You are on page 1of 4

KURIKULUM SA PANAHON NG MARTIAL LAW AT ANG BAGONG

LIPUNAN

Create a Presidential Commission to Study Philippine Education (PCSPE) ito ay


pinondohan ng Ford Foundation

 Ito ay upang pag-aralan angnaaabot ng edukasyon sa pagtugon nito sa pang-ekonomikong


pangangailangan ng bansa at iakma sa “global economic development.”

 Sa ulat ng PCSPE (Education for National Development, New Patterns, New


Directions) noong 1970, sinabing hindi raw napapakinabangan ng husto ang ating mga
graduate dahil hindi angkop sa manpower requirement ng ekonomiya. Nagpanukalang
baguhin ang pokus ngedukasyon sa bansa sa paghuhubog ng trainable at mobile assembly
line ng mga semi-skilled na manggagawa, farmhand, at mga craftsmen

 Pinalakas ang polytechnic school system at edukasyong bokasyonal parasa suplay ng mga


manggagawa sa mga Multinational Corporation (MNCs). Ipinatupad ang National
College Entrance Examination upang isala angmga estudyanteng didiretso sa higher
education at yung kukuha ngbokasyonal na edukasyon. Binuo ang National Manpower
Youth Council (TESDA ngayon) at Bureau of Non-Formal Education na magtitiyak
natuluy-tuloy ang pagsasanay ng mga kabataan batay sa pangangailanganng mga MNCs
na nakabase sa Pilipinas at batay sa pangangailangan ngpandaigdigang pamilihan. Dahil
sa mga pagbabagong ito, lumitaw ang mgakursong mataas ang demand sa ibang bansa

 Tinugunan ng PCSPE ang papel ng Pilipinas sa pagsuplay ng muranglakas paggawa sa


buong mundo. Sa pagpasok ng Martial Law, lalong tumingkad ang halaga ng sistema ng
edukasyon upang pagsilbihan angpasistang rehimeng US-Marcos. Kailangang baguhin
ang mga aklat ngkasaysayan at kurikulum sa eskuwelahan upang maging katanggap-
tanggap ang “Bagong Lipunan” ni Marcos at itago ang pasistang mukha ng batas militar.

 Noong 1972 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Education Development Act of


1972 na naglalayong magkaroon ng isang “development education” sa susunod na
sampung taon. Gamit ang inisyalna alokasyon na P500 milyon at sa tulong ng WB,
ginabayan nito ang pag-unlad ng ekonomiya sa kanayunan upang mapadali ang
integrasyon nitosa pandaigdigang kapitalistang agrikultura. Ginamit ang dayuhang
kapitalupang lalong patatagin ang pagkiling ng edukasyon sa pagsuplay ng mgabagong
graduate na may sapat na kasanayan at mapapakinabangan nanghusto ng mga dayuhan
Presidential Decree 6

A. “Educational Development Decree of 1972”

Pitong haligi:

1. Pambansang pagkakaisa

2. Pambansang pagkakakilanlan

3. Kaunlaran at kasaganaan

4. Demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao

5. Katarungang panlipunan

6. Internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan

7. kalayaan sa paniniwala

 Itinayo ang mga bagong programa mula sa pondo ng mga dayuhang korporasyon at


bangko na tumutugma sa disenyong inilatag ng PCSPE. Itinatag ang Philippine Center for
Advanced Studies sa UP Los Banos, College of Fisheries sa UP Visayas, Health Sciences
Center sa UP Manila at Asian Institute of Tourism, School of Economics, College of
Business Administration at Transport Training Center sa UP Diliman.

 Luminaw pa ang tunay na layunin ng mga bagong programa saedukasyon nang mismo
ang World Bank ang naglaan ng $767 milyon parasa Textbook Development Program
ng bansa. Ang plano ay angpagsusulat ng mga bagong aklat ng mga guro at estudyante
mula Grade 1hanggang hayskul. Noong 1984, tinatayang may 85-92 milyong kopya
ngmga teksbuk ng WB ang naipamahagi sa mga eskuwelahan sa buong bansa

 Ang humubog sa ating murang kamalayan ay mga aklat na disenyo ng mga dayuhang


may motibo at interes na kontra-Pilipino. Sa kabilang banda, ang mga kursong pilosopiya,
agham panlipunan, sining at literatura, law, education, economics at business ay naging
bahagi naman ngpagpapalaganap ng kulturang maka-US at konserbatibo. Ang mga
paaralan ay naging instrumento para sa indoktrinasyon ng malakolonyal atmalapyudal na
kultura at kaalaman.

 Isinabatas naman ang Education Act of 1982 sa kabila ng malawak na pagtutol mula sa
sektor ng edukasyon.Ito ang nagbigay daan sa malayang pagtataas ng matrikula
samgapribadong paaralan at nagpatindi ng krisis sa edukasyon. Ginawa itoni Marcos
bilang suhol sa mga pribadong paaralan upang suportahan nila ang mga itinakdang
programa’t proyekto ng WB sa edukasyon
 Kahit sa madilim na yugto ng batas militar ay nagawang ipaglaban anginteres ng mga
estudyante at guro sasektor ng edukasyon. Noong 1969, pinangunahan ng Manila Public
School Teachers’ Association ang kauna -unahang mass-leave ng mga guro upang
hilingin ang pagpapatupad ngpagtaas ng sahod at iba pang benepisyo. Pagkaraan ng ilang
linggo aynapatalsik nila ang kinamumuhiang presidente ng pamantasan at ibinigayang
hinihiling nilang pagtaas ng sahod.

 Noong 1978 ay itinayo ang kauna-unahang welgang mga manggagawa sa edukasyon ng


mga empleyado at guro ng Gregorio Araneta University Foundation.

 Hindi na maikaila ng estado ang mahigpit na imperyalistang kontrol saedukasyon ng


bansa. Madaling iugnay ang suporta ng imperyalismo kayMarcos sa makadayuhang
programasa edukasyon ng Pilipinas. Angkahirapan at kalupitang dinanas ng bansa kay
Marcos ay naginghalimbawa upang makita ang katumpakan ng pagkakaroon ng
isangmakabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon
Sanggunian:

https://www.academia.edu/35816310/Kurikulum_Written_Report_docx

You might also like