You are on page 1of 7

ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG MGA PANUTO AT BABALA SA MGA

PAMPUBLIKONG ESPASYO NG LUNGSOD NG CALAPAN

ISANG PAGSUSURI

Bilang Bahagi ng Pangangailangan

Sa FILIPINO 111

ni:

AL FRANCIS MAZON
Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Ang wika ay kasa-kasama na natin buhat pa lamang ng tayo ay


isilang. Sa araw-araw nating paggising ay wika na agad ang
bubungad sa atin. Pagmulat pa lamang ng ating mga mata ay wika
na agad ang naririnig ng ating mga tainga. Isa rin sa mga
pamamaraan kung bakit tayo ay nakaiintindi ng wika ay sa
pamamagitan ng ating mga mata. Sa tulong ng ating mga mata ay
nakababasa tayo ng salita at sa ganitong pamamaraan ay
naipararating sa atin ang isang mensahe sa paraang hindi
pasalita.

Ayon kay Gorter (2006), ang wika ay nakapalibot sa atin sa


tekstwal na porma na kalimitan ay makikita natin sa mga
tindahan, karatula, poster, pantrapikong sign at iba pa, kaya
lamang ay hindi natin ito napapansin.

Ayon naman kina Laundry at Bouhris (1997), ang wika ay


ginagamit sa mga sign sa mga pampublikong kalsada, mga
advertising billboards, pangalan ng kalsada, lugar, sign ng mga
tindahan at mga gusaling pampamahalaan na pinagsama-sama upang
mabuo ang tanawing pangwika ng isang lugar o rehiyon.

Ang mga signs ay ginagamit upang magpakalat ng mga


impormasyon sa publiko katulad ng mga topograpikong impormasyon,
direksyon, mga babala at iba pa. (Backhaus, 2007)

Napakahalaga ng mga signs at karatula na kalimitan ay

nakikita at nasasalubong natin sa ating araw-araw na

pakikipagtransaksyon sa ibat-ibang tao. Layunin ng mga ito na


mabigyan tayo ng tamang impormasyon, madala tayo sa tamang lugar

na nais nating puntahan at mapadali ang ating mga gawain.

Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay

naiisakatuparan ang mga layunin ng mga ito. Mapapansin na naging

problema na sa mga pampublikong espasyo ang mga signs na hindi

nasusunod ng mga tao. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa hindi

pagkaintindi ng mga panuto at babala na nakasulat sa mga signs

at karatula ay ang wikang ginagamit rito.

Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang


mga wikang ginagamit sa panuto at babalang makikita sa mga
pampublikong espasyo sa Lungsod ng Calapan. May mga espisipikong
layunin ang pananaliksik. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Tukuyin ang mga wikang ginamit sa mga panuto at babalang


matatagpuan sa mga pampublikong espasyo sa Lungsid ng
Calapan?
2. Tukuyin ang epekto ng mga wikang ginamit sa mga panuto at
babala.
3. Maglatag ng ilang paraan kung paano magkakaroon ng mga
panuto at babala na naiintindihan ng mas nakararami.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mananaliksik na ipabatid sa


nakararami ang mga katotohanang napapaloob sa pagsusuri ng mga
wikang ginagamit sa mga panuto at babala sa pampublikong
espasyo. Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging mahalaga,
makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga
sumusunod:

Mga Mananaliksik. Ang mga impormasyong makakalap nila ay


magsisilbing patnubay sa mga susunod pang mga pag-aaral at
magiging malaking tulong ito sa mga mananaliksik upang makapag-
ambag ng makabuluhang kaalaman tungkol sa mga wikang ginagamit
sa mga panuto at babala. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbi
ring sanggunian at mapagkukunan ng mga impormasyon ng mga
mananaliksik hinggil sa epektibong wika sa mga panuto at babala.
Mga Mag-aaral. Ito ay makapagdadagdag sa kanilang mga kaalaman
na siyang magsisilbing gabay sa kanilang mabisang
pakikipagkomunikasyon. Ito rin ay magsisilbi bilang isang
pagsasanay sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang pang-
akademiko.
Mga Ordinaryong Mamamayan. Ito ay maaaring magsilbing daan upang
matukoy ang isang wikang epektibong gamitin sa mga panuto at
babala sa mga pampublikong espasyo na malaki ang maitutulong sa
araw-araw na pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan.

Paglalahad ng Suliranin

Isa sa mga suliranin na madalas maranasan ng mga


ordinaryong mamamayan sa mga pampublikong espasyo ay ang hindi
pagkaintindi sa mga hindi pamilyar na mga karatula ng mga panuto
at babala. Dahil dito, hindi nagiging organisado at madalas ay
nagkakaroon ng pagkaantala sa ilang mga proseso at transakyon.
Sa pag-aaral na ito, nais bigyang kasagutan ng mga mananaliksik
ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga mga wikang ginamit sa mga panuto at


babalang matatagpuan sa mga pampublikong espasyo sa
Lungsid ng Calapan?
2. Ano-ano ang epekto ng mga wikang ginamit sa mga panuto
at babala?

3. Ano-ano ang mga paraan kung paano magkakaroon ng mga

panuto at babala na naiintindihan ng mas nakararami?


Balangkas Konseptwal

Ang balangkas konseptwal o “conceptual framework” ng pag-


aaral na ito ay ginamitan ng input-process-output na modelo.
Sinasaliksik ng pag- aaral na ito ang mga sumusunod na input na
siyang pumapatungkol sa problemang sinisiyasat upang matugunan,
at siyang sentro ng pag-aaral na ito.

Input Proseso Awtput

 Mga wikang ginamit  Paggawa ng mga  Pamimigay ng mga


sa mga panuto at katanungan o flyers at leaflets
babala sa kwestyoneyr at na naglalaman ng
 Pamilyaridad sa checklist ng mga impormasyon na
mga signages at wikang ginamit sa ang layunin ay
karatula na mga panuto at bigyan ng
naglalaman ng mga babala pamilyarisasyon at
panuto at babala kaalaman ang mga
 Epekto ng wikang  Pagsasagawa ng mamamayan sa mga
ginamit sa resulta sarbey sa panuto at
ng paglalagay ng babala sa mga
mga panuto at pampublikong
 Pagsusuri ng mga espasyo.
babala
nakalap na datos

Pigura 1. Paradaym ng Pag-aaral


 Ang Pigura 1 ay nagpapakita ng balangkas konseptwal ng
pananaliksik. Inilalahad ng input na kuwadro ang mga wikang
ginamit sa mga panuto at babala na makikita sa mga
pampublikong espasyo, pamilyaridad sa mga ito at kung ano
ang mga naging epekto nito. Samantala, ang kuwadro ng
proseso ay tumutukoy sa mga hakbang ng mananaliksik sa
pagkuha ng datos saklaw ang paggawa ng mga katanungan o
kwestyoneyr at checklist, pagsasagawa ng sarbey at
pagsusuri ng mga nakalap na datos. Ang awtput na kuwadro ay
sumasaklaw sa mga hakbang na maaring gawin upang mabigyang
solusyon ang problemang kinakaharap ukol sa mga panuto at
babala sa mga pampublikong espasyo. Maaring gamitin dito ay
ang pamimigay ng mga flyers at leaflets na naglalaman ng mga
impormasyon na ang layunin ay bigyan ng pamilyarisasyon at
kaalaman ang mga mamamayan sa mga sa panuto at babala sa mga
pampublikong espasyo.

You might also like