa daloy ng kwento. Naisasakatuparan ang
mga kinakailangan sa pelikula sa pamamagitan ng pagkaroon ng mga malikhaing paraan,
pook ,tagpuan , pagpapaganda , kasuotan , kagamitan na nagpapakita ng saktong panahon
at tunay na emosyon .

Pag-eedit
Naisasagawa ng maayos ang pag-e-edit ng mga nakuhang video sa naaayong eksena.
Hindi mo mamalayan na magkakaibang oras, deriksyon at panahon nakukuha ang mga
video.

You might also like