You are on page 1of 2

GAWAIN 4.2.

LAKBAY-SANAYSAY

KAGANDAHAN NG BANI ISLAND

Mula pagkabata hilig ko ang pananaliksik sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Sapagkat, ang lahat na
aking nasasaliksik sa labas ng aming probinsiya ay hindi ko pa ito napupuntahan sapagkat wala
pa kaming sapat na pera para sa mga ito. Bilang isang kabataan, ako ay magsisipag upang
makapunta sa iba't ibang lugar na may iba't ibang tanawin. Gawain ko rin ang pumunta sa mga
sakahan at karagatan, upang makatamasa ng katahimikan at makapagrelax. Gusto kong kasama
palagi sa aking paglalakbay ang aking pamilya at iba pang mga mahal ko sa buhay. Kapag ako ay
naglalakbay hilig ko rin ang pagtutuklas sa aking mga bagong nakikita, hindi ko lamang ito
tinitingnan bagkus akin rin itong inaalam. Mausisa ako sa mga bagay bagay kung gayun lahat ng
aking napupuntahan ay hindi lang rin sa aking pamamasyal, kundi para malaman ko ang mga
impormasyon sa mga lugar na iyon.

Isa sa lugar na pinuntahan namin ng aking pamilya ay ang Bani Island, Marson's Beach Resort at
ito ay malayo layo na rin sa aming lugar. Kami ay nagpunta roon noong araw ng Mayo, 2021.
Habang bumabyahe kami papunta roon nakakatanaw ako na iba't ibang magagandang tanawin
sa aming na dadaanan. Bago makarating sa resort na iyon ay tatawid muna kami sa isang
karagatan gamit ang motor pang dagat. Pagdating roon masisilayan ang kagandahan ng beach
na iyon at matatapakan agad ang napakalinaw at malamig na tubig.

Maganda ang pwesto namin roon, maganda ang view at may mga tree house pa. Sa tanghalian,
sabay sabay kaming nagsalosalo ng aking pamilya at nagkwentuhan. Pagsapit ng hapon kami ng
aking pamilya ay naglakad lakad sa gilid ng dagat at sabay rin ang pagkuha ng litrato. Ang Bani
Island ay mat tatlong beach na tinatawag na Marson's Beach, Villa Patria Resort, at Princess
Maria. Bawat Resort na iyong makikita ay may kanya kanyang magagandang puwesto. Masarap
ang hangin roon, mapayapa at magandang magrelax. Buong araw kami naroon at sulit ang
pagpunta namin sa lugar na iyon.

Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay palaging nating pahalagahan ang mga
magagandang lugar na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon, ingatan ito at huwag hahayaang
masira. Palagi rin natin isama ang ating pamilya sa ating karasan dahil sila palagi ang nandiyan
sa ating kasiyahan at kalungkutan.
GAWAIN 4.3.5

POSISYONG PAPEL

PAG-AARAL AY IPAGPATULOY; FACE TO FACE CLASSES AY ITULOY

Sa ngayong panahon ang ating bansa ay nakakaranas ng iba't ibang problema. Isa na rito ay ang
paglaganap ng pandemya sa ating bansa. Marami ang naapektuhan at nabago dahil rito, isa na
rin ang pagbabago sa sector ng edukasyon. Tayong mga kabataan ay kinakailangan na
ipagpatuloy ang ating pag-aaral kung gayun humanap ng alternatibong paraan ang kagawaran
ng edukasyon. Ipanatupad and modular learning at online classes. Ang pagbabago sa edukasyon
ay mahirap para sa lahat gaya ng kakulangan sa kagamitan, kakulangan sa kaalaman, at kawalan
ng internet.

Nang dahil sa maraming hindi magagandang dulot ng modular learning at online class, ang ating
pangulong Rodrigo Duterte ay inaprobahan ang paki-usap ng Commission on Higher Education
(CHED). Nais ng CHED na magkaraoon ng face-to-face classes para sa mga estudyante.
Inaprobahan ito ngunit limitado lamang ang face-to-face classes at para sa 120 paaralan
lamang, 100 public at 20 private paaralan. Magiging ligtas nga ba ang face-to-face classes para
sa lahat?

Sa anunsiyo ng DepEd (Department of Education) noong Disyembre 2, 2021 ang unang linggo
ng mga nag face-to-face classes na mga estudyante at mga guro, walang nag positibo sa corona
virus o covid-19. Kailangan lang sumunod sa mga protocols para maging ligtas ang lahat ng
kasali sa implemintasyon ng face-to-face classes. Pero hindi pa ito sigurado kung ipagpapatuloy
ito at magiging ligtas ang lahat ng kasali rito.

You might also like