You are on page 1of 4

JOSHUA G.

NACARIO
BSED-II

PRE-FINAL-FILIPINO 110
1. DAHILAN KUNG BAKIT LAGGING PUBLIC HOLIDAY ANG SIMULA AT ANG
KATAPUSAN NG RAMADAN.

Ito ay kilala rin bilang “Wakas ng Ramadan” o “Pagtatapos ng Pag-aayuno.” Isang


mahalagang pagdiriwang ang araw ng Eid’l Fitr para sa mga kapatid nating Muslim sa
iba’t ibang panig ng mundo. Sinisimbolo nito ang pagtatapos ng Ramadan kung kailan
isang buong buwan silang nag-ayuno, nagnilay at nagdasal. Ito ang kanilang “Pasko” sa
konteksto ng Kristiyanismo.

Kaakibat ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr ay ang pagpapakain ng mga Muslim na kilala sa


tawag na “zakat al-fitr” at pakikinig sa mga pangaral. Nagkakaroon din ng muling
pagsasama-sama ng mga mag-anak at pagbibigayan ng mga regalo. Tumatagal ito ng
tatlong araw at inaanyayahan ang lahat ng mga estudyante’t manggagawang Muslim na
magpahinga mula sa pag-aaral at pagtatrabaho.

Sinimulang gawing isang national holiday ang araw ng Eid’l Fitr sa taong 2002. Ang
Pilipinas, sa kabila ng mas malaking populasyon ng mga Kristiyano, ang kauna-unahang
nagtatag nito. Ginawa ang proklamasyong ito upang maitaguyod ang kapayapaan at
mabuting pakikisama sa pagitan ng dalawang relihiyon.

2. MAGBAHAGI KAYO KUNG ILANG TAON ANG IPINAGDIRIWANG NA


ANIBAERSARYO NG CHED? TERTIARY EDUCATION NA SUMALI SA TINURANG
SELEBRASYON.

Ang Commission on Higher Education ay nagdiriwang ng ika dalawamput pitong


anibersaryo at Kamakailan nga ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang
Republic Act (RA) No. 11522 na idineklara ang ika-18 araw ng Mayo bilang "National
Higher Education Day" upang gunitain ang pagkakatatag ng anibersaryo ng Commission
on Higher Education (CHED).
Mangunguna ang CHED sa pagdiriwang ng "First National Higher Education Day" at
ang CHED 27th Founding Anniversary mula 17-21 Mayo 2021 na may tema,“PADYAK!
Moving Forward, Claiming Victory for Philippine Higher EducationPamantasan:
Pandayan Tungo sa Kaunlaran ”
Dahil dito, inuutos ng Komisyon ang lahat ng publiko at pribadong institusyon ng mas
mataas na edukasyon at iba pang pangunahing mga stakeholder na lumahok sa nabanggit
na pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kani-kanilang mga aktibidad na
naaayon sa paksang "Moving Forward by Claiming Victory for Philippine Higher
Education".

Bukod dito, na ibinigay sa RA 11522, ang lahat ng mga institusyong mas mataas ang
edukasyon ay dapat magbigay din ng buong suporta at tulong sa paghahanda ng taunang
programa ng mga aktibidad at kaganapan na isasagawa ng CHED sa pagtalima ng mas
mataas na araw ng edukasyon. Ang mga nag-aalala na mas mataas na edukasyon na
institusyon ay hiniling na magsumite at makipag-ugnay sa kani-kanilang tanggapan ng
CHED para sa mga detalye ng kanilang mga aktibidad para sa mas mataas na linggo ng
edukasyon at upang matiyak na ang mga nasabing aktibidad ay naisakatuparan at
naisakatuparan ayon sa pambansang tema.

3. ANO BA ITONG MOVING FORWARD THE PHILIPPINE HIGHER


EDUCATION, MEETING THE EMERGING NEEDS OF ADULT LEARNERS”

ang Commission on Higher Education at ang International Labor Organization -


Philippines ay nangako ng suporta sa Programang Pang-edukasyon ng mga may edad na
magaaral.

Ang CHED ay nagsagawa ng isang webinar na pinamagatang " The Philippine higher
Education, Meeting The Emerging Needs of Adult Learners”"Walang magaaral ang dapat
naiiwan sa pagkakatuto kahit na ano ang edad mo, hindi pa huli na ipagpatuloy ang pag-
aaral," sabi ni CHED Chairman J. Prospero de Vera III sa webinar na pinamagatang
"Moving Forward the The Philippine higher Education, Meeting The Emerging Needs of
Adult Learners”noong Mayo 17, 2021

Ang Pag-aaral kahit Matanda na, sinabi ni De Vera, ay magbubukas ng mga pintuan
upang mapasigla ang edukasyon at lipunan. "Malugod na tinatanggap ng CHED ang ILO
para sa proyektong ito, dahil ang internasyunal na edukasyon ng mga may mataas nae
dad ay isa sa mga pangunahing priyoridad ng Komisyon," dagdag niya sa webinar na isa
sa mga pangunahing kaganapan sa ika-27 Anibersaryo ng ng CHED .

"Dapat mayroong pantay na mga pagkakataon para sa lahat, dahil ito ang mga ugat ng
mas mahusay na trabaho para sa lahat," sabi ng British Ambassador sa Pilipinas na si
Daniel Pruce. "Ang panghabang buhay na pag-aaral ay dapat payagan ang mga
indibidwal na baguhin ang mga karera at manatiling napapanahon sa mga teknolohiya at
hinihikayat nito ang lahat na tiyakin ang higit na pag-access sa pagsasanay," dagdag
niya.

4. IPALIWANAG KUNG ANO ITONG PADYAK SA CHED


Padyak ito ang bagay na dapat gawin upang gumalaw o umusad ang isang bisikleta,
gayon din sap ag aaral nararapat na pumadyak tayo o magsumikap na makamit ang ating
tagumpay, sa tulong ng Commission on Higher Education o CHED ay magagawa nating
makamit ang ating mga pangarap, Nariyan sila nakasubaybay at nakaalay sa mga mag-
aaral na siyang magiging susi upang magkaroon ang bawat isa nang trabaho na
magdudulot ng magandang buhay at pagtaas ng kalidad ng ekonomiya at lipunan na
mayroon tayo ngayon.

5. ANO-ANO ANG INYONG MASASABI KAY RABIYA MATEO BILANG


CANDIDATE NA PANLABAN SA MISS UNIVERSE

Hindi biro ang makapasok sa top 21 ng miss universe sapagkat kailangan mo talagang
makipag pukpukan o maging kumpitensya laban sa iba pang magagaling na mga
kandidata sa buong mundo, gayon pa man kahit hindi nakapasok sa top 10 ang ating
pambato ay hanga parin sa kanya ang mga Pilipino gayon narin ako sapagkat
kinatawanan niya ang ating bansa bilang isa sa may pinaka magagandang dilag sa buong
daigdig sa internasyonal na paligsahan. Hindi man nakuha ni rabiya ang korona ay
mananatili siyang reyna sa puso nang mga Pilipino.

6. NANINIWALA BA KAYONG SI RABIYA MATEO AY RETOKADA?

Maraming kumakalat na balita na may mga binago si rabiya sa ibang parte ng iyang
katawan, Sa una ay hindi rin ako makapaniwala sapagkat ang tunay na kagandahan ay
natural at walang binago o pinaayos, Ako ay naniniwala na mayroon nga siyang pinabago
gaya na lamang ng pagbabago o biglang paglaki ng kanyang dibdib bago pa siya lumaban
ng miss universe, Bagamat mayroon nga siyang pinabago ay nasasakanya na yon at
desisyon nya iyon, kung saan siya magiging masaya ay suporta parin ako sa kanya. Ang
ganda, tapang, at galling na ipinakita niya sa miss universe ay sapat na upang
mapahangga ang buong Pilipino sa kanya.

7. IBAHAGI NINYO ANG ORIENTATION SA FACE TO FACE NA


ISINASAGAWA AT TINATAGUYOD NG CHED?

Ang 2021 National Student Orientation on Going Back to School through Limited Face-
to-Face Classes (LF2F) na may temang “Kabataan sa Bagong Normal Balik Eskwela Na.
#KAMALAYAN Para Sa Estudyante ng Lalong Mataas Na Edukasyon Tungo Sa Ligtas
Na Limited Face-to-Face Classes Kasama ang CHED, DOH, at LGUs noong ika 16 ng
Abril 2021 alas nuwebe gamit ang Zoom, at Livestream sa facebook page ng CHED ang
nasabing webinar ay naglalayon na ihanda ang mga estudyante sa pagbubukas ng ilang
paaralan sa pamamagitan ng limited face to face na mga klase, Ang mga estudyante ay
nararapat na sumunod sa mga health protocol na inilulunsad ng Department of Health
upang matagumpay na maisakatuparan o magawa ang nais ilunsad ng CHED na limited
face to face classes. At bilang isang mag-aaral ay naway makiisa tayo sa laban na ito.
8. ANO – ANO ANG IYONG MASASABI SA COVID 19 VACCINE SA DEPED O
DEPARTMENT OF EDUCATION?
Sa isinusulong na pagpapadali ng pagbubukas ng klase ay nararapat na ang ating mga
guro ay protektado at ligtas laban sa sakit na COVID 19, Sa pamamagitan ng
pagbabakuna sa kanila ay malaking tulong ang magagawa nito upang mapadali ang
pagbubukas ng klase, at magiging Malaki ang tyansa na humina ang bilang ng mga
apektadong Pilipino sa bansa. Kung maari ay ibigay ito ng mas maaga upang sa gayon ay
madali rin tayong makabangon laban sa pandemya.

You might also like