You are on page 1of 2

Teoryang Heterogenous

(Sa buong daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming wika. May kabuuang
175 na wika ang ating bansa.
Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang kapuluan, ang mga Pilipino ay nahahati rin
sa ibat-ibang grupo, na may ibat-ibang uri ng dayalektong gamit. Ganun pa man
tayo ay pinagbubuklod pa rin ng iisang pangunahing wika – ang wikang Filipino.

Dahil sa masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at linggwistika, nabuo


ang teorya ng sosyolinggwistik. Ito ang naging batayan ng mga linggwistiko para
magkaroon ng heterogeneous na wika.)

Salitang heterous – Magkaiba


Genos – lahi o uri
-
Ang pagkakaiba- iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal o pangkat ay may kinalaman
sa kanilang pinagmulan, sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, Gawain,
edad, lebel ng edukasyon na natamo, interest sa buhay at iba pang salik. Pumapasok dito ang
baryasyon o barayti.
-

(Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang


ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa
buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika.)

Dalawang uri o barayti ng heterogenous


- Barayting Permanente
- Barayting Pansamantala
Barayting Permanente
a. Dayalekto- ito ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag- interaksyon
sa araw-araw. Bawat rehiyon o lugar ay may particular na dayalektong ginagamit.
b. Idyolek – ito ay pansariling pamamaraan ng paggamit ng wika o istilong ginagamit ng
isang tao sa paggamit niya ng wika.
Barayting Pansamantala
a. Register – ito ay kinabibilangan ng mga salitang may pagkapare-pareho ng baybay pero
magkakaiba ang kahulugan ayon sa aspeto ng paggamit nito.
b. Istilo – ito naman ay batay sa relasyon ng nagsasalita sa kinakausap o mga kinakausap.
c. Midyum – ito ay maaaring pasulat o pasalita depende sa pamamaraang gamit sa
komunikasyon.
+

You might also like