You are on page 1of 4

*

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may


karaniwang set na pag uugali,ideya at saloobon namumuhay
sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang
isang yunit.
Ang wika pasalita man o pasulat ay isang
instrumentong ginagamit ng mga tao sa pakikipag-ugnayan
nila sa isat isa at ang relasyong panlipunan ay hindi iiral kung
walang wika.Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nag sisilbing
simbolo ng pagkakaisa na nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng
nasabing wika.
Ang wika ay isang produktong sosyal ng kakayahang
magsalita at isang koleksiyon na mahahalagang kumbensiyon
na binuo at ginamit sa isang grupo para magamit ng mga
indibidwal nagiging makabuluhan lamang kung ito ay
nakakonteksto sa loob ng lipunan at ibinabahagi sa iba pang
indibidwal o grupo.
Malaki ang ugnayan ng wika at lipunandahil sa kapwa
nila naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang isa’t isa . Ang
lipunan ay hindi patag o patas na larangan nahahati ang
lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad,
hanapbuhay, interes at iba pang panlipunang sukatan.
ang mga tao ay nag papangkat batay sa mga salik na nabanggit.
Nagbubunsod ito ng pag kakaroon ng iba’t ibang komunidad ng
tagapagsalita o speech community.
Si Dell Hymes ang isa sa mga kauna unahang nag bigay
ng depinisyon kung ano ang speech community.
Ito ay pangkat ng mga tao hindi
lamang gumagamit ng wika sa mag
katulad na paraan kundi nababatid
dnila ang mga patakaran at
pamantayan kung paano ginagamit at
nauunawaan ang mga gawaing pang wika.

Dell Hymes
Sinundan din ito ni Labov na nag sabing nag kakaroon
ng isang speech community kung may pangkat ng mga taong
nag kakaunawaan sa layunin at estilo .
Ayon kay Ocampo (2002) ang pananalita ay isang
panlipunang pagkakakilanlan.
May varayti ng wika ang ginamit sa loob ng lipunan . Ang iba’t
ibang anyo ng wikang ginagamit ng mga speech communities
sa isang lipunan ang pinag aaralan sa sociolinguisti.

You might also like