You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Flipino 10

I. LAYUNIN
A. Pamantayan sa Nilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang
isang obra maestrang pampanitikan
B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na magmumungkahi


ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng kabanata ng nobela (F10PN-IVb-c-84)
2. Naiaayos ang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari batay sa napakinggang kabanata ng nobela
3. Nabibigyang halaga ang mga aral na mapupulot sa kabanata ng nobela

II. NILALAMAN
El Filibusterismo
Kabanata - 4
“Kabesang Tales”
ni: Dr. Jose P. Rizal
A. Sanggunian: Internet, Maharlika (pahina 30)
B. Iba Pang Kagamitang Panturo: Kartolina, Larawan, Pentelpen, Laptop, Speaker

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. 1 Paghahanda

Panalangin
Tumayo ang lahat para sa panalangin. (Sumunod ang mga mag-aaral at nagdasal)
Pagbati at Pangungumusta
Magandang hapon sa inyong lahat. Magandang hapon din po ma’am.
Kumusta kayo sa hapong ito? Mabuti po ma’am.
Pagtala ng Liban
May lumiban ba sa hapong ito? Wala po ma’am.

(Nagpapakilala ang guro)

Bago tayo magsisimula, mayroon akong mga


patakarang nais ipatupad sa klaseng ito.
Mga Patakaran:
1. Umupo nang maayos.
2. Huwag sumagot nang sabay-sabay.
3. Itaas ang kamay sa gustong sumagot.
4. Makinig nang mabuti at huwag mag-ingay.

Balik-aral Ang tinalakay namin noong nakaraang tagpo ay


Ano ba ang tinalakay ninyo noong nakaraang tungkol sa nobelang El Filibusterismo.
tagpo?
Opo ma’am.
Tapos niyo na rin bang talakayin ang kabanata
1-3? Ang pamagat ng ikatlong kabanata ay Mga Alamat po
Ano ang pamagat ng ikatlong kabanata? ma’am.

Magaling! Natutuwa ako’t mayroon na kayong


kaunting kaalaman sa nobelang El
Filibusterismo

Bago ang lahat, mayroon akong itatanong sa inyo.


Naniniwala ba kayo sa kasabihan sa Ingles na “A Ship (Nakikinig ang mga mag-aaral)
without destination is like a person without ambition”?
Sa buhay, dapat mayroon tayong mga adhikain o
layunin na nais matamo upang masabi natin sa ating
sarili na tayo ay nagtatagumpay. Gaya na lamang sa
aralin natin ngayong hapon mayroon din tayong mga
layunin na dapat matamo. Umaasa ako na
magtutulung-tulungan ang lahat upang sabay nating
makamit ito.
(Ibinahagi ng guro ang mga layunin sa klase at
ipinabasa sa mga mag-aaral.)

A.2 Panimulang Gawain


(Magpapalaro ng 4 Pic One Word ang guro.)
(Sumunod ang mga mag-aaral)

_
_ _ _ _ _ _
K P T I A A
N
KAPITAN po ma’am

Anong salita ang mabubuo ninyo sa larong iyan?


Sino ang gustong pumunta sa pisara at ayusin ang mga
letrang nagkahalo-halo?

Magaling! ang talas ng inyong pag-iisip.

B. Paghahabi sa Layunin o Pagganyak

Kilala niyo ba kung sino ang Kapitan ng inyong (Sumagot ang mga mag-aaral)
barangay?
Maari mo bang sabihin ang pangalan niya?
Gaano mo siya kakilala?
Ano ang kanyang trabaho maliban sa pagiging
kapitan?

(tumawag pa ng ilang mag-aaral ang guro)

Alam niyo ba kung ano ang tawag sa kapitan ng Opo ma’am.


barangay noong panahon ng Kastila? Kabesa de Barangay po ma’am.
Ano ito?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin.

Ano kaya ang kaugnayan ng isang kabesa sa


paksang tatalakayin natin ngayong hapon?
(Nakikinig ang mga mag-aaral)
Ngayong hapon tatalakayin natin ang buhay ng
isang kabesa sa nobelang El Filibusterismo. Ito ay ang
Kabanata 4 na pinamagatang “Si Kabesang Tales”.

 Talasalitaan
Bago natin alamin ang nilalaman ng kabanata,
atin munang bigyang kahulugan ang mga di-
pamilyar na salita na matatagpuan. ( Nakikinig ang mga mag-aaral sa panuto ng guro)
Mayroon akong kahon dito, ang laman nito ay mga
istrips. Kailangan ko ng limang mag-aaral upang
bumunot dito. Pagkatapos, itapat ang mga istrips na sa
tingin ninyo ay nagpapakahulugan ng mga salitang
may salungguhit.
Paring kastila
1. Nang ang bukid ay umunlad, ito ay inangkin Lumaban sa kaso
ng mga prayle.
2. Di na niya kinaya kaya nakipag-asunto siya sa Alahas
mga prayle. Binantayan
3. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas.
4. Tinanuran niya ang kanyang bukid. Itak
5. Kinumpiska ang kanyang baril kaya nagdala
siya ng gulok.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


Paglalahad ng bagong kasanayan (1)

Ipinarinig ng guro ang buod ng kabanata 4. (Nakikinig ang mga mag-aaral sa buod ng kabanata 4)
Pagkatapos, tinalakay ito sa pamamagitan ng
pagtatanong.

Katanungan pagkatapos mapakinggan ang buod.


1. Sino ang ama ni Kabesang Tales? Tandang Selo

2. Bakit yumaman si Kabesang Tales? Yumaman si Kabesang Tales dahil sa kanyang sipag at
tiyaga.

3. Nang umunlad na ang bukid, ano ang ginawa Ang ginawa ng mga prayle ay inangkin ang lupa.
ng mga prayle?

4. Ano ang pangalan ng anak ng kabesa? Huli

5. Bakit kaya nakipag-asunto si Kabesang Tales Nakipag-asunto ang kabesa sa mga prayle dahil
sa mga prayle? tinaasan nang tinaasan ang buwis sa lupa hanggang di
na niya kayang bayaraan at inangkin pa ang lupa nito.

Tama ang iyong sagot!


Ang ginawa ng mga prayle ay nagpapakita ng titulo ng
6. Ano ang ginawa ng mga prayle upang
lupa.
mapatunayan nila na sa kanila raw ang lupa?
Hindi pumayag ang kabesa dahil namatay at nalibing
7. Pumayag ba si Kabesang Tales na tuluyang
dito ang kanyang asawa’t anak sa pagtulong sa
angkinin ng mga prayle ang lupa? Bakit?
pagbungkal ng lupa.
Magaling! talagang nakikinig kayo.
Ang nangyari kay Kabesang Tales ay nahulog siya sa
8. Ano ang nangyari sa kabesa na kinakailangang
kamay ng mga tulisan at ipinatutubos ito.
tubusin ng anak?
Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas maliban sa
9. Ano ang isinanla ni Huli upang matubos ang
agnos na bigay ni Basilio.
ama?
Hindi, kaya nagpasya si Huli na mangutang kay
10. Naging sapat ba ang kanyang panubos sa ama?
Hermana Penchang at maglingkod bilang utasan.
Ano ang kanyang ipinasya?

Tama!
Natutuwa ako’t nasagot ninyo ang aking
katanungan. Iyon lamang ay patunay na
magagaling at may matalas na pandinig at pag-
iisip ang klaseng ito.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


Paglalahad ng bagong kasanayan (2)
Maya-maya magkakaroon tayo ng pagsusuri.
Susuriin natin ang pagkakaayos ng buod ng (Nakikinig ang mga mag-aaral)
napakinggang kabanata.
Upang masuri natin ang pagkakaayos ng buod,
atin munang talakayin ang ilan sa mga bahagi ng
banghay ng nobela. Kabilang na rito ang simula,
tunggalian,kasukdulan at wakas.
Ang makikita natin sa simula ay ang mga tauhan at
Ano ba ang makikita natin sa simula?
tagpuan.
Ano naman ang tunggalian? May nakakaalam ba sa
Sa tunggalian po ma’am ipinapakilala ang problema o
inyo dito?
suliraning haharapin ng tauhan.
Ano naman ang kasukdulan? Ang kasukdulan po ma’am ay ang pinakamataas na
pangyayari.
Sino naman sa inyo ang makapagsasabi kung ano ang
wakas? Sa wakas po natin makikita ang resulta o kinalalabasan
ng problemang hinaharap ng tauhan.

Ngayon, ating alamin kung tama ba ang kanilang


pagpapakahulugan ng simula, tunggalian, kasukdulan
at wakas.
Banghay- ang pagkakaayos o pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari.
Bahagi ng Banghay
 Simula- dito ipinapakilala ang tauhan at (Nakikinig ang mga mag-aaral)
tagpuan ng nobela.
 Tunggalian- pagpapakilala ng suliraning
haharapin ng tauhan.
 Kasukdulan- pinakamataas na pangyayari o
pinakapigil-hiningang pangyayari.
 Wakas- kinalabasan o resulta ng suliraning
hinaharap.
Ang apat na bahaging iyan ay iilan lamang sa mga
bahagi ng banghay.

 Input ng Guro (Paglilinaw sa aralin)

Bigyang pansin natin ang nangyari kay Kabesang


Tales. Siya ay inabuso ng mga prayle na kung
ihahambing natin sa kasalukuyan sila ‘yong mga taong
may kapangyarihan na umaabuso sa walang kalaban-
labang mamamayan.
Dapat tayo ay laging mulat sa nangyayari sa ating
kapaligiran. Dapat matuto tayong ipagtanggol ang
ating sarili lalo na ang ating mga pag-aari. Ang atin ay
atin. Huwag nating hayaan na agawin ng iba ang mga
bagay na ating pinakaiingatan at pinaghihirapan lalo
na’t dugo’t pawis ang pinuhunan.

F. Paglinang sa Kabihasaan

Batay sa napakinggang nobela, ating susuriin ang


pagkakaayos ng buod ayon sa ilan sa bahagi ng
banghay ng nobela.
(Hinati ng guro sa apat na pangkat ang klase)
Ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Bawat pangkat ay bibigyan ko ng sobre na naglalaman
ng panuto kung ano ang gagawin ninyo upang mabuo
ang isang graphic organizer.

Ayos ng buod
Simula

Tunggalian

Kasukdulan

Wakas

(Nakikinig ang mga mag-aaral)


Narito ang mga pamantayan sa pagwawasto at kung
ilang ppuntos ang makukuha ng bawat pangkat.

Pamantayan

Kawastuhan - 10 puntos
Kalakasan ng Boses - 5 puntos
Pagkakaisa - 5 puntos
20 puntos

Mga laman ng sobre:


Ang simula ng kabanata apat ay isinasalaysay
Pangkat 1 ang buhay ni Kabesang Tales, kabilang na roon
Panuto: Suriin ang simula ng napakinggang buod ng ang kanyang pagyaman dahil sa pagtitiyaga at
kabanata. Isulat ang inyong sagot sa kartolina at
pamumuhunan sa bukid. Ipinakilala rin ang
pumili ng isang miyembro ng pangkat upang ilahad o
iulat sa harap ng klase ang inyong sagot. Gawin ito sa kanyang anak na si Huli.
loob ng limang minuto lamang.

Pangkat 2 Ang tunggalian o ang naging suliranin ng


Panuto: Suriin ang tunggalian ng napakinggang buod tauhan ng nobela ay nang umunlad na ang
ng kabanata. Isulat ang inyong sagot sa kartolina at bukid na sinaka ni Kabesang Tales, ito ay
pumili ng isang miyembro ng pangkat upang ilahad o inangkin ng mga prayle
iulat sa harap ng klase ang inyong sagot. Gawin ito sa
loob ng limang minuto lamang.
Ang kasukdulan ng buod ng kabanata 4 ay
Pangkat 3
nang si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay
Panuto: Suriin ang kasukdulan ng napakinggang buod
ng kabanata. Isulat ang inyong sagot sa kartolina at ng tulisan at ipinatutubos.
pumili ng isang miyembro ng pangkat upang ilahad o
iulat sa harap ng klase ang inyong sagot. Gawin ito sa
loob ng limang minuto lamang. Ang naging wakas ng kabanata apat ay si Huli
Pangkat 4 na anak ni Tales ay nangutang kay Hermana
Panuto: Suriin ang wakas ng napakinggang buod ng Penchang at ang kapalit nitong kabayaran ay
kabanata. Isulat ang inyong sagot sa kartolina at ang paglilingkod bilang utusan.
pumili ng isang miyembro ng pangkat upang ilahad o
iulat sa harap ng klase ang inyong sagot. Gawin ito sa
loob ng minuto lamang.

(Iniwasto ng guro ang mga sagot ng mag-aaral.)

Masaya ako’t nasuri ninyo nang mabuti ang


pagkakaayos ng buod ayon sa bahagi ng banghay nito.
Talagang ipinakita ninyo na matatalino ang klaseng
ito.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw araw na


Buhay

1. Kung ikaw si Huli, gagawin mo rin ba ang Kung ako ang nasa kalagayan ni Huli, gagawin ko rin
kanyang ginawa para matubos ang ama? Bakit? ang ginawa niya maligtas lamang ang aking
pinakamamahal ama.
2. Makatarungan ba ang ginawa ng mga prayle sa Para sa akin hindi makatarungan ang ginawa ng mga
pag-aangkin ng lupang sinaka ni Tales?Bakit? prayle dahil hindi sila ang naghawan ng bukid at
lalong hindi sila ang nagpaunlad nito.

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo haharapin Bilang isang mag-aaral, haharapin ko ang aking mga
ang mga problemang darating sa iyong buhay? problema nang may tapang at lakas upang ito’y aking
mapagtagumpayan. Higit sa lahat panatilihing manalig
lagi sa Poong Maykapal.

H. Paglalahat ng Aralin

1. Sa kasalukuyang panahon, mayroon pa kayang (Sumagot ang mga mag-aaral batay sa kanilang
katulad ng mga prayle o ‘yong mga taong obserbasyon sa nagyayari sa kumunidad o bansa.)
mapang-abuso at mapagsamnatala sa kapwa?
Patunayan.

2. Ano-ano ang mga bahagi ng banghay na ating Ang mga bahagi ng banghay na ating tinalakay ay
tinalakay? simula, tunggalian, kasukdulan at wakas.

3. Maaari niyo bang ipaliwanag ang bawat bahagi (Ipinaliwanag ng mga mag-aaral ang bawat bahagi ng
nito gamit ang inyong sariling pangngungusap? banghay)

Mahusay! nagagalak ako’t nasagot ninyo ang aking


katanungan nang may pag-unawa.

I. Pagtataya ng Aralin

(Nagbibigay ng worksheet ang guro sa bawat mag-


aaral.)

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari


ayon sa unang naganp hanggang sa huli. Isulat lamang
ang bilang 1-10 sa patlang bago ang bilang ng bawat
aytem. Gawin ito sa loob ng sampung minuto lamang.

_____1. Inangkin ng mga prayle ang bukid na sinaka 4


ni Tales nang umunlad. 7
_____2. Hindi pumayag si Tales na ibigay ang lupa
hangga’t may magdilig ng dugo at maglibing ng
asawa’t anak. 1
_____3. Si Tales ay isang Kabesa de Barangay. 5
_____4. Di na nakaya ni Kabesang Tales kaya siya
nakipag-asunto sa mga prayle. 3
_____5. Inisip niyang pag-aralin ang anak sa kolehiyo. 9
_____6. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas. 2
_____7. Yumaman siya dahil sa kanyang sipag at
tiyaga. 6
_____8. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa
lupa. 8
_____9. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng
mga tulisan at pinatutubos. 10
____10. Naglingkod si Huli kay Hermana Penchang
bilang utusan.
J. Takdang-aralin

Basahin ang Kabanata – 5 na pinamagatang “Ang


Noche Buena ng isang Kutsero” at sagutin ang tanong
na ito.
 Paano inabuso ng mga guwardiya ang kutsero?

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuh ng 80% sa ______ bilang ng mag-aaral na nakakauha ng 80% sa


pagtataya. pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba ______ bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
pang gawain para sa remediation. iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? ______ Oo, ______ Hindi
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. ______ bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa ______ bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation. remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo na
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

Bb. RITCHEL G. BICOY

You might also like