You are on page 1of 12

Western Mindanao State University

External Studies Unit - Molave

PORTFOLIO SA FILIPINO
ELEC 1

Malikhaing Pagsulat

Ipinasa ni: Lhiesly Jhane J. Gamaya

Ipanasa kay: Miss Cristy O. Genon


TALAAN NG NILALAMAN
I. SANAYSAY
1.1 Replektibong Sanaysay
1.2 Lakbay Sanaysay

II. TALAARAWAN

III. BIONOTE

IV. TULA
4.1 Malayang Tula/Malayang taludturan
4.2 Di-Malayang Tula

V. MAIKLING KUWENTO
I. SANAYSAY
(1.1) Replektibong Sanaysay

EDUKASYON SA PANAHON NG PANDEMYA


Ang edukasyon ay mahalaga sa paghubog ng mga kakayahan at pagkatao ng isang tao
para sa mas maganda at maunlad na kinabukasan. Malaki ang ginagampanan nito sa pagbabago
at pag-unlad, hindi lamang para sa sarili, kundi pati na rin sa bansa. Ngunit, sa hindi inaasahang
pagbabago, isang hindi pangkaraniwang sakit ang kumakalat, na humahantong sa isang
pandemya. Nagdulot ito ng pagkabalisa at takot sa mga tao at nagkaroon din ng malaking epekto
sa ekonomiya, lipunan at lalo na sa edukasyon.
Dahil ang sakit na COVID-19 ay maaaring magdulot ng banta sa kalusugan ng mga mag-
aaral, ang Kagawaran ng Edukasyon ay bumuo at nagmungkahi ng mga bagong alituntunin at
pamamaraan ng pag-aaral. Kung kailangan ng mga dating mag-aaral na pumasok sa paaralan,
ngayon ay mananatili na lamang sila sa bahay, sa pamamagitan ng online, modular approaches o
tinatawag na blended learning na hinahalo ang mga nabanggit na teknolohiya. Ang mga
magulang ay magsisilbing tagapayo at mag-aalaga sa kanila. Gayunpaman, ito ay isang malaking
problema para sa mga magulang dahil mayroon din silang mga gawain sa bahay at ang iba ay
abala sa paghahanap-buhay.
Malaking problema rin ito ng mga magulang na hindi makapag-aral ng kanilang mga
anak, lalo na sa mga walang pinag-aralan. Malaki rin ang gastos lalo na sa online dahil
nangangailangan ito ng mga gadget at internet. Liban pa riyan, may masamang epekto rin ang
pagiging tutok ng mga mag-aaral sa gadyet dahil sa radiation nito. Maraming estudyante lalo na
sa kolehiyo ang hindi na kinaya ang hirap ng pag-aaral sa gitna ng pandemyang ito. Ang iba ay
huminto muna at ang nakakalungkot, may ibang kabataan ang kinitil ang kanilang buhay dahil sa
hirap na kinaharap sa pag-aaral. Maraming mga estudyante rin ang dumadaing sa dami ng mga
gawain na kanilang kailangang gawin at tapusin sa itinalaang panahon. Mahal din ito, lalo na
online dahil nangangailangan ito ng mga gadget at internet. Bukod pa riyan, ang atensyon ng
mga estudyante sa gadget ay maaari ding maapektuhan ng radiation nito.
2

I. SANAYSAY
(1.2) Lakbay Sanaysay

Karaniwan na lamang o tila hilig na ng mga tao sa


panahon ngayon partikularna ng mga kabataan ang paglalakbay
sa kung saan saang may magagandang tanawin. Sa bawat
paglalakbay, mayroon tayong baong mga alaala ng mga kwento
ng pagsasamama ng bawat pamilya, kasaysayan ng bawat lugar
na nararating, aliw sa mga napuntahan.

Isa sa aking na
puntahan ay ang THE
AVIARY na malapit nang
magbukas sa Cassava Dalaon
Molave Zamboanga del Sur.
Noong Abril 29, 2022 ay
napagplanuhan ng aking mga kamag anak na kararating lang
galling sa Zamboanga at Bukidnon na bumisita sa lugar na
iyan dahil na rin sa malapit lang ito sa aming bahay at wala
itong bayad kapag ikay papasuk, bukas ito para sa lahat.
Makikita mo sa loob ang mga ibat ibang klasi ng Parrot,
Peacock at Ibon.

Ang pinakaunang hayop na kanilang pinasok sa lugar na ito ay ang dalawang Ostrich na
mag iisang taon na sa Hulyo. Malaki ang aking
pasasalamat kay Dr. Cyril Glepa sa pagpapatayo ng Zoo
sa aming baryo. Kahit hindi pa ito ganap na binubuksan
at kukunti pa ang mga hayop na nandon ang mahalaga ay
masaya kaming nagkakaisa at may mga alaala kaming 3
maibabaon kapag kami ay babalik sa aming kanya
kanyang lugar.
II. TALAARAWAN

Byernes, Abril 15 2022 - 8:00 AM


Pununta kami sa bahay ng lola't lolo ko at doon nanatili. Nagluto kami ng benegnet at
nagsaing narin para sa aming pananghalian. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming
bumisita sa mga kapitbahay nila lolo at lola dahil ngayon lang kami bumalik sa pagbisita dito
sa aming bukid.
Sabado, Abril 16 2022 - 7:00 AM
Unang ginawa ko ay naglinis ng buong bahay dahil ilang buwan rin kaming hindi naka
bisita. Nong natapos kuna lahat ay pumunta narin ako sa ilog upang makapaglaba dahil walang
tubig sa gripo. Nag igip rin ako ng tubig para may mainom kami at para makasaing na rin.
Linggo, Abril 17 2022 – 7:30 AM
Sa araw na ito kami nagsimba at pagkatapos ay bumisita sa aming mga kamag anak na
nakatira sa libato, tambulig. Kami ay nag salo² sa aming handang dinala at nagkaisa upang
ipagdiriwang ang easter sunday.
Lunes, Abril 18 2022 – 5:00 AM
Hindi pa sumisikat ang araw ay umuwi na kami sa aming lugar dahil papasok pa ako sa
aking pinagtatrabahoan at may pasok rin ang aking nanay. Pagkahapon, may pinagawa si
engineer na aming boss sa amin tungkol sa billings.
Martes, Abril 19 2022 – 7:00 AM
Akoa ay naghahanda na dahil papasok na ako sa aking pinagtatrabahoan. Binigyan nila
kami ng mga gawain katulad ng pagcocompile sa mga bills at pag aassist sa mga taong
magbabayad ng tubig.
Myerkules, Abril 20 2022 – 6:00 AM
Naglinis muna ako ng aming bahay bago pumasok sa aking pinagtatrabahoan. Sa
municipyo ako ay naglinis at nag iencode sa mga billings. Sa hapon ako ay nakinig sa mga
aralin na tinalakay ng aming guro.
4

Huwebes, Abril 21 2022 – 6:00 PM


Gumising ako ng maaga dahil naging abala kami sa paghahanda ng presentasyon sa
aking pinagtatrabahoan. Nagsasagawa kasi sila ng orientation para sa nga taong gustong
magpakabit ng tubig.
Byernes, Abril 22 2022 – 8:00 AM
Sa araw na ito kami ay nag nagabay sa mga taong gustong magpakapit ng tubig sa
kanilang bahay. Sinasagot din namin ang kanilang tanong kapag hindi nila naintindihan. Sa
hapon naman ay naglinis kami sa opisina.
Sabado, Abril 23 2022 – 7:00 AM
Sa umaga sama sama kaming naglinis ng aking pamilya sa aming bahay. Sa hapon
naman ako ay gumawa ng aking mga aktibiti at mga gawain sa paaralan. Ginabayan ko rin ang
aking mga kagrupo sa aming darating na report.
Linggo, Abril 24 2022 – 6:00 AM
Naghanda na ako ng aking mga gamit dahil kami ay nagsimba. Pagkatapos ng misa ay
pumunta ako sa aking kaibigan upang magbigay ng mga kailangan nya sa kanilang face to face
classes. Sa hapon ay ginawa ko muli ang aking mga aktibidad.
Lunes, Abril 25 2022- 6:00 AM
Ako ay naghanda na sa pagpasok sa municipyo ng molave. Unang ginawa ko ay naglinis
at nag compile ng mga billings upang makapaghanda narin sa hapon ng aming pagsusulit. Sa
hapon ay nataranta ako dahil madaming mga customer tapos may klase pa ako.
Martes, Abril 26 2022 – 8:30 AM
Wala kaming gaanong ginawa sa opisina kaya naglinis nalang kami sa buong paligid
nito. Sa hapon ay pumunta ako sa MVTS upang magpa tsek sa aming pananaliksik at
maipahayag ang mga mali sa aming papel.
Myerkules, Abril 27 2022 – 7:00 AM
Sa araw na ito ay pista ng molave, wala gaanong mga customer na nagbabayad ng
kanilang bills kaya nag antay lang kami. Sa hapon madami dami na ang mga customers na
nagrereklamo sa kanilang tubig dahil nasira raw ang kanilang tubo. 5

Huwebes, Abril 28 2022 – 8:00 AM


Sa aking pinagtatrabahoan ay dumagsa ang mga nagreklamo dahil sa wala raw tubig na
umagos sa kanilang gripo. Nabusy ang mga tao sa araw na ito dahil na rin sa tapos na ang
pyesta at madami ng mga likking na nanyayari.
Byernes, Abril 29 2022 – 7:00 AM
Sa umaga ay pumasok muna ako sa aking pinagtatrabahoan pero sa hapon ay dumiritso
na ako sa aming bukid dahil kaarawan ng aking tita. Madaming mga kamag anak ang dumalo at
nakisaya. Kami ay kumain at naglaro. Nag kantahan rin at nagsayawan.
Sabado, Abril 30 2022 – 7:00 AM
Sa araw na ito napagkasunduan ng pamilya na maligo sa Mabanag spring resort.
Masaya kaming pumunta doon at nag enjoy lumangoy sa swimming pool. Kumain rin kami ng
sabay² at kumuha rin ng mga larawan pang remembrance sa araw na ito.
6

III. BIONOTE

Ako si Lhiesly Jhane Jumarito Gamaya. Isinilang sa Purok


Lily, Barangay Bogo Capalaran, Molave, Zamboanga del Sur
noong Marso 25, 2002. Ang mga magulang ko ay sina Juan E.
Gamaya at Meliza J. Gamaya. Mayroon akong isang bunsong
kapatid na si Lhister Jhan J. Gamaya. 

Nag elementarya ako sa Molave Regional Pilot School (MRPS) sa


unang baitang hanggang sa ikatlong baitang. Lumipat ako sa aking
ikaapat na baitang sa Bogo Capalaran Elementary School
hanggang nagtapos ako ng aking elementarya. Palagi akong
kabilang sa mga ‘with honors’ at aktibo rin ako sa mga aktibidad sa paaralan tulad ng ‘Girl scout
provincial’ at ‘Journalism provincial’. Naging SSG opisyal din ako at opisyal ng silid aralan. 

Noong hayskul ako ay nag-aral sa Molave Vocational Technical School (MVTS)


pinagbuti ko ang aking pag-aaral dahil isa akong iskolar sa Puting Manok Corporation. Visual
graphics o Animation ang kinuha kong major.

Nag senior highschool ako sa MVTS, isang Accountancy and Business Management
(ABM) ‘Academic Track’ na mag-aaral. Maraming aktibidad na aming ginawa katulad ng
cheerdance na pangalawa kami at pangatlo sa CPAR recyclable gown. Nakasali rin ako sa mga
‘with honor’ sa una at pangalawang semester. Nakakalungkot lang at wala kaming pormal na
pagdiriwang sa aming pagtatapos dahil sa pandemya.
 
Ngayon nag-aaral ako ng kolehiyo sa ‘Western Mindanao State University (WMSU)’ ng
‘Bachelor of Secondary Education major in Filipino Second year College’. Ngayong ay
malaking pagsubok ang aking hinarap dahil online class ang paraan ng aking pag aaral dahil sa
pandemya na COVID19 pero patuloy parin akong mag susumikap para makatapos at mabigyan
ng magandang pamumuhay ang aking pamilya. 
7

IV. TULA
(4.1) Malayang Tula/Malayang taludturan

ELEKSYON NA NAMAN

Ako’y naiiling sa nakita


Iba’t-ibang posters, naglipana
Poste’t bakod, nagkakapit sila
Animo’y sampayan sa kalsada.

Sa umaga, inyong maririnig


Mga jingle na samut-saring tinig
Mayroong mga iba’t ibang tugtog
Pangsakit dibdib at pampatulog

Mga kandidato, kanyang diskarte


May kumakaway at nagpapoge
Kumakanta na parang pabibe
Mayroon ding mga nagdedebate

Mga botante ating pag-usapan


Ang iilan ay nagpupustahan
Benta boto, may tumanggi naman
Prinsipyo kahit kumulong tiyan.

May bago sa panahong eleksyon


Boto namin, naging automation
Makina wag human intervention
Madali lang walang kunsumisyon.
8

IV. TULA
(4.2) Di-Malayang Tula

Ang Buhay Ngayon

Buhay na tinatamasa ay kay ganda


Na sa Panginoon ito ay biyaya
Alagaan para ito’y di mawala
Ngunit may isang trahedyang naglipana

Ito ay dahil sa isang pandemiya


Bawat tao’t bansa ay walang magawa
Ang dating malaya at masayang bansa
Ngayon ay namuhay sa takot at banta

Hindi handa, sa dala nitong sakuna


Paghahawak kamay ay naging armas
Pagtitipon ay naging labag sa batas
pag kontrol sa tao'y nauwi sa dahas

kailangan natin ay pagkaka-isa


Sumunod tayo sa pag didistansiya
Maniwala tayo’y meron pang pag-asa
Nag-iisa lamang itong pandemiya
9

V. MAIKLING KUWENTO
ANG KASAL NG MGA DUWENDE

Isang araw, matagal na ang nakalipas, umakyat ang mga taga-Melbustad sa mga pastulan
ng burol kasama ang kanilang kawan. Ngunit ilang sandali pa lamang sila roon nang ang mga
baka ay nagsimulang lumaki nang labis na hindi mapakali na imposibleng mapanatili silang
maayos. Ilang iba't ibang dalaga ang sinubukang pangasiwaan ang mga ito, ngunit hindi
nagtagumpay, hanggang sa dumating ang isa na napangasawa, at ang kasal ay kamakailan
lamang ay ipinagdiwang. Pagkatapos ang mga baka ay biglang tumahimik, at madaling hawakan.
Kaya't nanatiling mag-isa ang dalaga sa mga burol na walang ibang kasama kundi isang aso. At
isang hapon habang siya ay nakaupo sa kubo, tila sa kanya ay dumating ang kanyang nobyo,
umupo sa tabi niya, at nagsimulang makipag-usap tungkol sa kanilang pagpapakasal minsan.
Ngunit siya ay nakaupo pa rin at hindi sumagot, dahil napansin niya ang isang kakaiba tungkol
sa kanya. Maya-maya, parami nang paraming tao ang pumasok, at sinimulan nilang takpan ang
mesa ng mga pilak, at dinala ang mga pinggan, at dinala ng mga abay na babae ang koronang
pangkasal, at ang mga palamuti, at isang makisig na damit na pangkasal at binibihisan nila siya,
at inilagay.
Ang korona sa kanyang ulo gaya ng nakaugalian noong mga araw na iyon at nilagyan
nila ng mga singsing ang kanyang mga kamay. At tila sa kanyang tingin ay kilala niya ang lahat
ng mga tao na naroroon, sila ay mga kababaihan ng nayon, at mga batang babae sa kanyang
kaedad. Ngunit alam na alam ng aso na may kakaiba sa lahat ng ito. Bumaba siya sa Melbustad
sa mga lumilipad na paglukso, at napaungol at tumahol sa pinakakalungkot na paraan, at hindi
binigyan ng pahinga ang mga tao hanggang sa sumunod sila sa kanya. Kinuha ng binata na
ikakasal sa dalaga ang kanyang baril, at umakyat sa mga burol, at nang makalapit na siya, may
nakatayong maraming kabayo sa palibot ng kubo, na siniyahan at nakatali. Gumapang siya sa
kubo, tumingin sa isang butas sa dingding, at nakita niya ang isang buong kumpanya na nakaupo
sa loob. Ito ay lubos na maliwanag na sila ay troll, ang mga tao mula sa ilalim ng lupa, angld
kaya siya discharged kanyang baril sa ibabaw ng bubong. Sa sandaling bumukas ang mga pinto,
at maraming bola ng kulay-abo na sinulid, isang mas malaki kaysa sa isa, ang bumaril sa
kanyang mga paa, nang siya ay pumasok, doon ay nakaupo ang dalaga sa kanyang damit- 10
pangkasal, at walang kulang kundi ang singsing sa kanyang maliit na daliri, kung gayon ang
lahat ay kumpleto na.
"Sa ngalan ni Bathala, anong nangyari dito?" Tanong niya habang nakatingin sa paligid.
Lahat ng mga pilak ay nasa mesa, ngunit ang lahat ng masasarap na pagkain ay naging lumot at
pandungahas, at mga palaka at palaka at iba pa.
"Anong ibig sabihin ng lahat?" sabi niya.
"Ikaw ay nakaupo dito sa lahat ng iyong kaluwalhatian, tulad ng isang nobya?" "Paano
mo ako matatanong?" Sagot ng dalaga.
"Ikaw na mismo ang nakaupo dito, at pinag-uusapan ang kasal natin buong hapon!"
"Hindi, kakadating ko lang," sabi niya. "Siguro ibang tao ang kumuha ng porma ko!"
Pagkatapos ay unti-unti siyang natauhan, ngunit hindi nagtagal ay siya na ang lahat, at
sinabi niya kung paano siya matatag na naniniwala na ang kanyang syota mismo, at lahat ng
kanilang mga kaibigan at kamag-anak ay naroon. Diretso niyang dinala siya pabalik sa nayon, at
upang hindi sila matakot sa ganoong demonyo sa hinaharap, ipinagdiwang nila ang kanilang
kasal habang siya ay nakasuot pa rin ng damit pangkasal ng mga nasa ilalim ng lupa. Ang korona
at lahat ng palamuti ay isinabit sa Melbustad at sinasabing doon sila nakabitin hanggang ngayon.

You might also like