You are on page 1of 3

Isang Pagsusuri sa Nobelang “Bata, Bata.. Pa’no ka ginawa?

Isinulat ni - Lualhati Bautista

I. Introduksyon/Panimula

Bilang panimula, ang may-akda ng nobelang ito na “Bata, Bata… Pa’no ka ginawa?” ay walang
iba kundi si Lualhati Bautista. Ito ay nagsasalaysay ukol sa isang pangyayari o suliranin na karaniwan ng
nagaganap sa ating lipunan ngayon. Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat ay maging responsible
tayo sa ating mga magiging desisyon sa buhay. Lalo na kung ang kalalabasan nito ay hindi natin
magustuhan. Bilang isang estudyante dapat ay matuto tayong tanggapin ang katotohanan na kung
minsan ay masakit aminin sa ating sarili at kung minsan ay nakabubuti para sa nakararami. Kagaya nga
ng sabi sa bibliya ay dapat nating malaman ang katotohanan at ang katotohanan ang siyang
magpapalaya sayo.

II. Kakayahan ng may-akda sa sumulat ng Akda

a.Talambuhay ng Manunulat

Si LUALHATI BAUTISTA ay pinanganak at lumaki sa Tundo, Maynila. Produkto siya ng mababa


at mataas na paaralang pampubliko. Nag-aral din siya sa Lyceum of the Philippines.

Nagsimula siya sa pagsusulat sa edad na disisais. Ang mga unang kuwento niya’y nalathala sa
Liwayway. Ilan sa mga ito ang napasama sa mga antolohiya ng maiikling kuwento.

Ang “Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa? “ ay pangatlo sa mga nobela niya na nagkamit ng dakilang
gantimpala sa Palanca. Ang dalawa pa’y ang “Gapo” noong 1980, at “Dekada ‘70” noong 1983. Nagkamit
din siya ng unang gantimpala sa maikling kwento noong 1982 at pangatlong gantimpala naman noong
1983. Meron din siyang ilang citations mula sa CCMM awards.

Nagsusulat din siya sa telebisyon at pelikula. Dumanas na siya ng pagka-ban ng sensor sa


dulang “Daga Sa Timba ng Tubig” na idinirehe ni Lino Brocka.” Ang Sakada” na pelikulang tumatalakay
sa kalagayahan nga mga sugar workers at pinagtulungan nila ng isa pang screen writer, si Oscar Miranda,
ay kinumpiska ng military sa mga unang tao ng martial law. Gayunman, ang unang solong pelikula niya,
ay “Bulaklak story at best screenplay sa Metro Manila Film Academy Awards.

Sa kasalukuyan ay miyembro siya ng Screenwriters Guild of the Philippines at Concerned Artists


of the Philippines.
III. May Akda
III. Ang Akda
A. Ang aklat na ito ay tumatalakay sa isang suliranin na pam-pamilya. Ito rin ay naglalahad na
kung saan ang isang ina/babae ay nagkaroon ng dalawang anak sa magkaibang lalaki. Ang aklat
na ito ay nagsasalaysay tungkol sa mga nangyayari noong panahon ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos mula sa pagkakapatay kay Benigno S. Aquino hanggang sa maglunsad ng “Martial Law”.
B. Katatapos pa lang ni Maya ng kinder ng malaman ni Lea na dumating na pala si Raffy, ang
kanyang dating asawa. Nakipagkita si Lea sa kanya, sa pag-asa nab aka manunumbalik pa ang
kanilang dating relasyon, pero sa kaibigan ni Lea makikipagkita lang si Raffy sa kanyang anak na
si Ojie at nalaman rin niya na may bagong asawa na ito. Isa sa mga pinag-usapan din nila ang
mungkahi ni Raffy na dalhin na lang ang nak sa States kasama niya. Ipinagtapat ni Raffy iyon sa
anak ng nagbakasyon si Ojie sa kanya. Nagpasiya rin si Lea na pabayaan na lang ang anak na
magdesisyon para sa kanyang sarili kahit na mabigat sa loob niya dahil si Ojie ang may hawak
sa buhay niya. Nagkaroon ng PTA meeting noon dumalo si Lea. Nagkaroon ng malaking
pagtatalo doon ng ininsulto si Lea ng isang lalaki. Nagpunta sa meeting ng isang pag-aalitan ng
guro nila Ojie at Maya tungkol sa apelyido ni Lea. Nalaman ito ni Ojie at halata na rin na
naaapektuhan siya nito. Hindi na siya pumapasok sa paaralan. Isang araw, nagkita si Lea at si
Ojie sa isang bilyaran. Pinauwi niya ito at naglabasan sila ng loob sa isa’t-isa. Umiyak si Lea at sa
matinding galit niya, nasampal niya si Ojie. Unti-unting nahulog ang loob ni Lea sa kaibigan
niyang si Johnny. Nang makakita siya ng pagkakataon na pumunta sa Baguio at mapag-isa
kasama si Johnny sa halip ay nagpapalit it kay Sister Ann upang may makasama si Lea
papuntang Baguio. Lumipas ang isang lingo ay umuwi na si Lea ngunit hindi niya agad nakuha
ang kanyang mga anak dahil sa labis na pagod at gabi na. Isang umaga ay nabalitaan na lamang
niya na naaksidente ang dalawang bata sa kanilang bisikleta at dinala sa ospital. Binintangan ng
dalawang ama si Lea dahil sa nangyari. Sinasabi nila na wala nang panahon si Lea para sa anak
niya dahil palagi na lang siyang nasa trabaho. Galit na galit si Lea, dahil ditto iniwan niya ang
dalawang ama para mag-alaga sa kanilang mga anak. Umuwi na rin ang mga bata sa bahay.
Lumipas ang Pasko at Bagong Taon na hindi kapiling si Ding. Umuwi si Ding kay Lea ma dala-
dala ang balitang kasal na pala siya sa iba niyang nabuntis. Sana lang bago siya umalis
madadala niya si Maya. Kagaya ni Ojie, ibinigay ni Lea kay Maya ang pagpasya. Sa wakas,
umiiral pa rin ang pagmamahal ng dalawa sa kanilang nanay, sa halip ng pagkasabik sa tatay,
Nagpasya ang dalawa na manatili kapiling si Lea. Bago umalis si Raffy, humingi siya ng isang
gabi para manumbalik sa dating tamis ng kanilang pagmamahalan. Nagtatapos ang kuwentosa
pag graduate ni Ojie. Nagbigay ng isang inspirasyonal na talumpati si Lea, dala ang kanyang
inosenteng tanong: “Bata, Bata.. pa’no ka ginawa?”
IV. Talasalitaan
V. Pagsusuri
Maraming mensahe o aral ang kaabikat ng nobelang ito. Una na dito ay hindi dapat natin
ikahiya o itago ang katotohanan dahil sa mas amsama kung itatago mo ang katotohanan at
tatakpan mo ito ng kasinungalingan. Dapat marunong tayong panindigan ang katotohanan dahil
tayo na rin ang gumagawa niyan. Isa sa pa sa mga mensahe nito ay dapat nating pahalagahan
an gating mga ama at ina at ang iba pang tao na nag-alaga at nagmahal sa atin. Matinding
sakripisyo ang ginagawa nila lalong lalo na ang mga ina dahil mahal nila ang mga anak nila at
gusto lang nila ang magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak. Isa sa mga dahilan kung
bakit sila nandito sa mundo ay para mag-alaga at humubog sa pag-asa ng kinabukasan. Dapat
lang na ibalik ng mga anak sa kanilang mga magulang ang pag-aalaga na ginawa nila.

Para sa akin ang layunin ng aklat na ito ay mamulat tayong mga Pilipino tungkol sa mga
nangyayari sa ating paligid at lipunan. Nais mapukaw ng may-akda na mula pa ng nagdaang
panahon hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga Pilipino na naaapi at nang-aapi.
Ipinahahatid din nito na maraming sa ating mga Pilipino ang sumasali sa mga rally na tinitiis na
huwag kumain para lamang makamit ang ating kalayaan. Ipinapakita rin dito na ang isang ina ay
dapat na ituring na isang totoong bayani dahil sa mga sakripisyo at pag-aalaga sa kanilang mga
anak hanggang sa itoy magtagumpay sa kanyang nais abutin

You might also like