You are on page 1of 13

“ISANG PAG-AARAL SA ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA

BAITANG 11 SA WASTONG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA PAGSULAT NG


EDITORYAL”
PANIMULA

Malaki ang problema ng sistema ng edukasyon sa bansang ito dahil marami ng mga estudyante

ng high school ang di pa marunong magsulat dahil nauusisa sila sa kanilang pagbaybay o

grammar kung tama ba ito o mali, Mas lalong naging madali ang buhay ng mga estudyante at

mag-aaral dahil meron na tayong mga makabagong teknolohiya kagaya ng mga laptop, cellphone

at madami pa na maaring makatulong sa kanilang pag-aaral at sa paggawa ng kanilang mga

takdang aralin. Sa pagdaan ng panahon tila nilalamon na tayo ng mundong teknolohiya. May

mga tao na rin ang nagsasabing hindi sila mabubuhay ng walang internet at cellphone. Parami

nang parami na rin at palawak ng palawak ang mga naiimbentong mga teknolohiya para sa mga

tao. Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag

nito sa pangaraw-araw na pamumuhay natin.

Hanggang ngayon marami pa rin ang hindi nakaaalam na ang Filipino ang wika ng mga

Pilipino. Marami ang nagkakamali sa paggamit ng Filipino at naipalalagay na ito ang mga taong

naninirahan sa Pilipinas. Dapat nang ituwid ang pagkakamaling ito. Malinaw ang nakasaad sa

Saligang batas ng 1987, Seksiyon 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nalilinang ito’y pauunlarin at pagyayamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng

Pilipinas at sa iba pang mga wika. Nakalulungkot na tuwing Agosto lamang lubu–sang

napagtutuunan ng pansin ang ilang problemang may kinalaman sa paggamit ng wikang Filipino.

Sa mga eskuwelahan, kung kailan Agosto saka lamang idinidikdik sa isipan ng mga estudyante

ang tamang paggamit at pagbaybay ng mga salitang Filipino. Para bang ang Filipino ay pana-
panahon lamang kung gamitin. Pagkatapos ng Agosto ay balik sa dati ang mga estudyante sa

pagwawalang-halaga sa wikang pambansa. Bihira pa rin marahil na ang nakaaalam na ang

alfabetong Filipino ay binubuo na ngayon ng 28 letra: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ,

NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W X, Y, Z. Nadagdagan ng walong letra ang dating 20 letra ng

ABAKADA. Naging malaya ang pagbaybay at paggamit sa mga salitang Filipino at ganoon din

sa mga salitang hiram. Karamihan sa mga nasa liblib na barangay ay hindi nalalaman ang

metamorposis ng wikang Filipino. Bihira kasi ang mga nakararating na diyaryong Filipino o

kung mayroon man, hindi makabili dahil sa kahirapan ng buhay.

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nag bibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan

at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay

mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at

pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang

mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon

ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng iba’t ibang paraan upang mas

mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng

bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa

isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng

mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita

na ginagamit noong unang panahon upang mas madali gamitin at mas magandang bigkasin at

pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng balbal na salita, ito ang

pinakamababang antas ng wika na karinawang ginagamit ng mga kabataan.


Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan.
Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa
isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito
ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o
uunland kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo na


patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring
lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na
kadalasan tinatawag na “beki language”. Marami nang nadulot na impluwensya ang mga
pagbabagon ito lalong-lalo na sa mga kabataan.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang kanilang
atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga. Nakakalimutan na nila ang
pangunahing kaalam kagaya ng wastong paggamit ng mga salita at ang kahalagan ng
pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang Filipino.Ayon nga sa
sinabi ng ating naturingang bayani, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa
sa amoy ng malansang isda”. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglikom ng iba-ibang
persepsyon ng kabataan sa pagkilanlan at paggamit sa wikang Filipino sa makabagong panahon.
Upang makalikom ng mga suhestiyon ukol sa paano makisabay sa pagbabago ng ating wika at
makabigay ideya sa kung paano mapapaunlad o mabubuhay ulit ang unti-unti na nating
nakakalimutang wikang Filipino.
Marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang grammar mo sa paghahayag ng
iyong gustong sabihin, basta raw ba naiintindihan ang gustong mong sabihin. Ang problema na
nga, kung mali-mali ang gamit mo ng wika e hindi mo maihahayag nang maayos at nang eksakto
ang gusto mong sabihin. At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag.
Karamihan nang hindi pagkakaintindihan ng mga tao ay bunga lang ng hindi maayos na
paggamit ng salita. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging gamit ay pagsusulat, tanging mga
salita ang pangungusap lang umaasa ang mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya
dahil dito, mapgtatanto talaga kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng mga salita lalong-
lalo na sa wikang Filipino. Lahat ng mga salita na ating ginagamit sa pang araw-araw ay may
tiyak na ibig sabihin o kahulugan. Madalas na nagbabago ang nais na ipahiwatig ng isang
pahayag kapag hindi wasto ang mga salitang ginamit. Karamihan sa ating mga salita ay
ngakakapalit-palit ng gamit sa isang pangungusap. Bunga ito ng pagkukulang ng mga tao sa
pag-intindi sa kahulugan ng mga salita at gamit nito sa pangungusap. Hindi maitatangging
nagdudulot ito ng pagkakamali sa pagbibigay ng tunay na ibig-sabihin ng isang tao sa kaniyang
nais ipahiwatig. Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito ay ginagamitan ng
wastong gamit ng mga salita at kataga. Sa pakikipag talastasan, hindi maitatanggi na madalas
magkamali ang mga tao sa paggamit ng salita.
Ang wikang Filipino ay lubos na mahalaga para sa ating mga mamamayan. Sa paaralan

malalaman natin ang importansya ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika

ay nangangahulugang ito na kalayaan. Ang wikang Filipino ay isang paraan ng komunikyon para

magkaintindihan ang bawat isa. Ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura nating mga

Pilipino kung sino at ano tayo. Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang

pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at political na

pagkakapatiran at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang

bansa. Dapat lang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat ng

kaparaanan . hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon nabibilang, dahil

bilang isang mamamayan sa bansa nakapaluob sating wikang pambansa ang sariling kulturang

tinataglay na pagkakakilanlan ng ating bayan, tungo sa pag- unlad n gating economiya at

katagang politika.
TEORETICAL NA BALANGKAS
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay tungkol sa kahalagahan ng wikang

fiipino bilang wikang pambansa. Isa pang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang

paglagay ng mga piling estudyante sa Grade11 yardenit sa centro de cultura at Sagutin

ang mga sumusunod na katanungan:

1. Gaano nga ba kahalaga ang wikang Filipino bilang wikang pambansa?

2. Paano makakatulong sainyo ang mga makabagong teknolohiya sa inyong pang araw-

araw na pamumuhay?

3. Gaano kayo kadalas gumamit ng cellphone, laptop, etc. sa isang araw?

NULL HAYPOTESIS
Ang makabagong teknolohiya ay maaring makadulot ng masama o ng mabuti sa mga

estudyante, may mga estudyante na hindi alam kung paano limitahan ang paggamit

ng kanilang mga cellphone at iba pa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang epekto ng social media sa mga estudyante, Maaring mabuti o masama ang

dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

 SA MGA MAG-AARAL. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magsisilbing

patnubay at makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at

mapapaunlad ang kanilang pananaw sa social media. Makatutulong in ito upang

maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng social media

bilang instromento pagpapaunlad ng kanilang sarili.

 SA MGA GURO. Upang biyang-ideya ang mga guro tungkol sa social media na

kadalasang pinagtutuunang- pansin ng mga estudyaante sa ngayon. Sa

pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaring gamitin at isagawa ang mga

magiging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga estudyante

ang kanilang lubos na pagkahumaling sa social media.

 TAGAPANGASIWA NG PAARALAN. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag-

aaral na ito ay makatutulong sa pagpapaunlad ng mga programa, proyekto, mga

Gawain at iba pa pang mga hakbang para makatulong sa mga mag-aaral na

mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol dito.


SAKLAW, LAWAK AT DELIMITASYON

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga kahalagahan ng wikang Filipino, bilang

wikang bansa . ito ay isasagawa upang makasagap ng kaalaman at ideya patungkol sa

mga mahahalagang epekto ng paggamit na ating sariling wika para sa komunikasyon sa

loob ng kultura at aspeto ng lipunan. Ang wika ay kaluluwang bansa at salamin ng

lipunan. Ang pag-aaral na ito ay kinabibilangan ng 25 na piling mag-aaral sa kung ilang

taon na sila nag-aaral sa Centro de Cultura.


KAHULUGAN NG TEMINO

Ang kahulugang ibibigay sa mga salita ay kung paano sila ginamit sa research…

Wikang Filipino – Wikang opisyal ng Pilipinas

Wikang banyaga – Mga wika na taga ibang bansa

Multilinggwal – paggamit o pakikipagugnayan sa iba ng tatlo o higit pang wika o lengguahe

Multicultural – pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao

Aparato – kagamitan

Arbitrayo – walang tiyak na batayan

Kuro kuro – mga sabi- sabi o opinion

Desidido – determinado; mayroong paninindigan

Madla – grupo ng tao

Sibilisasyon – estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar

Grammar – gabay sa tamang pagsama – sama ng mga salita

Komunikasyon – ang komunikasyon ay ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon.

Linggwistika – pag – aaral sa wika ng isang taong tinatawag na dalubwika

Payabungin – ang kahulugan ng payabungin ay paunlarin

Balarila – ang balarila ay ang pagaaral hinggil sa isang wika


KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Edward Sapir, Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng

mga kaisipan, mithiin, at damdamin.

Si Caroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming daan na

taon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay

tinutukoy sa isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa

iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino/Filipino: Do they Differ

sa bisa ng Executive Order No. 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng

Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001 ) sapagkat ang PIlipinas ay multilinggwal at

multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak ng isla ng iisang mithiin na ipinapahayag

hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum ng

Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang

baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

DAYUHANG LITERATURA
Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquasition Device (LAD.

Idinagdag niya na lahat ay ipinanganak na may isang uri ng unibersal na gramatika sa kanilang

talino – mga pangunahing panuntunan na katulad sa lahat ng wika.

Antonio Piafetta noong 1525, Mas maaga pa daw na pormalisa ang Wikang Filipino ngayon

kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang lugar na naiintindihan sa kahit

saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin nito ay

nagkakisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay ang

pangunahin at pinaka-detalyado na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolo na ito ay

binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at

pattern ng lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang simbolong ito ay

mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang

hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang

matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang

mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa

pamamagitan nito, ang mga sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa

nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay

naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan

ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspetong intelekwal, sikolohikal, at kultura. Ganito rin kaya

ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating Wikang

Filipino
Ayon kay Hill (Sa Tumangan et al., 2000) at Gleason (Sa Tumangan, el al., 2000) ang wika ay

nababago. Ang wika ay dinamiko. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wikang

hindi tumatagal ay maari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang

wika? Ang isang wika ay maaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Ang bunga ng

pagiging malikhaing tao, maaring sila ang nakakalikha ng mga bagong salita. Ang

pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. Samantala,

kailangan din na lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-uunlad ng teknolohiya at

sensya. Ang bunga nito, Ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral

noon. May mga salita ring maaaring nawala sapagkat hindi na ito ginagamit.

Ayon kay Thomas Caryle itinuturing ang wika bilang salot ng kaisipan; gayunman, mas angkop

marahil sabihin na ang wika ay saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan.

You might also like