You are on page 1of 4

Wika ng Lahi

Ang wika ang pagkakakilanlan ng ating lahi. Wika rin ang nagbubuklod sa mga taong bumubuo
ng lipunan. Ang wika ay ang nagsisilbing ilaw na gumagabay sa lipunan upang maitaguyod ang
ating mga layunin at maisulong ang ating mga adhikain. Sa wika nakasalalay ang pag-unlad ng
lipunan at ng mga bumubuo rito.

Ang wika pasalita man o pasulat ay isang instrumentong ginagamit ng mga tao sa lipunan upang
makipag-ugnayan sa isa’t isa at ang relasyong panlipunan ay hindi iiral kung walang wika. Ang
wika ang tuloy sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat isa, ginagamit ito sa
komunikasyon, anunsyo, berbal man o di-berbal. Ang pagkakaroon ng isang wika ay
nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa na nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng nasabing wika.

Ang mga tao sa loob ng lipunan ay nagpapangkat pangkat batay sa antas ng pamumuhay, lahi,
kasarian, edad, interes ng isang tao. Ang mga tao sa loob ng isang komunidad ay nagpapangkat
pangkat base na rin sa kanilang mga kagustuhan. Hindi naman maganda tignan kung ang isang
bata ay nakikita mong nakikisawsaw sa isapan ng matatanda kaya ang bata ay nag hahanap ng
kaniyang makakalaro. Napapangkat pangkat din ang mga tao batay sa kanilang mga interes sa
buhay dahil hindi lahat ng tao sa paligid mo ay mayroong kaparehas ng interes na gusto mo kaya
ang mga tao ay nagtitipon tipon base sa kanilang mga interes sa buhay.

Ayon kay Labov, nagkakaroon ng isang speech community kung may isang pangkat ng mga
taong nagkakaunawaan sa layunin at istilo ng kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila
lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng mga taong hindi kanilang sa pangkat nila. Dito
na pumapasok ang salitang jargon words, dahil na lamang sa pagpapangkat pangkat ng mga tao
sa isang lipunan. Ang mga taong ito ay nagkakaroon ng mga salita na sila lamang ang
nakakaalam ng ibig sabihin. Halimbawa na lamang nito ay ang mga beki na may sarili silang
lengwahe sa tuwing sila ay naguusap usap. Ang mga guro rin sa isang komunidad ay may
sariling jargon words, halimbawa ay ang LP na ang ibig sabihin ay Lesson Plan ngunit iba ang
ibig sabihin nito sa ibang tao.

Socio-linguistics ay isang larangan ng pag- aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba ng wika sa


istruktura ng lipunan. (Paz et al.,2003)( Ang iba’t ibang anyo ng wikang ginagamit ng mga
speech communities sa isang lipunan ang pinag-aaralan sa socio-linguistics. (Sa pananaw ng mga
sosyolingwistiko, may varayti ang wikang ginagamit ng mga tao sa loob ng isang lipunan.

Ang pagkakaiba-iba ng wika ay maiuuri ayon sa dalawang pangunahing dimensyon: Una,


Heograpikong diyalekto ito ay baryasyon ng wika batay sa katangian nito (punto o accent) na
karaniwang ginagamit ng mga tao sa isang rehiyon o pook.(Rubrico,2006) barayti ng wika at
sinasalita ng mas maliit na grupo. Pangalawa, Social dialect o sosyolek ito ay baryasyon ng
wikang ginagamit ng mga speech communities ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad at iba pang
panlipunang sukatan. (Baryasyon ng Wika)

Dahilan ng pag-iiba-iba ngheograpikong diyalekto:

Heograpiyang lokasyon ng mga speech communities

Tumutukoy sa lugar kung saan ginagamit ang mga partikular na wika na pwedeng
pinaghihiwalay ng isang anyo ng tubigan o kabundukan. Halimbawa na lamang nito ay ang
tarlac at pampanga, nakukuha na ng mga tiga tarlac ang punto at dayalekto ng mga taga
pampanga sapagkat magkalapit lamang ang tarlac at pampanga.

Language boundary

Bunga ng migrasyon o paglilipat ng komunidad sa ibang lugar, maaaring dahil sa kalamidad


tulad ng lindol o bagyo, giyera o ang unti-unting pagsasama ng dalawang dating magkahiwalay
na komunidad.
Identidad

Ang matatag at naisasaayos na mga aspekto ng pagkatao: mga bagay na maaaring suriin sa mga
polmularyo ng sensus tulad ng…

Etnisidad

Nasyonalidad

Antas ng kalagayang sosyal

Seks

Kasarian

Edad

•Ang Etnisidad ay ang lugar na iyong kinalakihan o ang lugar kung saan ikaw ay pinanganak. Ito
ang iyong identidad bilang isang pilipino. Halimbawa nito ay ang mga badjao at dumagat.
Samantalang ang Nasyonalidad ay iyong pagkakakilanlan bilang isang mamamayan sa iyong
bansa. Halimbawa nito ay ang Filipino, Korean, Japanese.

•Antas ng kalagayang sosyal ay nahahati sa tatlong antas ang kalagayang sosyal. Ito ay ang
Upper class, Middle class at Lower class.

Identidad ng Pilipino ay sumisentro sa pagkakaiba at pagka-indibidwal; katangiang ipinagkaiba


niya sa iba. Ang identidad ay isang sosyo-historikal na pamamaraan na tumutukoy sa mga
katangian ng pagkakatulad kaugnay sa koneksyon ng isang tao sa iba at sa isang partikular na
pangkat ng tao. Ang identidad ay daynamiko at nakakontekstuwalisadong pagtatamo na
isinagawa sa pakikipag-usap, at nagbabago mula sa isang konteksto patungo sa kasunod.

Diskriminasyon sa lahi
Ang bawat tao ay may karapatang maging Malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig.
Hindi dapat tratuhin nang naiiba dahil sa iyong lahi o ibang dahilan, tulad na lamang ng iyong
kulay o lugar na pinanggalingan.

Ang bawat tao ay may pansariling karapatan. Karapatang mag desisyon, karapatang mamili at
karapatang mamuhay ng normal. Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay isa aa mga problemang
kinahaharap ng bawat tao sa isang komunidad, dahil lamang ang taong ito ay hindi nabibilang sa
kanilang lahi may posibilidad na siya ay makaranas ng diskriminasyon galing sa kaniyang mga
kapitbahay. Isa sa mga dahilan ng diskriminasyon ay kung saang lugar ka nagmula, kung ikaw
ay nanggaling sa isang bansa na natural sa inyo ang pagiging maitim ang kulay, pagdating mo sa
isang komunidad maaaring ikaw ay kanilang buyuin dahil sa iyong kulay.

You might also like