You are on page 1of 1

“Bata,bata paano ka ginawa”

Ang nobelang “Bata bata,paano ka ginawa?ay isinulat ni Lualhati Bautista.Ito ay


isinulat noong 1988.Sa nobelang ito ay si Lualhati Bautista ay gumamit ng “taglish”,ito ay
pinaghalong tagalog at ingles.Naging malaking bahagi ito ng ating panitikan.Bihira kasi makakita
ng babae na sumulat ng akda noong mga panahong na yun.Ito ay isang nobelang piksyon.

Ang nobelang ito ay tungkol sa isang ina o si Lea Bustamante na nagpapakapagod


para sa kanyang dalawang anak na si Maya at si Ojie. Ang mga anak niya ay mayroong
magkaibang ama. Si Raffy De Lara ang unang asawa ni Lea at ang tatay ng kanyang panganay
na si Ojie. Si Ding Gascon naman ang asawa ni Lea sa kasalukuyan at ang tatay naman ng
kanyang bunso na si Maya. Nagsimula ang tunggalian ng kuwento nang dumating si Raffy De
Lara para kumbinsihin si Ojie na sumama sa kanya patungo sa Amerika. Natakot si Lea na
mawala ang mga anak niya , habang siya ay may inaasikaso pang mga trabaho. Pero sa huli
pinili ng mga bata na maiwan sa kanilang minamahal na ina , ito'y desisyon ng mga bata. Ang
nobelang ito ay nagkaroon ng sariling pelikula. Vilma Santos bilang Lea Bustamante , Ariel Rivera
bilang Raffy De Lara , Albert Martinez bilang Ding Gascon , Carlo Aquino bilang Ojie at Serene
Dalrymple bilang Maya. Ito ay nakatanggap ng maraming parangal ; gaya ng Best Picture , best
actress, best director at iba pa. Para sakin ito ay naging malaking hakbang patungo sa ating
panitikan.

Ang akda na ito ay isang halimbawa ng piksyon. Hindi man ito makatotohanan
pero kahit papaano may mapupulot tayo o makukuhang aral dito. Kagaya ng pagmamahal ,
dapat matuto tayo magmahal ng mga tao o bagay na meron tayo. Gaya ng ginawa ni Lea sa
kanyang mga anak hindi niya to sinukuan. Wag susuko agad hanggat kaya pa.

You might also like