You are on page 1of 3

Pagkakaiba ng BEC at SEC

COURSE OUTLINE:
BEC: Ibat ibang uri ng aralin batay sa texto ng Araling Panlipunan ang
bumubuo sa bawat markahan. Hiwalay na ituturo ang araling
pangwika(gramatika) at mga aralin sa texto.
2010SEC: Nakatuon lamang sa isang akdang pampanitikan at angkop
naaraling pangwika kasama ang pamantayan sa pagganap ang
bawat markahan. Magkasanib na itututro ang panitikan at gramatika.

CONCEPTUAL FRAMEWORK:
BEC: Lilinang sa apat (4) na Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita,
Pagsulat at Pagbasa para sa Kakayahang Komunikatibo.

2010 SEC: Lilinang sa limang (5) Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita,


Pagsulat, Pagbasa at Panonood (naidagdag ito bilang pag-angkop
sa
makabagong teknolohiya) para sa Kakayahang Komunikatibo at
Kahusayan sa Pag-unawat Pagpapahalagang Literari.

CURRICULUM DESIGN:

BEC: Nagsisimula ang disenyo ng kurikulum sa Mga Layunin (Anu-ano ang


mga layunin sa aralin?), Nilalaman (Ano ang paksa ng aralin?), Mga
Kagamitan (Anu-ano ang mga kagamitang pampagtuturo na gagamitin ng
guro?), Mga Istratehiya (Anu-ano ang mga pamamaraang gagamitin ng guro
sa pagtututro?) at nagtatapos sa Pagtataya (Anu-ano ang mga panukat na
gagamitin ng guro sa pagkatuto ng mag-aaral?).

2010 SEC: Nagsisimula ang disenyo sa (Antas 1) Inaasahang Bunga o


Resulta (Ano ang dapat matutunan ng mag-aaral?), sinusundan ng (Antas
2) Pagtataya (Ano ang inaasahang produkto o pagganap na maipapakita ng
mag-aaral?) at nagtatapos sa(Antas 3)Plano sa Pagkatuto (Anu-ano ang mga
gawaing instruksyunal na gagamitin ng guro at ng mag-aaral?)

LESSON PLAN OUTLINE:


BEC: Ang balangkas ng Banghay-aralin ay pang-isang linggong aralin.
Binubuo ito ng ibat ibang bahagi batay sa araw-araw na talakayan.

2010 SEC: Ang bawat paksa (topic) ay may istandard na Antas 1 at Antas 2
(given). Ang Antas 3 ang maaaring baguhin/ayusin ng guro kung
kinakailangan batay sa
kakayahan ng kanyang mga mag-aaral.

Nangangamba ang Alliance of Concern Teachers (ACT) na matutulad


ang K-12 sa mga nakaraang programang pang-edukasyon ng pamahalaan.
Anng bawat administrasyon ay may programang pang-edukasyon. Noong
panahon ng dating Pangulong Marcos, nariyan ang Program for Decentralized
Education (PRODED); sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino pinatupad
ang Special Education Development Program, sa panahon ni dating
Pangulong Ramos, Education 2000; kay dating Pangulong Estrada ang
Philippine Commission Educational Reform, noong panahon ni dating
Pangulong Arroyo, Reconstructed Basic Education Curriculum. Ayon kay Vice
Chairman Benjamin Valbuena, matapos ang mga programang ito ay
nanatiling mababa ang ating National Achievement Test, International
Achievement Test, International Math and Science Studies at maging ang U.P.
ay pang-200 sa academics excellence sa buong mundo.

Ang paglinang ng kurikulum sa Filipinas ay nagsimula


noong
1970. Ang
rasyonale ng
paglinang na ito ay ang mithiing ang
estudyanteng Filipino samundong mabilis ang pagbabago ay isang mag-aaral
na: (a) may sapat na kakayahan tungo sapanghabambuhay na pagsisikap na
matuto, (b)isang aktibong tagalikha ng kahulugan, (c) may sapat na
kakayahang matuto sa ano mang ibig niyang tuklasin, at (d) may kaalaman
kung paanomatuto. Gaya ng inilalahad sa dokumento ng BEC:
We have to educate our Filipino learners to filter information critically,
seek credible sources of knowledge, and use data and facts creatively so
that they can survive, overcome poverty, raise their personal and national
self-esteem, and realize a gracious life in our risky new world
(DepEd Curriculum sa Mendoza 2003).
Nilalayon ng Basic Education Curriculum (BEC) na maiangat ang
kalidad ng mga mag-aaral na Filipino at ang mga nagtapos na nang may
taglay na panghabambuhay na kakayahang matuto.

You might also like